Chapter 46

Celeste’s POV

I was just looking at them. They looked so happy while I’m here wondering what’s going on. Bakit ko pa nga ba iniisip gayong nasa harapan ko na ang sagot.

“Hey, aren’t you excited?”tanong sa akin ni Lyle habang nakangiti. Tinignan ko lang siya at sumunod sa kanila. Binaba na ako ni Lyle at hawak hawak na lang ang tali ko. Ni hindi na nila napansin pa ang tingin ko dahil busy na sila sa pagkukwentuhan.

“Wow!”malakas na saad ni Zen nang makita ang loob, tinignan niya pa ako na hinihintay ang magiging reaksiyon ko dahil parehas kaming mahilig magreact kapag ganitong may mga magagandang lugar na pinupuntahan.

Magkasundong magkasundo kami pagdating sa ganitong bagay ngunit hindi ko magawang maging masaya ngayon habang pinagmamasdan siya. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang lahat ngunit hindi ko magawa.

“Come on, let’s go, Heaven.”nakangiti niyang saad sa akin at binuhat pa ako. Malaki ang ngiti nito habang naglilibot kami dito samantalang wala naman silang makikitang tuwa sa akin.

Hindi rin naman nila ‘yon napapansin dahil busy’ng busy silang magkwentuhan. Abala sa pakikinig si Lyle habang nagkukwento si Zen habang ako naman ay pinagmamasdan at pinanonood lang sila.

“Wow! That’s one of a big fish out there.”tuwang tuwang saad ni Zen. Pinagmamasdan ko naman ang reaksiyon ni Lyle habang nakatingim dito. He was smiling the whole time habang pinapanood si Zen na tuwang tuwa sa nakikita.

Ni hindi nga ako nito mabalingan ng tingin dahil na kay Zen lang ang atensiyon nito.

“Is that a mermaid?!”malakas na tanong ni Zen nang makakita ng taong lumalangoy sa aquarium, may buntot kasi ito.

“I think one of your wish came true, ha?”nakangiting tanong ni Lyle. Pakiramdam ko siya ang may kagagawan kung bakit may mermaid na nasa loob ng aquarium ngayon, he pulled some strings nanaman at para nanaman ‘yon kay Zen.

Hindi naman makapagsalita si Zen dahil sa aquarium lang ang tingin nito. Ang mga ngiti niya ay walang katumbas.

Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanila at hind ko magawang matuwa sa lahat ng pinupuntahan namin.

“I guess you’re not fond of water, Heaven?”natatawang tanong ni Lyle. Hindi ko pinansin ang sinabi nito.

Kung saan saan pa kami pumunta pagkatapos ngunit wala na ako sa mood, maski sa pagkain ay hindi ko magawang matuwa. Para bang unti unti nanaman akong nilalamon ng selos.

“Thanks for the ride, Boss.”nakangiting sambit ni Zen kay Lyle nang ihatid namin ito sa bahay nila. Parehas silang malapad ang ngiti ni Lyle.

“And thanks for today.”sabi pa nito.

“It’s not for you, it’s for Heaven.”sino nga ba ang niloloko mo dito, Lyle, gayong alam naman namin kung para kanino ‘yon.

“Salamat pa rin, Boss.”sabi nito at ngumiti pa.

“Yeah, sure.”nakangiting saad ni Lyle at kumaway na rin dito. Pasakay na sana sa kotse niya kaya lang ay may lumabas na batang lalaki.

“Ate! Is that Kuya Presley?”nakangiti nitong tanong sa kapatid. Alanganin naman na ngumiti si Zen dito.

“Ahh, oo, Del.”sabi ni Zen at nginitian ang batang lalaki. Napatingin naman si Lyle dito.

“Ahh. This is Del, Sir, my brother, Del, it’s Sir Presley, my boss.”sabi nito at umakbay sa bata.

“Hi, Kuya, Ma! May kasama si Ate!”sigaw nito mula sa labas na mukhang dinig na dinig naman sa bahay nila.

Lumabas naman ang isang ginang na mukhang simpleng simple lang din katulad ni Zen.

“Oh, sino ba ‘yan? Papasukin niyo dito, sakto’t kaluluto ko lang.”sabi ng ginang na nasa harap ng pinto. Mukha namang nahiya si Zen dahil dito.

“Ma! Katatapos lang po naming kumain.”sabi niya dito.

“Kuya, masamang tumanggi sa grasya.”sabi ng batang lalaki kaya napatawa nang mahina si Lyle.

“Alright, I’ll eat.”sabi ni Lyle na sumang-ayon dito. Napangiti naman ang bata dahil dito. Wala naman ng nagawa si Zen kung hindi ang pumasok sa loob at igiya si Lyle.

