Chapter 44
Celeste’s POV
“Be careful with your words. Do you even know her personally?”tanong ni Lyle na seryosong seryoso ang mukha habang nakatingin sa mga babaeng ‘to.
Napayuko na lang sila dahil kay Lyle na mukha ring galit sa narinig. Nakita ko naman ang paghawak ni Zen sa siko ni Lyle at pinipigilan ito.
Ako naman ay mas lalong lumakas ang tahol dahil maski ako ay hindi gusto ang mga sinabi nila tungkol kay Zen. Inilingan naman ako ni Zen tila pinipigilan ako ngunit mas lalo lang lumakas ang tahol ko dahil dito.
“And even if you know her personally, you have no right to judge her like that.”sabi pa ni Lyle bago hinila si Zen palabas at binuhat na rin ako.
Habang naglalakad sa labas. May mga nakatingin sa amin or should I say sa dalawang ito? Lahat ng mga mata ay nasa kanila.
“Sabi sainyo e.”rinig kong bulong no’ng maintenance na nasa loob ng office kanina. Agad akong napahinto at inangilan ‘to.
Tinignan naman sila ng masama ni Lyle kaya kanya kanyang iwas ng tingin ang mga ito at nagsibalik sa kani-kanilang ginagawa.
Katulad ng inaasahan ko, pinagalitan niya rin ako sa ginawang pagtahol at sa ginawa ko doon sa dalawang babae. He was always like this naman kasi maski noong si Celes pa ako. Kakampihan ako kapag nasa maraming tao kami at nakikipag-away ngunit kapag kaming dalawa na lang ay walang katapusang sermon ang mangyayari.
Parehas naman kaming napatingin kay Zen na mas lalo pang lumakas ang hikbi nang makasakay na kami sa kotse ni Lyle. Tinignan lang namin ito at parehas na hindi nagsalita, hindi naman kasi talaga ako nakakapagsalita.
Nakatitig lang kami sa kanya hanggang sa huminto na ito sa pag-iyak.
“Thank you, Boss..”mahinang saad nito na natauhan na. Hindi naman na ito nag-alinlangan na punasan ang luha gamit ang kanyang damit ngunit pinigilan siya ni Lyle. Agad naman siyang napatingin sa panyo nitong nakalahad.
Nag-aalinlangan pa siya kaya ako na mismo ang kumuha at mas lalong ibinigay sa kanya. Napangiti naman siya sa akin dahil dito.
“Thank you, Heaven..”sabi niya na hinalikan pa ako. Napangiti na lang ako sa kanya. Kumalma naman na ito pagkatapos.
Hindi naman nagtanong ng kung ano-ano si Lyle, nagmaneho na lang ito patungo sa ice cream café.
“Ang layo naman ng pag-iice cream-an natin, Heaven.”nakangiti ng saad ni Zen sa akin na mukhang tuluyan ng kumalma at parang walang nangyari.
“Maybe it’s not Heaven who needs Ice cream for today..”sabi ni Lyle kay Zen.
“Right, Heaven?”tanong naman sa akin ni Lyle. Napatahol naman ako dahil mukhang mas kailangan nga ‘yon ni Zen. Tumalon naman na ako patungo kay Lyle.
Pumasok na kami sa loob ng café. Marami naman ang tao dito dahil sikat na sikat rin ‘to dahil masarap talaga ang Ice cream nila dito.
“I’ll order na, Boss.”sabi ni Zen ngunit si Lyle naman na ang tumungo sa counter. Wala naman ng nagawa si Zen kung hindi dalhin na lang ako sa isang refreshing na pwesto dito sa café.
Napatitig naman ako kay Zen kinakausap lang ako ngayon. Parang walang nangyari dito at nakangiti nanaman anf babaita. Hindi ko naman tuloy maiwasang mapatitig sa kanya at hanapan ito ng reaksiyon na gustong makita.
“Hey, why are you looking at me like that?”natatawa niyang tanong.
“Hindi ako umiyak dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi ng mga ‘yon no! Sanay na ako.”natatawa niya pang saad pero tila kabaliktaran naman nito ang sinasabi ng kanyang mga mata.
“I cried because no one even tried to protect me like what you and Boss did.”sabi niya na malungkot na ngumiti.
“So thank you, Heaven…”bulong niya na pinaghahalikan pa ako.
“Paulit ulit kong sinasabing sanay na ako pero puta pauulit ulit ko ring tinatanong sa sarili ko na hindi pa ba ‘to matatapos? Alam ko naman na ‘yon, anak ako sa labas ng tatay ko pero minsan naitatanong ko kung kasalanan ko ba ‘yon? Bakit ako?”sabi niya na natawa ng walang kabuluhan. Kitang kita ang lungkot mula sa kanyang mga mata. Kita ko naman si Lyle na nakatayo lang sa gilid, hindi pa pinapaalam a nandito na siya.
