CHAPTER 83: LANAI ROOM

Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Zachary dahil dalawang sasakyan ang nakasunod sa kanila, ang buong akala niya sumama ang mga bodyguard kanila Samarra ng umalis ang mga ito kanina.

“Get in, Zach.”

Napalunok si Zachary ng marinig niya ang malalim na boses ng kaniyang biyenan, ang tingin nito ay hindi inaalis sa kaniya. Alanganin na ngumiti siya kay Daddy Frost at pagkuwan ay pumasok na sa loob ng sasakyan.

Pagkadating pa lang nila sa Buenavista Hotel agad silang sinalubong ng isang lalaki na sa tingin ni Zachary ay assistant ng biyenan dahil sa uri ng pakikipag-usap nito.

"Are you sure the place is safe, Calvin?" seryosong tanong ni Daddy Frost na mabilis naman in-assure ni Daddy Calvin.

"Yes, but just to be sure, I'll let your men do what they wanted,” ani ni Daddy Calvin na agad namang ipinag-utos ni Daddy Frost sa bodyguard na i-check at i-secure ang buong paligid.

Pakiramdam ni Zachary para siyang puppet na sunod-sunuran sa dalawa, hindi niya rin masundan ang mga pinag-uusapan ng mga ito, ang mga kilos na tila nagmamadali idagdag pa si Ezekiel na wala ring kapaguran. Siguro nga, ganoon kapag businessman 'yong walang sinasayang na oras.

Napailing na lang ng ulo si Zachary habang hinahayon niya ang lanai room niya sa Buenavista Hotel pagkapasok pa lang niya ay agad siyang dumiretso sa bathroom para maligo at mapreskuhan. Buong akala niya masaya ang boys bonding, hindi pala. Nang matapos maligo ay nagpunas lang siya ng katawan at nagsuot ng boxer short. Humiga siya sa kama at ipinikit ang mata, hindi na niya namalayan na hinila na siya ng antok.

Nagising si Zachary nang may sumisiksik sa kaniyang tagiliran agad niyang iminulat ang isang mata at sumilay ang kaniyang ngiti.

“Hmm... how’s your day?” masuyong tanong niya kay Samarra na walang pakundangan na humiga padapa sa kaniya, tila nagiging paborito ni Samarra na humiga sa kaniyang katawan.

"I had fun with the ladies. You? How are you getting along with my father?" tanong ni Samarra na nakatunghay pa sa kaniyang mukha.

"Hmm... We're good. I had a great time also,” aniya na ikinangiti ni Samarra ng husto agad siyang niyakap at hinagkan ang kaniyang pisngi.

"Love, I think we should prepare; it's already six-thirty, and our clothes are on their way,” pag-aaya ni Samarra na agad na umalis sa kaniyang katawan. Tinampal pa siya sa braso ng hindi siya tumitinag sa pagkakahiga.

“Love?”

"What if... we shouldn't go?” seryosong tanong ni Zachary na ikinasimangot ni Samarra. Alam niya na hindi naman papayag ang asawa niya na hindi pumunta pero iniinis lang naman niya.

“Okay, I call my dad,” mabilis na sang-ayon ni Samarra na agad dinampot ang telepono na nasa gilid ng kaniyang kama.

“Hey,” saway niya kay Samarra na agad pinigilan ang kamay nito sa pag-dial.

“What?”

“Just kidding, okay,” aniya kay Samarra na ikinasama lalo ng mukha nito. Napakunot-noo pa si Zachary nang humiga si Samarra at nagtalukbong ng comforter.

"Ara, I was kidding. Let's take a bath,” pag-aaya niya kay Samarra, nang wala siyang narinig na sagot ay nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at walang sabi-sabi na binuhat niya ito kasama ang comforter.

“Let me go,” mariin at matigas na wika ni Samarra at tiningnan pa siya ng matalim na tila nagbabanta na ibaba niya ito.

“Don’t be stubborn, Ara,” mariing wika niya rin kay Samarra na ikinaikot ng mata nito.

Nang makapasok sila sa loob ng bathroom ay dahan-dahan niyang ibinababa si Samarra sa bathtub. Ang comforter na nakapaikot sa katawan nito ay nagawa niyang kunin at nagmamadaling inihagis sa labas ng pinto.

Lukot ang mukha ni Samarra habang seryosong nakatingin sa kaniya, gusto man niyang biruin si Samarra ay hindi na lang niya ginawa.

"What do you think you're doing?" gulat na tanong ni Samarra nang hinawakan niya ang magkabilang gilid ng sout niyang boxer, habang naglalakad palapit kay Samarra.

