CHAPTER 72: HOSPITAL

Habang nagmamaneho si Zachary ay pasimple siyang napabuga ng hangin at tumingin sa rear-view mirror para makita niya sina Samarra at Claudel na magkatabi sa backseat. Nag-aalala siya kay Claudel pero mas nag-aalala siya kay Samarra, dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito, sobrang blangko ang ekspresyon nito. Ang kinakatakot niya, paano kung maisipan ni Samarra na hiwalayan siya na hindi man lang nagpapaliwanag? Pasimple siyang napalunok at ipinilig ang ulo. Hindi puwede, hindi niya kakayanin. ‘Yong apat na araw pa nga lang na hindi niya nakakatabi ito sa higaan torture na para sa kaniya. ‘Yong iwanan pa kaya? Huminga siya nang malalim at mataman na tiningnan si Samarra.

"Love?" 

Agad na nagsalubong ang tingin nila ni Samarra sa rear-view mirror, kaya napakunot-noo pa siya ng mapansin na may namumuong luha sa magkabilang gilid ng mata nito. He cursed silently, parang gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa nakikitang takot sa mata ni Samarra. Ang mga luha sa mata nito.

“Eyes on the road, Cadden and make it fast para makarating agad tayo sa hospital baka... baka mapahamak pa ang magiging baby niyo.”

Hindi magawang kontrahin ni Zachary ang sinabi ni Samarra dahil kita niya ang pag-iwas ng tingin nito at pasimple pagpunas ng luha nito. Gusto niyang magprotesta sa sinabi nitong ‘baby niyo’ dahil hindi naman siya ang ama ng pinagbubuntis ni Claudel. Gusto man niyang pagsabihan si Claudel pero alam niya hindi 'yon ang tamang oras.

"Urgh! My baby…Please… pakibilisan mo naman Zach.” Claudel sobbed.

"Shh… The baby is going to be okay. Margarette, try to relax,” ani ni Zachary at binilisan ang pag-drive para makarating na sila agad sa hospital. 

Nang makarating sila sa Mendrez Medical Hospital ay agad na bumaba si Zachary sa driver seat at umikot sa backseat para alalayan niya sina Samarra at Claudel. 

“Go on. Cadden, help her,” ani ni Samarra sa kaniya nang makababa ito sa sasakyan na hindi man lang siya inantay na alalayan ito. Napahilamos ng mukha si Zachary dahil sa nakikitang luha na namumuo sa mata ni Samarra pero hindi niya magawang magpaliwanag dito dahil sa kalagayan ni Claudel.

"Love?!"

"Zach... a-ang... baby..." 

Huminga nang malalim si Zachary at binalingan ng tingin si Samarra, hindi niya gusto ang nakikitang emosyon sa mata ni Samarra.

"Love?!"

“Stop talking! Unahin mo muna siya.” Natarantang napatango na lang si Zachary at saka binuhat si Claudel. 

Nang makita naman sila ng mga nurses na naka-duty ng mga oras na ‘yon ay agad silang in-assists. Mabilis na inasikaso si Claudel at inilagay sa stretcher para madala sa emergency room.

"Sir, may I ask about your relationship with the patient?" 

Mabilis na napalingon sa kaniya si Samarra ng tanungin siya ng nurse bakas sa mukha ni Samarra na naghihintay rin ng kaniyang isasagot.

“A friend,” maiksing tugon niya sa nurse na hindi inaalis ang tingin sa mata ng asawa. Gustong-gusto niyang yakapin si Samarra at ikulong sa mga bisig niya para maibsan ang nararamdaman nito na sakit. Alam niya kahit hindi nagsasalita si Samarra ramdam niya sa mga kilos nito na nagpipigil lang ito.

"What happened to the patient, Sir?"

"Her tummy aches unexpectedly," He responded quickly. 

Kita niya kung papaano natigilan si Samarra at napayuko alam niya na sinisisi pa rin nito ang nangyari kay Claudel. Kaya hinawakan niya ito sa kamay at pinisil para iparamdam na magiging okay lang lahat.

"Is the patient pregnant?" 

"Yeah, I think so?"

