Chapter 36
Celeste’s POV
“I make some soup, Sir,
if you want. Lamig e.”sabi ni Zen na naupo sa pinakagilid na upuan malayo sa upuan ni Lyle.
Nakikitambay kami ngayon sa hotel room nito dahil parehas kaming walang magawa ni Lyle at gusto ko rin na makita ang kwarto nito. Matutulog na sana si Lyle kaya lang ay ginulo ko siya para lang puntahan si Zen na mag-isa lang sa kabila.
Kapitkwarto lang naman namin ito. Nang buksan nga nito ang kwarto niya kanina ay nanginginig na siya sa sobrang lamig.
Kanina para pa itong batang nahiga higa sa niyebe, lamig na lamig na rin naman pala. Napailing na lang ako sa kanya dahil dito.
Binuksan niya na ang tv habang inaabot ang soup kay Lyle. Kakakain lang naman namin sa baba kaya lang ay mukhang hindi pa nakuntento si Zen at gusto pa ng mas mainit na soup.
“Come here, Heaven.”pagtatawag niya sa akin at dahan dahan akong sinubuan ng soup.
“Hello, yes, alright.”napatingin naman kami kay Lyle na may kausap nanaman.
“Heaven, let’s go back to our room. Let’s sleep na.”sabi sa akin ni Lyle.
“Alis na kami, Zen.”paalam ni Lyle.
“By the way, do you know who sadako is?”tanong ni Lyle sa kanya.
“Ingat ka.”mapang-asar pa na saad nitong kasama ko.
“Parang gago naman ‘tong si Sir.”bulong ni Zen na ako lang ang nakarinig. Napatawa naman ako sa aking isipan dahil sa kanya.
Pagkapasok namin sa loob ng hotel na pagtutuluyan, mas natakot pa ako dahil katapat na kapat lang ng pagtutulugan namin ang tv na malaki.
Humiga na si Lyle kaya agad akong sumunod sa kanya at siniksik ang sarili. Napatawa naman siya sa akin dahil dito.
“Miss mo ako no?”natatawa niyang tanong sa akin na hinayaan lang ako.
Nakatulog na lang ako sa haplos nito sa aking balahibo. Nagising na lang kaming dalawa nang may kumakatok na sa labas.
“Good morning, Heaven. Good morning, Sir.”bati ni Zen na parang hindi naman natulog. Mukhang napuyat ‘to sa kakaisip ng kung ano.
“Coffee.”nakangiti pa nitong saad ngunit nananatili ang tingin sa kanya ni Lyle at napatawa pa ‘to ng mahina dahil mukha talaga siyang hindi nakatulog.
“Natulog ka ba, Zen?”tanong ni Lyle na kinuha ang coffee.
Binuhat naman ako ni Zen at pumasok din sa loob.
“Oo naman po, Sir!”nakangiting saad pa ni Zen ngunit agad ding bumulong sa akin.
“Sino bang makakatulog sa sinabi niya? Mag-isa ko lang sa kwarto no.”bulong bulong pa ni Zen dito sa tabi ko.
Nilagay naman ni Lyle ang kape na dala ni Zen sa table na nasa tapat ng bintana. Kitang kita dito ang christmas tree na malaki.
“Hala! Edi kitang kita pala tayo diyan kagabi.”bulong ni Zen sa akin. Napatawa naman ako sa aking isipan, may advantage din pala ang pagiging aso. Mas nakakahiya pa rin sila.
Maya-maya ay may pumasok na rin para sa aming mga pagkain. Nalilibang naman ako habang nakatingin sa ibaba. Tinitignan kung paano bumagsak ang mga niyebe mula sa kalangitan.
Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na rin si Lyle ngunit kaming dalawa ni Zen ay nanatili lang na nakasilip sa snow dahil hindi naman kami sasamang dalawa.
“I’ll be going now, don’t even think of going out, masiyadong malawak ang lugar.”sabi ni Lyle kay Zen.
“Yes, sir.”sabi nito. Sinilip naman namin si Lyle na may mga kasama na habang naglalakad paalis.
“Hays, anong gagawin natin ngayon, Heaven? Magtititigan?”natatawa niyang tanong sa akin.
“Syempre, hindi. Let’s go to my place. Dali.”natatawa niyang yaya at binuhat na ako patungo sa kanyang kwarto.
Akala ko kung anong kukunin niya sa bag, nagulat na lang ako nang naglabas ito ng pangknit. Ang dami niya pang yarn na dala. Girlscout talaga ito.
“Just stay there and watch, okay?”tanong niya sa akin. Napatahol na lang ako sa kanya ngunit agad na hinila ang isang yarn pula dahil umatake nanaman ang katawang aso ko.
