Chapter 38
Celeste’s POV
“Hey,”parehas naman kaming nagulat ni Zen nang biglang bumulaga sa harap namin nina Lyle si Pia.
“What are you doing here, Pia?”tanong ni Lyle na medyo nagulat sa presensiya ni Pia. Aba, kapag ‘to umaarte lang, sasakmalin ko talaga siya.
Napatingin naman ako kay Pia na hindi pa rin humihilom ang sugat mula sa kanyang mukha. Nakasuot ‘to ng shades ngayon at may manipis na longsleeve lang. Hindi ko na lang alam kung hindi pa siya mamatay sa lamig diyan sa suot niya.
“I’m on my vacation.”nakangiti nitong saad at nang mapatingin sa akin ay agad akong sinamaan ng tingin. Hindi ko naman alam kung matatakot ako dito o ano. Alam ko ng baliw siya ngunig hindi ko alam na ganito pala siya kabaliw kay Lyle na susunod siya hanggang dito at susugatan niya ang kanyang sarili.
Halata naman na hindi ito magbabakasiyon dito, sigurado ako na susundan niya lang si Lyle. She’s a fucking creepy stalker.
Para namang nagbalik sa aking mga isipan ang ginawa nito no’ng nakaraan. Napaatras ako nang makitang napatingin siya sa akin. Ngumiti ng nakakatakot ang bruha na akala mo’y anytime ay kaya akong saktan.
“Hey, Heaven.”nakangiti nitong saad na susubukan pa sana akong hawakan ngunit agad akong lumayo sa kanya.
“Why? Are you scared that I’ll scratch you din like what you did to me? Don’t worry, I won’t do that.”nakangiti nitong saad. Napatikhim naman si Lyle dahil mukhang nakikita niyang napapalayo ako kay Pia.
Sa hindi ko kasi malamang dahilan, nakaramdam ako ng takot sa kanya, kayang kaya niyang saktan ang sarili niya, how about me? Mas kaya niya ‘yon gawin kubg sakali.
“Hmm, come here, Heaven.”sabi ni Lyle na binuhat ako. Kitang kita ko naman ang masanang tingin sa akin ni Pia ngunit agad ding ngumiti ng malapad nang mapatingin sa kanya si Lyle. She’s really creepy, parang kayang kaya niya talagang gumawa ng kung ano.
“Where are you going by the way? Can I join?”tanong pa niya at ngumiti.
Nagkatinginan naman kami ni Zen at nginitian niya lang ako. Hinintay lang namin ang sasabihin ni Lyle. Pumayag naman ‘to kaya hindi ko maiwasang mairita sa kanya. Alam kong mabait siya ngunit hindi niya ba nakikitang inaabuso na siya ni Pia. Hindi ko alam kung tanga lang talaga si Lyle o ano e.
Napasimangot na lang ako at tumalon kay Zen para dito na magpabuhat. Hindi ko ata matatagalan kung makikita kong lilingkis nanaman ang bruhildang si Pia.
“She’s here.”sabi sa akin ni Zen at ginulo ang balahibo ko.
“Why do you look like you’re scared or what?”tanong niya sa akin ng nagtataka. Napakunot naman ako nang noo nang makitang lumilingkis na nga itong si Pia kay Lyle. Agad naman kumulo ang dugo ko sa kanya at napatalon ako sa baba.
Agad kong kinagat ang laylayan ng damit nito.
“Hey, don’t do that.”sabi ni Pia na umaarte nanaman ngayon.
“Don’t scratch me again.”sabi niya pa na kunwaring napaalis sa tapat namin ni Lyle at napahawak pa sa kanyang pisngi. Ang galing talagang umarte ng punyetang ito.
Inangilan ko naman siya dahil dito. Tinignan naman ako ni Lyle.
“Hey, behave na, Heaven.”sabi niya sa akin. Napatahol naman ako sa kanya na naiinis dahil kinakampihan nanaman niya ito. Pero kumpara noong nakaraan, mas maayos naman na ang pagbabawal niya sa akin.
“Are you okay, Pia? Heaven won’t do that. Trust me.”sabi na lang ni Lyle sa kanya. Kung nakakairap lang ako, kanina pa ako napairap dahil dito.
“But he already do that.”sabi pa ni Pia na tila naiiyak pa ito. Malalim naman na napabuntong hininga si Lyle sa kanya. Napatingin ako sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin. Para kasing naniniwala talaga siya kay Pia na maarte. Nakakairita.
Bakit ba kasi hanggang dito ay sumunod ang pesteng ito? Nakakainis.
Maya-maya ay lumingkis nanaman siya kay Lyle. Ang bobong si Lyle naman ay pilit na inaalis ‘yon ngunit pilit din na binabalik ni Pia.
