Chapter 12
"Ang lakas ng ulan kagabi ah, tong si victoria di man lang nag aksayang magkumot"
Victoria, victoria.
Hayys nakakasawa ng marinig. Biglang kwento ni mama nung nasa sink ako habang nag totoothbrush. Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng kusina, makulimlim nga pero di naman umuulan.
"Anak, dalhin mo na tong payong, baka uulan mamaya!" pahabol na sabi ni mama nung nakalabas nako.
"Di yan ma, baka maiwan ko lang"
Pano ba naman kasi wala yatang payong na di ko naiwan o nawala sa kung saan kaya di nako nag aksayang kunin yun, baka magalitan pa ako ni mama.
Masaya lang akong naglalakad papunta dun sa unang kanto, mga tatlong kanto rin kasi yung layo ng school sa bahay namin.
Ng naramdaman kong, bat parang may sumakit sa ulo ko?
"Pagminalas ka nga naman!"
Sana pala dinala ko nalang yung payong.
Tama nga siguro yung
*Mama knows best*
wala pa namang tricycle na dumadaan dito sa gantong oras.
Wala nakong choice kundi lumusub sa mumunting ulan pero huminto rin sa iilang bahay at sumilong.
Di ko naman kayang magpabasa nalang diba? Baka mabatokan ako ni mama ng wala sa oras.
"Kaimee? Tama, Ikaw nga!"
Napalingon ako sa kung sinong nilalang na nagsasalita.
"Sige po la una nako!"
biglang paalam ni Zubiri, este Axel Zubiri sa lolang naka jacket ng white. Ang cute naman ni lola. Di naman ako na inform na bahay niya pala to.
"May kailangan kab-- ah okay mukhang alam ko na, sabay nalang tayo" aya niya sakin nung mapansin yata yung iilang basa sa balikat ko.
"Nako hindi na nakakahiya!"
"Baka malate ka pa niyan, ano? Tara na?"
Tama nga baka malate ako.
Tumango nalang ako at sinabayan siyang maglakad.
Ang akward naman nito baka ano pang sasabihin ng ibang makakita.
"Madalas yata yung pagtatagpo natin"
Biglaan niyang sabi nung nakalampas na kami sa kanto nila, isang kanto nalang at makakaabot na kami.
"Ah? Pansin ko nga rin" maiilang kong sagot.
"So? Kaya kaba napahinto sa bahay dahil wala kang payong? O gusto mo lang akong makita?" Sobra akong nagulat sa pinagsasabi nito na dahilan ng paghinto namin.
"Uy di ah grabe ka naman, nakalimotan ko lang magdala ng payong" depensa ko rito. Ang OA naman yata tong zubiri nato? Akala ko ba siya yung pinakamabait?
"Hahahaha sabi mo nga, masyado ka kasing tahimik di naman ako masama, tsaka uso rin lapit dito oh! Nababasa na yang balikat mo!" agad niyang lapit sa'kin na dahilan ng pagkagulat ko pero di ko nalang pinansin nung matanaw ko na yung simbahan. Katabi lang ng school namin.
"Uy pare, ang aga ah may chick ka na agad"
"Uy di ah, si kaimee to yung kahapon"
Tiningnan ko yung kausap niya na katabi niya lamang, si Rex Zubiri pala at isang cute na babae.
"Kuya, bilisan mo nga baka nainip na yung mga friends ko"
"Haha una na kayo pre, nahighblood na si bunso"
Wika nitong si axel dun kay rex.
"Kaano ano mo yung rex?"
"Kilala mo?"
"Ah diba? Pinakakilala mo kahapon?" Mukhang mali yata yung natanong ko.
"Ah, so kilala mo na ko?"
Para tong tanga! Akala niya siguro ulyanin ako.
"Oo si axel ka dba? "
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana to, kaya lang,
"Oh andito na pala tayo. Thank you ng marami sa payong! Una nako"
Paalam ko rito at ngumiti pa.
"Uy sandali, antay naman" rinig ko pang habol niya pero di ko nalang pinansin. Kaya lang naabotan parin ako.
"So kilala mo na ko?" Ulit niya pang tanong.
"Hay, ang kulit si axel ka nga diba? Bakit binago mo ba?"
Ngayon ko lang nalamang ang shunga pala ng mga zubiri. Isang zubiri pa nga lang nakukulitan nko.
"Talaga? Tinandaan mo talaga yung name ko? Hahhaha!"
Para tong tanga! Pano ko hindi tatandaan eh zubiri kayo?
"Anong nakakatawa don?" tanong ko dito habang pinagpatuloy parin yung paglalakad.
Kaya lang napahinto nalang ako nung dali daling nagsibabaan ng hagdan yung mga kaklase ko na pinangungunahan ni Ace sinundan naman nito ni Steven katabi si Patrick.
"Oh axel, ah salamat ulit ha? Una na ko, andito na kasi yung mga kaklase ko" paalam ko sa kanya at linapitan na yung mga parating kong kaklase.
"Oh kaimee, pumasok ka pa hahahha" biglang bungad ni steven sakin.
"Bakit anong ganap?"
"Hahahha walang klase kaya tara na" bigla nalang pinulupot ni steven yung braso nito sakin.
"Bat dw walang klase?"
"Kasi walang klase hahahha" babatokan ko na sana sya ng pinakita nito ang kamao sakin.
"Walang exact reason pero lahat tayo pinauwi" walang ganang sagot ni patrick na nasa tabi ni Steven.
"Uy, steven nakita mo ba si cheesy?" tanong ko sa lalaking hindi ko alam kung anong nakain at feeling close sakin ngayon.
"Ha? Yung bestfriend mo ba? Heheh tinext ko na ng maaga sabi ko walang klase"
Tinext niya? Tas yung babaeng yun di man lang ako tinext? Wait nga.
"So textmate kayo?" biglaan kong tanong na ikinahinto ng katabi ko.
"Anong masama hahhaha"
"Tss Galawan" mahinang wika nung nega pero naririnig namin at inunahan pa kaming maglakad.
"Napano yun?"
"Si patrick? Ewan ko di naman yan ganyan kanina"