CHAPTER 78: LEFT OR RIGHT

Mula sa bungad ng pinto ay hindi maiwasan ni Samarra na mapahanga sa dining room set-up dahil isang Mediterranean inspire ang sumalubong sa kaniyang mata. Napapalibutan ang kaliwang bahagi ng wall glass kaya kitang-kita ang infinity pool, ang kanan naman ay gawa sa marble na sa gitna ay may fireplace. Ang high ceiling na kisame na kung saan nakasabit ang dalawang naglalakihang chandelier na kulay gold and old rose na may maraming crystal. Samarra now understands why a night at Villa Vista costs fifty thousand dollars, as the villa’s interior resembles that of a foreign country.

“Love, let’s have a sit,” pag-aaya ni Zachary at hinawakan ang kaniyang baywang para igiya siya sa loob ng dining room.

Habang kumakain panay ang sulyap ni Samarra kay Zachary sa tuwing tinatanong ito ng ama, napapangiti siya dahil sa pasimpleng kinikilatis nito si Zachary. Kaya alam ni Samarra na wala siyang dapat ipangamba.

“Son, after you ate, we need to talk,” seryosong wika ni Daddy Frost na nagpabaling sa ulo ni Samarra kay Zachary, hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pasimpleng paglunok nito bago ngumiti at tumango sa ama niya.

“Yes, Dad,” alanganing tugon ni Zachary.

“Frost, you made my son's knees trembling,” nakangising wika ni Daddy Calvin na ikinangiti lang ni Daddy Frost.

Nang matapos silang mag-dinner ay agad na tumayo si Daddy Frost at bumaling kay Zachary, ramdam niya na natigilan ito at tumingin sa kaniya.

“Love, mamaya ko na lang aayusin ang damit natin,” bulong ni Zachary sa kaniya na ikinatango na lang niya ng ulo pagkuwan ay pumikit ng hagkan siya sa noo bago sumunod sa kaniyang ama.

Nang makaalis si Zachary ay nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Samarra bago binalingan ang ina.

"Mom?!"

"Yes, honey?"

"Why did you come to the Philippines, Mom?"

"Didn't your husband tell you?"

Agad na napakunot-noo si Samarra sa sinabi ng kaniyang ina dahil hindi wala naman nababanggit si Zachary na nakakausap nito ang magulang.

"What are you saying?"

“Oh, never mind,” bawi agad ni Mommy Samantha niya na tila may gusto pang sabihin pero pinili na lang manahimik.

"Mom?"

"Shhh… Let your husband tell you. Okay?"

Labag man sa kalooban ni Samarra ay tumango na lang siya sa sinabi ng kaniyang ina dahil wala rin naman siyang magagawa kundi si Zachary mismo ang magsabi kung bakit narito ang magulang niya sa Pilipinas.

“Mom, I will go upstairs,” pagpapaalam niya sa ina at humalik muna siya sa pisngi nito pati na rin kay Mommy Lorraine.

Napagpasyahan na muna niyang ayusin ang damit nila ni Zachary habang kausap nito ang ama niya. Habang naglalakad si Samarra ay nakasalubong niya si Ezekiel na kabababa lang ng hagdanan. Napakunot-noo pa siya dahil nakaporma ito. Nakasuot ng tattered pants at polo white na sadyang nakabukas ang ilang butones para makita ang malapad na dibdib nito, ang buhok na lampas balikat ay sadyang nakalugay.

“Where are you going?” hindi mapigilan na tanong ni Samarra.

“Miel, do I need to inform you?” nakangising wika ni Ezekiel sa kaniya habang nakapamulsa. Gusto man mapikon ni Samarra dahil hantaran ang pagka-arogante ng kaniyang bayaw ay pinili na lang niyang ‘wag itong sagutin.

“Tsk, never mind,” napapahiyang wika ni Samarra at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdanan.

"Would you like to join me? I'll take a stroll around the villa,” wika ni Ezekiel na nagpalingon sa kaniya.

“Are you serious?” paniniyak niyang tanong dahil ito ang first time na inaya siya ni Ezekiel na maglakad-lakad after ng kanilang mall sa Singapore.

“Yes, or no?” naiinip na tanong ni Ezekiel na nagpaikot ng kaniyang mata sa iritasyon.

