Chapter 2

KINABAHAN bigla sina Lyn at Ana, kilala nila ang mga lalaki.

"Bakit anong kailangan ninyo sa amin, ha?" matapang pa rin na turan ni Lyn. But deep inside her she was scared.

"Wala naman mga magagandang dilag!" Pero nakangisi ang mga ito sabay hagod sa kabuuan ng dalawang dalaga.

"So, kung wala namam pala puwede ba umalis kayo sa dadaanan namin nakakasabagal kayo, eh!"

"Wow mga pare ang taray pala ni Miss sexy, ano ba ang ginagawa sa mga matataray na babae? Diba binibigyan ng lections?"

Tumango ang mga kasama nito.

"Lyn, h'wag mo na silang patulan tara na."

"Papaano tayo makakaalis niyang, Ana. Nakaharang nga sila!"

"Mga bastos ang mga iyan, eh."

Kilalang mga siga sa lugar nila ang mga ito. Tama si Ana mga bastos pa.

"Puwede ba, padaanin ninyo kami!" aning muli ni Lyn.

"Mataray ka ha? Tignan natin kung mailalabas mo pa ito!" Biglang hinawakan ng lalake ang kamay ni Lyn saka hinila siya nito.

"Ay ano ba bastos mo, ah!" Nagpupumiglas siya."Binatawan mo ako, Ana. Tulungan mo ako!"

Hindi makagalaw si Ana dahil sa takot nito.

Pati rin ang mangilan-ngilan na tao na nakakakita sa kanila ay ayaw tumulong dahil takot rin ang mga ito.

"Ano ba nasasaktan ako!" sigaw ni Lyn sa lalake.

"Kung ayaw mong masaktan tumigil ka sa kakapumiglas mo!"

"Walanghiya ka!" Pinaghahampas niya ito sa isang kamay niya.

"Aray, gaga ka ha!" sasampalin sana nito si Lyn ng may nagsalita.

"Mga pare ang babae ginagalang at lalong hindi sinasaktan," napalingon sila kung sino ang nag salita.

Nabuhay ng loob si Lyn ng makita ang lalaki."Roy, tulungan mo ako!"

"Oo, naman, bitawan mo siya pare, ako ang harapin mo."

Binitawan ng lalaki si Lyn."Pasalamat ka Miss, dahil may dumating na pulis kung wala sigurado luray-luray ka na!" Tumingin ito kay Roy ng matalim tila sinasabi ng mata pakialamero at agad silang nag alisan.

"Salamat, Roy at dumating ka." Hinilot-hilot ni Lyn ang braso namula agad ito sa higpit ng pagkahawak ng lalake.

"Mabuti nalang at dito ako dumaan kaya pala dahil may masamang mangyayari sa inyo."

"Salamat talaga ha, Roy."

Wala namam imik si Ana, nadama pa rin niya ang takot sa katawan.

"Pauwi na ba kayo?"

"Oo, pauwi na sana kami ng bigla kaming harangin ng mga lalake iyon."

"Tara na ihatid ko na kayo baka makita pa kayo ulit ng mga iyon."

"Sige, Roy. Hoy, Ana, pa ang tinatayo mo pa diyan tara na!"

"Huh? Oo!" pero hindi naman ito humakbang.

Kaya hila ni Lyn ang kaibigan.

Habang nasa sasakyan sila nag-uusap ang mag kaibigan.

"Ikaw talaga, Lyn."

"Bakit?"

"Bakit mo pa kasi tinarayan ang lalaking 'yon tignan mo muntik ka nang napahamak dahil sa katarayan mo."

"Ako mataray kailan pa? Kilala mo naman ako, Ana. Hindi ako ganon kaya lang ako nagtaray kanina sino ba ang hindi magagalit kung bigla na lang may haharang sa iyo, pagod tayo gusto na natin makauwi ng maaga para magpahinga, tapos may hahadlang pa, sino naman ang hindi maiinis sa kanila."

"Oo, alam ko 'yon puwede naman tayong umiwas di ba? Mabuti na lamang dumating ang tagapagligtas mo," sabay tingin ni Ana sa binatang pulis na nagmamaneho.

"Oo, nga eh, laging siyang nariyan."

"Di ba nangliligaw siya sa iyo? Bakit ayaw mo pa siyang sagutin tignan mo guwapo naman siya may matatag na trabaho ano bang ayaw mo sa kanya ha, Lyn?" bulong nito.

"Nagtanong kapa di ba lagi kung sinasabi sa iyo kung sino ang mahal ko,"bulong din niya sa kaibigan para hindi marinig ng binata.

"Ayos karin no 'yon ba ang hinihintay mo tatanda ka na mabubulok na iyan matris mo at maging kuba ka na hindi siya darating, samantalang siya hayan o, buhay na buhay at abot kamay mo pa."

Napasulyap si Lyn kay Roy, tama si Ana pero ewan ba niya wala spark sa pagitan nila kung baga sa loveteam sa showbiz walang chemistry hindi sila papatok.

