Chapter 45
Celeste’s POV
“Let’s go.”sabi ni Lyle sa akin habang inaayos pa ang neck tie niya. Patungo kami sa office niya ngayon. Ang huling punta ko doon ay ‘yong araw na nakarinig ng masama si Zen mula sa kanyang mga katrabaho.
Hindi ko alam pero may hindi ako magandang nararamdaman sa pagtungo sa opisina ni Lyle kaya ayaw kong pumunta at ayaw ko ring sumama. Ngayon lang ulit ako ginanahang sumama sa kanya dahil kakain daw kami pagkatapos saka hindi rin naman bukas ang pet house ngayon dahil nagreready sina Michael para sa binyag ni Diego.
Nang makarating kami sa office, as usual binati nanaman ito ng kanyang mga kaopisina. Ngiti at tango lang naman ang binibigay ni Lyle sa kanila.
“Heaven! Nandito ka.”sabi ni Zen na niyakap ako nang makitang kasama ni Lyle. Tinahulan ko naman siya, kumawag kawag pa ang buntot habang nakatingin sa kanya. Hindi, wala talaga ako dito, Zen.
“Good morning!”bati niya pa na pinanggigilan ako. Sumunod siya sa amin ni Lyle pagpasok at iniabot ang folder na mukhang kailangan basahin ni Lyle.
“It’s been how many months na since you visited the office.”sabi sa akin ni Zen na nakangiti. Nagkikita naman kami paminsan minsan. Dumadalaw ito sa pet house after ng work.
“Boss, Mrs. Laxamana wishes to have a picture of you daw para sa front ng magazine.”sabi ni Zen nang may maalala.
“Gusto daw nito ng litrato mo dahil noong nakaraan na interview, bentang benta daw ang mga magazine.”sabi ni Zen sa kanya.
“Alright, tell her to come here.”sabi ni Lyle kay Zen. Tumango naman ito at maya-maya ay may tinatawagan na.
Si Lyle naman ay napapatingin sa akin. Pahikab hikab lang ako dahil ang aga aga niya akong ginising para lang isama dito sa office niya. Miss ata ako masiyado.
“Why? Are you bored here? Don’t worry we’ll eat and try to go somewhere later.”sabi niya sa akin. Napatango na lang ako at kumawag kawag pa ang buntot nang makarinig ng pasiyal. Natawa naman siya sa akin dahil dito.
“They’ll go daw ngayon, Boss, ASAP.”sabi ni Zen.
“As in now?”tanong naman ni Lyle ngunit tumango lang din naman at kalmadong bumalik sa kanyang pinipirmahan.
Maya-maya ay dumating na nga rin sina Mrs Laxamana kasama ang mga photographer nito.
“Good morning, Mr. Fuentes. Sorry to brag in your office early this morning.”sabi ni Mrs. Laxamana at nakipagkamay pa dito.
“No worries, Mrs. Laxamana.”sabi naman ni Lyle at ngumiti dito.
“We’ll just take a photo of you tutal ay tapos naman na ang interview.”sabi pa nito. Tumango naman si Lyle. Nagphoto shoot lang sila dito sa office habang ako naman ay nanonood lang.
“Hey, your dog is here, can we take a photo of her too?”tanong ni Mrs. Laxamana. Napatingin naman sa akin si Lyle. Sasagot na sana ito nang ako na mismo ang lumapit. Natawa naman sa akin si Mrs. Laxamana.
“Seems like your dog really fond of cameras.”natatawa nitong saad. Napatawa na lang si Lyle dahil totoo rin naman talaga ‘yon.
Kinuhanan naman ako nito ng litrato, maya-maya ay kasama naman na si Lyle.
“I like it!”nakangiting saad ni Mrs. Laxamana habang nakatingin sa nga litratong nakuha niya.
“Pwedeng pwede ang aso mo sa mga photo shoot, contact me if you wanted her to give it a try.”nakangiting saad ni Mrs Laxamana. Mahilig talaga itong kumuha ng mga modelo para sa kompanya nila.
Napatango na lang si Lyle pero sa tingin ko hindi rin naman nito kokontakin si Mrs. Laxamana.
“Thanks for your time Mr. Fuentes.”sabi pa nito bago kumaway paalis kasama ang kanyang mga staff. Tumango lang naman si Lyle at ginulo ang balahibo ko nang tuluyan na silang makaalis.
“Good job, Heaven..”bulong niya sa akin at malapad akong nginitian. Aba, hindi pwedeng good job lang, dapat ay may pagkain ako kahit halos kaalmusal lang namin sa bahay.
