CHAPTER 3
NAPASABAY si Nyebe sa mga nagkukuwentuhang GRO na gumagamit ng Comfort room. Ang pinag-uusapan ng mga ito ay si Dax. Kinikilig ang tatlong GRO na halos sabay-sabay na pumasok sa karaoke bar nila noong nakaraang taon.
"Ikakasal na pala ang Dax na 'yan sa katapusan ng buwang ito. Kaya raw bibigyan nila ng stag party at kailangan nila ng isang katulad natin na 'ireregalo' kay Dax. Sana ay ako ang mapili. Ang sarap noong naka-gift wrap ka pagkatapos ay bigla kang bubulaga sa gitna ng mga lalaki. At isasama ka ng niregaluhan sa isang silid para doon mo siya patikimin ng glorya. Pamamaalam na bale 'yon sa pagkabinata niya. Bale huling pakikipag-sex niya ito sa ibang babae bago matali sa pag-aasawa. Exciting, hindi ba?" kilig na kilig na wika ni Lexie.
"Kinausap ka na ba? Ako, kinausap na! Umoo na nga ako. Binabaan ko nga ang presyo para ako ang mapili." Ani Donna kay Lexie.
"Hindi naman magpapababa ng presyo 'yon. Mapera ang grupong ni Dax, puro mga executives sa Makati, e. Hindi problema ang bayad. Ang bayad siyempre ay sagot na ng mga kabarkada ni Dax. Palagay ko'y ako ang mapipil. Dahil sa ating tatlo dito na siyang pinakabagong pasok ay ako ang pinakabata. Pareho na kayong Twenty-four, ako ay Nineteen pa lang." Wika ni Miya Nireretoke nito ang kilay, nakaharap sa salamin, habang kinokontra ang sinabi ng dalawang karibal.
"Tingnan na lang natin kung sino ang mananalo!" Inis na sabi ni Lexie at umuna na ito sa dalawa palabas ng comfort room. Sumunod naman kaagad sa labas sina Miya at Donna. Para bang natatakot na kapag hindi sila makikipagsabayan kay Lexie ay ito na nga ang mapipiling gift girl kay Dax.
Naiwan sa loob ng CR si Nyebe. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nakadama siya ng matinding nerbiyos sa ideyang pumasok sa kanyang isip. Noong una niyang marinig, masakit talaga na mag-aasawa na si Dax. Pero hindi na ngayon sa pagpapakasal nito nakatuon ang kanyang atensiyon, kundi doon sa nalaman niyang pangangailangan ng isang, ‘gift girl' na ireregalo ng mga kaibigan kay Dax sa Stag party na gaganapin.
Dahil nga mundo na rin niya ang karaoke bar na ito, hindi na siya mangmang o inosente. Alam niyang ang gift girl' ay aangkinin ni Dax. Ang magiging tungkulin ng isang gift girl ay paligayahin ang lalaki bago ito magpatali sa isang kasal. Hindi ba maaaring siya na lamang ang pangregalo sa lalaking tanging inspirasyon niya sa buhay? Sa gagawin nitong pag-iwan ng kalayaan bilang lalaki, hindi ba maaaring maging bahagi man lang siya?
Ano naman ang karapatan nina Lexie Donna at Miya na mag-agawan para mag-alok ng kaligayahan kay Dax? Hindi naman sa tinatawaran niya ang pagkatao ng tatlo pero totoo namang hindi na mabilang ang mga lalaking nagpasasa sa katawan ng mga ito. Paano kung ang isa sa tatlo ay may taglay nang sakit at mahawa pa si Dax? Alam niyang hindi lahat ng pagkakataon ay nagagawa lalaki na mag-condom bago makipag-sex sa mga bayaran. Alam niya ito dahil normal na usapan na ito ng mga GRO sa loob ng karaoke bar. At bakit naman siya manghihinayang na ibigay sa lalaking hinahangaan niya ang kanyang pagka-birhen, kung maniniwala siyang anumang araw ay mapapahamak lamang siya? Hindi ba't nakatira na siya sa isang impiyerno? Wala siyang ligtas sa kanyang Tiyo Ramon. At hindi magtatagal ang kalinisan ng kanyang pagkatao sa pagtatrabaho niya sa karaoke bar ng kanyang Tiya Mildred. Nakaumang at nakadikit sa kanya ang lahat ng tukso sa lugar na ito.
Kung marurumihan din lang siya. Mabuti pang ang unang makadungis sa kanya ay ang lalaking lihim niyang itinatangi. Huminga nang malalim si Nyebe. Lakas ng loob lang naman ang kailangan. Para palihim siyang makalapit sa mga kaibigan ni Dax at maiprisinta niya ang sarili na pangregalo sa lalaki. Natural, hindi niya sasabihin ang totoo sa mga kabarkada ni Dax. Palagay niya ay matatakot ang mga ito na ipangregalo siya kung malalaman na wala pa siyang karanasan sa lalaki.
Paniniwalain niya ang mag ito na kahit siya ay kahera ay paminsan-minsan na rin siyang nilalabas ng ibang kostumer. At itatago na rin niya ang tunay na edad. Humarap siya sa salamin ng CR. Nakita niyang dahil walang bahid ng make-up ang maganda at inosente niyang mukha, walang maniniwalang beinte na siya. Mapagkakamalan pa nga siyang labing-anim na taon lamang kaya nga kailangang matuto siyang magpahid ng make-up na nagpapa mature ng anyo.