Epilogue

Lumapag na ang eroplano dito sa Taiwan. Bittersweet ang nararamdaman ko. Sweet dahil kahit papaano ay matutupad na ang pinaplano kong makapagmove on kay Lance. Siguro hindi man kami para sa isa't isa. Siguro ay hindi naman talaga ako ang babaeng nararapat sa kanya.

Bitter dahil ... Sa lahat lahat ba naman ng mga taong hindi ko gustong makita ay ngayon ay nandito nakikita ko at mukhang nakapagmove on na sya. Mukhang he completely forgotten all about me.

Tinago ko na lang lungkot ko at nag-fake a smile na lang nung inilagay ko ung gamit ko dun sa may scanner. Ayoko namang ipakita sa mga taong nandito na malungkot ako.

Nanatili akong nakangiti habang hinihintay kong dumating na ung gamit ko. Hindi ko na lang din pinansin 'tong dalawang taong sobrang sweet sa isa't isa. Alam ko namang mayaman si Lance pero bakit kailangang sa Taiwan pa sya magpunta? Bakit kailangan pang sa Taiwan pa sya magpunta kung saan ako magta-trabaho.

Umiling iling na lang ako nung narinig ko ang boses nung babae habang naglalambingan sila. Hindi na rin sila pinapansin ng mga tao dito kaya hindi ko na lang sila papansinin. Sabagay, para saan pa kung papansinin ko sila diba? Ipapakita lang nito na sobra pa akong bitter sa sitwasyon.

Kaya nanatili na lang akong nakatayo rito habang hinihintay ang gamit ko. Alam kong halos 5 minutes pa lang akong nakatayo dito pero pakiramdam ko halos 30 minutes na ako nandito.

Bawat salita at bawat paglalambingan kasi nila Lance rinig na rinig ko. Alam mo 'yong parang sinasadya nilang iparinig sayo. Ung hindi ka naman nakiki-tsismis pero naririnig mo ang usapan nila dahil good enough ang lakas ng boses nila para marinig mo.

"Lance, ano ba?"kinikilig pang sabi nung babae. Hindi ko sila titingnan dahil kung titingnan ko sila, masyado lang akong masasaktan.

"Kahit isang kiss lang" pakiramdam ko nananaginip ako or isang bangungungot ba 'to? Sobrang sakit kasi, parang mga bagong hasang kutsilyo na kapag pinanghiwa sa karne panigurado ayos ang pagkakahati nito.

Ganun kasi ang nararamdaman ko ngayon. Kung baga sa kutsilyo unti unting hinihiwa itong puso ko. Alam ko namang nakapagmove na sya pero hindi naman nya kailangang ipamukha pa diba?

Marahas kong pinunasan ang isang patak ng luhang basta na bastang bumagsak. Nagiinit na ang mga mata ko at nagblu-blur na rin ang vision ko pero kailangang walang makahalatang nasasaktan at iiyak ako.

"Lance, naman eh"

Umiling iling lang ako. Iisipin ko na lang na isa akong bato na walang emosyon. Hindi ako nasasaktan at sa mga oras na 'to iisipin ko munang hindi ako si Hannah. Isa muna akong bato na naligaw dito. Isang batong walang pakiramdam.

Nanatili lang akong ganun hanggang sa biglang dumating na ang gamit ko. Agad ko itong kinuha ng sa hindi ko inaasahan ay may nasagi na akong lalaki. Hindi ko na lang pinansin yung lalaki dahil nagmamadali ako. Gusto ko ng takasan ang sakit. Ayoko ng makita si Lance.

Hindi na rin ako nagsorry sa kanya pero natigilan ako nung makita ko ang mukha nya. Lance.

"Lance, what are you doing here?"

"I came here, para makipagbalikan sayo. I know this is foolishness pero-"

"Thank you" at niyakap nya ako.

"Hannah" agad akong nabalik sa kasalukyan. Ayos, pati ang utak ko tinatraydor ako. Sya na naman ang naiisip ko. Sa tingin ko ba , makikipagbalikan yan? Mukha namang hindi diba, masaya na sya at may bagong girlfriend na sya.

