Chapter 13

"Be-baby boy ko, galit ka ba sakin?" nanginginig na tanong ni Alissa kay Jether pagkatapos ng ilang minuto nitong pananahimik at paghigbi kanina.

Pero hindi sya pinansin si Jether bagkus ay patuloy lang itong tahimik habang nagmamaneho.

"Babyboy ko, galit ka ba sakin ? Bakit di mo ako pinapansin?" mangiyak ngiyak na tanong ni Alissa oh, wait. Umiiyak na pala si Alissa. Pero katulad kanina ay hindi parin kumibo si Jether.

"Babyboy ko, galit ka talaga sakin ? Sabagay, ano nga ba ako para sayo? 2 weeks na tayo pero ni minsan ay hindi mo naman ako minahal. Mas mabuti na lang siguro kung maghiwalay na lang tayo ngayon."

Gosh ! Totoo ba tong napapanuod at naririnig ko ? Hindi lang ba ako gumagawa ng storya sa utak ko ?

Grabe ! Hindi ko inaasahan 'to. Bestselling author pa si Alissa sa lagay na 'yan ha. Pero kung umasta sya parang hindi sya author.

At saka, bakit ganito kung makaarte si Alissa ? And what's with Jether ? Manhid na ba 'to ? Hindi man lang naririnig na gusto ng makipaghiwalay nitong girlfriend nya sa kanya ?

Hailey Alissa's Pov

"Babyboy ko, galit ka talaga sakin ? Sabagay, ano nga ba ako para sayo? 2 weeks na tayo pero ni minsan ay hindi mo naman ako minahal. Mas mabuti na lang siguro kung maghiwalay na lang tayo ngayon."

Hindi ko maiwasang di masaktan. Hindi man lang ako pinapansin . It is almost 30 minutes simula sinabi ko ang mga salitang 'yon pero hanggang ngayon ay hindi nya parin ako pinapansin . Sabagay , ni tingin nga hindi nya magawa eh.

Malungkot na iliwas ko na lang ang tingin sa kanya at nilipat dito sa may bintana. Siguro , mas maganda na maghiwalay na lang talaga kami. Siguro , ako lang naman ang may gusto ng love story na 'to.

Ako lang ata ang may gusto at may nararamdaman para sa kanya.

Naglabas ako ng isang buntong hininga. Nakakalungkot naman. Si Jether pa naman ang first boyfriend ko tapos wala pa kaming 1 month na matatapos na agad dahil lang sa pagnanakaw nya ng first kiss ko.

Napanguso na lang ako dito habang nakatingin sa mga taong nadadaanan . Mabuti pa sila masaya, samantalang ako. Hiwalay na kami ng lalaking mahal ko.

Kasi diba ang sabi nila pag hindi daw nagsalita ay ibig sabihin daw nun ay yes. Nakakalungkot talaga.

"Sana hindi na lang ako sumama dito" wala sa sariling saad ko habang hindi ko na namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko.

Last week, katatapos ko lang magpasa ng manuscript ko sa publisher ko. Ung story kong romantic comedy pero siguro pagkatapos ng vacation na 'to magsisimula na akong magsulat ng tearjerker story. Ung storyang sobrang drama na kahit nagpapatawa na ang mga tauhan ng kwento ay maiiyak ka dahil sa sobrang nakakarelate ka dahil may naalala ka mula sa 'yong nakaraan.

"Babygirl ko, wag ka ng magdrama oh!" napalingon ako kay Jether ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Kahit hindi sya nakatingin sakin ay nakikita ko ang sinseridad sa mga mata nya dahilan para mas lalo akong mahulog sa kanya.

"Mahal na mahal kita babygirl ko"

"Mahal na mahal din kita babyboy ko" at sandali nyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito . Napangiti naman ako.

Looks like balik sa romantic comedy ulit ang genre ko.

"Yehey! Bati na sila" sabay pa kaming napalingon ni Jether dun sa taong nagsalita nun habang pumapakpak.

Walang iba kundi si Hannah lang naman. Ano namang aasahan mo sa iba, lahat sila ay tulog na pero si Hannah gising na gising pa. Gosh! Nakikinig sya sa lambingan namin.