Agad akong tumakbo dito sa buong hotel room niya, kada takbo ay nawawala sa paglakarolyo ang yarn.
“Hey, Heaven! Heaven!”hinahabol na ako ngayon ni Zen. Dahil umaatake nga ang aking katawang aso, nagpapahabol lang ako dito halos matisod na nga siya sa mga yarn e.
Maya-maya ay nahuli ako nito nang tuluyan ko ng mabitawan ang yarn. Agad niya akong hinila akala ko’y katulad ni Pia ay sasaktan ako nito, napatahol tuloy ako na tila nasasaktan ngunit agad niya akong niyakap at pinanggigilan ng halik.
“Napakakulit mo talaga. Bad ka.”sabi niya sa akin na pinanliitan ako ng mga mata.
“Ito ang laruin mo. Behave.”banta niya pa sa akin at nagbigay ng bolang maliit. Kung kanina pa niya ito ibinigay, edi sana hindi siya nahihirapan ngayon na nagrorolyo ulit ng yarn.
Nang matapos niya ‘yon ay nagsimula na siyang maggantilyo. Hindi ako marunong no’n kaya napaupo ako sa tapat niya habang pinapanood lang siya na nakangiti habang ginagawa ‘yon.
Manghang mangha naman ako sa kanya dahil natapos niya ang isa. Isinukat niya sa akin ‘yon at napangiti siya nang makitang maganda.
“’Yan, do you like it?”tanong niya sa akin habang nakangiti. Napatahol naman ako dahil dito. Kulay pula ang scarf na ibinigay niya sa akin.
“You like it?”ulit niya pa na malapad ang ngiti. Maya-maya ay naggantilyo ulit ito.
Kulay abo naman ang ngayon, siguro ay para sa kanya. Pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa. Nalilibang naman ako sa pagsunod sunod ng tingin sa kamay nito.
Katulad dati ay kwento lang ng kwento sa akin si Zen. Hindi ito nauubusan ng istorya. Nakikinig na lang ako sa kanya.
“It’s done!”sabi niya nang ilang oras din ang ginugol sa paggawa ng scarf. Nang matapos ay nag-inat inat muna siya habang pinagmamasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
Naglunch na rin kami pagkatapos, sinubukan ko pa ‘tong yayain sa labas. Kaya lang ay sa tapat lang kami ng christmas tree tumungo.
Pagkatapos namin doon ay natulog lang kami. Nang maghapon na ay nagtimpla lang ulit siya ng kape at binasahan lang ako ng libro na dala.
Para lang kaming nasa bahay at normal na normal lang, ang pinagkaiba lang ay mas malamig dito. Hindi rin naman umuwi si Lyle buong araw. Umuwi na lang ‘to ng maghahapunan na.
“Hey, Heaven!”nakangiti niyang salubong sa akin at binuhat ako. Nagtungo naman kami sa baba para kumain.
“Wow, who gave this to you?”tanong ni Lyle sa akin habang nakangiti.
“Lumabas ba kayo?”tanong niya kay Zen. Umiling naman si Zen dahil dito.
“I gave to her, Sir.”sabi na lang ni Zen saka niya hinaplos ang balahibo ko.
“Good morning, Mr. and Mrs. Fuentes.”sabi ng isang staff nang tutungo na kami sa kainan. Nagkatinginan naman kaming tatlo. Agad kong tinahulan ‘tong staff dahil dito.
“Ahh, no, no, I’m not his wife.”natatarantang saad ni Zen. Napatawa naman ng mahina si Lyle bago kami pumasok sa loob.
Madami naman ang inihandang pagkain sa amin. Tahimik lang kaming kumaing tatlo.
Nang matapos ay bumalik na rin naman agad kami sa hotel rooms namin. Agad na kumaway kaway sa akin si Zen ngunit napakunot ako ng noo nang kindatan ako nito. Napailing na lang ako sa kanya.
“Hey, did you enjoy this day, little one?”tanong sa akin ni Lyle. Baka siya lang ‘tong nag-enjoy, siya itong buong araw sa labas e.
“’Cause I didn’t.”sabi niya na napanguso pa. Mukha rin ‘tong lamig na lamig dahil nang hawakan niya ako, ramdam ko ang lamig ng kamay niya.
“It’s been a tiring day.”sabi pa ni Lyle at niyakap ako pagkahiga namin sa kama. Mukha na rin ‘tong antok na antok. Nagrant pa siya sa akin bago tuluyan ng nakatulog.
Isang oras pa lang ata ‘tong nakatulog nang may kumakatok na mula sa labas. Napaalis naman ako sa kama. Sinusubukan pang buksan ang pintuan ngunit hindi ko rin naman magawa.
