Chapter 13
"San na ba yang bestfriend mo?" Inis na tanong ni patrick nung nakalabas na kami ng gate.
"Ito na nga oh tinatawagan na"
"Masyado ka yatang excited bro hahhaa" pang iinis naman ni steven na ngayoy di na nakapulupot sakin.
"Oh? San ka naba?"
"Ito na nga kaym, eh kasi ayaw pa akong payagan ni kuya. Sana talaga di ko nalang sinabi na walang pasok. Bat ba kasi walang pasok? "
Tanong ni cheesy habang nasa kabilang linya.
Kala niya siguro di ko tatanungin kung pano niya nalaman na walang pasok.
"Ano dw?" tanong uli nung nega bat ba ang atat nito.
"So san ka na ngayon?"
"Papunta palang pinalayas ko muna si kuya baka di pa ako payagan."
"Okay, basta bilisan mo ah"
Tinapos ko na yung call at sumiksik muna dun sa tabi dahil may iilan ring lumalabas.
"Girl, parating na sina Rex, Oh my God lang mukhang dito sila dadaan" rinig kong sabi nung katabi kong babae na mukhang junior student.
"Shunga ka girl? Malamang dito talaga yan dadaan isa lang naman yung daan diba?"
Medyo napatawa pa ako ng marinig ang sagot nito kaya binaling ko nalang yung atensyon ko sa kaliwa baka pag isipan pa akong chismosa ng mga batang to.
Kaya lang,
"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ni patrick.
Grabe talaga ang kamandag ng negang to, katabi ko na nga tong si steven ako parin yung pinag iinitan. May galit siguro to sakin. Tong katabi ko naman eh busy kakayuko sa phone niya.
"Haha pre, pumasok ka pa wala namang klase" rinig kong wika ng lalaki.
"Ulol ka Rex, di mo ko tinext!"
Dahil sa pangalang nabanggit, nilingon ko kung san galing yung boses.
Oh My God! Si Max.
Mas gwapo pala to pag bagong ligo? Hahah medyo nawala na rin yung iilang sugat niya sa may panga. Tsaka ewan ko ba, gantong ganto sya nung una ko syang makita. Yung akala mong di kayang makipagbugbugan.
Hayys sana palagi nalang syang ganyan.
"Ang gandang tanawin to kaym" napabalik ako sa ulirat nung pansin kong nasa tabi ko na si cheesy at nakatitig rin sa mga zubiri.
Nakaakbay tong si Rex kay Max habang tong si Axel naman ay sasabay na sana sa kanila kaya lang napatingin sa gawi namin. Ilang sandali pay papunta nga sya kung saan kami nakatayo.
"Hoy pre, nagkasama na kayo kanina, tara na hahaha" sigaw ni Rex dito kay Axel na dahilan ng paglingon ng iilang studyante.
"Ay nagsama kayo?" Takang tanong ni cheesy kaya nabatokan ko ng hindi sinasadya.
"Kaimee, ano? Sasabay kaba?" biglang tanong ni axel na nakangiti sa harap ko. Para tong tanga, nakipayong lang ako kanina feeling close na.
"Ah excuse me pre, kasi may lakad pa kmi" agad ring sulpot nitong si patrick.
Gulat kaming napatingin sa kanya.
"Ah, oo axel kasi may gagawin pa kaming research paper hehehe" wika naman ni Steven.
"Axel pre tara na!"
Napatingin nalang ako sa dun sa nagsasalita.
Si Max, ba't ba ang gwapo niya ngayon.
"Ah sige kaimee, may lakad rin pala kami, next time nalang!" paalam nito at binigay pa yung payong.
"Hohoy-- payong mo!" pahabol kong tawag sa kanya pero tinaas niya lang yung kanang kamay nito at tumakbo na papunta dun sa dalawa. Naabotan ko pang ngumiti si Rex sakin habang si Max naman ay inakbayan lang si axel. Sus di man lang nag aksayang tumingin sakin.
"Girlfriend yata siya ni Axel" rinig kong sabi nung katabi kong mga babae.
"Di ah, tanungin mo kaya"
"Ayaw ko nga ikaw nalang!"
Ano bang nangyari?
"Tanungin mo na kasee"
"Tara na kaym!" Aya ni Cheesy sakin palakad na sana kami pero nagulat nalang ako nung hinawakan nung katabi kong babae yung kaliwang kamay ko.
"Ah ate, ah ano, ah girlfriend ka ba ni Axel?" Nahihiyang tanong nito habang excited naman yung kasama niyang babae sa sagot ko.
"Ha?" tanong ko sa kanila.
"Sorry, pero di sila"