CHAPTER 77: VILLA VISTA

Zachary's face was dead behind the eyes as Samarra walked him like a goddess. She is the definition of beauty. Halos pangapusan siya ng hininga nang masuyo siyang hagkan ni Samarra sa labi na parang hindi alintana rito na nakaharap ang pamilya nila.

“Love, uso kumurap,” mahinang bulong ni Samarra sa kaniya ng matapos siyang hagkan sa labi na ikinangiti niya na agad naman napawi nang marinig niyang tumikhim ang ama ni Samarra. Wala sa loob na napakamot siya ng batok at saka napaayos ng tayo.

“Son? I’m asking you?” tila naiinip na pag-uulit na tanong ni Daddy Frost sa kaniya.

“Dad? Stop it,” pagsasaway ni Samarra sa ama marahil nakikita nito na tila nahihirapan si Zachary na sagutin ang tanong nito.

“What? I’m just asking?” patay-malisyang tugon ni Daddy Frost na ikinahinga nang maluwag ni Zachary.

Save by the bell, thank you, love, pasasalamat ni Zachary sa isip-isip niya.

"Sweetie, they're married if they take a bath together, there's nothing wrong with it,” nakangiting wika ni Mommy Samantha habang nakatingin sa kanila ni Samarra.

“But he promised to us,” mariing giit ni Daddy Frost na ikinakunot-noo ni Samarra at bumaling sa kaniya. Kita niya sa mukha nito na tila gustong magtanong pero pinili na lang manahimik.

“Stop,” awat ni Mommy Samantha kay Daddy Frost.

Nakita ni Zachary na tumingkayad ang biyenan na babae at may ibinulong kay Daddy Frost, kitang-kita niya kung papaanong nagsalubong ang kilay nito at mataman na tingnan si Mommy Samantha na nakangiti abot tainga.

“Love, OK ka lang?” tanong ni Samarra sa kaniya na marahil napansin na mataman siyang nakatingin sa magulang nito.

“Yeah,” aniya at agad na hinapit sa baywang si Samarra.

“Sis, tutal naman nandito na sila sa tingin ko kailangan na nating magpunta sa hotel para makapag-dinner na tayo at makapagpahinga na rin,” alanganing suggestion ni Mommy Lorraine kay Mommy Samantha na agad na sumang-ayon ang huli. Alam ni Zachary na ginagawa lang ito para hindi siya ma-hotseat.

"Your father gave me a heart attack, love," mahinang bulong ni Zachary na sapat lamang para marinig ni Samarra.

"Why don't you just tell the truth?"

“What? Do you want your father to kill me?” hindi niya maiawasan na mapalakas ang bulong niya na ikinalingon ng ama ni Samarra.

"Shh... He'll never do it."

Napangiwi si Zachary sa sinabi ni Samarra. Kung tingnan nga lang siya ay parang babalatan na siya ng buhay, tapos gusto pa ni Samarra na umamin siya na magkasabay silang maligo. Eh, ‘di bumulagta na lang siya nang wala sa oras. Tsk, nagpakawala na lang siya ng isang buntong-hininga bago napilitan na buhatin ang suitcase na dadalhin nila ni Samarra.

Pagkalabas na pagkalabas pa lang nila ni Samarra pareho silang nagulat dahil sa rami na men in black sa labas ng bahay nila kabilang na roon si Jameson na tila sila ang hinihintay nito.

“Sir, Lady Summer,” magalang na bati ni Jameson sa kanila at sumenyas sa isang bodyguard na kunin ang suitcase na dala niya.

“Siya na magdadala,” maagap na wika ni Jameson nang mapansin ang pag-aalinlangan ni Zachary na ibigay ang suitcase.

Walang nagawa si Zachary kundi ang ibigay ang suitcase sa bodyguard na lumapit sa kaniya, sinabihan rin sila ni Jameson na sumunod sila rito.

“Love, ganito ba karami ang bodyguard ng ama mo?” bulong niya kay Samarra na ikinangiti lang nito.

“Kulang pa ‘yan, siguro kung nasa Australia tayo baka lampas bente ‘yan.”

“Really? Ganoon ka rami?” hindi maiwasan ni Zachary na isatinig pakiramdam niya parang Presidente ng Pilipinas ang bisita dahil sa lampas sampung bodyguard ang nasa paligid nila at limang sasakyan ang nakahilera sa labas ng gate nila.

Habang nakaupo sila ni Samarra hindi maiwasan ni Zachary na magpakawala ng isang buntong-hininga. Kasalukuyan silang nakaupo sa backseat at si Jameson ay nakaupo sa passenger seat sa unahan habang ang isa naman na bodyguard ang kanilang driver.

“Love? Bakit naman kasi ‘di na lang ako ang nag-drive para sa atin?” mahinang bulong niya kay Samarra na ikinangiti lang nito.

“Ayaw ni Daddy,” tugon ni Samarra sa kaniya na ikinabuntong-hininga na lang niya. Hindi naman niya maaaring kontrahin ang biyenan na lalaki dahil sa mukha pa lang ay hindi ‘yon tumatanggap na ano mang pagtututol.

Nang huminto ang sinasakyan nilang kotse ay ganoon na lang ang pagtataka nila ni Samarra nang makababa dahil nasa Villa Vista sila ng Buenavista Hotel. Isa itong pinakamahal na Villa sa buong Asia dahil ang Villa Vista ay nagkakahalaga ng fifty million ang isang gabi tanging mga kilalang artista, politiko at mga businessman lang ang nakakapag-check-in doon.

