Chapter 40
Celeste’s POV
“Pres! Manganganak na si Judy! Hindi ko alam ang gagawin ko, punta ka dito!”malakas na saad ni Michael mula sa kabilang linya. Mukha itong natataranta na. Dapat ay dinala niya na sa kanilang bahay ito.
“Ano? What should I do? Saan? Pucha naman, Pre, bakit sa akin ka pa tumawag?”natataranta ring saad nitong si Lyle. Napailing na lang ako sa kanya.
“Dalian mo na lang!”malakas na sigaw ni Michael. Akala mo ito ang manganganak sa lakas ng boses nito. Hindi ko alam kung matatawa ako dito o ano.
Napahabol naman ako kay Lyle nang palabas na ito ng bahay. Agad niya naman akong nilingon at agad na inilingan.
“You can’t come with me, Heaven, hindi sila nagpapapasok ng alagang hayop sa hospital. Just stay here and wait for me, Okay?”tanong niya sa akin na akala mo’y Misis niya ang manganganak.
Natataranta rin ito. Napailing na lang ako sa kanya at hindi na siya ginulo pa. Nanatili na lang ako na nakaupo habang pinagmamasdan siyang umalis.
Magkahalong lungkot at tuwa naman ang nararamdaman ko, kung nasa katawan lang ako ni Celes, siguradong isa rin ako sa natataranta ngayon na pumupunta sa hospital. Pero hindi ko rin naman maiwasang matuwa dahil lalabas na si Diego.
Napangiti na lang ako kapag naiimagine ko ang itsura ng anak ni Judy. Ilang araw na lang bago ang pasko at hindi na ako mapakali para makita si Diego.
Kung tinatanong niyo naman ang tungkol kay Pia. Sinubukang kasuhan ni Lyle ito ng animal abuse ngunit pinakiusapan na lang ng ama ni Pia si Lyle na huwag ng ituloy ang kaso dahil dadalhin na rin si Pia sa ibang bansa para ipagamot.
Dapat lang, talaga naman kasing nasiraan na ng bait si Pia. Literal na nabaliw na talaga ang bruha.
Ayaw ko naman ng pag-isipin pa ang sarili dahil masstress lang ako kapag inaalala ko si Pia. Sa paghihintay ko sa pagdating ni Lyle nakatulugan ko na siya.
Nagising na lang ako na may natutulog na sa tabi ko. Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Lyle na mukhang kararating lang galing sa hospital dahil ni hindi nito naalis ang sapatos niya.
Hinayaan ko na lang siya at inayos ang kanyang comforter bago ko siya pinagmasdan na mahimbing na natutulog.
If I was here, not being a dog, but being his girlfriend baka mayroon na rin kaming pamilya ngayon. Baka masaya at payapa na ang buhay namin.
I wonder if he was still thinking of being married and being a father kahit na hindi na ako. Kasi ako? Hindi ko na maimagine ‘yong sarili ko na magpapakasal sa iba kung hindi siya.
May mga bagay talaga na kahit gaano mo katagal na pinapangarap, hindi mo kayang maabot.
Kahit na wala na ako sa tunay na katawan ko, minsan naiimagine ko pa rin ‘yong sarili ko kasama siya, ‘yong hindi ako alagain lang, ‘yong tipong ako ‘yong magluluto sa kanya ng almusal, sa mga magiging anak namin, ‘yong tipong kayang kaya ko siyang alagaan.
Napangiti na lang ako sa aking sarili dahil dito, sarili ko nga, hindi ko magawang alagaan, siya pa kaya.
Hinintay ko lang ‘tong magising kahit na nakakadama na ako ng gutom. This is what I’m saying.
“Hey, you’re already awake?”tanong niya na mukhang naalimpungatan. Mukhang antok na antok pa rin ‘to.
Tatayo na sana siya para ipagluto ako ngunit agad ko siyang tinahulan at sinenyasan na matulog na lang. Tinap ko ang kama. Natawa naman siya sa akin ngunit sa sobrang antok na rin ay nakatulog na.
Umalis na rin naman ako sa kanyang tabi at tumungo na lang sa guest room para hindi ko siya maistorbo. Naglaro lang ako ng naglaro at hindi na namalayan ang oras.
Maya-maya ay nagising na rin naman si Lyle. Napalabas naman ako sa aking kwarto nang makitang nagluluto na ‘to sa kusina. Gusto ng marinig ang kwento nito tungkol sa anak ni Judy.
“Hey, Good morning.”bati niya. Good afternoon na ho.
“I’m sorry I wake up late.”sabi niya sa akin.