Kinausap sila ng nurse, na kailangan ipasok si Claudel sa emergency room for assessment para ma-check kung may injuries ito, after assessment ay kailangan naman itong mapa-ultra sound para ma-check ang baby kung maayos ba ang kalagayan nito sa loob ng tiyan ng ina. Marami pang sinabi ang nurse sa kanila pero ang atensyon niya ay na kay Samarra, kita niya ang pasimple pagpunas nito ng mata. 

Nang makaalis ang nurse ay agad niyang inakbayan si Samarra para pumasok sila sa loob, pero pasimpleng pumiksi si Samarra at nagpatiunang naglakad papasok sa loob ng hospital. Napakamot na lang siya sa kaniyang batok at sinundan niya si Samarra. Nakita niya itong umupo sa mahabang bench na nasa tapat ng pinto ng emergency room. Nilapitan niya ito at pinisil ang kamay bago tumabi sa upuan.

“Ara, I’m sorry. Nabigla lang ako kanina, I’m really so-” 

Hindi na natapos ni Zachary ang sasabihin ng bigla siyang yakapin ni Samarra, kita niya ang paggalaw ng balikat nito kasabay nang mahinang paghikbi.

"Shhh… Stop crying. It’s not your fault,” pang-aalo niya pa kay Samarra.

"I'm sorry if I pushed Claudel; I didn't intend it, Cadden." 

“I know, hmmm.” Hinagkan niya ang noo ni Samarra.

Alam niya na hindi sinasadya ni Samarra na itulak si Claudel dahil nakita niya ‘yon. Hindi lang siya nakalapit agad dahil mas nanaig ang kagustuhan niyang makinig sa sagutan nina Samarra at Claudel. Gusto niyang marinig kung ano ang gagawin ni Samarra. Kung kaya ba ni Samarra na isuko siya agad, pero ganoon na lang ang saya niya sa mga narinig. Handa siyang ipaglaban ni Samarra. 

"Love, I'm sorry. What if? The baby is…?" 

“Shhh… The baby will be safe. Don’t worry, hmmm.” Hinagkan niya ng noo ni Samarra. At pinutol na niya ang ano mang sasabihin nito dahil hindi makakatulong ang negatibong naiisip nito sa sitwasyon nila ngayon. 

"Cadden."

Agad na nagbaba ang tingin niya ng marinig ang mahinang pagtawag ni Samarra sa kaniya, kita niya ang pamamaga at pamumula ng mata nito.

"Yes, love?"

“Are you mad?” Hinawakan niya baba ni Samarra at marahan na iniangat para magkasalubong ang kanilang tingin.

"I'm not mad, and why should I?" 

“B-because of what happened to your baby and Claudel? I'm sorry, I didn't intend that.” Hinagkan niya ang noo ni Samarra at niyakap nang mahigpit.

“Love, no worries, Claudel, and baby will be fine,” pang-aalo niya kay Samarra nang makita na naman niya na parang iiyak ito. 

"Cadden?!"

"Hmmm."

"I understand if you decide to file for annulment and marry Claudel." Napakunot-noo si Zachary sa narinig niya kay Samarra. 

"What?"

“Cadden, I want you to be happy; I don’t want to be selfish. So, I think this is good for us.” Matagal na tiningnan niya si Samarra sa mata pagkuwan ay napatingala.

"How could you say that so casually? Ara, you've promised me that you will always be by my side. Please… Don't give up. I'll talk to Claudel when she gets out of the ER.” Kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Samarra kaya naman ng makita niya na akmang magsasalita muli ito ay hinagkan niya ang labi nito. Wala na siyang pakialam kung nasa hospital sila ngayon, nang maramdaman niyang tinugon ni Samarra ang halik niya ay napangiti siya at niyakap ito.

“Kakausapin ko si Claudel, kaya ‘wag kang mag-isip ng kahit na ano.” Nakita niya ang bahagyang pagtango ni Samarra at yumakap pabalik sa kaniya.

Matagal silang nasa ganoong ayos nang mapansin ni Zachary na nakatulog na si Samarra sa kaniyang dibdib. Huminga siya nang malalim at mataman na tiningnan si Samarra, gusto man niyang mainis kay Claudel dahil sa pagsisinungaling nito, pero hindi niya magawa kanina dahil biglang sumakit ang tiyan nito.