CHAPTER 87: ‘MS. OH’
Nang makasakay na si Zachary ay agad niyang pinaandar ang sasakyan pahayon sa San Carlos Racing Track kung saan gaganapin ang All Champion Porsche 2019.
Nang makarating si Zachary ay agad siyang sinalubong nina Travis, Harken, Primo at Jarem habang si Enzo naman ay nasa loob ng racing track kasama ang ibang participants.
“You’re late, bro,” ani ni Primo habang nakaupo sila sa bandang baba kung saan kitang-kita nila ang lahat na participant.
“Where’s Samarra?” tanong ni Harken sa kaniya na ikinakunot-noo niya, alam niyang may paghanga ito sa asawa niya pero hindi naman maganda na magtanong pa ito habang kasama ang girlfriend nito.
“Why?”
“Whoa! Easy, I’m just asking besides kaibigan ni Jazz si Samarra kaya naitanong ko lang,” natatawang wika ni Harken na ikinahinga niya nang maluwag.
“Bakit ba parang nagseselos ka sa akin?” pambubuska pa ni Harken sa kaniya na ikinasama ng mukha niya dahil kitang-kita niya si Vince na nakangisi habang nakatingin sa kaniya.
“Jazz, hiwalayan mo na ‘yan si Harken, may irereto na lang ako sa’yo na iba,” wika niya na ikinatawa nang malakas ni Harken at agad na hinapit ang girlfriend na namumula ang mukha.
“Hindi magagawa sa akin ng girlfriend ko ‘yon, right? Babe?” tanong ni Harken sa girlfriend na si Jazz na ngumiti lang ng tipid.
Natigil ang kanilang asaran nang biglang nagkagulo ang mga paparazzi pahayon sa may entrada ng buong stadium. Maraming mga tao sa kanilang harapan na tumayo kaya napatayo na rin sila at tumingin sa entrada kung sino ba ang papasok dahil andaming security ang nakapalibot.
“Sino kaya ‘yon?” wala sa sariling nabigkas ni Zachary na ikinalingon ni Jarem dahil maski rin ito ay clueless kung sino ba ang taong papasok.
“Baka Presidente ng Pilipinas, kita mo naman napakaraming security na nakapalibot maski ata langaw mahihirapan na makalapit,” wika ni Jarem sa kaniya na ipinagkibit-balikat na lang niya.
Dahil sa hindi nila makita ay sa malaking monitor nakatingin si Zachary ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang mahagip ang isang babae na nakasuot ng kulay racing suit. Bagaman hindi niya nakikita ang buong mukha nito ay malakas ang tibok ng puso ni Zachary dahil sa katawan at tindig nito ay hindi siya maaaring magkamali dahil si Samarra ‘yon ang kaniyang asawa.
Damn!
Bigla siyang pinagpawisan ng malapot nang bahagyang tumingin sa monitor ang car racer pakiramdam ni Zachary sa kaniya ito nakatingin kahit pa nakasuot ito ng malaking salamin sa mata at sombrero na halos hindi rin makita ang buong mukha.
Samarra! Aniya sa isipan niya nang mahagip ang kamay nito na nag-finger heart pa kaya kitang-kita ang singsing na suot nito na siya ang nagbigay.
“Zach, that…...”
Hindi pa man natatapos ni Vince ang sasabihin ay tumango na siya dahil nakita rin nito ang singsing na suot ng car racer, hindi sila puwedeng magkamali dahil ang singsing na ‘yon ay pinasadya niya sa kakilala ni Tita Tanya na ina ni Vince.
Nang makapasok na ang lahat ng racer sa loob ng sasakyan, ganoon na lang ang pagkabigla ni Zachary na ang sinakyan ni Samarra ay ang unang sasakyan na na-customize niya na mula pa sa ibang bansa.
Speechless siya at hindi niya napigilan ang luhang tumulo sa kaniyang mata dahil sa samu’t saring nararamdaman niya. Dahil hindi niya aakalain na si Samarra pala ang kauna-unahang client niya. Ang taong naniwala sa kaniya, ang sumuporta sa mga pangarap niya.
Naramdaman ni Zachary na bahagyang pagtapik ni Vince sa kaniyang balikat marahil nakita ang luha niya.
I love you, wife… piping wika niya sa kaniyang isipan habang nakatingin sa monitor kung saan nangunguna ang asawa niya sa karera. Hindi na mabilang ni Zachary kung ilang beses na niya tinawag ang Diyos sa tuwing nakikita niya na binabangga ang sinasakyan ni Samarra.
Pigil ang hininga ni Zachary na tila slow-motion ang nagaganap sa loob ng racing track dahil dikit ang laban. Hindi na nga naririnig masyado ni Zachary ang mga sinasabi ng announcer basta nakatingin lang siya.
“Zach, where are you going?” takang tanong ni Jarem sa kaniya nang tumayo siya at paalis sa kanilang puwesto.
“Let him be,” wika ni Vince nang hindi niya magawang sumagot kay Jarem, hindi niya pala kayang panoorin si Samarra na kumakarera na parang nakikipagpatintero kay kamatayan.
Nang makaalis ay agad niyang hinayon ang entrada ng stadium kung saan dumadaan ang mga racer. Dito na lang niya hihintayin si Samarra, manalo man ito o matalo ay hindi na niya ito papayagan na kumarera pang muli.
Agad siyang hinarang ng mga security pero ng sabihin niya ang pangalan at nagpakita siya ng ID ay pinayagan siyang pumasok, nakita niya si Jameson na kampante lang na nakaupo.
“Jameson?” tawag niya na ikinagulat pa nito marahil hindi nito inaasahan na nandito siya.
“Young Master.”
Tumango siya at sinenyasan si Jameson na ‘wag ng yumuko dahil hindi naman siya nagpapasahod dito at hindi naman siya ang amo nito.
“Si Samarra?” tanong niya kay Jameson nang makaupo sa tabi nito.
“Nasa loob pa ng race track.”
“Ilang taon ka ng bodyguard ni Samarra?”
Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Jameson pero nagkuwento pa rin ito sa kaniya. Napag-alaman niya na mula pa pagkabata ay kasa-kasama na ito ni Samarra, ganoon na lang ang inggit na naramdaman niya dahil halos kalahati ng buhay ni Samarra ay ito na ang kasama tapos nagawa niya pang magalit at mainis sa kaisa-isang taong nagbabantay sa asawa niya, binigyan siya ng assurance ni Jameson na tanging kapatid lang ang turing nito kay Samarra kaya nahihiya siya sa inasta niya.
“I’m sorry last time, I was jealous,” pag-amin niya kay Jameson na ikinatango naman nito na tila bang ipinapahiwatig na naiintindihan siya.
Nakarinig sila ni Jameson ng hiyawan at tilian na tila may nanalo na pero hindi magawa ni Zachary na lumabas para tingnan kung sino ang nanalo kaya nanatili na lamang muna siya sa upuan.
“Love!”
Isang malakas na pagtawag ang narinig ni Zachary na ikinalingon niya kaya mabilis siyang napatayo at naglakad pasalubong sa babaing minamahal niya.
“I’m glad you’re here,” nakangiting wika ni Samarra nang matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Ms. Oh?” aniya habang ang kilay ang magkasalubong nang mapasadahan ng tingin niya ang suot nitong racing suit masyadong hukab kaya kitang-kita ang kurba ng katawan nito.
“Love, let’s go,” pag-aaya niya kay Samarra na agad namang kumapit sa kaniya, ang ngiti nito ay hindi na naalis-alis.
His love for Samarra is an incurable disease that only worsens as time passes.