CHAPTER 79: IT’S A PRANK
Isang tanong ang nagpalingon kanila Samarra at Ezekiel, kitang-kita ni Samarra kung papaano nag-isang guhit ang kilay ni Zachary habang nakatingin sa kamay ni Ezekiel na nasa binti at baywang niya.
“It’s not what you think, Zach,” ani ni Ezekiel at dahan-dahan inalis ang kamay na nasa baywang niya.
Tiningnan niya si Ezekiel na tila hindi nababahala sa itsura ni Zachary samantalang siya halos manginig ang kaniyang tuhod sa takot.
Alam niya na wala silang ginagawang masama ni Ezekiel pero based sa nakikita niya sa mukha ni Zachary parang ano mang paliwanag niya ay hindi nito matatanggap lalo pa’t naaktuhan sila ni Ezekiel. Iniisip niya na baka iba isipin nito.
“Ara?!” Tila kulog ang boses ni Zachary na ikinalunok niya, biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan sa hindi malamang dahilan.
“Ahm... I mean?” hindi niya alam kung ano ang isasagot niya natatakot siyang magkamali ng sagot na lalong ikagalit ni Zachary.
“She lost her balance, so I assisted her,” maagap na paliwanag ni Ezekiel nang mapansin siguro nito na nahihirapan siyang sumagot.
Tumango si Zachary at naglakad palapit sa kanila tiningnan muna siya bago nito binalingan si Ezekiel. Tingin pa lang tila nagkaunawaan na sila dahil agad na inilapit siya ni Ezekiel kay Zachary bago ito nagpaalam sa kanila.
"All right, I have to go lovebirds, Zach, behave yourself Uncle Frost will be upset if you do something wrong to his daughter,” natatawang paalala ni Ezekiel kay Zachary na tinapik pa nito ang balikat pagkuwan ay bumaling kay Samarra.
"Miel, look after yourself and prepare for Zachary's punishment,” ani ni Ezekiel bago sila iwan.
Ang ngiti ni Samarra ay napawi agad nang mapansin niya si Zachary na nakatingin sa kaniya nang masama.
“What? I didn’t do anything wrong,” depensa niya agad nang akmang magsasalita si Zachary.
Singbilis ng kidlat ang kilos ni Zachary na ikinapit ng mata niya nang bigla siyang pangkuin na tila isang bata.
“Cadden, I can walk,” pag-apila niya pero sa halip na pakinggan siya ay tumalon pa ito habang buhat siya na ikinapikit ng mata niya.
“Cadd-”
Ang akma niyang pagsasalita ay natigil nang tapunan siya ni Zachary nang masamang tingin, kitang-kita niya kung papaano nangangalit ang panga nito habang nakatanaw kay Ezekiel na papalayo sa kanila.
Mga ilang minuto rin nakatayo si Zachary habang buhat siya bago napagpasyahan nitong maglakad pauwi.
“Love,” mahinang tawag niya kay Zachary na ikinakunot-noo lang nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
“I’m-”
“Not now, Ara, I’m still mad,” mariing wika ni Zachary na ikinatango lang ng ulo niya, ramdam niya ang pagkislot nito nang ikinawit niya ang kamay sa leeg nito pero hindi ito umimik at hinayaan lang siya.
Habang naglalakad ang mata ni Samarra ay hindi niya inaalis sa pagkakatingin kay Zachary dahil umaasam siya na titingnan siya nito pabalik ngunit bigo siya hanggang sa makarating sila ng Villa.
“Oh, what happens to her?” bungad na tanong ni Mommy Lorraine nang mapagbuksan sila ng pinto.
“She lost her balance,” maigsing tugon ni Zachary.
Habang maingat na inilalapag siya ni Zachary sa single couch ay lumuhod ito sa harapan niya na ikinasinghap niya nang ito mismo nag-alis ng sout niyang sandals. Hinawakan nito ang kaniyang paa at tiningnan, bago umiling-iling ng ulo.
“Why?” takang tanong ni Samarra.
Nagkibit-balikat lang si Zachary at tumayo ito, dinukot ang cellphone sa bulsa, nakatingala lang si Samarra at sinundan ng tingin si Zachary habang papalabas ng pinto. Nang tuluyang lumabas ito ay hindi maiwasan ni Samarra na magpakawala ng isang buntong-hininga.
“Are you alright, Sam?” nag-aalalang tanong ni Mommy Lorraine.
“Yeah.” Ikinatango ng ulo niya at ngumiti para ipakita na okay lang siya.
“All right, after that, you need to rest, Frost said not to share a room with Zachary,” paalala pa ni Mommy Lorraine.
Nasundan na lang ni Samarra ng tingin si Mommy Lorraine habang hinahayon nito paakyat ang second floor.