"Eh, kung talagang gusto mong makasama 'yon sinasabi mo na mahal mo kung ganon matulog ka nalang habang-buhay para makasama mo ang lalaking sinasabi mo sa akin."

"Kung puwede lang sana, Ana. Gagawin ko kaya lang ayoko pang gawin 'yon tama na sa akin sa bawat pagtulog ko kasama ko siya."

"Ewan ko sa iyo nababaliw ka na yata, eh."

"Talagang baliw ako sa kanya, kasi ang guwapo niya talaga," lihim siyang kinikilig.

"Ano ba ang itsura ng lalaki mo ha?"

"Tipong mala adonis, tapos ang katawan ang tigas!" ngayon kita sa mukha ni Lyn ang kilig.

Pasulyap-sulyap sa kanya si Roy na napapakunot ang noo."Ako kaya ang pinag-uusapan ng dalawang ito? Ang ganda talaga niya," sa isip niya.

"Oh, narito na tayo sa bahay ninyo, Lyn." saad ng binata sa kanila.

Nang makababa na sila agad nag pasalamat ang dalawa.

"Roy, salamat ulit ha at sa paghatid."

"Wala 'yon, Lyn. Basta ikaw no problem, sige alis na ako."

"Ingat, Roy."

Ngumiti ang binata sa kanila ng makalayo na ito saka palang pumasok ang dalawa sa bahay nila Lyn.

"Anak, mabuti naman at narito na kayo tamang-tama nakaluto na ako," ang ina ni Lyn."

"Inihatid kasi kami ni Roy, Inay kaya napaaga ang pag-uwi namin."

"Ana, dito kana maghapunan," anyaya nito sa dalaga.

"Naku hindi na ho Aling Nena, hinihintay narin po ako sa bahay."

"Ganon ba, ikaw ang bahala, Ana."

"Salamat na lang po Aling Nena, Lyn, uuwi na ako."

"Sige."

Papalabas na ito ng pinto."Hoy, Lyn. Bukas maaga kang ngumising ha baka hintayin mo naman ako para gisingin ka, pag hindi kapa gising bukas bubuhusan kita ng malamig na tubig," biro nito.

"Oo, maaga ako, kung hindi ako dalawin ni..." napahinto siya nasa tabi pala niya ang ina.

Na get naman ni Ana ang sasabihin sana ni Lyn."Hmp! At saka bukas huwag kanang magdamit ng ganyan," turo nito sa suot niya,"Para hindi na maulit ang nangyari kanina."

"Ha? Anong nangyari, Ana?" takang tanong ng ina ni Lyn.

Pinangdilatan ng mata ni Lyn ang kaibigan."Inay, wala po."

"Anak, magsabi ka meron."

"Inay, iyon pinagkukuhanan namin ng gulay binarat kami kaya hayon nagkasagutan kami, Ana. Akala ko ba uuwi ka na?" pagtataboy niya sa kaibigan.

"Oo, aalis na ako sige po Aling Nena." Dali-dali na itong lumabas ng bahay.

"Inay ang Itay po bakit wala pa siya gumagabi na, ah?"

"Hay, naku anak mamaya pa uuwi ang Tatay mo marami silang ginagawa sa hacienda ngayon."

"Bakit po, inay anong meron doon?" kahit na sinabi na ni Ana sa kanya kung bakit busy ang mga tao sa hacienda.

"Hindi mo ba alam, anak?"

"Ang aling po Inay?"

"Darating sa makalawa ang anak nina Senior na babae si Micah, pati raw asawa nito. Kaya busy sila ngayon doon, di ba magka-klase kayo ni Micah, anak?"

"Opo, Inay sa high school."

"Oh, siya may asawa na. Eh, ikaw anak kailan ka rin lumagay sa tahimik para naman mag ka apo na kami ng Tatay mo?"

"Naku, Inay bata pa po ako."

"Anong bata ka riyan bente singko ka na, kailan mo ba gustong mag asawa pagmatanda na naku anak mahihirapan kanang manganak."

"Si Inay, talagang anak na agad ang sinasabi, eh."

"Aba siyempre gusto ko na ngang magka apo di ba?"

"Sige po, Inay pagnakita ko na ang lalaki sa panaginip ko yayain ko na agad siyang pakasalan niya ako," may ngiting aniya.

"Ikaw na bata ka puro ka kalukuhan, mauna ka na ngang kumain mamaya na ako hintayin ko pa ang Tatay mo para may kasabay siya."

"Opo, Inay."

Nang tapos ng kumain si Lyn agad siyang naglinis ng katawan para matulog."Time to sleep, para makita ko na naman ang mahal ko," abot tenga ang kanyang ngiti."Mahal ko, dalawin mo ako ha? Hihintayin kita sa atin tagpuan," aniyang muli siya ay nakatulog na may ngiti sa labi.