CHAPTER 75: HER PARENTS

Pareho silang nagmulat ng mata nang makarinig sila ng sunod-sunod na pag-doorbell. Noong una ay plano ni Zachary na ipagpatuloy ang nasimulan nila ni Samarra at hayaan na mag-doorbell kung sino man ang nasa labas ng pintuan nila. Pero nang itulak na siya ni Samarra ay napahilamos na lang siya ng mukha at napatingala sa ceiling. Damn! They ruin our precious moment.

“Cadden?! Puwede ba? Mamaya ka na magtulala-tulalaan d’yan. Bumaba na muna tayo baka kasi sina Mommy Lorraine ang nasa ibaba,” nayayamot na wika ni Samarra habang tumatayo mula sa kama. 

Sabay pa silang napatingin sa cellphone niya nang biglang na-ring. Dahil malapit si Samarra kung saan nakalapag ang kaniyang cellphone ay ito na ang kumuha.

“Sino ‘yan?” curious niyang tanong niya.

Dahil mula sa cellphone niya ang tingin ni Samarra ay nalipat sa kaniya, mataman siyang tinitigan na ikinakunot-noo niya.

“Love?”

“Oh, gosh! Cadden si Mommy Lorraine nasa baba raw,” natatarantang wika ni Samarra na basta na lang inihagis sa kaniya ang cellphone na agad naman niyang nasalo dahil sa bilis ng response ng kaniyang reflexes. 

“Love, relax! Si Mommy lang naman ang nasa ibaba,” natatawang wika niya na ikinalingon ni Samarra at binigyan siya ng matalim na tingin wari bang nagsasabi na not now!

“Love,” aniya at hinila ito paupo sa kama, ang kaniyang dalawang braso ay awtomatikong yumakap agad sa baywang nito at ang ulo niya ay nakasiksik sa leeg nito. 

“Love?! Please…. Mamaya na ‘pag umuwi na si Mommy Lorraine. Hmmm,” ani ni Samarra at pilit na inaalis ang kaniyang dalawang braso na nakapaikot sa baywang nito, dahil sa inis na nararamdaman niya ay hinayaan na lang niya itong tumayo. Napahilamos siya ng mukha habang nakatingin kay Samarra.

“Promise??” paniniyak niya kay Samarra na naging dahilan na ikinapula ng mukha nito. Damn! She’s so cute.

“Cadden?!” 

Agad niya iniangat ang dalawang kamay at napilitan na tumayo. Napabuntong-hininga pa siya at inakbayan ang asawa palabas ng kuwarto. 

Nasa kalagitnaan na sila ng hagdanan nang mapansin ni Zachary na huminto ang kaniyang asawa at natigilan habang nakatingin sa kaniyang mukha. 

“Why?”

“Oh, my gosh!” exaggerated na bulaslas ni Samarra at hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi.

“What?” naguguluhan niyang tanong at hinuli ang kamay ni Samarra na nakahawak sa mukha niya.

“I think you need to wash your face?” ani ni Samarra sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo. Parang magbubukas lang ng pintuan kailangan maghilamos pa? At isa pa ina naman niya ang nasa labas. Naiiling na lang siya ng kaniyang ulo at hinagkan sa labi si Samarra.

“No need baka sina Mom lang ‘yan.” Pambabalewala niya sa sinabi ni Samarra at ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdanan. Natigil siya sa akmang pagbukas ng pintuan nang hawakan siya sa braso.

“Love?! I think you should wear at least t-shirt? Look at you?” Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ni Samarra kita niya sa mukha nito ang pagtutol pero hindi na niya ‘yon binigyan pa ng pansin at ipinagpatuloy na niyang buksan ang pinto.

“Honey!!!!” masayang bulaslas ng magandang babae sa harapan niya habang ang mga kamay nito ay nakadipa. Nasa tabi nito ang isang lalaking seryosong nakatingin sa kaniya na ikinalunok niya habang ang magulang at si Kuya Zeke ay nasa likuran ng mga ito nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya.

Holy shit! Kung nagulat si Zachary sa mga bisita ay mas nagimbal ang mga ito sa ayos niya. Ang ngiti ng babae ay unti-unting nawala kasabay nang malakas na pagtawa. Maski ang magulang at si Kuya Zeke ay nagkatinginan muna at sabay-sabay na tumingin muli sa gawi niya bago bumunghalit ng tawa. 

“Mom, Dad?!” narinig niya na wika ni Samarra na nasa tabi niya na tila ngayon lang nakabawi sa pagkabigla.

“Honey? What did you do to your husband?” malambing na tanong ng Mommy ni Samarra habang ang tingin nito ay hindi inaalis sa kaniya na tila bang mayroon nakakatawa sa mukha niya. 

Alanganin na ngumiti si Samarra sa ina bago siya binalingan ng tingin. “I’m sorry,” she mouthed.

Napakunot-noo lalo siya dahil humihingi ng sorry si Samarra pero hindi niya alam kung ano ang ibig nitong tukuyin kaya ngumiti at tumango na lang siya pagkuwan ay bumeso siya sa ina nito at nagmano sa ama ni Samarra na seryoso pa rin na nakatingin lang sa kaniya. Aminin man niya o hindi nakakaramdam siya ng ibayong kaba sa tuwing nagkakasalubong ang tingin nila.

