CHAPTER 73: WISH
Nakakaramdam ng ngalay si Zachary dahil dalawang oras ng tulog sa balikat niya si Samarra at dalawang oras na rin silang naghihintay sa labas ng Emergency Room pero hindi pa rin lumalabas ang OB na tumitingin kay Claudel. Gusto na niyang iuwi si Samarra para makapagpahinga na ito nang maayos, pero hindi naman kaya ng konsensiya niya na iwanan na lang basta si Claudel na wala man lang kasama. Tinawagan niya ang Mommy at Daddy ni Claudel pero wala sa bansa ang magulang nito. Ang manager naman nito na si Rance Punzalan ay nangakong pupunta agad pero lampas isang oras na wala pa rin ito.
Napabuntong-hininga na lang siya at inayos ang ulo ni Samarra sa pagkakahilig sa dibdib niya para hindi ito mangalay. Mataman niyang tiningnan ang maamong mukha ni Samarra, kahit kailan hindi siya nagsasawang tingnan ang mukha nito. Masuyo niyang hinagkan ang mata nito na maga sa kakaiyak.
Nakita niyang lumabas na ang OB na tumingin kay Claudel, nakangiti itong lumapit sa kaniya. Sinabi nito na maayos na ang kalagayan nina Claudel at ang baby pero hindi pa maaaring umuwi dahil kailangan i-monitor pa ang mag-ina dahil mahina ang kapit ng bata. Kailangan mailipat si Claudel sa Private Room at magpahinga ng three days dahil may mga examine pang isasagawa para sa mag-ina at masiguro ang kalagayan ng mga ito bago pauwiin.
Kahit papaano ay nakahinga na siya ng maluwag dahil wala na silang alalahanin ni Samarra, ang kailangan na lang niya ay makausap nang masinsinan si Claudel at ipaintindi na ‘wag na silang guluhin ni Samarra. Ayaw niyang nakikita na umiiyak at sumasama ang loob ni Samarra lalo pa’t siya ang nagiging dahilan. Ipinikit na muna niya ang mga mata para makaidlip kahit sandali mamaya na lang niya pupuntahan
Nagising si Zachary sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi, bumungad sa kaniya ang magandang mukha ni Samarra, medyo namamaga pa ang mata nito pero nakangiti na ito sa kaniya.
"Are you still sleepy?" malambing na tanong ni Samarra sa kaniya. Na ikinapikit niya dahil amoy niya ang mabangong hininga nito, kung wala lang siguro sila sa hospital pinagsawa niya ang kaniyang labi na halikan ito. Lumingon muna siya sa magkabilang pasilyo nang masiguro niyang walang tao ay hinila niya si Samarra palapit sa kaniya.
“Cadde-” Hindi na natuloy ni Samarra ang sasabihin sa kaniya nang siniil niya ito ng halik sa labi.
“I love you, wife,” aniya ng maghiwalay ang kanilang labi, pinagdikit niya pa ang kanilang mga noo.
“I love you too, hubby.” Nakangiting wika ni Samarra sa kaniya na nagpasikdo ng puso niya habang tumatagal nadadagdagan ang pagmamahal niya kay Samarra kahit simpleng I love you lang ang natatanggap niya sobrang iba ang epekto sa kaniya. It sounds gay pero kinikilig siya. Damn!
“Let’s go, love, puntahan muna natin si Claudel bago tayo umuwi,” pag-aaya niya kay Samarra.
Dahil pakiramdam ni Zachary kung hindi niya pa aayain si Samarra baka hindi lang halik ang magawa niya.
Habang nasa tapat na sila ng kuwarto ni Claudel kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Samarra. Humarap siya rito at hinawakan ang magkabilang balikat.
“Love, kailangan natin makausap si Claudel bago tayo umuwi.” Yumuko si Samarra at nag-aalinlangan sa sinabi niya.
“Cadden, kung dito na lang kaya muna ako, kayo na lang magkausap baka kasi… baka hindi maging maganda kung magkakaharap kami, nakita mo naman kanina ‘di ba?”
Napabuntong-hininga na lang si Zachary at tumango naiintindihan naman niya si Samarra kung bakit ito nag-aalangan na magpakita kay Claudel.
“Are you sure?” paniniyak niyang tanong dahil ayaw niyang pumasok sa loob ng kuwarto ni Claudel kung ayaw naman ni Samarra. Dahil ayaw na niyang mag-isip ito nang hindi maganda at umiyak.
