Chapter 11
"So kailangan muna nating magsearch sa kanya kanya nating topic, sakin hinduism then sayo buddhism" suggestion ni Patrick.
"Hindi eh, kailangan muna nating isulat yung kailangan ng isa't isa tsaka pa tayo hahanap ng impormasyon ng kanya kanyang topic." sagot ko naman.
"Ayyss hindi nga kasi, dapat unahin muna natin tingnan yung mga information sa internet or sa mga books tsaka pa tayo magdedecide kung pano pagsabayin yung opposite religions"
Napasubsub nalang ako sa mesa ng wala sa oras. Hayss ayaw ko na talaga, give up nako!
"Anyare diyan sa kasama mo pre?" rinig kong tanong ni steven ang tsismoso talaga.
"Uy babae, bangon nga diyan anong petsa na? Uwi na tayo" rinig kong sabi ni patrick.
Bumangon ako at sinabihan syang,
"Sorry walang tayo"
Bigla nalang natawa yung babaeng dumaan sa pwesto namin.
"Hayy, gawin mo nalang muna yung gusto mong gawin after exam nalang tayo magfinalized, it should be done by friday next week"
Ay? Inenglisan ako?
"Opo Sir" walang gana kong sagot at tumayo na ng upuan.
Kanya kanya narin yung daan naman pauwi dahil kung makasabay ko pa siya, nako talagang di ko na kaya.
Pero teka nga? Ba't ba inis na inis ako sa negang yun?
Ah sabagay kasi, minsan naring may saltik ang pag iisip nun, parating nega sa mga bagay, palagi akong binubwisit, ayaw magpatalo.
Tama yun yung mga dahilan marami rami rin pala.
Pag uwi ko ng bahay napaupo nalang ako sa sofa, at nakita yung pamilya kong nagmemeryenda sa dining area.
"Oh nak, andyan ka na pala, may cassava cake dito"
Pagkasabi nun ni mama ay napatayo agad ako. Favorite ko kasi yung cassava cake kaya di pwedeng di ako makakain nun.
"Oh ano? Musta yung bagong school?" Agad na tanong ni Tita Lara.
"Okay naman, walang freedom!"
"Hahah panong walang freedom eh catholic school yun, private pa"
Sabi naman ni papa habang may sinusubo sa bunganga nito.
"Sus miss mo lang talaga gumala eh, diba?"
"Si tita talaga, bat naman ako gagala eh konti lang yung BAON ko" pinarinig ko talaga yung BAON kay papa na katabi ko lamang.
"Nako nako, ikaw bata ka, anong konti lang baon mo? Buti ka nga may baon si Mama mo wala"
Napailing nalang ako, pano naman magbaon si Mama? Eh nasa bahay lang yun.
"Oh nga pala pa, nakita ko na yung batang sinabi mong muntikan ng maipagpalit ni Tita Lara." Masaya kong balita sa kanya.
"Uyy anong pinagpalit? Wala akong kinalaman dyan ah" nagtatakang wika ni Tita na tinawanan lang namin lahat.
"Oh tapos? Musta hitsura niya?"
Pagkasabi nun ni papa bigla nalang akong kinabahan ng maalala ang mga pangyayari kanina.
FlashBack
"Max" abot rin ng kamay ng taong nais ko nang makilala dati pa. Ang ganda talaga ng mga mata nito, kahit bakas parin yung sugat sa kaliwang panga.
Parang gusto ko na yatang lumipad at libutin ang mundo sa di ko malaman na dahilan nung naramdaman ko ang paglapit ng mga balat namin.
(Sa wakas nagtagpo rin tayo)
Sabi ko sa sariling isip.
"Halalala, kuya oh nagblush na tong anak mo, nako may dalaga kana" agad na sabi ni Tito Pets na ginulo pa yung buhok ko.
"Uy Hindi ah, maanghang lang talaga tong cassava cake ni mama!" biglaan kong rason tsaka tinahak na yung kwarto.
Napasandal na lamang ako sa pintuan matapos kong isara, bat ba kasi kinabahan ako? Di naman ako ganto dati ah!
Hayss kainis! Ayaw ko ng ganitooooooo!
*beep beep*
Ang wrong timing naman nun!
2 New Messages
From: Cheesy Cake
Hoy, kayyyymmmmmm!
Alam mo ba kung anong nangyari ngayong araw?
Ang tanga rin ng babaeng to, pinalala pa sakin!
From: Cheesy Cake
Ehhhhh basta kinilig talaga ako kay steven hahahahha eh kasi kaymmm, ayyyy hinatid niya kasi ako, Oh My God lang! Buti talaga mataas rin yung sense of humor ni Poging Patrick! Eh kasi dba umuna ka nang maglakad? tapos umuwi narin yung isa tapos kami yung naiwan! Eh di ko kinaya yun! Kaya ending, inuwi niya ko sa kanila este hinatid niya ko sa bahay hahaha.
Yun lang😙
Nakakaiyak naman yung story nila, grabe kailangan talaga ng malalang awards, di ko kinaya eh😢👏
To: Chessy Cake
Ah, okay! Ayus yan👍