Chapter 40

Seryoso lang itong tumitingin sakin na walang reaksyon.

Kinusot kusot ko pa yung dalawang pisngi nito.

Ayaw parin.

Hayyss galit nga siguro.

Tiningnan ko siya ng masama.

Dahilan para matawa ito at agad nalang akong inakbayan at sinimulang maglakad.

Ang arte.

Ayaw pa nung una pero di naman nakatiis.

"Alam mo bang di ako nakatulog kagabi ha?" inis niyang sabi sakin.

"Bakit? Nasa kin ba unan niyo?" natatawa kong tanong.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng ilang sandali pay nagsalita naman ito dahilan ng paghinto namin.

"Kaimee, gusto mo pa rin ba ako?" agad nitong tanong na nginitian ko lang.

"Uy sagutin mo naman"

"Ayoko nga! Alam mo na yun! Tara na?" aya ko sa kanya at akma na sanang maglakad.

"AYAW" hayyys ito na naman siya naging bata na naman.

"Ang laking baby mo naman patrick para diyan. Tara na" sagot ko nito na ikinangiti niya ng sobra. Napano to?

"Ulitin mo nga yung tinawag mo sakin?"

Ano bang tinawag ko? Ah alam ko na.

"Baby?" tanong ko dito na agad naman ngumiti at binalik yung pagkaka akbay sakin.

Parang tanga!

Nasa may kanto na nila kami kaya bigla kaming huminto.

"Uwi nako, wag mo na kong ihatid" paalam ko sa kanya na agad naman akong pinigilan.

"Ah, sabihin mo nga ulit yung , ano, yung kanina?" nakangiti nitong wika sakin.

"Ayoko nga nun, ang sagwa para kalang sina steven eh" depensa ko dito at sinimulan ng maglakad pero agad na naman akong hinablot.

"Ano ba?"inis kong tanong.

"Kung ayaw mo, baka naman isang ano nalang?" turo niya sa ibabang bahagi ng ilong ko.

Agad ko siyang nahampas sa pinagsasabi nito.

"Agay! Sabi ko ano, hindi hampas! No ba yan" wika nito at hinihimas pa yung braso.

Tiningnan ko siya ng masama.

At sa huling pagkakataon naglakad nako at siniguradong di nako hahablutin ng negang yun.

Mukhang successful naman kasi wala ng humahablot sakin.

Ilang lakad pa ng di ko inasahang may humablot na naman. At sunod kong naabotan ay yung may dumampi sa noo ko.

"I love You" bulong niya sakin na ikinagulat ng lahat ng germs sa katawan ko.

Pati pag alis nito di ko namalayan.

Umuwi tuloy akong parang tanga.

*Beep beep

1 New Message

From: Nega

Hi, Baby! I miss you already😘

Napahampas ko nalang ang sariling noo ng mabasa yung text ng negang yun.

Hayys, bahala nga sya!

Di pa nga ko nakapasok ng bahay , na miss agad? Adik ba yun? O umiibig lang?

Ehh ano ba? Haha

Uminom muna ako ng tubig pagkadating ko ng bahay.

Asan kaya yung mga taong yun?

Makabihis na nga lang.

*Phone Ringing

Nako, nako, wag mo sabihing si Patrick to!

*Nega Calling

Sabi na nga , ang kulit naman nito.

"Sino po sila?" bungad ko sa kabilang linya.

"Baby niyo po ito"

Anak ng-- kasalanan ko to eh.

"Ano ba patrick, wag nga kasing ganyan!"

"Okay, Hon hahahhah"

"Anoo?"

"Alam mo kaimee, ilang segundo pa lang pero na miss na kita"

"Ang landi mo, alam mo yun?"

"Oo, pero sayo lang , Hon hahha"

Para tong tanga! Napailing nalang ako sa kalokohan nito.

"Wala ka bang ginagawa sa inyo? Uso rin trabaho no?" mataray kong tanong dito.

Puro kalandian yung alam.

"Hmm, bukod sa kakaisip sayo? Mukhang wala na!"

Napahinto nalang ako sa pinagsasabi niya.

"Ikaw patrick ah, ang landi mo na, iwasan mo yan!"

"Anong kalandian?  pagmamahal to!"

"Bahala ka nga dyan, byee!"

Call Ended.

*beep beep

1 New Message

From: Nega

Ang galing mo rin eh no?

Napano na naman to?

*Beep beep

1 New Message

From: Nega

Never mo ko binato

Pero tinamaan ako sayo.

Napangiti nalang ako sa nabasa.

Katangahan nga naman.

To: Nega

Okay na tayo? Awat na no?

Makabihis na nga lang, pahamak talaga yung negang yun.

*Beep beep

1 New Message

From: Nega

Oo na Hon, Hahaha

I miss you😘

Hayys, ayoko na!

Kinabukasan

Naglalakad lang ako papasok ng school ng matanaw ko yung tatlong zubiri.

Dinalian ko yung lakad papunta sa gawi nito.

"Good Morning" bati ko sa kanilang tatlo.

"Kaimee!" pilit na ngiti ni Axel.

Di talaga makakailang may dinaramdam to ngayon.

"Long time no see ah?" agad ring tapik ni Max sa braso ko.

Tinitigan ko lang siya, siguro kung dati nangyari to namatay nako sa kilig.

Pero ngayon, kahit ma amaze man lang ako sa mga mata nito di ko magawa.

"Ah axel, may sasabihin sana ako sa yo" nahihiya kong sabi dito.

"Ah? Ano yun?"

"Ah kasi, naalala mo ba kung bat ko tinanong yung full name mo tsaka birthday?" tanong ko sa kanya na dahilan ng paghinto namin.

"Oo naman bakit?"

"Ikaw yung kasabayan kong pinanganak sa JDL Hospital, naisulat rin ni papa yung pangalan mo sa diary niya kaya ko nalaman."

"Nakss, totoo ba yan? Sabay niyo nga sabihin yung date ng birthday niyo?

In 1, 2, 3."

"Nine" sabay naming sabi ni axel sa nagtatanong si Rex.

"Ito, yung month naman, in 1, 2, 3,"

"September"

Napailing nalang ako sa katangahang nagawa namin.

Nginitian lang ako ni axel tsaka nagpatuloy yung lakad.

"Kaya lang di lang yung pangalan mo ang naisulat dun" wika ko na ikinalingon ng tatlo.

"Reham Rose Jalandoni"