Kabanata 6

May mali ba sa prayer ko kagabi? Maling prayer ba ang natanggap ng mga anghel ngayon kaya instead of good mood, bad mood at bad breath ang hinaharap ko ngayon?

"Someone saw you talking with my boyfriend! At talagang sabay pa kayong nag lunch?!"

Well hindi pa ko nakakapasok ng School dahil hinarangan na ko ni Felia sa Main Gate palang.

"Ano na naman ba ang issue mo ngayon? Wala akong panahon para makipagsagutan sa tanga," matamlay kong sagot.

"Inagaw mo ang boyfriend ko!"

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Anong inagaw ka diyan? Wala pa nga akong ginagawa naagaw ko na sa'yo si Code? Paano nalang kung may gawin na 'ko? Edi baka ayain niya na 'kong mag pakasal nito?"

Mas lalo lang umusok ang ilong niya dahil sa winika ko. Wala naman talaga akong intensyong palakihin ang gulong 'to, ayoko ngang makipag usap sa kanya dahil hindi ko gusto ang amoy ng hininga niya, kaso hindi naman ako papayag na aakusahan niya 'kong mang-aagaw.

"Hindi pumapatol sa bata si Code!"

"Ikaw na nga ang nagsabi na naagaw ko siya tapos sasabihin mo ngayon na hindi siya pumapatol sa bata?! Are you dumb?! He even command me na hindi muna pumunta dito dahil susunduin niya 'ko tapos, hindi siya pumapatol sa bata?!"

Mahina kong tinulak si Felia at walang pasabing pumasok sa Gate, marami pa akong gagawin sa room kaya mahalaga ang bawat segundo sa'kin.

Seryuso akong nag lalakad ng biglang may humila sa'kin. Sisigawan ko na sana ito dahil sa akala ko'y si Felia na naman ng makita kong si Code ito na masama ang tingin sa'kin.

"Stop."

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Stop what?"

Umiling ako. "Tigilan mo na 'yang kakasulpot mo dahil baka ikamatay ko," sagot ko.

"What happend?" he asked.

"Sinalubong ako ng maganda mong girlfriend."

"You mean, you?"

Hindi ko masasakyan ngayon ang trip niya kaya instead of patulan iniwasan ko nalang ito ng tingin at iniwan sa kinatatayuan niya.

"Where are you going?" habol nito.

"Mamaya mo na 'ko pestehin dahil wala ako sa mood ngayon."

Ang akala ko'y mag pupumilit pa 'to pero umalis siya kagaya ng sinabi ko. Hinayupak, talagang sinunod niya ang sinabi kong yun? Hindi ba pwedeng nag papa-cute lang? Nag iinarte ganon?

Nakasimangot akong pumasok sa room at wala ni isa sa dalawa ang pinansin, talagang sira na ang mood ko ngayong araw. Okay na sana eh kaso sinalubong pa 'ko ni Felia tapos hindi ako pinilit ni Code.

"Anong nyare diyan sa mukha mo teh?" tanong ni Pauline.

"Paano mag palit ng pet sa HTTAM?" tanong ko.

"Bakit? Plano mong palitan si Baby Cold?" tanong naman ni Angel.

"Sagutin niyo ang tanong ko."

Nilagay ni Angel ang daliri sa labi bago tumingin sa'kin. "Uninstall your app and register a new account."

Tumango naman ako at sinunod ang sinabi niya, agad kong kinalikot ang phone ko bago ibigay sa kanya para mag register siya ng panibagong account.

Kagaya ng una hinintay ko lang na may pumili sa'kin para maging Master nito at hintayin ulit na mag first move ito sa'kin.

"Malea choosed you as her Master!"

Tinignan ko ang profile ng babaeng nag ngangalang Malea at laking gulat ko ng makitang parang grade eight lang ito o below pa, ang cute niyang tignan habang may hawak siyang guitara.

Napansin kong same name lang nag gamit ko pero ibang information ang ginawa ni Angel para payagan akong makapag-register ng bagong account.

"Feed me po."

-Malea

Nangiti naman ako bago humanap ng hayop na pwede bilhin para gawing karne.

"Say, ahh.."

-Shexien

Typings, parang namimiss ko si Code. I miss his vibes and his replies.

"Mommy!"

-Malea

Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala akong tinatawag din akong Mommy ni Code sa personal man o sa online games.

"Kain ka lang diyan, we'll talk later okay?"

Ni-like niya lang ako at ginawang last chat. Wow naman, sa subrang galing ng batang 'to parang idol ko na siya ngayon at hangang-hanga na 'ko sa kapal ng mukha niyang i-last chat ako.

"Kick niyo si Code sa group chat tapos add niyo ko at itong si Malea."

Tumango lang si Angel at ginawa ang sinabi ko. Tinago ko nalang muna ang mobile phone na gamit para makapag-focus sa sinasabi ng teacher namin.

Kinuha ko ang ballpen at notebook para kumuha ng notes kaya kahit wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng teacher namin, atleast may mapag kukunan ako ng pag-aaralan.

"Let's welcome Primo Code Pahardo," anonsyo ng teacher namin.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung bakit biglang pumasok sa classroom si Code, ito na nga ba ang sinasabi ko eh talagang wala akong naiintindihan pag lumulutang-lutang ang utak ko.

"Good morning everyone, i'm Primo Code Pahardo a HUMSS student section A-1 also the president of the class."

Yumuko siya kaya nag palakpakan naman ang iba habang ako tulala parin ang ginagaya nalang ang ginagawa nila. Masiyadong masakit ang puson at buong katawan ko para kumilos ng normal.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinuot ang headset para hindi marinig ang kung anong ingay nila. Inaantok na'ko at gusto nalang ng katawan kong mamahinga sa malambot kong higaan sa bahay.

"Are okay Shexien?" Pauline asked.

Nag tataka akong tumingin sa kanya bago tumango-tango kahit ang totoo naman hindi ako okay, never akong naging okay lalo na kung may period ako.

"Do you want me to send you to our school clinic?" tanong naman ni Angel.

Umiling lang ako dahil ayokong makaisturbo, baka kagaya dati marami na namang students ang kailangan ng higaan tapos ako na may period lang ginawang priority. Parang na-fe-feel bad ako sa ibang students na mas malala ang sakit na nararamdaman pero pinipiling umupo at maghintay na mag uwian na.

"Umayos ka ng upo," siko sa'kin ni Pauline.

"Bakit?" i asked.

Nginuso niya ang kung sinong papalapit. "Si Code nag lalakad papalapit dito."

Kagaya ng inutos niya pinilit ko ang sariling maupo at pekeng ngumiti kay Code. For sure hindi man lang umabot sa tenga ang ngiting ginawa dahil sa subrang sakit ng puson ko.

"Stop smiling."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pati ba naman ngiti ko bawal na ngayon?"

Umirap siya at humarap sa teacher namin. "Excuse me sir but i think need magpahinga ni Ms. Wang? Narinig kong sabi nitong katabi niya na masakit ang puson niya, maybe because of period."

Ngumiti naman ang teacher namin bago tumango sa'kin. Napipilitan akong tumayo at kinuha ang bag ko.

Hindi ko alam kung dapat ba 'kong mag pasalamat sa kanya o mainis dahil kaya ko pa naman, at ayokong makarating na naman kay Felia ang impormasyon na 'to.