Chapter 25
Ilang mga araw ang lumipas pagkatapos ng graduation. Tinago ko lahat ng sakit, hindi ko pinakita kina Mama at Papa ang mga luhang sa gabi gabi ay iniiyak ko. Hindi ko pinakita sa kanilang nasasaktan ako.
Nung tinanong nila ako kung kelan pupunta si Lance dito sa bahay, ang sinabi ko na lang ay medyo busy ung tao dahil sya na ang mamamahala ng kompanya nila. Masakit man, hindi ko sinabi ang totoo. Masakit kasing harapin ang katotohan habang sariwa pa ang sugat na bunga nito.
Hindi ko pinapakita sa kanila na kapag nag-iisa ako nalulungkot ako. Minsan, natatagpuan ko na lang ang sarili ko na tulala habang patuloy lang sa pagbagsak ang aking mga luha.
"I tell you the truth. I'll kill you if you go near my son again"
Marahan kong pinunasan itong mga luha kong patuloy lang sa pagbagsak. Siguro mas maganda na rin na formal na akong makipaghiwalay sa kanya. I want to set him free kahit masakit.
"Kumusta?" nakangiti nyang bati sakin pagkaupo namin sa isang bench dito sa park. Nakikita kong masaya sya pero ako hindi ko sya matingnan. Nasasaktan kasi ako dito sa gagawin ko. Kahit mahal na mahal ko si Lance, kailangan ko syang pakalawan. Hindi kami nababagay sa isa't isa. At isa pa, ayaw sakin ng mga magulang nya at kung ipaglalaban man namin ang relasyon 'to parehas lang kaming masasaktan.
"Hannah, may problema ba?" mukhang napansin nyang hindi ko sya tinitingnan at hindi ako nagsasalita.
Umiling iling lang ako bilang tugon pero iniharap nya ang mukha ko sa kanya para matingnan ko pero hindi ko parin sya tingnan bagkus ay I faced the floor.
"May problema ba? May nagawa ba akong mali? Kung naaalala mo yung sinabi ni Mama nung graduation please kalimutan mo na 'yon, alam mo naman si Mama bago ka lang nya nakilala at may jetlag pa 'yon kaya please--" habang sinasabi nya ang mga salitang 'yon hindi ko mapigilang mapaluha. At para hindi na masyadong masakit pa ay hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sinasabi ng nagsalita ako.
"Ayoko na." medyo mataas na ang boses ko. Tumayo na rin ako at tinalikuran ko na sya. Ayoko lang makita ang mukha nyang malulugkot dahil kapag nakita ko mas lalo lang akong masasaktan.
"Anong ayaw mo na?" naguguluhan naman nyang tanong. At pagkatapos ay tumayo na sya at iniharap ako sakanya. Tingnan nya lang ako sa aking mga mata na may sinseridad at hinawakan nya ang dalawa kong kamay pero tinabig ko lang 'yon.
"Lance, maghiwalay na tayo. Nakakasawa na ang relasyon 'to. Hindi na ito magwo-work out, ayaw satin ng lahat."
"Iniisip mo ba sina Mom at Dad? Kung ganun ang gusto mo, susuwayin ko sila at pipiliin kita. Ganun kita kamahal ..." at muli syang hinawakan ang kamay ko at nilagay ito sa may bandang dibdib nya kung saan nakalagay ang kanyang puso. "... Hannah, ikaw lang ang tinitibok nito. Matagal na." pero marahas ko lang inagaw ang kamay ko sa kanya dahilan para mabigla sya.
"Lance, that's the point. Makakagawa lang tayo ng kasalanan pag pinagpatuloy pa natin 'tong relasyong 'to.." huminto ako sandali para sandaling punasan itong mga luha ko . "... pareho lang tayong masasaktan sa huli kaya bakit kailangan pa nating ipagpatuloy kung sa simula pa lang ng laban talo na tayo diba?"
Nakita kong isa isa na ring nagsibagsakan ang mga luha nya. Umiiyak na rin sya kagaya. "Don't. Please Hannah, don't do this" umiiling nya pang tugon at pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit.
Dahilan para mas lalo lang akong maluha pero nung narealized kong hindi na tama 'to ay kumalas na ako sa yakap nya at nag-iwan sa kanya ng huling mga salita na buong tapang kong sinabi kahit hindi naman katotohanan at pagkatapos ay iniwan ko syang luhaan.
"Palayain mo na ako Lance, I'm sick and tired of this relationship, nagsasawa na ako. Kaya lang naman tayo tumagal ng ganito ay dahil sa naaawa ako sayo because the truth is hindi naman kita mahal"
3 months later.
Everything's back to normal well, almost. Hindi parin kasi mawawala dito sa isipan ko ang alaala ng nakaraan. Si Lance, ung relationship namin at ang ring na 'to.
Naluluha ko lang tiningnan itong ring. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Oy Lance, ano bang ginagawa mo dyan, tumayo ka nga" sabi ko sa kanya dahil nakaluhod sya well, on one bended knee.
"I won't . Tatayo lang ako dito pagkatapos mong umoo sa proposal ko" napakunot naman ang noo ko.
"Proposal?" nakita ko syang ngumiti. At pagkatapos ay naglabas ang mga batang may dala-dalang red roses at pagkatapos ay ibinigay nila ito sakin.
Hindi ko na rin napansin na tumayo na pala si Lance at may inabot sya saking isang bouget ng flowers at pagkatapos ay may ring syang isinuot sa ring finger ko.
"Hannah Mikaella Gonzales, this ring symbolizes my love for you and it also symbolizes my promise na pakakasalan kita sa resort namin sa Laguna. Pasensya ka na kung nalate" nakita ko naman syang ngumiti.
Kaya napangiti rin ako. "Nakakainis ka kasi, mabuti na lang nakaabot ka pa sa last train ride" biro ko sa kanya.
"Ibig mong sabihin?"
Tumango lang ako as a sign of yes. Tuwang tuwa sya at pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit. At pagkatapos ay hinalikan nya ako sa labi.
Pagkatapos kong maalala ay marahas ko na lang pinunasan ang mga luha kong patuloy lang sa pagbagsak. Parang kahapon nga lang, isang kahapon na masarap balikan at hindi na muling bumalik sa kasalukuyan.
Kagaya ng ring na 'to. Isa na lang syang souvenir ng kahapon. Souvenir ng pag-iibigan ng dalawang taong ni minsan ay hindi naman nababagay sa isa't isa.
Isang pag-ibig na panandalian lamang . In this life, there is no permanent only temporary once are meant to stay but in the end they will still end.
"Calling for flight..." tumayo na ako at kinuha ko na ang dala dala kong malate at hindi na napansing wala sa sariling nabitawan ko na pala ang ring.
Sumakay na ako ng eroplano. Maybe in the future there is someone who is really meant for someone like me.
Jonelle's Note:
Hello! So this is the last chapter but this is not the epilogue. The epilogue is private at para mabasa nyo 'yon ay kailangan nyo akong ifollow at pagkatapos ay bumalik kayo sa storya na ito para mabasa ang epilogue at wag nyong kalimutang mag-comment para malaman ko ang insights or ung mga masasabi nyo sa story na 'to.
But before I close this message , I just want to give you teasers for the epilogue.
"Lance, what are you doing here?"
"I came here, para makipagbalikan sayo. I know this is foolishness pero--"
"Thank you" and Hannah hugged Lance.
Haha, mukhang hanggang dito na lang , kita kita na lang sa epilogue. Thanks.