Chapter 39
Celeste’s POV
“It’s cold.”parinig ni Pia at sinubukan pang humawak sa braso ni Lyle ngunit agad siyang pinigilan ito.
“Don’t do this, Pia, you ask me to be your friend, so act like one.”seryosong saad ni Lyle sa kanya.
“Yes, I did. I’m sorry.”paawa nanaman ang gaga.
Kanina ay talaga namang natakot talaga ako sa kanya, para kasing kayang kaya niya ‘yon gawin.
“Let’s go.”sabi na lang ni Lyle at nagsimula ng maglakad paalis. Napairap na lang ako sa aking isipan nang makita kong iniabot ni Lyle ang makapal niyang jacket dahil nanginginig na rin talaga si Pia sa sobrang lamig.
Isinawalang bahala ko na lang ‘yon at nagpatuloy na sa paglalakad paalis. Pagbigyan na, hindi ko naman gustong mamatay ang bruhilda sa sobrang lamig.
“Where are we going next?”tanong niya at malapad na malapad ang ngiti. Paamoy amoy pa sa jacket ni Lyle.
“Snow tubing.”sinagot naman ‘to ni Lyle. Hindi na siya nagtangka pang humawak hawak kay Lyle kaya lang ay pakidikit pa rin naman nito.
Habang naglalakad kami paalis nnapahinto naman kami nang makakita ng mga taong naghuhulma ng isang snow sculpture.
“Ang ganda!”hindi mapigilang sambitin ng katabi kong si Zen.
Maraming tao ang naghuhulma ng kung ano ano. Pati nga mga bata ay nasa tabi at hinuhulma si Olaf.
Nagkatinginan naman kami ni Zen, kumawag kawag naman ang buntot ko at excited na lumapit dito.
“Okay.”sabi niya na lang kahit na ang totoo ay isa rin naman siya sa may gustong gawin ito.
Parehas pa kaming dalawa na nagtungo sa pinakagilid para gawin ‘yon.
“Hey, hindi tayo makakatapos, sinisira mo oh.”natatawa niyang saad sa akin at pabiro akong sinamaan ng tingin.
“Just behave and sit down.”sabi niya na pinanliliitan pa ko ng mga mata.
Umupo na lang ako para hindi na ‘to mahirapan pa. Natawa naman siya sa itsura ko. Napatingin naman ako kay Lyle na nakatingin pala sa aming dalawa ngayon.
“Kayo talaga, nadedelay tayo lagi sa schedule natin dahil ang dami niyong patalastas.”naiiling na saad ni Lyle sa amin. Tinahulan ko lang siya kaya tinawanan lang ako ng mokong.
Napatingin naman ako kay Pia nalilibang sa pagtingin tingin ng sculpture kaya hindi na niya napansin pa na wala na sa tabi niya si Lyle. Marunong din naman pa lang manahimik ang bruha.
“Ano naman ‘yang ginagawa mo, Zen?”tanong ni Lyle kay Zen na abalang abala sa kanyang ginagawa.
“Hmm, si Olaf, Boss.”seryoso nitong saad.
“Ahh, Olaf na kulang sa bitamina?”natatawang saad ni Lyle sa kanya dahil ang payat payat nga ng gawa ni Zen. Palihim niya ‘tong sinamaan ng tingin kaya natawa ako ng mahina.
Tumabi naman ako sa olaf ni Zen para magpakuha ng litrato kaya lang ay ang tagal tagal nila ‘yon nakuha bago nila ako kinuhanan.
“Pia, can you take a picture of us?”tanong ni Lyle kay Pia na nasa tapat na namin.
Masama naman ang loob ni Pia na kinuhanan kaming tatlo ng litrato. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa itsura nito.
Umalis na rin naman kami dito pagkatapos. Balak ng magsnow tubing.
Katulad kanina ay nakalingkis nanaman si Pia kay Lyle ngunit hindi ko na lang pinansin pa.
Nang makarating kami sa tubing park ay excited nanaman si Zen kahit na parang sledding lang din naman ito.
Umakyat naman kami habang buhat buhat ni Lyle ang dalawang snow tube. Para sa akin ‘yong isa.
Napatingin naman ako kay Pia na hirap na hirap sa pagbubuhat at lamig na lamig na rin. Nainis ako sa sarili dahil nakaramdam ng awa sa kanya. Bakit ba kasi kailangan niya pang sumunod ng sumunod kay Lyle?
Maya-maya ay sabay sabay kaming tatlo nina Zen at Lyle na nagpadulas dito. Nasa gitna ako. Hawak hawak nilang dalawa. Tuwang tuwa naman ako, hindi lang pala ako pati rin itong mga kasama ko.
Napailing na lang ako nang nagmamadaling humabol si Pia para lang makasama dito kay Lyle. Nagmumukha lang siyang desperada dahil sa ginagawa.
