Chapter 14
"Natapos ko na yung Abstract tsaka Introduction kagabi, unahin nalang natin yung discussion dahil mukhang mas marami tayong time ngayon" rinig kong wika ni steven na nakaupo sa may dining.
Antaray din ng dalawang yun ah, inunahan pa kami. Sabagay pano naman kami makatapos ng madali eh yung kasama ko nga di ko makausap ng basta basta.
Napabuntong hininga nalang ako sa inggit.
Nandito kasi kaming apat sa bahay nila steven sinimulan na namin yung research paper para konti nalang after ng exam.
Habang ako e binabasa yung dalang libro ni Patrick. Hiniram niya siguro sa library kanina.
"Uy patrick!" tawag ko sa kanya na busy kakalaro sa phone nito habang nakaupo sa sofa. Andito kasi kami sa sala habang sina cheesy eh nandon sa dining area.
Hindi niya yata ako narinig.
"Uy patrick, halika nga!"
Nabingi na yata tong negang to. Wala akong choice kundi lapitan sya.
"Ang bingi mo sobra"
"Ano ba kasi yun? Kitang naglalaro eh"
Ah ganun ah? Kitang naglalaro. Alam namang nandito kami para sana sa research paper.
"Uy ikaw! Tapatin mo nga ako? May galit kaba sakin?"
Ng dahil sa tanong ko na yun bigla niya nalang tinigil yung kanina niyang ginagawa at tumingin sakin ng diretso.
Mukhang may galit nga to sakin. Ang sama makatingin dahilan para bumalik na ko sa pwesto ko kanina.
Hindi ko nalang napansin na sumunod pala to sa pwesto ko. Inulit ko nalang yung pagbubuklat ng libro
"Kayo ba ni axel?"
Nagulat ako nung bigla siyang magtanong.
"Ano? Naririnig mo ba yung sarili mo?"
Kaloka! Naisip niya pa yun? Samantalang ako eh busy kakaisip nitong Enlightenment, enlightenment na nabasa ko sa topic kong buddhism. Tapos sya ganun nalang? Para tong tanga!
"Anong nakakatawa?"
"Ha? Di ako tumatawa ah!"
"Uy kaym napano ka dyan?"
"Bro ano nangyari?"
"Ewan ko ba dyan, wala namang nakakatawa."
"Uy di ah, eh kasi busy ako kakaisip sa topic ko tas itatanong mo lang kung kami ni axel?"
"Oh? Anong mali dun?"
"Tanga kaba? Di ko nga masyadong kilala yun, panong magkaron ng kami?"
Sagot ko sa kanya at napailing na lamang. Sunod nalang naming gagawin eh yung methodology, baka after exam nalang yung discussions dahil di pa kami nakafinalized ng mga impormasyon.
"Hmmm alam mo kaym, may napapansin ako" nakangiting wika ni Cheesy na nasa tabi ko lamang habang nakaupo sa sofa.
"Oh? Marami ka namang napapansin di nako nagulat"
"Agay ah?" Pano ba naman kasi binatokan ako ng wala sa oras.
"Tanungin mo kasi ako kung ano yun, to naman di pa nasanay" inirapan ko nalang sya at walang ganang tinanong kung ano yung mga napapansin niya.
"Hmm, mukhang tama talaga yung kutob ko sa poging yan!" Sabi nito at tumingin kay patrick na nakaupo lang sa kabilang sofa na nanunuod ng tv.
"Makasabi ka na mang may kutob, para lang magnanakaw ah?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Hayys, eh kasi nga diba? Bago tayo nakaalis ng school kanina? Sya pa yung nag sabi dun sa mga babae na *Sorry, pero di sila* Ehhhh nakakakilig yun kaym, alam mo ba ha? Tapos di ka parin naniniwala sakin?"
Natakip ko yung bunganga nito dahil muntikan na kaming marinig nung pinag usapan namin.
"Bibitawan kita pag hihinaan mo lang yung boses mo?" Tango naman niya sakin.
"Di nga kasi pwede yun chees kasi sa totoo lang lahat ata ng meron si patrick kinaiinisan ko." Hina kong sagot sa kanya na talagang kami lang yung nakakarinig.
"Sus sinasabi mo lang yan, pustahan tayo may gusto sayo yan, maniwala ka sakin"
Bigla ko nalang tiningnan si patrick na ngayoy nakapikit na. Di ko talaga maimagine na yung negang yan tapos ako? Parang kinikilabotan yata ako.
"Tingnan mo naman yang poging yan oh, matangos ilong, matangkad, parang di mo pag iisipan ng masama"
Eh? Okay sana yung pogi tsaka matangkad, pero yung di pag iisipan ng masama? Nako labag sa kalooban ko.