Bababa lang kami ngayon para kumain at mamaya ay mag-iice skating na ngunit mukhang imbis na mag-enjoy ako ay mas lalong lang akong maiirita sa pesteng si Pia.
“I don’t know what happened, Heaven, but I trust you.”sabi ni Zen sa akin at ginulo ang balahibo ko.
“By the way why are we going to eat with your secretary?”Pia asked rudely. Hindi ko naman maiwasang mas lalo pang mairita sa paraan ng pagtatanong nito. Kung tutuusin ay mas maayos pa ang pag-uugali ni Zen kumpara sa kanya.
“Bakit hindi?”kunot noong tanong ni Lyle sa kanya. Agad naman siyang nataranta dahil sa mukhang iritadong mukha ni Lyle.
“I mean I’m just asking, it’s okay.”sabi pa nito at ngumiti. It’s okay? Hindi naman nagpapaalam sayo, bruha.
Walang may pakialam sa opinyon mo. Napairap na lang ako sa aking isipan dahil sa malditang ‘to.
Napatingin naman ako kay Zen na napangiti na lang doon. Tila wala na ring pakialam sa mga pinagsasabi ni Pia.
Pagkababa namin ay maarte na agad na nilibot ni Pia ang kanyang mga mata. Mas lalo pa naman akong nanggigil sa kanya habang pinagmamasdan siyang todo ang kapit kay Lyle.
“Gusto mo bang lumipat ng table, Presley?”tanong niya nang maupo na kami. Tapat tapat kasi kami at mukhang hindi siya komportable.
“Huh? Hindi na, ayos naman na ang pwesto.”sabi ni Lyle at napakibit ng balikat. Nang dumating ang pagkain ay agad kong nilantakan ang binibigay nila sa akin.
Kitang kita ko naman ang maarteng mukha ni Pia habang sina Lyle at Zen ay natatawa na lang sa akin. Napangiwi pa si Pia na tila naiinis na. Mas lalo ko pa siyang ininis nang dilaan ko ang gilid ng pinggan niya.
“Eww.”medyo malakas ‘yon kaya napatingin sa kanya si Lyle at Zen. Napasimangot naman si Lyle dahil dito. Awkward na lang siyang ngumiti kay Lyle at nang magkaroon ng pagkakataon na tignan ako, agad niya akong sinamaan ng tingin. Napailing na lang ako sa kanya. Napangisi sa aking isipan.
Nang matapos kaming kumain ay halatang hindi na kumportable sa kanya si Lyle.
“Where’s your next destination na?”tanong niya pa na nakangiti ng malapad.
“Ice skating rink.”simpleng sagot na lang ni Lyle sa kanya.
“I’ll join, ha?”nakangiti nitong tanong na sinubukan nanamang lumingkis kay Lyle ngunit si Lyle na mismo ang lumayo at naunang maglakad palabas ng hotel.
“Good morning, Sir, Ma’am Zen.”bati ni Manong sa amin.
“Good morning, Manong, I told you to call me Zen na lang po.”nakangiting saad ni Zen sa kanya.
“Nako, Ma’am.”natatawa nitong saad.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Pia kay Manong at tinignan niya pa ito kula ulo hanggang paa. Napangiwi ako sa aking isipan dahil dito.
“Sino ‘yan, Ma’am?”tanong ni Manong kay Zen.
“Isang bruhilda sa pelikula, Manong.”humagikhik pa si Zen. Kung nakakatawa lang ako, kanina pa ako natawa dahil kay Zen. Natawa rin tuloy si Manong dahil dito.
Umupo naman na si Lyle sa frontseat, katabi ni Manong kaya si Zen at Pia ang magkatabi ngayon. Katabi ko naman si Zen sa gilid. Tahimik lang siya.
“I heard you said that I’m bruhilda.”bulong ni Pia na masamang masama ang tingin kay Zen. Bakit hindi ba totoo?
Halatang ayaw din nitong ipadinig kay Lyle na kausap si Manong ngayon.
“Oh? Baka mali lang kayo ng pagkakarinig, Ms. Ramirez.”sabi na lang ni Zen.
“Shut up, ugly!”bulong nito ngunit gigil na gigil. Tinahulan ko siya dahil dito. Napatingin naman sa akin si Lyle dahil nakita niyang gigil na gigil ako kay Pia.
“What’s wrong, Heaven? Why do you hate me that much, baby?”tanong ni Pia sa akin at nagpaawa pa ang bruha.
Mas lalo ko pa siyang tinahulan dahil dito, alam na alam kung paano magpaawa ng boba. Pakiramdam ko puputi pa lalo ang puti kong balahibo sa sobrang inis sa kanya.
Mabuti na lang ay pinakalma ako ni Zen at naglaro lang kami ng kubg ano-ano hanggang sa makarating sa ice skating rink.