Ung girlfriend na girlfriend material talaga , hindi kagaya mo Hannah, hindi kayo nababagay sa isa't isa.

"Ha?" winagayway nya sa mukha ko ang kamay nya. At nung napagtanto ko ang ginawa nya ay agad na akong nagmadali at tumalikod na ako. Aalis na ako. Ayokong may makita saking umiiyak pero nung tinawag nya ang pangalan ko bakit hindi ko napigilan ang sarili ko at nilingon ko sya?

Umaasa pa ba akong makikipagbalikan sya?

Siguro, sasabihin nya sakin na 'Hannah, mahal na mahal kita. Let's prove kina Mom and Dad na mali ang tingin nila sayo. Ipaglaban natin ang pagmamahalan natin'. Sana talaga ganun ang marinig kong sabihin nya.

"Mmm?" tanong ko nung nilingon ko sya. Nakita ko namang isinuot nya ang ngiti sa kanyang mga labi kaya napangiti rin ako. Magdidiwang na sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ng babaeng kasama nya at nagpunta sila papalapit sakin.

"Hannah, thank you for everything. Alam kong may galit or hinanakit ka sakin please patawarin mo ako dahil kung hindi dahil sayo , siguro hindi ko pa natatagpuan ang babaeng tunay na nararapat sakin. Salamat, pinakita mo sakin ang tunay na pagmamahal and I'm so glad na ikaw ang nagturo sakin non. Wag kang magbabago ha, bestfriend parin tayo ha. At oo nga pala, si Thia fiancee ko" nakangiti nya pang saad . Habang sinasabi nya ang lahat ng yon puro kapekeang mga ngiti na lang ang ipinapakita ko.

Anong gusto nyang maramdaman ko? Matuwa dahil parang naging kasangkapan lang ako? Akala nya ba matutuwa ako sa mga pinagsasabi nya? Masyado ba syang manhid para hindi man lang maramdaman na nasasaktan ako?

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay agad akong dumiretso sa may cr at dun ko binuhos lahat. Nag-iiyak lang ako dito, halos maubos ko na ang lahat ng mga luha ko at ang lahat ng tissue dito pero bakit parang hindi man lang nababawasan ang sakit.

Marahas kong pinunasan itong luha ko. At kinuha ko ang phone ko sa may bulsa ko at pinagbubura ko lahat ng alaala nya sakin. Halos lahat, pictures, voice messages, selfies nakasama ko sya, lahat lahat. Lahat ng memories namin binura ko lahat.

Diba, sabi nya kung hindi dahil sakin hindi nya matatagpuan ang babaeng tunay na nararapat sa kanya. Tae ! Ginamit nya ang salitang 'Tunay'. Lance, hindi ako manhid, tao lang din ako nasasaktan at sa ginagawa mo lalo mo lang pinadudugo itong sugat sa puso ko.

Madiin kong pinikit itong mga mata ko dahilan para sunod sunod na namang magbagsakan itong mga luha ko.

Pinapangako ko Lance, malilimutan din kita. Pinapangako mawawala ka rin dito sa puso ko. Hindi ako manhid Lance, nasasaktan ako. Pero mukhang ine-enjoy mo talagang manakit ng tao dahil mukhang natutuwa ka talagang may nasasaktan ka. Lahat ng alaala ng nakaraan , lahat ng alalang kasama kita mabubura. Maski ang puwang mo dito sa puso ko mabubura.

I fell in love with the heartbreaker and that heartbreaker whom I fell in love to is my bestfriend who loves to break every girl's heart. Akala ko nagbago na sya pero hindi. It's just a show. Isang palabas na lolokohin ako. Akala ko mahal na mahal nya ako pero hindi naman talaga.

What a coldhearted, selfish, insenstive heartbreaker.

Kung mahal nya talaga ako ba't hindi nya man lang ako naipaglaban sa mga magulang nya? Bakit hindi nya nagawang ipaglaban ang pagmamahal namin sa isa't isa?

At kung mahal nya talaga ako bakit sya masaya nung ipakilala nyang may fiancee na sya?

Ganun na lang bang kadaling magmove on? Kung mahal mo talaga ang isang tao?

- The End To God be the glory.