“Hey!”nakangiting sabi sa akin ng batang lalaki na nagngangalang Del.

“You’re cute but I can’t bring you inside the house, my Lola really hates fury things. I’ll just play with you here, is it okay?”nakangiti nitong saad habang hawak hawak ako. Ni hindi man lang ata napansin nina Lyle na wala na ako sa kanila.

Napatingin naman ako nang bumalik si Lyle at agad niya akong tinignan.

“Heaven, what are you still doing there? Come on, we’ll eat.”sabi niya sa akin.

“Kuya, my grandma’s allergic with fury po.”sabi ni Del na malungkot na nakatungin dito.

“Oh..”sabi niya habang nakatingin sa akin. Para na rin silang magmimeet the parent ni Zen kaya agad akong napatahol dahil dito.

“I guess I won’t able to eat here tonight?”nakangiti niyang tanong na napakibit ng balikat. Akala ko kung anong gagawin niya pagkapasok ngunit narinig ko siyang nagpapaalam na sa magulang ni Zen.

“I don’t think I can eat dinner with you, Ma’am.”sabi niya sa kanila at ngumiti dito.

“Ha? Bakit naman hindi?”tanong nito.

“Heaven seems really tired tonight.”sabi nito at ngumiti.

“Oh.. Then next time?”nakangiti nitong tanong habang iginigiya si Lyle palabas.

“Sure, Ma’am.”sabi ni Lyle dito. Si Zen naman ay nakasunod lang sa kanilang dalawa at pinapanood ang Mama niya at si Lyle na nag-uusap.

Ano ba ‘yan? Pumasok lang pala sa loob hindi pa tuluyang umuwi kanina.

“Ingat kayo!”sabi ng Mama nito at ngumiti. Tumango lang naman si Lyle at ngumiti. Hindi ko namang maiwasang mapatingin sa kaniya. Mukhang mabait ang Mama nito hindi tulad ni Mommy na unang meet pa lang kay Lyle ay ayaw niya na agad.

Ni sinusungitan na agad nito ito. Agad naman akong napatahol sa takot. Sa takot na baka tuluyan niya ng magustuhan si Zen kahit hindi ako sigurado kung gusto nga ba talaga niya ito.

“Kayo rin po, Ma’am.”sabi ni Lyle at ngumiti dito.

“Mukhang naiinip na nga talaga ang alaga mo.”nakangiti nitong saad.

“Mag-ingat sa pagdadrive, Sir.”sabi pa niya kay Lyle. Napatango naman si Lyle dito at mapapad na napangiti.

“Zen, ano pang ginagawa mo? Ihatid mo na sila palabas.”sabi ng Mama nito at tinulak pa ng mahina si Zen, ‘yon naman ang ginawa ni Zen.

“You have a nice Mom.”nakangiting sambit ni Lyle dito. Hindi ko kailanman na nakita itong ganito kalapad ang ngiti kapag namimeet niya si Mommy. Lagi ay kabado ito at lagi ring hindi mapakali.

“Ahh, opo, masiyadong mabait kaya akala hindi nagagalit. Kaya madalas abusuhin.”sabi ni Zen na napailing pa. Napatingin naman si Lyle sa kanya dahil dito. Ngumiti na lang si Zen dahil dito.

“Ingat sa pagdadrive.”nakangiti nitong saad.

“Bye, Heaven.”sabi niya at kumaway sa akin. Ngumiti na lang si Lyle.

Sumakay na ito sa kotse niya habang ako naman ay nakatingin lang kay Zen na kumakaway sa amin paalis.

“Did you enjoy this day, Heaven?”nakangiting tanong ni Lyle sa akin. Paano ako mag-eenjoy?

Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay panay lang ang tanong at pangungulit niya sa akin. It’s Diego christening tomorrow, mabuti na lang na libangin ko ang sarili kaysa mag-isip pa ng kung ano ano.

Pagkagising ko kinaumagahan. Bumalik naman ang pagiging masiyahin ko. Agad kong tinahulan si Lyle dahil dito.

Tulog na tulog pa ang mokong, paano’y nagpuyat nanaman sa kanyang trabaho.

“Good morning, Heaven..”bulong niya na pinapak ako ng halik.

“Aba, masigla nanaman.”natatawa nitong sambit.

“Ate you excited with Diego’s christening?”tanong niya. Sumagot naman ako sa pamamagitan ng pagtahol at pagkawag ng buntot. Natawa naman siya sa akin dahil dito.

Niliguan naman na niya ako kahit hindi naman ako sasama sa simbahan. Paniguradong idederetso niya na ako sa bahay nina Judy.

Pumili pa ito ng mga kapapatahi niyang mga damit ko. Napili niya naman ang isang ternong sky blue na headband at damit. Nagthumbs up pa siya sa akin nang makitang maayos na ako.

