CHAPTER 70: SLEEPING
Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa sa living room ang kaniyang ulo ay nakahilig sa malapad na dibdib ni Zachary. Nakayakap sa kaniyang si Zachary ang dulo ng buhok niya ay nilalaro nito. Masuyong hinahagkan nito ang kaniyang noo.
“Love,” pagkuha niya ng atensyon ni Zachary.
Nang wala siyang narinig na tugon ay agad niyang inaangat ang tingin para tingnan ito. Napangiti siya nang makita niyang nakapikit si Zachary, marahil katulad niya hindi rin talaga ito nakatulog ng maayos. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Zachary na nakayakap sa kaniya, nang mapagtagumpayan niya ay kinuha siya ng mga throw pillow para ilagay sa gilid para ‘yon ang ipapaunan niya kay Zachary. Nang naiayos na niya ang ulo nito kaya isinunod na niya ang mga paa nito para makahiga nang maayos. Ang balak lang sana ni Samarra ay titigan ang mukha ni Zachary kaya niya napagpasyahan na tumabi rito, ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya sa tabi nito.
Nagising si Samarra nang may mahigpit na yumakap sa kaniya, agad niyang iminulat ang mata, bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Zachary na tila kanina pa siya pinagmamasdan habang natutulog.
"I love seeing you sleeping next to me and waking up next to me; my life is incomplete without you, Ara. I appreciate you coming into my life; I love you,” madamdaming wika ni Zachary habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mata.
Inilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya, una ay mababaw at panaka-naka lang hanggang sa lumalim ang halik nito, ramdam niya sa bawat halik nito ang pangungulila sa kaniya na tila binabawi nito ang mga araw na hindi siya na hagkan nito.
Tinugon at sinabayan niya si Zachary hanggang sa pangapusan sila ng hininga, nagulat pa sila na nasa ibabaw na niya si Zachary. Nagmamadaling umalis si Zachary sa ibabaw niya at umupo pagkuwan ay tinulungan rin siyang umupo.
“I’m sorry, love.”
Ngumiti siya at pinisil ang kamay nito, wala naman dapat ipag-sorry dahil ginusto rin niya ‘yon, at kusa siyang tumugon.
“It’s okay. No need to say sorry.” Hinila siya nito paupo sa kandungan nito at niyakap.
“Saan ka pala pupunta, kanina kung ‘di tayo nagkasalubong?” tanong ni Zachary habang nakasiksik sa kaniyang leeg. Ramdam niya ang hininga na tumatama roon at amoy niya ang mabangong hininga nito. Hinawakan niya ang baba nito para iangat at magtama ang kanilang paningin. Pagkuwan ay ipinakita niya kay Zachary ang card na ibinigay sa kaniya ni Ezekiel bago ito umalis kanina.
“That’s my room unit sa Buenavista Condominium, bakit may ganiyan ka?” Nakakunot-noo si Zachary habang hawak ang card na ipinakita niya kanina.
"Kiel gave it to me." Ipinakita niya pa ang keycard na ibinigay rin ni Ezekiel sa kaniya.
"Did Kuya give you this?” takang tanong ni Zachary at hinawakan rin ang keycard na ipinakita niya.
“Yes, he said for my future.”
“So, kaya ka aalis para puntahan ako ganoon ba?” Napatango siya at pagkuwan ay ipinagdikit niya ang noo nila.
“Kung sakaling naabutan mo ako sa condo, ano naman ang sasabihin mo sa akin?” Napalunok si Samarra at pagkuwan ay ibinaling ang tingin sa kamay niya na hawak ni Zachary.
“’Yong totoo? Pupuntahan kita roon para sabihin sa’yo na binabawi ko na ang mga nasabi ko, hindi naman talaga ‘yon ang gusto kong sabihin kaya lang, noong time na naroon ang girlfriend mo, nakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kaya nagpakilala ako na pinsan mo. Tapos nagalit ka, kaya iniisip ko na baka ayaw mong malaman ng girlfriend mo na magkakilala tayo, tapos sinigawan mo pa ako. Nang umuwi tayo galit ka sa akin. Kaya naisip ko, kung sakaling hilingin mo sa akin na gusto mong makita at makasama ang girlfriend mo ay hindi ko kakayanin ‘yon.”