Napatayo tuloy si Lyle sa kama, medyo antok pa ‘to ng buksan niya ang pinto.
“Good evening, Sir.”nakangiting sambit ni Zen. Napakunot naman ng noo sa kanya si Lyle.
“Hihiramin ko po sana si Heaven, hindi kami nakapasiyal kanina dahil hindi kami nakapagpaalam sayo, baka naman po pwede ngayon.”sabi ni Zen kay Lyle na paputol putol pa dahil nakapamewang pa ‘tong boyfriend ko.
Napatahol naman ako kay Lyle at kumawag kawag pa ang buntot. Kanina ko pa kaya gustong lumabas kaya lang ay ayaw pumayag ni Zen.
“Aba, hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa’t isa? Kaninang umaga pa kayo magkasama, ha?”tanong ni Lyle na nakataas ang kilay sa aming dalawa ni Zen. Napatahol pa ako lalo sa kanya.
“Fine.”sabi na lang ni Lyle at napatango na lang.
“Pero sasama rin ako.”dagdag niya pa.
“Okay lang kahit kaming dalawa na lang po, Sir, mukha na pong pipikit ang mga mata niyo.”sabi ni Zen sa kanya. Sinamaan niya lang ‘to ng tingin kaya napatahimik naman si Zen. Napatawa ako dahil dito. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
Nagsimula naman na kaming maglakad palabas. Bitbit bitbit pa rin ako ni Zen.
“Saan mo ba kasi balak pumunta, Zen?”tanong ni Lyle sa kanya.
“Sa convenience store, Sir.”sabi ni Zen at ngumiti ng malapad bago nagsimulang maglakad patungo doon. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Lyle bago sumunod.
Pumasok naman kami isang convenience store. Napailing na lang ako kay Zen nang gusto lang pala nitong kumain ng noodles.
“’Yan lang bibilhin mo?”tanong ni Lyle sa kanya. Ngumiti naman si Zen at tumango pa bago nilagay ang mga noodles sa lamesa.
Binigay niya naman kay Lyle ‘yong isa at inupo pa rin niya ako sa kanya. Sinubuan lang ako nito habang nakatingin sa labas. Nag-ssnow pa rin ngayon, hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Zen na hindi na naalis pa sa mukha ang mga ngiti.
“You want to go here just to eat this?”tanong ni Lyle sa kanya. Tumango naman si Zen ngunit hindi rin nagkwento. Expected ko naman na ‘yon.
“It’s my brother greatest dream, he wanted to eat some noodles while he can see the snow.”sabi ni Zen habang nakangiti.
Parehas naman kaming napatingin ni Lyle sa kanya. Nakangiti lang ito habang nagsisimula na ulit kumain.
“How about you? What’s your dream?”tanong ni Lyle sa kanya. Napatingin din ako kay Zen dahil curious din ako doon.
“Hmm, I just want to see my brother’s happy, Boss. ‘Yon ‘yong greatest dream ko. Ikaw ba?”tanong ni Zen kay Lyle.
Napatingin ako kay Lyle, curious kung tulad noon, ganoon pa rin ang pangarap nito. His dream years ago is to have his complete and happy family kasi hindi niya naranasan. I was determine that time. I was determine that I’ll be the one who’ll help him to fulfill his dream pero mukhang sa ibang tao niya na ata matutupad ‘yon. Hindi ko ata kakayaning masaksihan ‘yon.
“My dream? I want to see her again. I want to see how happy she is. I want to see her eyes, her nose, her lips, I want to see everything about her.”sabi ni Lyle habang nakatingin sa snow. Seryoso lang ang mukha nito. Hindi ko alam ngunig kusa akong napangiti dahil dito.
Selfish na kung selfish pero kung hindi siya sa akin sasaya, huwag na lang din sana sa iba.
“Mahal na mahal mo talaga siya, Boss, no?”tanong ni Zen nang nakangiti. Hindi naman nagsalita si Lyle. Natahimik naman kaming tatlo at nanatili lang ang tingin sa labas.
“Ano ba ‘yan nagdadrama nanaman tayo, lumalamig na ang noodles.”sabi na lang ni Zen at ngumiti. Kumain na lang ‘to ng kumain. Sinusubuan niya rin naman ako. Napangiti na lang ako habang nakatingin kay Lyle.
Sa hindi ko malamang dahilan parang ang saya saya ko na hindi nito kayang magmahal ng iba dahil hindi pa siya nakakamove on sa akin. Maybe I was really evil, well, I can’t wish him to be happy unless it’s me.
Gusto ko ako lang, gusto akin lang.