Chapter 35
Celeste’s POV
“It’s snowing, Heaven!”nakangiting saad sa akin ni Zen nang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan namin habang nandito kami.
Hindi naman na ‘to ang unang beses kong nakakita ng mga niyebe ngunit katulad ni Zen ay namamangha pa rin talaga ako.
Sabay pa kaming dalawa na tumakbo sa malaking christmas tree sa gitna ng hotel.
Nang tignan ko si Lyle. Napangiti na lang siya sa amin dahil sa inasal namin ni Zen, napatawa pa siya nang mahina habang tinitignan kami. May kausap siya ngayon kaya hindi niya kami malapitan.
“Ang ganda!”turan ni Zen habang nakatingin sa mga niyebe na siyang bumabagsak sa malaking christmas tree dito sa tapat.
Napangiti naman ako nang mapagtanto na malapit nanaman pala ang pasko. Ang bilis pala talaga ng mga araw.
Katulad ng sinabi ni Zen, maganda nga talaga ito. Umiilaw na rin ang mga christmas light at kumikinang naman ang mga christmas balls na nagkikintaban dito.
Ang lamig ng panahon ay nagpapahiwatig ng kapaskuhan. Napatingin naman ako kay Zen na sumilong pa sa ilalim ng christmas tree dahil talaga namang malaki ‘yon.
Binuhat niya naman ako sa takot na baka guluhin ko ‘yon. Napangiti na lang ako sa kanya.
“Are you still mad at Sir Presley, Heaven?”tanong niya sa akin nang parehas na kaming natahimik dalawa at nakatingin lang sa mga niyebeng nagbabaksakan.
Napatingin naman ako kay Lyle na seryoso lang habang may kinakausap.
Natatandaan ko ang sabi nito noon, ang sabi niya kahit talikuran na ako ng buong mundo, mananatili pa rin siya sa tabi ko ngunit hindi niya nanaman matutupad ang pangako. Sabagay, he promise that to Celes.
I’m Celes but not the pretty and classy Celes. I’m just his dog now.
“You shouldn’t be na.”sabi niya at nginitian ako.
“Kung alam mo lang kung gaano siya katakot na mawala ka noong isang araw.”sabi niya habang nakangiti sa akin. Napakunot naman ako ng noo dahil doon.
“Pagkadala niya pa lang kay Ma’am Pia sa hospital, tinawagan niya ako para magbantay dahil susunduin ka na daw at sesermonan.”natatawa niyang saad.
“But you’re gone, umalis ka naman daw kasi bigla, natakot ka daw ata ang sabi no’ng Manang na nandoon.”sabi ni Zen at ngumiti. Napatitig naman ako sa kanya. Hinihintay ang pagkukwento nito.
“Bakit ka nga ba natakot? Did they do something to you?”tanong niya na napanguso.
“O takot ka lang masermonan ni Sir? Nako, kahit ilang beses ka pa no’n sermonan, hinding hindi ka niya ipagpapalit, mahal na mahal ka no’n e.”sabi niya pa sa akin habang hinahaplos ang balahibo ko.
“He was scared that he will also lost you, grabe ‘yong takot niya nang hindi ka niya mahanap buong araw. Maggagabi na’t naghahanap pa rin kami sayo. Pinauwi niya na kami’t lahat lahat pero sinundan ko siya, Heaven, he was really deperate to look for you, ni hindi siya natulog no’ng araw na ‘yon para hanapin ka.”sabi niya habang nakatingin na kay Lyle ngayon.
Napatingin din naman ako kay Lyle na seryoso pa rin. Para naman akong maiiyak dahil sa nalaman.
So, noong araw na ‘yon, hindi siya natulog? Kaya ba ganoon ang itsura niya? Halatang pagod na pagod, kaya pala mabilis na nakatulog.
“Baka raw kasi hinihintay mo siya at baka raw kasi kung ano ng nangyari sayo, when I looked at his eyes? Takot na takot talaga siyang mawala ka.”sabi pa ni Zen na napangiti ng malungkot habang nakatingin siya kay Lyle.
“Pati nga rito ay wala naman talaga sa planong isama ka ngunit sa takot na baka hindi ka na ulit niya makita pa, dinala ka na lang.”saad niya pa habang nakatingin na sa akin ngayon.
“So huwag ka ng magalit, hmm?”turan pa ni Zen habang nakatingin sa akin at ngumiti ng malapad. Sa hindi ko naman malamang dahilan. Natuwa na lang ako sa lahat ng sinabi niya sa akin.
Walang sabi sabi akong tumakbo patungo kay Lyle at malakas ko ‘tong tinahulan bago ako tumalon sa kanya. Nagulat naman ang kausap niya sa akin. Akala ko’y sesermonan na ako ni Lyle katulad ng lagi niyang ginagawa kapag may kausap at bigla bigla na lang akong tatalon sa kanya ngunit iba ngayon.