“Ganda naman.”sabi niya na nakangiti sa akin. I know, Lyle.

“I should take a bath now or else we’ll be late.”sabi niya na sinabit na sa kanyang balikat ang tuwalya saka pumasok sa loob ng cr.

Halos magulo ko na rin naman ang suot na damit kakaikot at kakatakbo dito sa loob ng penthouse.

“Hey, kakaayos ko lang sayo, aba.”sabi ni Lyle na nakapamewang pa sa gilid habang tinitignan ako. Pinanliitan pa ako nito ng mata. Natawa na lang ako sa kanyang isipan. Maya-maya ay tumakbo pa sa lamesa, pilit inaabot ang malaking box na regalo niya kay Diego.

Maraming damit dito at may iilan ding laruan. Kung ano ano lang ang binili niya noong isang araw. Swerte ng inaanak niya sa kanya. Kaya maganda ‘tong maging ninong e pero mas magandang maging asawa.

“Let’s go..”pakanta niya pang saad na binuhat na ang malaking box habang hawak niya ang tali ko sa kabilang kamay.

“Wow, saan ang punta, Tol?”tanong ni Harver nang makita kami ni Lyle dito sa may elevator. Lagi na lang talaga kaming nagkikita dito.

“Joke.”natatawa niyang saad dahil mukhang patungo rin siya sa binyag ni Diego. Well, kilala niya naman si Judy at nakakasama rin namin ito sa ibang gala namin.

“Aba, sarap namang maging ninong nito. Paapply naman, ssob.”natatawang biro ni Harver sa kanya. Napailing na lang na natatawa si Lyle dito.

“Oh, shut up, bro.”natatawang saad nito.

“Isasama mo si Heaven?”tanong niya habang nakatingin sa akin. Simple lang namang tumango si Lyle dito.

Napakibit na lang ng balikat si Harver. Akala ko’y idadaan muna ako ni Lyle sa bahay nina Judy ngunit nagulat ako nang isama ako nito sa simbahan. I missed being in church pero alam ko naman na baka makaabala ako sa ibang tao.

“Hey.”nakangiting bati ni Michael sa amin. Kumaway pa ito sa akin. Napatingin naman ako sa cute na cute na si Diego, halos pananggigilan ito ng kanyang mga Ninong at Ninang na sobrang dami.

Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Diego at tinitigan niya ako bago siya ngumiti. Napangiti na lang din ako dahil dito.

“Ang cute..”tuwang tuwa nilang saad sa kanya.

Maya-maya ay pinapasok na sila sa loob. Hindi naman na ako nagtangka pang pumasok. Nagpaalam sa akin si Lyle at iniwan muna ako dito kay Mommy na siyang kasama ni Ate Loxy. Ninang ang Ate e.

Nag-aabang lang naman ako dito sa labas at pasilip silip lang kahit na kinakalaro ako ni Mommy. Medyo natagalan din bago sila nagsilabasan. Siguro’y nagkuhanan pa ng litrato. If I were here being Celes the human, I would be there taking picture together with Diego and others but sad to say, I’m now just a dog.

“Where’s the last godmother of Diego?”tanong ni Judy na lumabas pa. Napatingin naman ako sa paligid ngunit wala na akong makitang iba pa kung hindi sina Mommy, Daddy at si Tito na lang.

“There you are!”nakangiti nitong sambit na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa likod para siguraduhin kung ako nga ba talaga ang tinitignan nito.

“Hey! Come here, you’re Diego’s godmother. Do you promise to take care of him when we’re not around?”tanong niya sa akin habang nakangiti. Napatahol naman ako dito at kumawag kawag pa ang buntot.

I never heard that dog can be a godparent too. Maybe this will be the first time?

Hindi naman na mawala ang saya na nararamdaman ko dahil dito. Pinasok naman nila ako sa loob. Hindi ako nagtangkang mag-ingay o ano. Nanatili lang akong tahimik sa tuwa na rin siguro na nararamdaman ko ngayon.

“Say cheese!”nakangiting sambit sa akin ni Judy. Si Lyle naman ay malapad ang ngiti habang nakatingin sa akin sa isang tabi.

Napatingin naman sa akin si Diego. Tinitigan niya lang ako. Maya-maya ay humagikhik ito habang hinahawakan ako. Napatawa naman ang mga nanonood sa amin habang kinukuhanan kaming litrato.

“Awwe, cute..”bulong nila habang nakatingin sa aming dalawa.

It never really crossed my mind that I’ll be Diego’s godparent o baka may sira na rin talaga sa ulo si Judy. Natawa naman ako sa sariling naisip dahil dito.

Atleast, natupad ko ‘yong pangako kong maging ninang ng magiging anak niya. Kusa na lang akong napangiti dahil dito.