Ilang minuto rin bago napagpasyahan ni Samarra na tumayo dahil wala naman siyang kasama sa living room tapos si Zachary wala pa rin hanggang ngayon.
“What the hell! Ara, why you always stubborn,” naiinis na wika ni Zachary nang makita siyang nito na nakatayo.
“Cadden, relax,” natatawang awat ni Samarra nang lapitan siya ni Zachary.
“Pinagtatawanan mo ang pag-aalala ko sa’yo?” naiinis na wika ni Zachary sa kaniya na ikinapawi ng ngiti niya.
“Love, it’s not like that,” aniya at hinawakan niya ang braso.
“Look at my right foot,” aniya at dahan-dahan niyang iginalaw para ipakita na okay lang siya at kaya niyang tumayo.
“Don’t start with me Samarra, I called Dr. Ledesma para ma-check pa rin ‘yang paa mo, mahirap na baka may naipit na ugat.”
Napabuntong-hininga na lang si Samarra at walang magawa kundi ang sumang-ayon sa gusto ng asawa niya, hindi na niya nagawang tumutol nang pangkuin siya at inilipat siya ng upuan para magkatabi sila habang hinihintay ang doktor na titingin sa kaniyang paa.
Ilang sandali rin ang lumipas nang makarinig sila ng doorbell sa labas na ikinatayo agad ni Zachary.
“Ara, I will check kung si Dr. Ledesma na ‘yong nasa labas,” ani ni Zachary na ikinatango na lang ng ulo niya. Hinagkan pa muna ang kaniyang noo bago nito hayunin ang pintuan.
Ilang sandali ay bumalik na si Zachary kasa-kasama si Dr. Ledesma buong akala ni Samarra may edad na ang doktor pero nagkamali siya dahil mukhang bata pa ito.
“Love, si Dr. Gerald Ledesma, doc, this is Samarra, my wife,” pagpapakilala ni Zachary sa kaniya.
“Hi! Good evening, Mrs. Buenavista, I’m glad to meet you,” nakangiting wika ng doctor sa kaniya at tinanggap niya ang kamay nito na ini-offer.
“Same here, Doc,” nakangiting wika niya.
Agad na umupo ang doktor sa katapat niyang upuan at sumenyas ito sa nurse na kasama, napakunot-noo pa si Samarra dahil ngayon niya lang napansin na may kasama pala ang doktor na nurse buong akala niya ay mag-isa lang ito.
“Good evening, po, Mrs. Buenavista,” kiming bati ng nurse nang makalapit sa kanila.
“Good evening rin sa’yo Nurse Letty,” nakangiting bati rin niya sa nurse na ikinagulat pa nito na agad din nawala nang mapansin na nakatingin siya nameplate na nakasabit sa white uniform nito.
Iniangat ni Dr. Ledesma ang paa niya at ipinatong sa hita nito sinipat at pagkuwan ay tumingin sa kaniya ng seryoso na gusto niyang ikakaba dahil parehong ekspresyon ang bumalatay sa mukha nito katulad kay Zachary kanina.
“Doc, what’s wrong?” Agad naman umiling ng ulo ang doktor at tumingin ng seryoso kay Zachary.
“Doc, mapuputulan ba siya ng paa?” tanong ni Zachary na ikinakunot-noo niya.
Why would she have her leg amputated? She isn't experiencing any unusual sensations.
“I think we need to talk to Mr. Buenavista privately,” ani ni Dr. Ledesma na lalong ipinagtaka niya nang husto ang tingin niya ay napabaling sa nurse na kasama nito na umiwas ng tingin sa kaniya.
“Doc, I think you should tell us, now,” seryosong wika niya para pigilan ang akmang pag-alis ng dalawang lalaki sa harapan niya.
“Mrs. Buenavista, your foot-”
“Gerald, what’s brought you here?” takang tanong ni Daddy Calvin na nagpaputol sa sasabihin ng doktor.
Kita ni Samarra kung papaano nagkatinginan sina Dr. Ledesma at Zachary bago tumingin sa kaniya.
“Why are you wearing a doctor’s lab coat?” takang tanong ni Daddy Calvin na nagpakunot-noo nang husto kay Samarra.
“Uncle, ahh…” wika ni Dr. Ledesma na kakamot-kamot ng batok bago tumingin sa kaniya.
“Why? What’s going on here?” tanong muli ni Daddy Calvin na palipat-lipat ng tingin sa kanilang apat.
Sina Zachary, Nurse Letty at Dr. Ledesma ay nagkatingin bago siya binalingan kay ang tingin ni Daddy Calvin ay napunta sa kaniya, kung siya ay nagtataka mas lalo na ito na bagong dating lang.
“Samarra, it’s a prank!”