Chapter 16

"Para kang tanga"

Nagulat nalang ako nung bigla nalang napunta sa harap si patrick.

"San ka nagtago?" Tanong ko dito, hindi ko talaga sya napansin.

"Di ako nagtago dahil bahay namin to" turo niya sa paligid.

Okay, sa kanila pala tong may maliit na facade?

"Oh? Anong trip mo dito sa labas?"

"Hinihintay ka!" Ano raw? Medyo nabingi yata ako.

"Ha? bakit?"

"Dahil nasayo pa yung libro ko" ay, yung libro lang pala.

Kinuha ko nalang yun sa bag at binigay sa kanya

"Ito na ho sir, yung libro ho ninyo sir, okay na ho sir?" Sarkastikong tanong ko rito na dahilan ng pagtawa nito.

"Hoy anong nakakatawa? " sagot ko sa kanya na natatawa rin. Ewan ko ba nung tumawa tong negang to nakakahawa na.

"Sige, alis na!" Pinaalis talaga ako at tumatawa pa.

"Sige ho sir" magalak kong paalam sa kanya.

Naglakad na ko pauwi  na di mapigilan yung ngiti. Ano kayang nakain nun? Ewan ko ba parang di yun yung patrick na nakilala ko. Oh kaya may katawa tawa lang sakin?

Pero hindi eh, kung kanina halos di kami nagpapansinan pero ramdam kong di niya ko binabara. Baka siguro narealized niyang sobra lang yung kanegahan niya.

Hayys, bat ko ba iniisip yung negang yun?