“You didn’t eat? I already put your dog food here.”sabi niya at tinuro pa ang dog food na nasa pagkainan ko.
Hindi ko naman alam na pinaglagay niya pa ako, paano’y mukhang pagkarating ay natulog na agad.
“Are you waiting for me to cook for you?”tanong niya at ngumiti sa akin. Hindi ko naman na siya pinansin pa at kinain na ang dog food sa sobrang gutom.
“Yeah, I said you’re not.”natatawa niyang saad na napailing na lang sa akin.
Maya-maya ay natapos na siyang magluto, tapos na rin naman akong kumain. Ngunit tinulak ko pa ulit ang pagkainan ko para lagyan niya ‘yon. Aba, pang-umagahan lang kaya ang kinain ko. Inirapan niya ako ngunit nilagyan din naman.
Umupo naman na siya sa high chair sa gilid habang tinitignan ako. Napangiti na lang siya sa akin.
“You know Tita Judy’s son?”paninimula niya at sumubo na sa kanyang pagkain.
Agad naman akong natigilan at napatingin sa kanya, hinihintay pa ang idudugtong nito.
“You’re interested, ha?”nakangiti niyang tanong at tinignan pa ako.
“He’s cute, parang kamay ko lang ‘to.”nakangiti niyang saad na tila iniimagine si Diego.
“You know his name na, ‘di ba? He’s Diego.”sabi pa nito na mukhang tuwang tuwa na sa bata. Tumahol naman ako para makarinig pa ng kwento tungkol kay Diego.
“Ang iyak nito’y parang hele sa aming mga nandoon. Your Tito Michael cried.”natatawa niyang saad.
“Umiiyak ‘to no’ng makita niya ang anak. Parang bakla no?”natatawa pang saad ni Lyle ngunit nakita ko siyang nagpunas ng luha.
Para naman akong maiiyak habang pinagmamasdan siya. Hindi ko maiwasang maimagine kung ano kayang itsura ni Lyle kung siya ‘yong nandoon. He’ll be a great father. Noon pa lang ‘yon na ang pangarap niya.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot at inggit kina Judy, sana ako rin. Sana naranasan din namin.
“Do you want to see his photo?”tanong ni Lyle na nangalikot sa kanyang cellphone.
“He’s cute, right?”natutuwang saad ni Lyle na pinakita ang litrato ni Diego sa akin. Nakaramdam naman ako ng tuwa habang pibagmamasdan ito.
Ang liit nga talaga nito, ang kanyang mga mata ay manang mana kay Judy samantalang ang matangos na ilong ay galing kay Michael. Ang kulay ay nakuha rin kay Judy. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan siya.
Habang patagal ng patagal ay hindi ko na mapigilan pang malungkot. If I were here being Celes, isa ako sa ninang nito. Nakakalungkot isipin na ang dami naming hindi natupad ni Judy na magkasama.
Ni hindi ko man lang siya nakitang nanganak, ni wala man lang ako sa tabi niya no’ng nahihirapan siya sa paglelabor. ‘Yong mga pangako namin sa isa’t isa? Mananatili na lang pangako.
Inalis ko naman na sa aking isipan ang lungkot. I should be happy for my bestfriend saka gusto ko na agad na makita ang inaanak ko, I claim it. Inaanak ko naman kasi dapat talaga ‘yon. Can’t wait to see him in person.
“Are you excited to see your Tita Judy?”tanong ni Lyle sa akin nang dumating ang pasko. Sa bahay kami nina Judy magpapasko.
Tumahol naman ako at kumawag kawag pa ang buntot. Natawa naman sa akin si Lyle at ginulo ang balahibo ko.
“Are you sure? Your Tita is really grumpy since she gave birth to Diego.”natatawang saad ni Lyle at ginilid ang regalo para kay Diego.
“Kung makikita mo lang ang itsura ni Doc Michael, siguradong matatawa ka.”sabi niya pa at napailing.
Nang makarating kami sa bahay nina Judy ay sinalubong kami ng mga ito.
Parang hindi naman totoo ang sinasabi ni Lyle dahil todo pa ang ngiti ni Judy nang makita ako.
“Heaven! I missed you!”sabi ni Judy na niyakap pa ako. Iginala naman ng mga mata ko kung nasaan si Diego ngunit mukhang wala ito dito sa baba.
“Where’s Diego?”tanong ni Lyle sa kanila.
“Si Diego lang ata ang pinunta mo e!”natatawang saad ni Michael.
“Ganoon na nga.”sabi ni Lyle at natawa.
“Hey, Heaven, Do you missed me?”natatawang tanong ni Michael sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at si Judy ang nilingon.