Kung saan saan lang kami nagpunta at nang matapos na dito ay nagsnow shoeing. Pagkatapos ay kumain muna bago bumalik sa hotel dahil gabi na rin.
“Did you enjoy this day, Heaven?”tanong niya sa akin nang nasa kwarto na kami. Nakabihis na at ready’ng ready ng matulog.
Nalibang din naman ako kaya lang ay iritadong iritado kay Pia. Kung kanina ay naawa pa ako, ngayon ay talagang kumukulo na ang dugo sa kanya.
Paano ba naman ay kung ano-ano ang pinaggagawa para lang masolo si Lyle. Nakakairita.
Nagkatinginan naman kami ni Lyle nang may kumakatok mula sa labas. Mabilis naman akong tumakbo sa pag-aakalang si Zen ‘yon.
“Hey, easy there.”natatawang saad ni Lyle sa akin na binuksan na ang pintuan.
“Hey.”nakangiti ngunit pabebeng saad ni Pia. Agad naman akong napangiwi sa aking isipan. Napatingin naman ako sa itsura nito. Suot suot niya ang jacket ni Lyle habang may make up pa rin kahit na patulog na ata ‘to.
“What are you doing here? How did you know our room number?”tanong ni Lyle sa kanya.
“Hmm, I saw you kanina, ‘di ba?”nakangiti pa nitong tanong. Agad naman akong napairap sa aking isipan.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘to dahil masiyado siyang maraming koneksiyon o ‘di naman kaya ay ginagamit niya ang kanyang ama para sa mga pansariling kasiyahan nito.
“By the way, I brought you some snack.”sabi nito at pinakita ang kanyang dala.
“Ahh, yeah, thanks.”sabi ni Lyle na tinanggap ‘yon. Hindi naman siya inayang pumasok ni Lyle kaya wala ‘tong nagawa kung hindi ang umalis na lang.
“Want to eat, Heaven?”tanong ni Lyle nang hilain ko sa kamay niya ang plastik. Napatawa pa ‘to sa akin dahil dito.
Sinindian niya naman ang tv para makanood kami habang kumakain. Ang sarap naman ng panahon. Sinusubuan niya lang ako habang nanonood kami.
Hindi pa kami nakakakalahati sa pinapanood nang may kumatok nanaman sa pintuan.
“Pia?”tanong ni Lyle na nakakunot ng noo nang bumalik nanaman ‘tong si Pia.
“Why?”tanong ni Lyle sa kanya.
“Can I sleep here? I’m really scared at my hotel room.”paawa nitong saad. Napakunot naman ng noo si Lyle samantalang ako naman ay nainis na ng tuluyan.
Tinahulan ko siya at inangilan. Palihim niya naman akong pinagtaasan ng kilay ngunit agad na nagpaawa kay Lyle.
“Hmm, Can I stay here for a while kahit hindi na dito matulog, kahit habang hindi pa ako inaantok, please. I’m really scared.”sabi pa nito na nagtangka ng pumasok ngunit inangilan ko siya. Alam kong may pinaplano nanaman na masama ‘tong babaeng ‘to.
She’s really scary, para bang handa talaga siyang gawin ang lahat para lang makuha si Lyle.
Hindi nagsalita si Lyle ngunig malalim itong napabuntong hininga bago niya hinayaan na pumasok si Pia. Ang tanga talaga nitong boyfriend ko.
Naupo naman kami sa sofa at pinagpatuloy na lang ang panonood. Nasa gitna nila akong dalawa, walang balak umalis dito kung sakali. Nang mapatingin ako kay Pia ay halos mapaatras ako kay Lyle dahil parang makakapatay kung tumingin ito.
“What?”tanong sa akin ni Lyle. Sinubuan niya na lang ako ng snack.
“It’s so scary in my room e. I felt like someone is watching me.”sabi ni Pia kay Lyle na busy sa panonood.
“Maybe it’s just your imagination.”sabi ni Lyle sa kanya.
“It’s not!”medyo galit pa na saad nitong si Pia. Napatingin tuloy sa kanya si Lyle kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
“It’s not.”mahinahon niya ng saad. She’s really crazy. Napailing na lang ako sa kanya.
“Hey, Heaven, do you want some?”tanong ni Pia sa akin at nagtangka pa siyang kakandungin ako ngunit agad akong tumalon para hindi niya ‘yon magawa.
Sakto naman na may nakakagulat na lumabas sa screen ng tv. Horror kasi ang pinapanood namin. Walang kahirap hirap na napalapit si Pia kay Lyle at agad siyang lumingkis dito. Hindi ko naman ‘yon hinayaan pang magtagal. Agad akong tumalon sa kanila para paghiwalayin ang dalawang ito.
