CHAPTER 84: EVERYONE KNOW
Nang makabalik sa kuwarto si Zachary agad niyang nakita na nakaupo si Samarra sa mataas na upuan at napapalibutan ng apat na tao na halos hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos sa kaniyang asawa. May kaniya-kaniyang toka, may nag-aayos ng buhok, ang nagma-manicure, ang isa naman ay nag-me-make-up. Napakunot-noo pa siya ng makita niya ang dalawang lalaki ay parang nag-transform dahil namimilantik ang kilos. Napailing na lang ng ulo si Zachary at tinawag niya ang asawa na tila hindi naramdaman ang kaniyang presensiya.
“Love?”
Agad naman na lumingon sa kaniya si Samarra at sumenyas sa mga make-up artist na tumigil muna sandali.
“Yes, love?”
“I’m just in the other room,” aniya na ikinakunot-noo ni Samarra bakas sa magandang mukha nito ang disgusto sa sinabi niya.
“What? Why?”
“I'll fix myself there, and I'll be right back,” masuyong bulong niya kay Samarra na ikinatango ng ulo nito.
Nang makita niyang pumayag si Samarra ay kinuha niya ang tatlong box na naglalaman ng susuotin niya at lumabas sa kuwarto para lumipat sa kabila, kung tutuusin ay hindi naman kailangan dahil ang lanai room niya ay malaki kumpara sa mga guest room pero may aasikasuhin pa siyang iba kaya minabuti na lang niyang lumipat ng kuwarto.
Nang makapasok sa kabilang kuwarto ay tinawagan na niya ang kaibigang si Jairus na palaging nag-aayos sa kaniyang buhok. Habang naghihintay ay isinuot niya muna ang isang dark brown na three-piece suit at pinarisan niya na brown alligator shoes. Ginamit niya rin ang relo na binigay ni Samarra sa kaniya.
Quarter to eight ipinasyang pumunta ni Zachary sa lanai room niya kung saan naroon si Samarra agad siyang kumatok sa pinto. Ilang minuto rin siyang naghintay bago siya pinagbuksan ng isang make-up artist na naroon.
“Where’s my wife?” bungad niyang tanong pagkabukas ng pinto sa kaniya, hindi niya kasi nakita si Samarra sa living room kung saan niya ito iniwanan kanina.
Hindi pa nagagawang sumagot ng taong kausap niya ay lumabas na ang babaeng hinahanap niya. Ganoon na lang pagsikdo ng puso niya nang makita niya ang ayos ni Samarra na tila isang prinsesa. Ang buhok nito na mahaba ay naka-princess braid, ang make-up nito na bumagay sa suot nitong white turtle long gown.
“Love?” nakangiting wika ni Samarra habang naglalakad palapit sa kaniya. Sa bawat paghakbang ni Samarra ay palakas nang palakas ang tibok ng kaniyang puso, tila huminto ang lahat para sa kanila na tanging si Samarra lang ang nakikita niya.
Napapitlag pa si Zachary nang lumapat ang labi ni Samarra sa kaniya, hindi niya namalayan na nakalapit na ito ng husto.
“Hey!” untag ni Samarra sa kaniya nang matapos siyang bigyan na magaan na halik sa labi tila bang hindi na ito nahihiya kung may mga taong nakatingin sa kanila.
“Damn! You're stunning, wife. I can't believe you're my wife,” hindi makapaniwalang ani ni Zachary kay Samarra, hindi pa nakontento ay hinapit niya sa baywang si Samarra.
“I love you,” nakangiting bulong ni Samarra sa kaniya at ikinawit ang dalawang braso nito sa kaniyang balikat.
Ang mga make-up artist na naroon ay tila kinikilig sa kanila at nagkatinginan muna bago lumabas para bigyan pa sila ni Samarra ng oras.
Nang sila na lang ni Samarra ay agad na tumingkayad si Samarra para gawaran siya nang mariin sa labi na mabilis niyang tinugon. Ilang sandali pa ay pinagdikit nila ang kanilang noo habang ang kanilang mata ay tila nag-uusap.
“Let’s go, and we need to get out of here,” pag-aaya ni Samarra sa kaniya kaya napilitan na rin siyang magpatianod sa gusto nito.
Lulan sila ng elevator patungo sa ballroom ng Buenavista Hotel kung saan gaganapin ang ika-36Th anniversary ng Buenavista Corporation.
“Nervous?” tanong ni Samarra na ikinailing ng kaniyang ulo at pilit na ngumiti para maikubli niya ang kaba na nararamdaman niya.
Nang makalabas sila ng elevator ay agad silang sinalubong ni Jameson at tatlong bodyguard na nakapuwesto sa magkabilang gilid nila ni Samarra habang ang isa naman ay nasa likuran nakapuwesto, si Jameson ay nasa harapan nila.
Kung hindi lang naikuwento ni Samarra sa kaniya na na-kidnap ito ay iisipin niyang napaka-OA ng biyenan niya dahil sa sobrang dami ng bodyguard at sobrang higpit ng mga security sa mga dadalo ng event. Daig pa ang Presidente ng Pilipinas sa rami ng bodyguard.
Naramdaman ni Zachary na pinagsiklop ni Samarra ang kanilang kamay nang makapasok sila sa entrance ng ballroom, agad silang sinalubong ng ilang media para kuhanan sila ng picture na agad naman pinagbigyan ni Samarra. Nang matapos ay hinawi na agad ng bodyguard ang ibang photographer para bigyan sila ng daan.
Hinayon nila ang kanilang upuan kung saan naroon na ang magulang ni Samarra na tila kanina pa sila hinintay.
“Why do you take so long, Samarra?” tanong ni Daddy Frost sa kaniyang asawa pero ang mata ay sa kaniya nakatingin.
"Ahm... Dad, we sincerely apologize; I slept and didn't hear my alarm," magalang na paliwanag niya sa biyenan dahil obvious naman na siya ang tinatanong dahil sa kaniya ito nakatingin. Nang nakita niyang tumango ang biyenan ay saka lang nakahinga nang maluwag si Zachary at inalalayan niyang umupo si Samarra.
Habang nagsasalita ang emcee sa stage ay hindi maiwasan ni Zachary na kabahan lalo pa’t tinawag na ang kanyang Lolo na si Don Cervo Buenavista ang haligi at ugat ng Buenavista Corporation. Ito ang utak kung bakit patuloy ang pag-angat ng Buenavista Corporation sa loob at labas ng bansa.
Nang tumayo ito ay agad na lumapit ang kaniyang Kuya Ezekiel para alalayan ang kaniyang Lolo Cervo patungo sa stage.
Nang magsalita si Don Cervo nagpasalamat ito sa mga taong nagtatrabaho sa kanilang kompanya mula sa janitor hanggang sa top management. Marami pang sinabi ito na puro pasasalamat at mga bagong proyekto para sa ikauunlad ng kompanya. Nang matapos ang mahabang speech ng kaniyang Lolo Cervo ay agad namang sumunod ang puno ng kompanya, walang iba kundi ang kaniyang ama.
“With all of our accomplishments and recognition, this year has been a fruitful one. Buenavista Corporation's continuous success has extended, and it has tried new experiences over the years. Today, I will formally welcome our new business partner as we merge our businesses. We've asked the O' Harra's to please join us here. Especially my new daughter-in-law, Samarra Miel O' Harra Buenavista, the wife of my youngest son,” masayang pagpapakilala ng kaniyang ama na ikinakaba ng husto ni Zachary.
He led Samarra up to the stage. His arms around her waist let everyone know that he owned the lovely lady beside her.