“Aba, suplada ka na ngayon, ha?”natatawa nitong saad sa akin.
“What are you still doing here, Michael? Go now!”iritadong saad ni Judy kay Michael.
“Alright, Babe.”sabi nito at nagtangka pang hahalik kay Judy ngunit agad na umilag ang kaibigan ko.
Mukhang tama nga ang sinasabi ni Lyle. Mukhang iritadong iritado nanan si Judy habang tinitignan ang asawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa kay Michael.
“Pre, salamat at nandito ka, tulungan mo ako.”bulong ni Michael kay Lyle.
Mukhang si Michael ang pinag-aayos ni Judy para sa magaganap na dinner. Marami naman ang mga katulong nito ngunit mukhang si Michael talaga ang pinagdidiskitahan.
Masungit na masungit ang mukha nitong si Judy ngunit nang lingunin naman ako ay nakangiti na. Parang ngayon siya naglilihi kung kailan tapos na ang panganganak.
“Pucha, Pres, mas mahirap pa ‘yong dinadanas ko ngayon kaysa no’ng pinagbubuntis niya si Diego. Parang ngayon pa lang naglilihi.”pagkukwento ni Michael kay Lyle. Mahina lang ‘yon pero naririnig ko pa rin hanggang dito.
“May sinasabi ka ba diyan, Michael?”tanong ni Judy sa kanya.
“Wala, Babe.”sabi nito at nginitian lang ang asawa. Inirapan lang siya ni Judy bago ako nilingon.
“Let’s go, Heaven, ihanda na natin ang mga pagkain.”sabi niya at nginitian ako. Ang bilis mabago ng mood nito.
Naglakad naman na kami patungo sa kusina niya. Para bang sa akin nga lang ‘to mabait dahil maski sa mga tao dito masungit ang lola mo.
“Ma’am, tulungan ko na po kayo.”sabi no’ng isang katulong ni Judy.
“Ako na.”malumanay na saad ng kaibigan ko. Mukhang alam na nila ang mangyayari kung sakaling kukulitin pa nila ito kaya kanya kanya na silang alis.
Tinignan ko naman si Judy, hindi ko nanaman maiwasang malungkot na hindi ko man lang siya nasamahan.
“You think I’m ugly na ba?”tanong niya na napanguso nang makitang nakatitig ako sa kanya.
“So ikaw din?”malungkot niyang tanong. Hindi ko naman alam kung ano nanaman ang inaarte ng kaibigan kong ‘to.
“You’re same with Michael din pala.”sabi niya na nalulungkot naman ngayon. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga taong nasa paligid ko.
“He thinks I’m pangit! He doesn’t love me na because I already give birth with our son.”sabi nito na napanguso. Alam kong topakin ang kaibigan kong ‘to pero mas malala na nga ata talaga ngayon.
“He doesn’t kiss me like he always does.”sabi nito na napairap pa. If I know siya ‘tong ayaw magpahalik, napakaarte kaya nitong kaibigan ko. Alam ko na agad na siya ‘tong gumagawa lang ng sarili niyang ikakaisip.
I saw Michael that he wanted to kiss Judy earlier pero ang babaitang ‘to ang mismong lumayo.
“He doesn’t tell me how much he love me na.”sabi pa ulit nito na mas sumimangot pa ngayon.
“He should tell me pa rin, ‘di ba? Kahit may Diego na.”sabi pa nito na mas lalo pang napasimangot.
“Why? Do you think that I’m not pretty? I’m pretty, right?”tanong nito sa akin. Tinahulan ko ‘to para matahimik na siya.
Mahilig talaga siyang magoverthink kahit kailan. Napailing na lang ako dito. Natawa na lang ako sa aking isipan nang makita ko ‘tong halos maluha na. Kung nandito lang ako, kanina ko pa ‘to tinutukan sa sobrang kaoa-n nito.
“I still love you and you’re still pretty, Babe.”sabi ni Michael na kakapasok lang sa loob. Agad niya namang hinalikan sa pisngi si Judy.
“I’m sorry. You didn’t tell me that that’s what you feel. I love you, Babe.”bulong pa ni Michael at niyakap ng mahigpit si Judy. Napairap na lang ako sa aking isipan sa kanilang dalawa.
Nakita ko naman ang pag-iyak nitong si Judy. Ang dalawang ‘to talaga, ang daming drama sa buhay.
“I love you kahit na may Diego na.”sabi pa ni Michael sa kanya. Natawa na lang ako sa aking isipan habang pinapanood sila. Hindi na nahiya.