“Son, don’t ever share the room with my daughter.”

Agad na nagkatinginan sila ni Samarra sa sinabi ni Daddy Frost sa kaniya. Buong akala niya ay magiging masaya ang pananatili nila ni Samarra sa Villa Vista pero hindi pala.

"Dad, we've shared a room from the first day of our marriage," pag-apila ni Samarra sa ama na ikinangiti ni Zachary na lihim habang ang kamay niya ay nasa baywang nito.

“So?” balewalang sagot ni Daddy Frost habang ang mata nito ay hindi inaalis sa kaniya, pakiramdam niya na kailangan na siyang magsalita.

“Love, I think your dad was right?” alanganing wika niya kay Samarra na ikinakunot-noo nito. Na agad bumaling sa ama na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kaniya.

“Mom?” paghingi ni Samarra ng saklolo sa inang si Mommy Samantha na ikinailing lang ng ulo nito, parang bang sinasabi na pagbigyan na lang muna ang gusto ng ama. Ramdam niya na pinisil ni Samarra ang kaniyang kamay. Kaya tumingin siya rito at ngumiti ng tipid. Ayaw niyang salungatin ang gusto ng biyenan niyang lalaki.

Pagpasok pa lang nila sa loob ng Villa ay agad nilang hinayon ni Samarra ang kuwarto sa itaas para mailagay ang damit nito roon at maiayos.

“Love, bakit ka pumayag kay Dad?” tanong agad ni Samarra nang makaupo sa kama na ikinangiti niya nang husto dahil nakasimangot ito. Naglakad siya palapit rito at umupo sa kama.

“Love, nakikita mo ba ang tingin ni Dad sa akin? Para akong binabalatan ng buhay, kaya hayaan mo na lang muna ngayong gabi lang naman tayo hindi magkakatabi,” ani ni Zachary kahit na ang totoo ay gusto niya ring tumutol sa biyenan kanina dahil hindi naman siya sanay na matulog nang hindi katabi ang asawa.

“Hmm, ano pa nga ba ang magagawa ko pumayag ka na,” nakangusong wika pa ni Samarra sa kaniya, parang gusto pa ata siyang sisihin sa mabilis na pagpayag niya sa ama nito.

“Hmmm... Alam ko na kung bakit ka nagmamaktol?” nakangiti niyang wika kay Samarra na ikinabaling ng tingin nito sa kaniya, ang kaniyang kilay nagtaas-baba.

“Dahil gusto mong ituloy natin ang ginawa natin sa CR.” Nakangising wika niya na ikinapula nang husto ng mukha ni Samarra marahil hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

“What? Baka ikaw?” Mabilis na apila ni Samarra agad sa kaniya na ikinahalakhak niya dahil para itong bata na nakahalukipkip pa habang ang nguso nito ay nanunulis.

“Love, I told you stop pouting,” saway niya at hinawakan ang mukha nito na pilit inalalayo sa kaniya. Umusog si Samarra palayo sa kaniya. Napakamot siya ng kaniyang ulo at umusog rin palapit kay Samarra. Kinalabit niya pa ito sa balikat pero pumiksi lang sa kaniya. Gusto nang matawa ni Zachary dahil ang cute tingnan ni Samarra. Hinapit niya ito sa baywang at hinagkan ang batok na ikinakislot ni Samarra.

“Tsee! ‘Di mo ‘ko magdadala sa ganiyan.” Pilit na inaalis ni Samarra ang kaniyang braso na nakapulupot sa baywang nito, kaya mas lalo niyang pinanggigilan ang leeg nito na ikinatawa nang malakas ni Samarra. Napatili si Samarra nang hilain niya ito paupo sa kandungan niya at kiniliti ang magkabilang baywang nito.

“Oh, my gosh! Cadden…. Stop it... Wait... Stop.! Time first...” ani ni Samarra sa pagitan ng pagtawa nito. Katulad niya habol din nito ang paghinga dahil sa pagod na nagpupumiglas sa kaniya. Agad naman niyang itinigil ang pagkiliti pero hinapit niya ito sa baywang habang nakaupo sa kandungan niya.

Inalis ni Samarra ang mga braso niya at tumayo buong akala ni Zachary ay aalis na ito pero mali pala dahil umupo ito sa kandungan niya paharap sa kaniya. Bigla siyang napalunok sa posisyon nila dahil ramdam niya ang bukana nito na nakadikit sa kaniyang kaibigan.

“Love,” bulong niya nang ikinawit ni Samarra ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Ang mata nila tilang nagkakaintindihan dahil dahan-dahan na inilapit ni Samarra ang mukha sa kaniya.

“Son, baka gusto niyo munang kumain?”

Isang tanong ang nagpahiwalay sa kanila ni Samarra at agad na lumingon sa pintuan. Kita niya ang apat na pares na mata na nakatingin sa kanila. Sina Mommy Lorraine, Daddy Calvin, Mommy Samantha at si Daddy Frost. Napalunok si Zachary nang magkasalubong ang tingin nila ni Daddy Frost parang bang ang tingin nito nanunuot sa buong pagkatao niya.

“Summer, let’s go,” pag-aaya ng ama ni Samarra bago tumalikod. Ang Kuya Zeke niya ay ngingiti-ngiti lang at nagpatiunang naglakad kasunod ang ama ni Samarra.

Nagkatinginan na lang sila ni Samarra kita niya ang pamumula ng mukha nito tila katulad din niya ay nagulat at nahiya sa posisyon nila kanina.