Chapter 17

"Uy kaimee, nandiyan si Cheesy sa baba kasama boyfriend mo" napabangon ako sa sinabi ni Tita Lara.

"Pakiulit nga Tita?"  Gulat na tanong ko dito. Lagot talaga yang cheesy cake na yan sakin, mukhang  mapapahamak yata ako nito.

"Si cheesy kako nandyan sa baba kasama boyfriend mo" mukang tama nga yung narinig ko.

"Ano????" Sigaw ko kay Tita Lara na dahilan ng paghampas niya ng unan sakin.

"Paulit ulit lang?"

"Tita naman eh, pano naman may lalaki dyan eh wala naman akong boylet"

"Aba malay ko, edi maghanap ka, dali na kaimee, kanina pa sila nandon"

"Tita naman ehhh" inis kong sabi at nilabanan ang lamig ng tubig.

Hooo, sabado na sabado may perwesyo.

Pagbaba ko ng hagdan, bumungad sakin si Cheesy at Steven. Kala ko ba si?

Wait nga, bat ko ba iniisip yung negang yun? Oh My god, hindi to pwede! Erase Erase Erase!

"Hay, buti naman at bumaba kana" pambungad na bati ni cheesy sakin at ready na akong palayasin ng bahay.

"Hi, kaym Good Morning" magalang na bati ni steven, buti pa tong isa nagawa pang mag GoodMorning!

"Ano tara na?" Tanong nito samin.

"Anong tara na? San ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay steven.

"Hehe tradition namin to ni Patrick"

"Ha? Anong tradition tsaka anong patrick?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Sus sinali mo pa yung tradition, nahiya ka pang itanong kung san yung isa. Ayyiee ikaw kaym ha? Iba na yan!" Inirapan ko nalang  si cheesy at nagpaalam kila mama na nasa kusina.

"Mag ingat kayo ha? Wag magpapagabi" bilin ni mama sakin habang may priniprito.

"Tsaka yung boyfriend mo, wag mong inaaway!" nagulat ako sa sunod na narinig.

"Tita wala nga kasi akong boyfriend" paliwanag ko sa kanya na mukhang di parin naniniwala sakin.

"Ah? Kaya pala sabi ni Cheesy na nandon lang yun sa labas dahil may LQ kayo?"

"Ano? Sinabi ni cheesy yun? Nako tita wag kang magpaniwala sa babaeng yun, trip lang akong buwisitin ni cheesy, tsaka di ko nga boyfriend si patrick" inis kong paliwanag sa kanya. Si cheesy talaga kung anong sinasabi.

"Ayun lumabas rin, ipakita mo yang patrick na yan samin victoria ah? Sinasabi ko sayo!" galit na sabi ni mama. Hala? Anong ginawa ko.

"Hahaha wala akong sinabing pangalan ah? Tsaka wala kasing lalaki sa labas sila cheesy lang yung pumunta dito, di ko naman alam na maniniwala ka sakin hahahah"

"Tittttaaaaaaa" inis kong alis sa kusina.

Hayyss ang aga aga naiimbyerna nako.

Nako nako, malilintikan na talaga sakin yang cheesy cake na yan. Maghintay ka lang, nanggigil nako. Papatayin ako ni papa pagnagkataon buti lang talaga wala sya dun kanina. Siguro kinuntsaba niya si Tita para mabwiset ako. Hayyyyssss ayoko na!