Nang tignan ko ang mukha nito, nakangiti ito sa akin ngayon habang hinahaplos ang balahibo ko.
“Ano? Bati na tayo?”tanong niya na nakangiti at niyakap pa ako. Napangiti na lang din ako, ang init ng yakap nito na tila nagsasabing ito ang tahanan ko.
“Oh, I’m sorry about that, Mr. Yu. This is Heaven, my dog.”sabi ni Lyle na pinakilala ako. Napatahol naman ako sa singkit na lalaking nasa harapan ko. Mukhang kasing edad lang ‘to ni Lyle. Mukha rin siyang half filipino at half chinese.
“Don’t worry about it. Kulay niyebe rin ang kanyang balahibo.”nakangiti nitong saad habang napatingin sa snow.
“Ahh. Yeah.”nakangiti namang saad ni Lyle dito. Akala ko’y palalayasin niya na ako sa harap nila ngunit nagulat ako ng magpaalam na ito sa kausap.
“Hope to see you again, Mr. Yu, sorry to say but we need to go now, thanks for your time.”sabi ni Lyle sa kanya.
“Sure, enjoy your stay here.”sabi nito at ngumiti pa. Mukhang sila ang may-ari ng lugar.
Nang makaalis kamj doon ay sumunod naman si Zen na nakangiti na ngayon.
“Niybe lang pala katapat mo, edi sana binilhan kita ng yelo.”natatawang saad sa akin ni Lyle. Tinahulan ko naman siya dahil dito. Aba, anong tingin niya sa akin.
Imbis na dumeretso sa hotel ay dito kami sa christmas tree nanatili. Kita ko naman ang malapad na ngiti ni Zen na tila natutuwa na nagkaayos na kami ni Lyle ngayon, napangiti na lang din ako. Bawi na siya sa pagsigaw sigaw niya sa akin.
“It’s pretty, right?”tanong ni Lyle habang nakatingin sa akin.
“Yes, Dade.”natatawang turan ni Zen na nagkunwari pang boses ko. Napatingin naman kami ni Lyle sa kanya, sinamaan siya ng tingin ni Lyle samantalang ako ay napatawa na lang sa aking isipan.
Dumadaldal na talaga ‘tong si Zen which is good naman. Kusa na lang din akong napangiti dahil dito.
“Sir, hold these.”sabi ni Zen na pinahawak ang mga gamit niya kay Lyle parehas naman kaming napakunot ang noo dahil dito, hindi alam kung anong balak nitong gawin.
Natawa na lang ako nang iabot niya ang mga gamit kay Lyle at agad na humiga sa lapag.
“Sinearch ko ‘to sa youtubue, Sir, e, tignan mo ahh, how to make a snow angel, search mo rin, Sir.”sabi niya at nagsimula na sa paggalaw ng kanyang mga kamay at paa. Tuwang tuwa ito habang ginagawa ‘yon. Napapatawa na lang si Lyle sa kanya.
Tinahulan ko naman siya para subukan niya rin ito kahit sa palagay ko ay hindi niya ‘yon gagawin dahil kahit mabait ito, maarte pa rin naman.
Mas lalo ko siyang tinahulan at hinihila pa para lumapit kay Zen na tuwang tuwa lang sa ginagawa.
“Fine.”natatawa niyang saad at napailing pa sa akin.
“Try mo rin, Sir, dali.”natatawang saad ni Zen habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Funny how I’m jealous how happy they are right now, kung may paa at kamay lang ako ngayon, isa rin ako sa gumagawa ng snow angels ngayon.
Bakit nga ba pinapangunahan ako ng arte noon at hindi ko ito sinubukang gawin? Ilang beses din kaming nagtungo sa ibang babsa ni Lyle ngunit hindi ko kailanman sinubukan ito.
Ang hirap talaga kapag umatake sayo ang salitang ‘regret’. Napangiti na lang ako sa aking sarili. Atleast nakikita ko silang masaya ngayon, ‘di ba?
Nagulat naman ako nang may biglang bumato sa akin ng snowball. Gulat na gulat naman akong napatingin kay Zen na natawa pa sa itsura ko.
“Pati ba naman ikaw ay nasa kalawakan na ang pag-iisip?”natatawang tanong sa akin ni Zen na binato pa ulit ako ng snowball. Agad ko naman siyang tinahulan dahil dito. Susubukan ko sana siyang habulin ngunit agad niya ulit akong binato sa mukha at tumakbo.