“Okay,” aniya at sumunod kay Ezekiel na nagpatiuna nang naglakad palabas ng pinto.

May pagmamadaling sumunod si Samarra na lumabas ng pinto para maabutan si Ezekiel. Nang makalabas ay agad napahinto si Samarra habang nakatingin sa malayo kay Ezekiel, nakasandal ito sa sasakyan naka-sideview sa gawi niya. Huminga nang malalim si Samarra at inilagay ang kanang kamay sa kaniyang dibdib. Pinakikiramdaman niya kung malakas ba ang tibok ng puso niya kagaya nang una niyang nakita si Ezekiel.

Why does her heartbeat seem normal? May pagtatakang tanong ni Samarra sa sarili dahil dati naman kapag tinitingnan niya sa malayo si Ezekiel lumalakas ang tibok ng puso niya.

"Are you daydreaming, Miel?"

Agad na ipinilig ni Samarra ang ulo at naglakad palapit kay Ezekiel, bakit ba kasi may paghinto pa siyang nalalaman nagmumukha tuloy siyang tanga sa harapan ni Ezekiel.

"Where do you want to start? Left or right?"

Napabaling ang tingin niya kay Ezekiel habang nakatayo sila sa gitna ng daan, hindi alam ni Samarra kung saan sila mag-uumpisa dahil alam niyang parehong magaganda ang mga tanawin sa villa.

“Number?” tanong ni Samarra na ikinakunot ng noo ni Ezekiel marahil nagtataka ito kung bakit siya nagtatanong ng number.

“What?” naguguluhang tanong ni Ezekiel sa kaniya.

“I said, number, one to ten,” pag-uulit ni Samarra

“Four?” alanganing sagot ni Ezekiel.

"Left or right?"

“Huh? I’m asking you first,” giit ni Ezekiel sa kaniya na pinandilatan lang niya ng mata. Kaya agad naman itong sumagot sa tanong niya.

“Okay, right,” natatalong sagot nito sa kaniya.

Tumatango-tango si Samarra at iniangat ang hintuturo at itinuro ang kanan at kaliwa habang kumakanta ng right, left.

“According to my prediction, we will pass on the left,” aniya at tumingin kay Ezekiel. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang bumunghalit ito ng tawa.

“Miel, you’re unpredictable,” wika ni Ezekiel sa pagitan ng tawa nito.

“Stop it,” saway niya kay Ezekiel, nang hindi ito matigil sa kakatawa ay inis niyang tinalikuran ito at nagpatinunang naglakad.

“Miel, stop,” wika ni Ezekiel na ikinalingon niya rito.

"What?"

"I said stop walking."

“I can’t hear you,” aniya at humarap pa nang tuluyan rito habang patuloy siyang naglalakad na nakaharap rito.

“Miel, stop… stop there,” natatarantang wika ni Ezekiel na binaliwala lang niya at tinalikuran dahil alam niyang mang-aasar lang ito.

“Whatever, Kiel,” aniya nang lumingon siya rito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Miel!!"

Isang malakas pa na pagtawag sa kaniyang pangalan ang ginawa ni Ezekiel na ikinalingon niya rito kasabay na pagkahulog ng isang paa niya sa butas.

Impit na napatili ang pinakawalan ni Samarra habang pilit na bina-balance ang para hindi matumba at mapaupo sa lupa.

"I told you to stop; you're so stubborn,” naiinis na wika ni Ezekiel nang makalapit sa kaniya.

Inis niyang sinamaan ito ng tingin. Instead na tulungan siya agad ay inuna pa talaga ang pagsermon sa kaniya.

"Can you stop talking now? Can you first assist me?" angil niya rito mukhang wala pa atang balak na tulungan siya agad.

"Can you first say please?"

Sa halip na tulungan siya agad ni Ezekiel ay nakuha pa talagang mag-request. Gustong-gusto niya itong sumbatan na kung hindi siya tinawag-tawag hindi naman siya lilingon rito at mahuhulog.

“Kiel, help me, please….” paghingi niya ng tulong kay Kiel kahit labag sa kalooban niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang sundin ito.

"Okay, that sounds better."

Awtomatikong pumulupot ang isang kamay nito sa kaniyang baywang at ang isang kamay nito nasa kaniyang binti para iangat dahan-dahan.

"What's going on here?"