“Kaya mas pinili mong itaboy ako at ipagtulakan kay Claudel dahil ayaw mong sa akin manggaling na mahal ko pa si Claudel ganoon ba?”
Napapahiyang napatango si Samarra. “I’m sorry, akala ko kasi ‘yon ang tamang gawin para sa ating dalawa. Sorry dahil palagi akong nag-o-overthink at nag-a-advance thinking. Sorry kasi palagi akong nag-de-decide para sa ating dalawa, hindi ko kasi naisip na dapat dalawa tayong nag-uusap ng mga ganoong bagay.”
Tumango si Zachary at hinagkan ang kaniyang noo. “Ara, promise mo sa akin ‘wag na ‘wag mo akong iiwan, ‘wag mo akong ipagtulakan sa iba.”
Masuyong hinawakan niya ang mukha ni Zachary at umiling. “Never.”
“Love, kung may gumugulo sa isipan mo, kausapin mo ako. Kung may problema tayo, mag-usap tayo. Pag-usapan natin, hindi kasi natin maaayos ang problema kung isa sa atin ang hindi totoo.”
Tumango siya at yumakap kay Zachary, ramdam niya ang paghagod ng kamay nito sa kaniyang likod.
“Love, hindi ko ba ipinaramdam sa’yo kung gaano kita kamahal?” masuyong bulong ni Zachary sa kaniya.
“I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin sa asawa, ‘yon lang ang tanging nasabi niya kundi ang sorry. Dahil hindi siya nagtiwala kay Zachary, hindi niya ito kinausap at tinanong man lang.
“Love, tutal nakabihis ka naman, puntahan na natin si Tita Lucille, para ma-final fit na ‘yong damit natin.” Tumango siya at inalalayan siya ni Zachary na tumayo.
Habang nasa daan sila ay hindi mapigilan ni Samarra ang mapangiti magkahawak ang kamay nila ni Zachary. Katulad din niya bakas sa guwapong mukha nito ang kasiyahan. Ang piping hiling na lamang ni Samarra ay sana magtuloy-tuloy.
“Ara, mauna ka na sa loob, park ko lang ng maayos ang sasakyan.”
Tumango si Samarra at agad hinagkan pa muna niya si Zachary sa labi bago bumaba. Habang naglalakad may humila sa kaniyang kamay. Napaangat ang kaniyang kilay ng mapasino ang taong ‘yon.
“Yes?”
“Can we talk?”
Huminga nang malalim si Samarra bago marahan na tumango, marahil kailangan nga nilang magkausap para pare-pareho na silang manahimik. Tumingin muna siya sa kinaroroonan ni Zachary bago sumunod kay Claudel.
Naglakad sila sa katapat na coffee shop, habang papasok sa loob ay hindi maiwasan ni Samarra na mag-isip kung ano ang sasabihin ni Claudel sa kaniya. Kung hihilingin nito na iwan niya si Zachary ay hindi niya magagawa, at nangako siya kay Zachary na hindi niya ito iiwanan kahit kailan.
Pinili nila na puwesto sa itaas dahil wala masyadong tao roon at maganda ang ambience. Umupo sila sa pandalawahang upuan na magkatapat. Ngumiti sa kaniya si Claudel bago binalingan ang waiter para maka-order na sila.
“One coffee latte.” Tumingin sa kaniya si Claudel.
“One double shot espresso, thank you,” aniya sa waiter.
Nang matapos makuha ang order nila ay agad na umalis ang waiter. Nagkatinginan sila ni Claudel tila katulad niya nag-iisip rin ito kung papaano uumpisahan ang kanilang pag-uusap. Nang dumating na ang kanilang order nagpasalamat sila sa waiter bago ito umalis. Nakita niyang sumimsim si Claudel bago tumingin sa kaniya.
“I’m pregnant.”