“What, love?” masuyo niyang tanong at sumampa sa loob ng bathtub kung saan nandoon si Samarra, pumuwesto siya sa bandang likuran nito.

“Cadden!” naeeskandalong tili ni Samarra nang iniangat niya ang sout nitong t-shirt niya.

“What?” patay-malisya niyang tanong na ikinatahimik ni Samarra. Ramdam niya ang pagkislot nito ng hinawakan niya ang magkabilang gilid ng suot nitong short.

Even though he was behind her, he could remove her shorts.

Walang imik si Samarra na kipkip nito ang dibdib nang matanggal niya rin ang suot nitong bra at underwear. Ramdam niya ang pagsinghap nito ng hinapit niya ito sa baywang, ang pang-upo nito ay nakatapat sa kaniyang kaibigan na agad namang nag-react.

“Love,” paos na usal niya sa tainga ni Samarra na ikinapitlag nito ng husto, ramdam niya ang paninigas ng katawan nito nang hinagkan niya ang punong-tainga nito.

“Relax,” aniya na ikinatango ng ulo nito.

Kumuha ng sabon si Zachary at sinimulan na niyang sabunin ang buong katawan ni Samarra mula sa leeg nito patungo sa balikat, bumaba ang kaniyang kamay paharap sa dibdib nito, hawak niya ang sabon sa kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay niya ay pilyong nag-massage sa dibdib nito, sa tuwing sinasadya niyang idikit ang sarili sa pang-upo ni Samarra, ramdam niya ang dalawang kamay nito ay dumidiin ang pagkakahawak sa kaniyang hita.

Hindi alam ni Zachary kung gaano sila katagal ni Samarra naligo at kung papaano sila natapos, kung ‘di lang siya ni-remind ni Samarra na darating ang kanilang susuotin, malamang sa malamang ay ‘di sila lalabas sa bathroom. Saktong nakasuot na sila ni Samarra ng bathrobe at may sout na rin silang pang ilalim nang makarinig sila ng sunod-sunod na doorbell.

Nagkatinginan pa sila ni Samarra at sabay silang lumabas ng kuwarto, umupo si Samarra sa single couch habang siya ay hinayon ang main door ng kaniyang lanai room.

“Come in,” ani ni Zachary at niluwangan ang pagkakabukas ng room niya para makapasok ang apat na tao na may dala-dalang box.

“Pakilagay na lang sa upuan” wika niya na agad naman tumalima ang staff sa sinabi niya, pilit niyang inaabutan ng pera bilang tip ngunit magalang na tinanggihan ng staff ang inaabot niya.

Nang makalabas ang apat na staff ay mayamaya may nag-doorbell na naman agad na napakunot ng noo si Zachary at tumingin kay Samarra na nagkibit-balikat lang na tila nagpapahiwatig na wala itong inaasahan na bisita.

Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Zachary at agad na hinayon ang pinto para muling buksan ang pinto, may tao, dalawang lalaki at dalawang babae ang nakita niya na may bitbit na malalaking box. Hindi pa man niya nagagawang magtanong ay nagpakilala na ang mga ito na pinadala ng Tita Lucille niya para mag-ayos kay Samarra.

Pinakiusapan niya muna ang mga ito na maghintay na muna sa labas na agad namang sumang-ayon ang mga ito.

“Sino ang mga ‘yon?” takang tanong ni Samarra sa kaniya nang makitang pumasok siyang mag-isa. Sinenyasan niya si Samarra na tumahimik muna bago siya pumasok sa kuwarto para kunin ang cellphone.

Tinawagan niya si Tita Lucille para ma-confirm kung may pinadala itong mga tao sa kuwarto niya na agad namang sinabi na may pinadala nga ito. Doon lang nalaman ni Zachary na may mga bodyguard sa magkabilang gilid ng kuwarto niya as per Daddy Frost hindi pinalagyan ng guest sa magkabilang gilid niya. Medyo nakahinga nang maluwag si Zachary at hinayon niyang muli ang pinto.

“Come inside,” aniya at lumabas sa kuwarto para kumpirmahin kung totoo bang may nagbabantay sa kanila ni Samarra, agad niyang nakita si Jameson na nasa dulo ng pang limang kuwarto mula sa kuwarto niya.

“Jameson?” tawag niya na ikinalingon nito at agad na yumuko siya gayundin ang ibang kasama nitong bodyguard.

“Young Master.”

“Kanina pa ba kayo riyan?”

Agad na tumango si Jameson at sinabi na utos ito ng ama ni Samarra na i-clear ang magkabilang gilid ng kaniyang kuwarto para sa kaligtasan nila ni Samarra, bagaman naguguluhan si Zachary ay tumango na lang siya at bumalik sa kuwarto para makita si Samarra.