“Oh, it’s cold pala.”maarteng saad ni Pia. Hindi ko alam kung nagpaparinig ba siya kay Lyle o ano pero mukha nga talagang nagpaparinig dito. Pakiramdam ko ay kaunting kaunti na lang at sasabog na talaga ako ng tuluyan kay Pia.
Napakibit na lang ng balikat si Zen at si Lyle naman ay tila walang narinig ay dire-diretso lang sa loob. Napangisi naman ako sa aking isipan dahil dito. Ha! Manigas ka ngayon diyan, it’s cold pala, ha?
Literal na maninigas talaga siya sa sobrang lamig ng lugar. Yakap yakap na niya ngayon ang sarili na humahabol kay Lyle.
Kung nakakatawa lang ako ay kanina pa ako humagalpak ng tawa nang madulas ito. Alam kong masama na ang tingin niyo sa akin ngunit mas masama ang tingin ko sa babaitang ‘to.
Napasimangot naman ako nang makitang nagpaawa nanaman ito kay Lyle. Hindi ko naman kung likas ba talaga kay Lyle ang pagmabait o ano dahil tinulungan niya na lang din ito.
May mga lahi ata talagang baliw ang mga nagkakagusto dito, syempre, excempted ako.
Nagsuot naman na kami ng ice skating shoes na nirent sa tabi. Kung nakakairap lang ako ay kanina pa ako napairap sa kaartehan ni Pia.
“Awwe, I think I can’t use my hands, Presley, can you please put these shoes?”tanong niya kay Presley. Pagpumayag ‘to, sasakmalin ko ‘to. Napangisi naman ako sa aking isipan nang makitang nagtawag si Lyle at ‘yon ang nagkabit kay Pia ng ice skating shoes niya. Kita ko ang pagsimangot ni Pia nang lumapit sa amin ni Zen si Lyle.
“Awwe, wawa naman ang Heaven na ‘yan, walang shoes.”sabi ni Lyle sa akin. Nang-aasar nanaman pagkatapos niya akong bwisitin sa presensiya ni Pia.
“Magsisimula na kami, Boss.”sabi ni Zen habang hawak ang tali ko.
“Bakit? Hindi niyo ba ako isasama?”tanong ni Lyle at sumunod na rin sa amin. Kita ko naman si Pia na nakasunod na agad sa amin. Kung ikukumpara siya sa akin, mas mukha pa itong aso.
“Can you hold me, Presley? I’m scared e.”sabi niya na nagpabebe nanaman ng mukha.
Kung natatakot pala siya, edi sana nanatili na lang siya sa hotel o ‘di naman kaya ay hindi na sumunod pa dito.
Tumakbo na lang ako para hilain si Zen dahil mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa mga pakulo niyanh si Pia para lang makapagpapansin kay Lyle.
Mabuti na lang ay magaling magpagaan ng loob si Zen kaya parehas lang kaming tuwang tuwa habang patakbo takbo dito. Kaya na agad ni Zen ibalance ang kanyang sarili at nakakatakbo na dito, hindi tulad ni Pia na parang tangang nakakakapit lang kay Lyle.
Iniiwasan ko naman ng mapatingin sa gawi nila dahil pinipigilan ko ang sariling mainis at baka ako na mismo ang kumalmot sa kabila nitong pisngi.
“Omg!”sigaw pa nito na pakiramdam ko ay sinadyang magpatapilok kaya napabagsak sila ni Lyle sa sahig. Kung sa mga teleserye, nakakatuwa ‘tong tignan, dito, manggigil ka talaga. Naghiyawan pa ang mga tao nang subukang halikan ni Pia si Lyle ngunit agad siyang naitulak nito.
‘Yan ang nababagay sa’yong malandi ka.
“Omg! I’m sorry about that.”mabilis niyang saad nang nababakasan na ngayon si Lyle nang iritasiyon sa kanya.
Bakit? Hindi niya ba alam ang tunay na kulay nitong malandi na ‘to? O baka ngayon lang talaga lumalabas.
“I’m really sorry about that, Pres.”sabi ni Pia na nagpapaawa pa habang naglalakad papalapit sa amin si Lyle.
“Don’t even try doing that again, Pia, it’s not funny and it’s not fucking okay. Wake up.”sabi ni Lyle sa kanya.
“Yeah, I didn’t do that on purpose. Nadulas lang naman ako e. Sorry.”paawa effect nitong saad.
Hindi na lang pinansin ni Lyle ‘yon at lumapit na sa amin ng tuluyan. Bago pa niya mahawakan ulit si Lyle ay humarang na ako sa kanya.
Aba, mahiya naman na sana siya. Hindi pa rin ata ‘to nadadala. Agad ko siyang tinahulan at hindi na hinayaang makalapit kay Lyle.
“Get out of my fucking way, before I fucking kill you..”bulong niya sa akin.