CHAPTER 80: YOU’RE BACK IN MY ARMS

“Son, don’t share a room with Samarra,” paalala pa ni Daddy Calvin sa kaniya bago sila iwanan ni Samarra sa living room, nakaalis na rin sina Leticia at Gerald matapos silang sermunan ni Daddy Calvin dahil sa ginawang pag-prank kay Samarra.

“Love, where are you going?” tanong niya kay Samarra nang tumayo na rin ito.

“Don’t talk to me, Cadden,” seryosong wika ni Samarra na hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin.

"I'm sorry I was jealous,” pag-amin ni Zachary na ikinalingon ni Samarra sa kaniya.

"You don't have to be jealous, Cadden; you know you're the only one, don't you?" malambing na wika ni Samarra at hinawakan pa ang magkabila niyang pisngi na ikinalunok niya ng husto. Kung hindi lang nangangamba si Zachary na baka bumaba ang Daddy ni Samarra baka siniil na niya ito ng halik. Dahil kanina pa siya nati-tempt sa labi nito.

“Let’s sleep, love,” pag-aaya niya kay Samarra para alisin ang makamundong pag-iisip niya.

Pinangko niya si Samarra na ikinasinghap nito, pinigilan niyang sumilay ang ngiti nang makita niya na pumikit ito at ikinawit ang kamay sa kaniyang leeg.

Nang makarating sila sa kuwarto ay dahan-dahan ibinaba ni Zachary sa kama si Samarra. Pinagmasdan niya ito nang mabuti na tila kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ni Samarra.

“Magpahinga ka na,” masuyong bulong ni Zachary na ikinatango ng ulo ni Samarra.

Bago pa tuluyang makalayo si Zachary ay agad na hinila ni Samarra ang kaniyang kuwelyo at sinalubong ng halik ang kaniyang labi. Ganoon na lang ang pamimilog ng kaniyang mata nang sadyang kagatin ni Samarra ang pang ibabang labi para mag-response siya sa halik nito. Ang lahat ng pagtitimpi niya ay naputol at agarang pagbalik niya ng halik dito. He kissed her with same ferocity.

Kung hindi pa tumunog ang cellphone ni Zachary ay hindi pa maghihiwalay ang labi nila ni Samarra.

“Damn! Wife you make my knees weak,” aniya nang tumayo siya at agad na dinukot ang cellphone sa bulsa niya para tingnan kung sino ang istorbong tumatawag sa kaniya.

“Enzo,” wika niya at ipinakita kay Samarra ang caller niya sa cellphone nang mapansin niya ang mata nito ay nagtatanong.

“Magpahinga ka na, lalabas na ako baka makita pa tayo ng Daddy mo,” aniya bago kumuha ng damit na pamalit na damit at sumenyas siya na lalabas na ng kuwarto na ikinatango lang ng ulo nito.

“Bro,” aniya sa kabilang linya habang binubuksan ang inuukupahang silid na katapat ng silid ni Samarra.

“Bro, where are you?”

“Villa,” maigsi niyang tugon at pumasok sa loob ng silid, agad niyang hinayon ang bathroom para makaligo.

“Wow! Who’s with you?”

“Fuck! Bro, tumawag ka para magtanong lang ng mga ganiyan,” inis niyang tanong kay Enzo dahil kahit kailan puro pambabae ang inaatupag nito.

“Bro, I need your help?”

Agad na napakunot-noo siya at ‘di niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi nito.

“What? Are you asking for help?”

“I need to find George,” mahina ang pagkakasabi nito pero ang tono ay seryoso, gusto man niya na biruin si Enzo ay ‘di na lang niya ginawa.

“Okay, will call our P. I to handle your case,” aniya bago nagpaalam kay Enzo. Hindi na niya nakuhang magtanong dahil alam niya na mabigat ang dinadala nito.

Nang mawala sa kabilang linya si Enzo ay agad naghubad si Zachary ng suot sa katawan at tumapat sa shower para mapreskuhan. Nang matapos maligo ay agad niyang kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid at ipinulupot sa kaniyang baywang. Nang makalabas ay isinuot na niya ang boxer at pinatuyo ang buhok bago humiga.

Hindi alam ni Zachary kung ilang oras na siyang nakapikit at pabaling-baling sa kaniyang higaan, halos naikot na rin niya ang kama pero hindi niya makuha ang tamang posisyon para makatulog. Inis na napahilamos siya ng mukha at napagpasyahan niyang lumabas ng kuwarto. Hindi talaga siya sanay na matulog nang hindi katabi si Samarra.