May dala dala itong paperbag na sigurado ko namang may laman na pagkain dahil nilalagyan niya ‘yon kanina ng laman. Agad naman akong napapunta sa kanya at sinubukang hanapin ‘yon. Agad ko namang nakita na nasa gilid niya lang.
“Hey, it’s not for you, Heaven.”natatawa niyang saad nang kinakalikot ko na ‘yon. Natatawa siya ngunit hindi ko naman magawang matuwa. Natigilan ako at napatingin sa kanya. If it’s not for me then for whom?
Tinignan ko naman siya, sigurado akong wala siyang makikitang emosiyon sa akin dahil maski ako hindi alam kung ano nga ba ‘tong nararamdaman.
“What does it look for?”natatawa niyang tanong nang makita ang tingin ko sa kanya. Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng tuwa habang tinitignan siya.
“Fine, just eat it.”sabi niya na nginitian ako ngunit agad akonf umalis doon. If it’s not for me then it’s not, hindi ko naman kakainin ang hindi para sa akin.
“Aba, nagtatampo ka ba?”natatawa niyang tanong at nilapitan ako. Hindi naman ako nagtatampo, it’s just that napapaisip lang ako kung para kanino nga ba talaga ‘yon o baka naman pinag-iisip ko lang ang sarili ko. Napailing na lang ako dahil dito.
“I’ll just buy you something later, okay?”nakangiti niyang tanong sa akin. Napatahol na lang ako at kumawag kawag pa ang buntot. Hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
Patakbo takbo lang ako dito sa loob ng office niya habang kagat kagat ang stuff toy na bigay sa akin ni Zen noong nakaraan. Tinawanan naman ako ni Lyle nang makita niya akong nalilibang.
Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ako at hininto ang ginagawa.
“You’re distracting me, Heaven.”natatawa niyang saad ngunit naiiling din naman sa akin. Sinama sama ako dito tapos ngayon sasabihing nadidistract siya.
Hinayaan niya na lang ako at napatuloy sa ginagawa ngunit paminsan minsan ay natatawa na lang na sinusulyapan ako. May iilan pang business partner siyang nagtungo dito at talaga namang napapatingin ang mga ito sa akin kapag nakikita nilang prenteng prente akong nakaupo sa sofa. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalaro.
“Psst... want to eat somw kwek kwek?”tanong sa akin ni Zen nang makita niya akong pagod na kakatakbo.
“Where are you two going again?”tanong ni Lyle na siyang nakatayo lang sa gilid habang nakasandal. Pinagtaasan niya pa kami ng kilay na dalawa ni Zen.
“We’ll just buy some snack downstair, Boss.”nakangiti nitong saad.
“Yeah, sure.”sabi ni Lyle ngunit nakasunod nanaman sa amin. Napakamot naman sa kanyang ulo si Zen at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo kay Manong na pinagbibilhan namin ng kwek kwek noon.
“Boss, hindi ka pwede do’n.”alanganin na saad ni Zen dahil hindi naman kumakain si Lyle ng street foods. Or I think?
“What?”tanong niya at nagpatuloy na sa paglalakad patungo doon.
“Boss!”nagulat naman ang ilang nagtutusok nang makita ang amo nila. Tinanguan lang sila ni Lyle dahil dito.
Mukhang kumakain din naman talaga siya nito, well, hindi ko matandaan kung niyaya niya ba akong kumain ng ganito noon o hindi. Hindi ko alam.
Patusok tusok lang siya habang si Zen naman ay hindi mapigilang mamangha kay Lyle na walang kaarte arte habang kumukuha ng fish ball. Maski ako ay gulat na nakatingin sa kanya.
“What are two looking at?”natatawa niyang tanong habang nakatingin sa aming dalawa ni Zen na parehas na nakatingin sa kanya.
Mukhang natauhan naman si Zen at kumuha na rin ng para sa aming dalawa. Kahit na hindi na siya kumuha ng para sa akin dahil binibigyan naman ako ni Lyle. Sinusubuan din ako nito.
“Ang laki na ni Heaven, Zen.”sabi ni Manong na siyang nakangiti akong tinitignan ngayon.
“Oo nga po, Manong e.”sabi naman ni Zen na napangiti na lang din.
Kain lang kami ng kain habang subo lang sila sa akin ng subo na dalawa. Pinagtitinginan naman kami ng iilang dumadaan at ng ilang bumibili. Ang mga empleyado naman na kakain dapat ay napapaiwas na lang ng lakad na mukhang ayaw pang makasabay si Lyle. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mga ito. Napailing na lang ako.