Hannah Mikaella's Pov

Pagkatapos ng ilang mga minuto pa ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Hapon na kami nakarating dito dahil kanina ay medyo traffic pero okay parin dahil hindi naman nakain nito ang oras para sa overnight swimming namin. Nilibot ng aking mga mata ang lugar, wala parin syang pinagbago.

Kahit sa laguna ang resort na 'to nila Lance ay napanatili nilang maganda kagaya nung unang punta ko dito. At kagaya ng dati ay sariwa parin ang hangin dito , hindi kagaya sa polluted na hangin na malalanghap mo sa lunsod.

"Hannah" napalingon naman ako dun sa nagsalita. Ahh, ung dalawang lovers pala. Ang sweet naman nila , magkahawak kamay na.

"Oh ! Alissa, Jether"

"Ah, Babyboy ko, pwedeng pakilagay na ung gamit namin ni Hannah sa room namin." sabi ni Alissa kay Jether na nakangiti. Sumunod naman si Jether which is unusual . Kasi inaasahan kong magagalit ito pero mukhang iba ang simoy ng hangin ah. Is this what they called 'Love Air"

"Hannah, can we talk about something" napalingon naman ako dito kay Alissa.

"Yeah. Tungkol saan?"

"Jether said na baka may mangyaring masama sayo kaya he advised me na wag kang iiwan. He got a feeling na baka sa oras na hindi kita kasama ay baka may mangyaring masama .." nag-aalalang saad ni Alissa . Masamang mangyayari? Sakin ? Wala noh . Nung unang beses kong pumunta dito , walang nangyari.

"What makes Jether say that?" naguguluhan kong tanong. Actually, nakakunot na rin ang noo ko .

Umiling iling lang sya at naghalf smile. "Jether have a discernment gift from God. A Holy Ghost gift actually. Anyway, please wag ka ng masyadong magtanong tanong pa. Also, kagabi rin ay napaginipan kita. At parang sinasabi sakin ng Lord na samahan kita dahil baka may mangyari sayong masama ... I know, Hannah alam mo ang sinasabi ko dahil you're a christian too." She has a point. I'm also a christian. Pero hindi pa ako binibigyan ng Lord ng spiritual gift well, except for the speaking in toungues.

Pinag-isipan ko muna ang sinasabi nya. Maaari kayang . Sabagay , wala namang mawawala sakin kung susunod ako sa mga sinasabi nila .

"Sure. Payag ako" nakangiti kong saad. At pagkatapos kong sabihin 'yon ay niyakap nya ako ng mahigpit.

Ung yakap na yakap sakin non ni Clare. Gosh! I miss her so much.

At hindi ko na nalaman na umiiyak na pala ako. Miss na miss ko na talaga si Clare.

"I know. You have a bestfriend na biglang nawala. Pero don't worry. Pwede mo akong maging friend or bestfriend kung pwede yang sayo?" kumalas ako sa yakap at hinarap ko sya. Nakita kong naluluha na rin sya.

"Pwedeng pwede" sagot ko habang patuloy paring bumabagsak itong mga luha ko at pagkatapos ay muli ko syang niyakap.

SA DI KALAYUAN. Makikita mo si Lance na masayang kasama ang mga babae. Ung ibang babae dun ay ung mga naging ex nya at mga balak makipagbalikan sa kanya.

Naglabas na lang ako ng buntong hininga. He's hopeless. Nagpaalam na rin sakin si Alissa dahil aayusin pa raw nya ang gamit nya sa room. Sinabi ko naman sa kanyang susunod na lang ako.

Nannatili lang akong nakatayo rin at tahimik na pinagmamasdan si Lance kasama ang mga babae nya. Grabe! Sinong mag-aakala . Sinong mag-aakala na sya ung lalaking minahal kong sabihan akong pakakasalan ako sa lugar na 'to.

"What a crappy promise. It's not even true" sabi ko sa sarili ko matapos kong punasan ang mga luhang patuloy paring umaagos mula sa mga mata ko.

At pagkatapos ay umalis na lang. Baka kung mananatili akong nakatayo dun ay magbalik lang lahat ng sakit at baka malimutan ko rin ang salitang kalilimutan ko na sya.