Nakikinig lang din katulad ko sa sinasabi ni Zen.
“ I told you before, ‘di ba? I have no one to talk to, ikaw lang.”natatawa niyang saad.
“Hindi dahil gusto ko kung hindi dahil walang may gustong makipagkaibigan sa isang katulad ko.”sabi pa nito, ni wala ng pumatak na luha mula sa kanyang mga mata na tila ba nagsasawa na ito. Hindi ko naman tuloy maiwasang malungkot na hindi man lang niya naranasan makipagkaibigan.
“Hala, why are you looking at me like that? I’m fine! Ayos lang kahit walang may gustong makipagkaibigan sa akin. I’m fine by myself saka I have you naman na, ‘di ba? Ikaw ang pinakakauna-unahang kaibigan ko.”sabi niya pa na nginitian ako ng malapad.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito. I would like to be friends with her.
“Pahug nga.”sabi niya pa ng natatawa at niyakap ako ng mahigpit.
Maya-maya ay pinaalam na ni Lyle na nandito na siya sa pamamagitan ng pagtikhim.
“Aba, aba, isa kang taksil.”sabi ni Lyle sa akin habang pinanliliitan ako ng mga mata. Natawa na lang ako sa aking isipan dahil sa kanya at kusa na lang na napailing.
Nalibang naman na kami sa pagkain ng ice cream. Sinusubuan pa nila akong dalawa. Napapangiti na lang ako dahil dito.
“Mayroon ka...”sabi ni Lyle na tinuturo ang gilid ng labi ni Zen. Agad niya namang napagtanto ang sinasabi nito kaya dinilaan niya na lang ‘yon. Napailing naman kami parehas kay Zen dahil dito. Napanguso naman siya dahil sa naging reaksiyon namin.
“Thanks, Boss...”sabi na lang bigla ni Zen. Hindi naman alam ni Lyle kung ano ang pinasasalamatan nito kaya napakibit na lang siya ng balikat.
Nagkwentuhan na lang naman sila habang abala ako sa pakikinig ang at pagkain ng ice cream.
“Oh schocks!”napatingin naman ako kay Zen dahil gulat na gulat ang mukha nito.
“Why? What’s wrong?”tanong ni Lyle habang nakatingin dito.
“You’re late with your meeting, Sir!”malakas na saad ni Zen at natarantang napatayo habang kinukuha ang gamit ni Lyle na nandito pa rin sa lamesa. Maski si Lyle ay nataranta na rin dahil sa pagkataranta ni Zen.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa habang pinagmamasdan ko sila. Muntikan pa akong nakalimutan ng mga ito kung hindi lang napatingin sa akin si Zen. Agad niya naman akong binuhat at napatakbo patungo sa labas.
Akala mo buhay nila ang nakasalalay kung hindi sila aabot sa meeting kaya kung makapagmadali ay talaga namang hataw na hataw.
Natawa na lang ako sa aking isipan nang pabilang bilang pa si Zen sa kanyang relo. Para bang ayaw na ayaw nitong nagkakamali siya sa kung ano ano.
“Zen, calm down, maski ako ay natataranta sayo.”sabi ni Lyle na napailing pa dito.
“Yes, Boss.”sabi ni Zen na pilit kinakalma ang sarili ngunit madalas pa ring tignan ang relo.
Nang makarating sa building ay halos hindi na nila binalingan ng tingin ang mga malisosyang taong ito dahil nagmamadali na rin. Wala ng oras para pansinin pa ang sasabihin ng iba.
Nang makarating kami sa office ay nagsimula nanaman ang natatarantang si Zen dahil may tumatawag na sa kanya galing sa telepono. Hindi niya na muna ‘yon pinansin.
“Boss, ayusin mo ‘yong tie mo.”aba, inutusan ng gaga. Napatawa na lang ako sa kanya at napailing.
Nagmadali rin naman siyang kinuha ang coat at dali daling isunuot kay Lyle. Pati ang buhok nito’y inayos din niya.
“It’s done. Ayos na, Boss.”sabi niya dito at napatango pa.
“Thanks.”sabi naman ni Lyle na mas kalmado pa sa kanya.
“Stay here, Heaven, okay? Babalik din ako agad.”sabi ni Zen sa akin. Nagpaalam na rin naman si Lyle. Dala dala ang folder na hawak, umalis na si Zen sa harap ko.
Kakaiba talaga ito kapag natataranta. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil dito o ano. Katulad nga ng sabi nila ay nanatili lang ako dito dahil wala rin naman akong magagawa.