Napatingin naman ako kina Lyle nang makita kong nagtatawanan silang dalawa ni Zen. Para bang may sarili silang mundo at sila lang ang nagkakaintindihan.
I feel like something is different with both of them, hindi ko nga lang alam kung ano o baka nagooverthink nanaman ako. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil dito.
“I’ll pay.”sabi ni Lyle nang matapos kaming kumain at magbabayad na.
“Ako na, Boss.”sabi ni Zen ngunit pinagtaasan siya ng kilay ni Lyle. Nabitin naman sa ere ang pagkuha niya ng pero. Sinubukan namang kumuha ng pera ni Lyle mula sa kanyang wallet ngunit mukhang panay credit cards lang ang laman. Para namang namutla ang mukha nito at napakagat sa kanyang labi. Napatawa naman ako sa aking isipan dahil dito.
“Hmm, do you accept cards here?”tanong niya kay Manong. Agad naman akong napangisi sa isipan dahil sa tanong nito. Nagtataka namang napatingin sa kanya si Manong at maski ang ilang bumibili.
“Boss, ako na po.”sabi ni Zen na siyang hinawi ang kamay ni Lyle at nagabot ng violet bills.
“Thanks, Zen! Sa uulitin, ha?”tanong ni Manong sa kanya.
Napatawa naman ako sa aking isipan habang tinitignan si Lyle na mukhang masama ang loob. Parang tanga ka, boi? Lmao.
Bumalik naman na kami sa office pagkatapos kumain sa labas.
Napatingin naman ako kay Lyle nang makitang nagliligpit na siya ng gamit pagkatapos ng lunch. Tinahulan ko naman siya dahil dito.
“I promised you that we’ll eat at go somewhere, right?”nakangiti niyang tanong. Kumawag kawag naman ang buntot ko habang napapatahol dito.
“Let’s go to some sea aquarium sea park.”sabi niya sa akin habang nakangiti. Inalis na nito ang coat niya at tinupi hanggang siko ang kanyang sleeves. Binuhat na rin ako pagkatapos.
Habang palabas na kami, nagulat ako nang makita kong pati si Zen ay mukhang paalis na rin.
“You promised that you’ll go, right? You’ll like where we’re going.”sabi ni Lyle kay Zen nang nakangiti. Hindi ko naman alam ngunit kusa akong nakaramdam ng kung ano habang pinagmamasdan sila.
Iniling iling ko lang ang ulo at baka nga kung ano ano lang ang pinag-iisip ko. Magkaibigan naman si Lyle at Zen kahit boss pa niya si Lyle.
“Let’s go.”sabi pa ni Lyle habang nakangiti. Napatingin naman ako sa isang paper bag na nasa gilid ng desk ni Zen dito sa labas. Ito ‘yong pagkain na ayaw ipagalaw ni Lyle kanina.
Napatingin lang ako doon at binalik ang tingin sa kanila. Dito pa lang ay nakakaramdam na ako ng kung ano. Tinignan ko silang parehas na nakangiti. Para bang nakakapag-usap sila gamit ang kanilang mga mata.
Hindi ko na lang pinansin pa iyon at hinayaan na lang ngunit hindi ko talaga maiwasang maibalik ang tingin sa mga ito. They’re talking with each other. Normal lang naman ‘yon, Celes.
Just please, stop thinking too much. You’re just stressing yourself.
Napapatingin din sa amin ang iilang empleyado dahil maaga ngang aalis ang dalawa. Nag-iwas agad sila ng tingin nang makitang napatingin si Lyle sa kanila.
Nang makasakay na kami sa kotse ay nagtanong na si Zen dahil kanina pa ‘to nacucurious kung saan nga ba kami tutungo habang ako naman ay pinapanood lang ang galaw ng mga ito.
Bakit ba pakiramdam ko hindi na nila ako napapansing dalawa dahil busy silang nag-uusap dalawa.
“Where are we going, Boss?”tanong ni Zen.
“You’ll see.”nakangiting saad ni Lyle. Hanggang sa makarating kami ay nangungulit lang si Zen habang ako ay tahimik lang na pinanonood sila. Pinagtatagpi tagpi ang mga pangyayari.
“Omyghad...”mahinang bulong ni Zen nang makita kung nasaan kami. Agad siyang napatingin kay Lyle dahil dito.
“You said you never had the chance to go here. Then, I’ll give you the chance.”nakangiti nitong saad sa kanya.
Tila natauhan naman ako sa sinabi nito, hindi kami nagtungo dito dahil gusto niyang bumawi sa akin, nandito kami dahil hindi pa naranasan ni Zen. How funny.