Chapter 18

"Oh? Aga aga eh nakabusangot ka" tanong ng walang hiyang cheesy sakin nung nakalabas na kami ng bahay kaya di ko napigilang batokan sya ngayon.

"Agay para san ba yun? Ha?"

"Dahil sa fake news mong balita kay Tita"

"Oh? Hahha bakit? Anong sabi?" Natatawa ring tanong nito, ang sarap hampasin nako nanggigil na talaga ako.

"Sinabi mo lang naman na boyfriend ko si Patrick, kaya nagalit si Mama!"

"Hoy kaym, sabi ko lang nandito ako at yung boyfriend mo kunwari na si steven pero alam niyang joke yun. At never kong menintion si Patrick ah? Hahahha"

Di ko na mapigilan at babatokan ko ulit ito pero biglang nagpagitna si steven kaya siya yung nakatanggap nun.

"Okay na tayo? Awat na kaimee, tsaka kung yung pinoproblema mo is yung akala ng pamilya mo na boyfriend mo si Patrick tapos fake news lang pala, what if gawin niyo nalang Real hahahaha" napapikit nalang ako sa inis at akma silang hahampasin pero agad itong nagsitakbuhan.

Nako naman akala ko si cheesy at tita lang yung bwisit sa buhay ko. Mukhang nakarecruit pa yata ng panibagong member.

AYOKO NA!  Suko na ko!

Sinundan ko lang yung lakad ng dalawa at akma na sanang tatakbo pero nung napansin nila yun inunahan nila ako.

Mga walang hiya! Magsama kayo! 

Diretso lang yung lakad namin at napahinto nalang ako nung lumabas si Patrick.

Anak ng..

ayaw ko na talaga sa mundo.

Binilisan kong maglakad kung san nakatayo yung tatlo pero nung malapit nako sa gawi nila, agad nagsiktabuhan yung dalawa kaya naiwan si patrick dito.

"Anyare dun?" Natatawang tanong nito sakin.

Nako kung alam mo lang kung anong unos yung dinala ng mga yun sa buhay ko.

"Ampanget mo"

"Nako, wag mo kong galitin ngayon sinasabi ko sayo" inis kong paalala sa kanya at sinimulan ng maglakad.

"Inaano ka ba ng mga yun at nasobrahan yata yang galit mo?" Natatawa niya pang tanong sakin.

"Ayoko ko na, suko nako!"

Inis kong sagot dito.

"Para ka namang may dinaramdam sa buhay hahah, sabihan mo lang ako baka makatulong sayo hahha"

"Wag na"

"Okay!" Nakangiti pa nitong sagot sakin. Bwisit! Bwisit!

At dahil sabado ngayon at hanggang ngayon di ko alam kung san kami pupunta eh sunod lang ako ng sunod sa kung saan daan pupunta tong si patrick. Di nako umasa don sa dalawa dahil naimbyerna talaga ako. Wag lang sana akong galitin nitong isa.

Pagdating namin don sa sakayan ng jeep eh naghihintay na pala yung dalawang bwisit. Puro nakangiti pa.

"Meron ka yatang di sinasabi sakin?" Nagulat ako sa biglang pagtanong ni patrick. Ngayon ko lang yata naalala na may kasama pala ako.

"Wala naman, bat mo natanong?"

"Di ka lumalapit don sa dalawa, nakakapanibago lang" biglang ngiti nito at tumingin lang ng diretso sa harap.

"Edi masanay kana"  walang gana kong sagot. Pati ba naman yun pinapansin.

"Masanay na? Mas palagi tayong magkasama?"

"Ano? Di ah? Ang OA mo naman sa palaging magkasama! Binubwesit lang ako ng dalawang yun! Kaya ayaw ko muna sa kanila" paliwanag ko dito. Baka kung ano pang maisip, nako ayaw ko na talaga.

"So trip mo na ko ngayon?"

"Hoy, please lang wag mo muna akong galitin!"

"Sila ba? Oh lovebirds sakay na raw kayo, naghihintay na yung kasama niyo!" Biglang sabi ni kuya sa harap, rinig ko pang natawa si patrick kaya di ko nalang pinansin.

Naabotan ko pang nagpipigil ng ngiti yung dalawa nung pag upo namin.

"Uy, pre kasama mo pala girlfriend mo? Pakilala naman dyan"

Ayaw ko na talaga sa earth!

"Ha? Ah? Ba baka next time nalang pre, baka marinig pa ng iba" Tiningnan ko si patrick ng masama, ginatongan pa yung walang hiyang steven.

"Ay ang sweet naman ni kuya besh" sabi nung babae sa katabi niyang bakla.

Kung malapit lang sana yung pwesto namin eh tinadyakan ko na yung dalawa. Pero mukhang matalino nga yung mga yun. Andon kasi sila sa may likod ng driver habang kami naman ay nandito sa gitna malapit sa panghuli.