“Zen!”banta ni Lyle sa kanya. Ang walang hiyang si Zen naman ay binato rin si Lyle nang snowball at tuwang tuwa na napatingin kay Lyle ngunit nang samaan siya nito ng tingin ay agad siyang napatahimik, mukha pa ‘tong natakot kaya ako naman ang napatawa sa aking isipan.
“Ahh, ganoon, ha?”natatawang saad naman na ni Lyle.
“Come on, Heaven, huliin mo.”natatawa nitong saad sa akin. Napatawa naman ako sa aking isipan nang makita kong napatakbo papalayo si Zen at tatakbo na sana sa loob ng building dito sa hotel ngunit agad ko siyang nahila.
Natatawa naman ‘tong napahinto. Agad siyang binato ni Lyle ng snowball. Hindi naman nagpatalo si Zen at binato niya rin si Lyle. It’s fun. Bakit ba naiirita ako noon kapag sinusubukang makipaglaro sa akin ni Ate Loxy gamit ang mga niyebe?
I used to have fun in my room just reading books in this kind of climate. Masaya naman kaya lang ay ngayon ko lang nagpatanto na mas masaya pala ito.
Nagulat naman ako nang sabay nila akong hagisan ng snowball at parehas pang humagalpak ng tawa.
Tinahulan ko naman silang dalawa at nagtangkang hihilain ang laylayan ng kanilang mga jacket kaya lang ay sobrang kapal ng mga jacket ng mga ito kaya tinawanan lang ako.
Tawa lang sila ng tawa habang nagbabatuhan. Napapatawa na lang din ako sa aking isipan habang umiilag ilag sa kanila. Maya-maya ay may lumapit na sa amin at pinagbawalan sila. Aba, sila lang naman kasi ‘tong parang baliw habang nandito sa gitna ng hotel habang ang mga tao ay tahimik lang sa kanilang mga ginagawa.
May iilan pa ngang napapatingin sa amin dahil dito. Bahagya naman silang natahimik dahil dito ngunit parang mga timang na natawa rin.
Napahiga naman si Zen sa snow na akala mo’y walang lamig na narararamdam.
“Zen, it’s cold. Huwag kang mahiga diyan.”sabi ni Lyle sa kanya.
“Ganda kaya ng stars ngayon, Sir, saka ilang days lang tayo dito, susulitin ko na ho.”sabi pa ni Zen habang nakangiti.
“Come on, Sir, minsan lang ‘to. Madali lang ang buhay, sulitin na hangga’t pwede pang maranasan.”sabi pa nito at inaya si Lyle na nagdalawang isip muna ngunit maya-maya ay tumabi rin. Aba, tinabi rin ako sa kanila.
Akala mo nasa may damuhan lang kami at hindi malamig, iba talaga ang mga trip ni Zen, napailing na lang ako sa kanya. Niyakap naman ako ni Lyle dahil dito habang nakatingin lang kami sa kalangitan.
Ang daming mga bituin ngayon. Napangiti naman ako habang nakatingin dito.
“Ngayon lang ang free time mo, Sir, dapat mo ng sulitin dahil puno ang sched mo sa susunod na mga araw.”sabi ni Zen na tila hindi iniinda ang lamig. Tinignan ko ang reaksiyon nito, nakangiti lang ‘to habang nakatitig sa kalangitan.
“Yeah.”sabi naman ni Lyle na nakatingin lang din sa kalangitan. Tumagal lang kami ng mga ilang minuto habang nakagingin doon.
“Whoo, ang lamig, para pala tayong nasa freezer.”sabi ni Zen na sinubukan ng tumayo. Ngayon lang ata niya napagtanto. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Nagsimula naman na kaming maglakad patungo sa loob ng hotel pagkatapos ng pagtingin nila sa kalangitan.
“Is it cold?”tanong ni Lyle sa akin na siya simubukan pa akong ibalot sa jacket niya.
“Hoy, bati na.”natatawang saad ni Zen na kanina pa naman binabanggit ‘yon. Sinamaan siya ng tingin ni Lyle.
“Boss mo ako, Zen, baka nakakalimutan mo.”sabi ni Lyle sa kanya at pinagtaasan pa ‘to ng kilay. Agad naman natahimik si Zen ag napanguso. Tinahulan ko naman si Lyle dahil dito, aba, you should be thankful to Zen, no? She was the reason why we’re okay now.
“Aba, aba, nakakuha ng kakampi.”natatawang saad ni Lyle.
“Nag-away lang tayo, may iba na agad. Hmp.”pabebeng saad ni Lyle sa akin kaya napatawa ako sa aking isipan. Bakit parang kasalanan ko na inawah niya ako?
Tinahulan ko ulit siya kaya napatawa na lang siya ng mahina. I’m happy that we’re now. Hindi ko pa rin pala talaga kayang magalit sa kanya ng matagal. Ang hirap hirap niyang tiisin.