Aba, ice cream lang kinain namin sa meryenda, ni hindi man ‘yon nakakabusog. Napahiga na lang ako sa sofa habang hinihintay ang pagbabalik ni Zen. Maya-maya ay dumating na nga ito. Mukhang hindi na pinatapos ng meeting.
“Hey, sorry for making you wait for too long. Marami pa kasing inasikaso e.”sabi niya at nginitian ako. Kalmadong kalmado na ngayon.
“Umaga pa lang pero parang panghapon na ang mga ganap no?”natatawa niyang tanong sa akin. Lumapit pa siya sa akin at ginulo gulo ang makapal kong balahibo.
Paano ba naman hindi magiging panghapon ang ganap, pinapalala niya lang sa pagkataranta niya.
“Need mo nanaman ng magpasalon.”sabi niya habang nakangiti pa rin.
Inayos niya naman na ang sarili pagkatapos ay tumayo na para diligan ang halaman na nandito sa office ni Lyle. Pinunasan na rin nito ang mga kailangan punasan. Siya pa ang naglinis kahit wala naman ito sa trabaho niya.
Pinagmamasdan ko lang ito habang nagpapatuloy naman siya sa ginagawa. Pakanta kanta pa ito habang nagmamop. Hindi ko alam na maganda pala ang boses nito kaya napatulala ako sa kanya.
“What are you looking at, Heaven?”natatawa niyang tanong sa akin.
“Do I have a good voice, should I sing for you?”tanong niya na patuloy pa rin sa pagmamop. Napakawag naman ang buntot ko dahil dito.
“Alright.”sabi niya ng nakangiti sa akin at nagpatuloy sa pagkanta. Habang pinapakinggan ko siya ay hindi ko mapigilang mapangiti.
Maya-maya ay nakita ko ang pagpasok ni Lyle ngunit hindi ‘yon napansin ni Zen dahil maski ang sulok suloukan ay minamop niya habang kumakanta. Kita ko naman ang pagngiti ni Lyle habang nakatingin sa kanya.
Sa hindi ko naman malamang dahilan ay napatahol ako dahil dito. Well, umatake nanaman ang pagkaCeles ko. Napatangin tuloy sa akin si Zen at maya-maya ay napatingin sa pintuan dahil doon ako nakatingin.
Napatikhim naman si Lyle at bumalik ang mukha sa pagiging seryoso, walang bakas ng pagngiti kanina. Dahan dahan siyang naglakad patungo kay Zen.
“I told you not to clean my office, right? It’s not even your job.”sabi ni Lyle na kinuha ang mop sa kamay ni Zen.
“Tapos naman na ako sa ginagawa ko, Boss, may oras pa naman ako para linisin ito.”sabi pa ni Zen at ngumiti ngunit pinagkunutan siya ng noo ni Lyle.
“Why? Do you want to change your job?”tanong ni Lyle na pinagtaasan pa ito ng kilay.
“Po? Hindi po, Boss!”natataranta nanaman si Zen. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pagiging tarantahin nito o ano e. Dali dali na ‘tong lumabas mula sa office dahil ayaw ng makipagtalo kay Lyle.
Kita ko naman ang pagngisi ni Lyle, hindi ko alam kung anong ibig sabihin o baka naman naghahanap lang ako ng ibig sabihin. Napailing na lang ako sa aking sarili dahil dito.
Hindi ko na lang ‘yon pinansin dahil kapag nagbigay nanaman ako ng ideya sa utak ko, mapapaoverthink nanaman ako.
Naging busy lang sila sa buong araw habang ako ay pahiga higa at pakain kain lang. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa salamin nang makitang malakas na ang ulan at pagabi na ngunit wala pa rin atang balak umuwi ‘tong si Lyle.
“Let’s just stay her for a while, okay? Tatapusin ko lang ‘to.”sabi niya sa akin at nginitian ako. Sus, kahit naman hindi mo matapos ‘yan dito, paniguradong magtatrabaho ka pa rin sa bahay hanggang sa makatulugan mo.
Hinintay ko na lang ito, gabi na ng tuluyan siyang matapos saka mukhang minadali niya na rin dahil patahol tahol na ako at gutom ns rin.
“Hindi nanaman makapaghintay ang bebeng damulag.”natatawa niyang saad na binuhat ako.
“Oh, it’s raining.”sabi pa niya na akala mo’y ngayon lang ‘yon napansin.
Mukhang wala na rin si Zen dahil kanina pa naman ‘to nagpaalam. Natigilan naman si Lyle nang makakita ng payong na nakasabi sa pintuan ng office. Mukhang alam niya na kung kanino ito galing at mukhang maski ako ay alam kung kanino ito galing.