Galit na galit naman akong tinignan ni Pia ngunit hindi ko na siya pinansin. Parehas naman kaming napatingin nang makitang may tumatawag kay Lyle.
Mas lalo pang sumama ang mukha ni Pia dahil dito. Akala mo girlfriend na naghihinala sa kanyang nobyo. Tumayo naman si Lyle at lumabas sandali para kausapin ‘yon. Ayaw atang iparinig kay Pia ang kausap kaya naman ‘tong katabi ko ngayon halos lumabas na ang pagkabaliw sa sobrang inis.
Naiwan naman kaming dalawa ni Pia dito sa loob. Gigil na gigil ang mukha nito at nang mapatingin sa akin ay parang ready’ng ready na siyang pagdiskitahan ako. Nakita ko nanaman ang pagkabaliw ng mukha nito.
“You think I’m going to lose at someone like you?”tumawa pa ‘to na parang baliw.
“Kanina pa ako nanggigil sayo, ang atensiyon ni Presley ay para lang sa akin. Naiintindihan mo?”tanong niya na diniinan pa ang pagkakahawak sa aking pisngi. Gigil na gigil ito kay hindi ako makatahol.
“Akala mo ba palalagpasin ko lahat ng ginawa mo?”tanong niya na pinanlakihan ako ng mga mata.
“Niligaw ka na’t lahat lahat, bumalik ka pa, anong gusto mong mangyari? Ang patayin kita?”tanong niya na ngumisi pa na parang baliw.
So it’s her plan na iligaw ako. Tignan mo nga naman ang kapraningan nito na pati isang aso ay pinagseselosan pa.
“Bakit mo ba pinipilit na ilayo sa akin si Presley, ha? You think he’ll like you? Nababaliw ka na kung ganoon.”sabi niya pa. Napatawa naman ako sa aking isipan nang marinig ang sinabi nito.
Naririnig niya ba ang sarili niya? Kumpara sa akin mas mukha naman ‘tong baliw, sino bang tanga na talaga namang desididong alisin sa buhay niya ang aso para lang makuha ang buong atensiyon ni Lyle.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang may nilalabas ‘to sa kanyang bulsa. Halos mapaiyak naman ako sa takot nang makitang may hawak na itong cutter. Napapikit ako nang makitang itutusok na niya ito sa akin.
“What the fuck are you doing, Pia?!”malakas na sigaw ni Lyle at agad na naitulak si Pia palayo sa akin.
“No, no, no, mali ka ng iniisip, Presley, pinanggigilan ko lang siya sa tuwa.”sabi pa nito na hindi pa rin binibitawan ang cutter na hawak. Pati palusot nito ay pangboba. Napailing na lang ako sa kanya ngunit nararamdaman ko pa rin ang takot sa katawan.
Si Lyle naman ay hindi makapaniwalang tinignan si Pia.
“It’s not what you think.”sabi pa ni Pia na nanggigil na habang nakatingin sa akin ngunit nagpapaawa kay Lyle. Hindi ko alam kung paano niya ‘yon nagagawa.
“It’s not what you think, Presley.”nanginginig na rin siyang napaupo dahil hindi naniniwala sa kanya si Presley.
“I can’t believe that I trusted you being my friend.”sabi ni Lyle na napailing pa sa kanya.
“No, believe me, Pres.”sabi pa nito na nagtangkang lumapit kay Lyle.
“Get out, you did this, right? And you fucking plan to let her go in your fucking house. Get fuck out.”galit na sabi ni Lyle sa kanya.
“And that scar! You fucking did that to your self.”dagdag pa ni Lyle na hindi makapaniwalang tinignan ‘to.
Akala ko’y hindi pa ‘to aamin pero agad naman akong nagulat nang sinamaan niya ako ng tingin.
“You always give your attention to her! Paano ako? Paano ang akin? I just want her to be out of the picture. You like me naman, ‘di ba? Siya lang ‘tong harang sa pag-iibigan natin.”sabi pa ni Pia. Agad pa niya akong sinamaan ng tingin at nagtangkang lalapit ngunit nilayo pa ako ni Lyle.
“You’re crazy!”sabi nito na napangiwi sa kanya.
“I’m not! I’m not!”nagwawala na nitong saad.
“You’re mine! You like me!”malakas pa nitong sigaw na may tumulo ng luha mula sa mga mata.
“I’ll fucking kill her!”malakas pa nitong saad at sinubukan pa akong saksakin ng cutter ngunit ang kamay ni Lyle ang natamaan.
Napatulala naman siya dahil dito habang nakatingin sa dugo ni Lyle. Pare-parehas naman kaming natigilan dahil dito.
“I didn’t.. I didn’t do that..”bulong niya pa na napasabunot sa buhok.