“Good evening. Ma’am, Sir,” magalang na pagbati niya sa magulang ni Samarra saka yumuko.

“I think you should go upstairs and fix yourself, Son. Please forgive my daughter’s behaviour,” seryosong wika ng ama ni Samarra at tinapik pa siya sa balikat na nakapagpadagdag ng kaniyang kaba. 

“Pasok muna kay Ma’am, Si-”

“It should be Dad and Mom,” pagpuputol ng ama ni Samarra sa sasabihin niya. Bigla siyang napalunok kahit ang totoo ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa kaba. Naunang pumasok ang magulang ni Samarra kasunod ang magulang niya. 

“Son, washed your face or much better you take a bath first and wear at least decent para naman walang masabi ang magulang ng asawa mo, bakit naman kasi naka-boxer ka lang?” bulong ng kaniyang ama na si Daddy Calvin sabay tapik pa sa balikat niya bago siya lampasan. 

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga bago napakamot sa batok parang lahat sila gusto siyang maligo. Alam naman niya sa sarili na hindi siya mabaho dahil kaliligo niya lang bago matulog.

“Bro! I’m going to give you some advice.” Awtomatikong napakunot-noo siya habang nakatingin kay Kuya Zeke niya na lumapit pa sa tainga niya.

“Make sure you check yourself in the mirror before leaving your room. Tsk!” Nasundan na lang ng tingin ni Zachary ang kaniyang Kuya na naglalakad papalayo sa kaniyang kinakatayuan.

Nang makapasok na ang lahat ng bisita nila ay nagmamadali siyang umakyat ng hagdanan dahil gusto niyang makita kung ano ang itsura niya. Alam niya na hindi magandang na humarap siya sa magulang ni Samarra na naka-boxer short lang pero alam niyang hindi ‘yon ang dahilan kung bakit tumawa nang malakas ang Mommy nito.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kuwarto ay hinayon na niya agad ang CR para makita ang sarili sa salamin.

Holy shit!! Ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang makita ang sarili sa salamin. Daig pa niya ang natuklaw ng ahas dahil hindi niya maigalaw ang sarili sa nakikitang repleksyon. Napalunok siya at wala sa sariling napahawak sa magkabilang pisngi na putok na putok sa blush-on ang kaniyang mata na daig pang nasuntok dahil sa itim na eyeshadow. Ang labi niyang pulang-pula na akala mo’y pinutakti ng maraming bubuyog sa kapal ng lipstick. Napapikit siya ng mata naaalala niya ang masayang mukha ni Samarra habang nakatingin sa kaniya kanina. Bakit ba hindi niya nahulaan na pinaglaruan nito ang kaniyang mukha? Napahawak siya ng kaniyang batok pakiramdam niya maha-highblood siya ng wala sa oras. 

“Cadden?!” Agad na binuksan niya ang pinto ng CR nang marinig niya ang mahinang katok ni Samarra. Bumungad sa kaniya ang alanganing ngiti nito na naka-peace sign pa ang kamay.

“The mice are playing while the cat is sleeping,” seryosong wika niya na ikinayuko ni Samarra.

“I’m sorry nakita ko kasi ang mga make-up ko tapos ang guwapo mo kanina kaya… Kaya?!”

“Kaya pinag-trip-an mo ko? Alam mo bang may pinarurusahan ang pasaway na asawa?” 

Mabilis na nag-angat ng tingin si Samarra sa sinabi niya. Kita niya ang paa nito na mabilis sanang aatras pero nahawakan niya ang magkabilang baywang nito at hinila papasok sa loob ng CR. 

“C-Cadd-”

Hindi na pinatapos ni Zachary ang ano mang pagtututol ni Samarra nang angkinin niya ang labi nito. Ramdam niya na natigilan si Samarra na tila nabigla sa ginawa niya na lihim niyang ikinangiti kaya naman mas lalo siyang nanggigil ang isang kamay niya ay humawak sa batok nito para palalimin ang kanilang halikan. 

“Kissed me back, love,” he commands between their kisses.

He bit her lips and slid his tongue to explore her mouth, the taste is really good. Naramdaman niyang umangat ang dalawang kamay ni Samarra hindi para itulak siya kundi ipulupot ang dalawang braso sa batok niya. They’ve shared a hot and passionate kissed kasabay ng maalab na halikan nila ang pagbuhos ng tubig mula sa shower.

“Oh, Cadden...” she moans. 

Napapikit siya nang mariin as much as he wanted, he knew that isn’t the right time for them bukod sa naghihintay ang magulang nila ay nakapangako siya sa magulang ni Samarra na magtatapos sila ng pag-aaral bago nila bigyan ng apo ang mga ito. Fuck! He cursed.

“Ara, as much as I want you now, but isn’t the right time,” mahinang bulong niya sa tainga nito.

Mariin na napapikit si Samarra at yumakap sa basa niyang katawan. Ramdam niya na habol pa rin nito ang paghinga.

“Thank you, love… Thank you,” mahinang pasasalamat ni Samarra sa kaniya.