“Yeah, aantayin na lang kita rito.”
Hinapit niya sa baywang si Samarra at niyakap nang mahigpit pagkuwan ay hinagkan ito sa noo bago pumasok sa loob.
Pagkapasok pa lang ni Zachary sa loob ay nakita na niya si Claudel na nakatingin sa gawi niya at malaki ang pagkakangiti.
“Zach, your here.” Iniangat pa ni Claudel ang kamay para abutin niya ito.
“Yeah, I’m here.” Agad niyang tinanggap ang kamay nito at sandaling hinawakan bago dahan-dahan na binitawan.
"How are you?"
"I'm good, but my OB told me that I need to stay here for three days."
"That's good, and I'm happy for you. By the way, congratulations."
“Zach, I love-” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Claudel dahil hindi naman mahalaga ‘yon. At wala na rin magbabago para sa kanila.
“Margarette, you know in the first place that I won’t leave Samarra, right?” Kitang-kita niya kung papaano natigilan si Claudel sa sinabi niya kaya sinamantala na niya.
"You know I'm not the father of the child you're carrying; why do you have to fabricate a tale with my wife?"
"Zach."
Huminga nang malalim si Zachary pagkuwan ay tiningnan niya si Claudel na umiiyak, pero hindi siya makaramdam ng ano mang awa dahil sumasagi pa rin sa kaniyang isipan kung papaano umiyak si Samarra kanina.
"Margarette, please…Listen to me. I love my wife."
She chuckled. “So, ano ganoon na lang ‘yon? Mahal mo na siya kaya iiwanan mo ako? Bakit mahal ka ba ng asawa mo? Alalahanin mo siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Ate Gab ang Kuya mo. Oh, wait? Tinanong mo ba ang asawa mo kung mahal ka niya? Zach-”
“Stop.” Pagpapatigil niya kay Claudel
Pumikit si Zachary at tumango, pilit niyang pinapaalalahanan ang sarili na ‘wag sasabayan si Claudel dahil mataas ang emosyon nito.
“Margarette, you know that I love you before, right? But you didn’t care about me, you choose your career over me, or should I say you choose Rance over me. At tinanggap ko ang lahat ng sinabi mo na wala kang mapapala sa akin dahil hindi ako nagtra-trabaho sa kompanya namin. At maayos tayong naghiwalay kaya kung may problema kami ng asawa ko, kami na ang bahalang umayos at tinawagan ko na rin ang ama ng pinagbubuntis mo. Sabi niya pupunta pero hanggang ngayon wala pa.”
"Zach..."
“Alam ko na si Rance ang ama niyan kaya hindi mo maaaring itanggi sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan sabihin mo sa asawa ko na ako ang ama niyan.”
"Zach."
“Matagal ko ng alam ang pagkakaroon mo ng relasyon sa manager mo, hindi lang ako umiimik dahil gusto kong sa’yo manggaling kaya nga mas pinili mo ang career mo ‘di ba?”
"Zach, I'm sorry."
“Look, Margarette, please… ‘wag mo na kaming guguluhin ni Samarra. Naging mabuting kaibigan at boyfriend ako sa’yo. Sana ito na ‘yong last na makikipag-usap ka kay Samarra dahil hindi ko gustong umiiyak ang asawa ko ng dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi mo sa kaniya. Sana mag-focus ka na lang sa buhay kasama ang magiging anak mo.” Tinalikuran na ni Zachary si Claudel na nagsisimula nang lumakas ang iyak nito.
“Zach… Hindi mo na ba talaga ako mahal?” tanong ni Claudel sa kaniya na nagpahinto sa paglalakad niya.
“Minahal kita at alam mo ‘yan,” aniya na hindi lumilingon.
“Minahal?! So, ngayon wala na?” May bahid na pait ang boses ni Claudel.
“I’m sorry… I love my wife more than my life.” Walang lingon-lingon na nagpatuloy siya sa paglalakad pahayon sa pintuan.
"Margarette, I wish you nothing but the best in your life, and I hope this is the last time you cause trouble for us," aniya bago lumabas
Hindi na napigilan ni Claudel ang mapahagulgol sa iyak nang makalabas na si Zachary alam niya na sa paglabas ni Zachary ay tapos na ang lahat sa kanilang dalawa.