Nang makalabas sa kuwarto ay kinatok niya ang kuwarto ni Samarra ngunit walang sumasagot kaya napagpasyahan na lang niyang bumaba at hayunin ang kitchen para kumuha ng beer. Bago pa siya makapasok sa kitchen ay may nahagip ang kaniyang peripheral view na isang kulay puting tela. Ipinagkibit-balikat na lang sana niya nang makita niyang bukas ang glass door na papuntang infinity pool. Bagaman nakakaramdam ng kaba ay mas nangibabaw sa kaniya ang kuryosidad kaya napagpasyahan niyang puntahan ang infinity pool.

Pagkalabas ni Zachary sa infinity pool ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang wala naman siyang naabutan inilinga-linga pa niya ang ulo bago nagpakawala ng isang buntong-hininga.

Damn! Zachary, what are you thinking? Aniya sa isipan bago napagpasyahan na bumalik sa loob ng villa.

Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob ay may isang kamay na humila sa kaniyang braso na kamuntikan na niyang ikasigaw kung ‘di lang naagapan takpan ang kaniyang bibig.

“Shh…” saway sa kaniya na ikinalingon niya ganoon na lang ang pagpitlag niya nang maramdaman niya ang dibdib ni Samarra na dumikit sa kaniyang braso.

“What are you wearing,” galit niyang paninita kay Samarra nang lumipat ito sa harapan niya.

Ganoon na lang ang paglunok niya nang masipat niyang mabuti ang suot ni Samarra na pantulog humantad sa makinis nitong hita dahil hindi kahabaan ang suot nito. Ipinagpasalamat na lang niya dahil pinatungan nito ng isang white satin robe na umabot hanggang sako nito.

“Tsk, kaya ka siguro lumabas dahil akala mo may ibang babae rito?” Nakangusong wika ni Samarra na gusto niyang ikatuwa dahil ang cute nitong tingnan.

“Of course not; I came here because I thought you were a white lady,” maagap niyang wika dahil hindi niya gustong mag-isip si Samarra nang hindi maganda sa kaniya at kahit kailan ay hindi naman siya naging babaero.

“So, why are you here?” Napangisi siya dahil halata sa tono ng boses ni Samarra na pinagdududahan siya.

“Kasi po hindi ako makatulog dahil hindi kita katabi tapos kinatok pa kita pero wala naman sumasagot ‘yon pala nandito ka sa baba,” aniya at niyakap si Samarra na mabilis din itong gumanti ng yakap.

“I couldn't sleep either, so I went downstairs to get some fresh air,” ani ni Samarra na ikinangiti niya.

“We can sleep here,” aniya na ikinaangat ng mukha ni Samarra, mataman siyang tiningnan bago tumango.

“I get some blanket and pillow,” aniya at niyakap nang mahigpit si Samarra bago umakyat sa kuwarto.

If the mountain won’t go to Mohammed, then Mohammed must come to the mountain, aniya at nagmamadaling lumabas ng kuwarto dala-dala ang mga pillow at dalawang comforter na gagamitin nila ni Samarra.

‘Di naman siguro magagalit si Daddy Frost kung makita niya kaming magkatabi ni Samarra, dahil hindi naman sila sa kuwarto magtatabi.

Nang makarating siya sa infinity pool nakita niya si Samarra na pinagdidikit ang mahabang bench para gawin nilang higaan.

"Are you sure you want this? If Daddy Frost saw us, he might be angry,” aniya habang inaayos ang dalawang bench na pinagdikit ni Samarra.

“Don’t mind my father,” balewalang sagot ni Samarra na ikinalunok niya pagkuwan ay sumang-ayon kay Samarra, wala naman silang gagawin na masama, ang gusto lang nila ay matulog na magkasama.

Inilatag niya ang isang comforter na mas makapal at sinunod ang mga unan na dala niya, ang isang comforter ay magsisilbing kumot nila.

Nang makahiga sila ni Samarra ay nagkatingin muna sila at sabay na sumilay ang mga ngiti sa labi nila.

"Finally, you're back in my arms," aniya habang ipinaunan niya kay Samarra ang braso niya, agad na yumakap sa kaniya si Samarra.

“I love you, hubby,” ani ni Samarra na ikinangiti niya nang husto, palagi na lang siya pinakikilig ni Samarra.

“I love you more, wife,” aniya at hinagkan ang noo nito bago hinapit niya nang husto si Samarra ‘yong tipong kahit langgam mahihiyang lumapit sa kanila. Pakiramdam ni Zachary ito ‘yong pinakamagandang gabi niya.