Kabanata 2
"Do i really have to wear that? Hindi ako sanay mag lagay ng lips stick."
Inirapan lang ako ni Angel bago ipagpatuloy ang ginagawa habang si Pauline naman ang nag aayos ng buhok ko. Bakit naman parang mas excited pa sila kaysa sa'kin.
"Lagi kang ngingiti, okay? For sure gwapo iyang si Cold. Wala namang pangit na student dito sa HFPS," paalala sa'kin ni Angel.
"Paano nga kung pangit si Cold?"
"Kung pangit naman wag ka ng mag-isip pa, tumakbo kana agad sister."
Sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Pauline. Talagang gagawin ko ang sinabi niya, tatakbo ako pag makita kong hindi kaaya-aya ang mukha ni Cold na 'yan.
"Check mo kaya kung nandon na siya?"
Tumango ako at binuksan ang online app na ginamit at tama nga sila online nga ito. Isang mabigat na buntong hininga ang ginawa ko at chinat ito.
"Nandiyan kana ba?"
-Shexien
Typings, iyan ang nabasa ko sa convo namin after kong ma-sent ang message ko.
"Yeah, kanina pa but don't worry i'm more than willing to wait."
-Cold
Napangiti ako after mabasa ang reply nito. Agad naming inayos ang ginamit at lumabas ng room para pumunta sa canteen. Cold and i decided na hindi nalang lumabas ng campus para magkita, mas madali naming makikilala ang isa't isa kung sa loob mismo ng campus ang una naming pag kikita.
"Ready kana ba?" tanong ni Pauline sa'kin.
"Anong klasing tanong yan? Hindi niya naman ako kakainin diba?"
Angel smirked. "Kung iuwi ka niya may possibilities na kainin ka niya," bulong nito.
Agad ko siyang naitulak, naalala ko tuloy ang sinabi ni Code kanina. Hindi ko maiwasang pamulahan pag naaalala ang usapan namin kanina plus itong naging usapan namin ni Angel.
"Siraulo ka," batok ko dito.
Mabilis naman siyang umilag at naunang tumakbo papasok sa canteen para kumuha ng makakain. Panay ang tingin ko sa paligid para makita kung may lalaki bang nag aabang o panay ang tingin sa entrance ng canteen.
"Hey, bakit ang busy mo? What kind of games is that?" dinig kong wika ng lalaki sa likod.
"Mind your own business, where's my food?"
Naningkit ang mga mata ko ng marinig ang boses ng lalaking kanina lang hindi mawala sa isip ko.
"You're so weird. Before naman ayaw mong kumakain dito sa canteen," dinig kong ani ng kasama niya.
"People change."
I mumbles, trying to copy his words. Ang yabang niya talaga at kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya naiinis na agad ako sa paraan palang ng pag sasalita niya.
"I heard may hinihintay ka? Nagpakita na ba?"
Hindi ako chismosang tao pero curious ako kung ano ang pinag uusapan nila at kung sino ang tinutukoy niya.
"I think she's busy," sagot ni Code.
"Message her para malaman niyang nandito kana."
Umupo ako malapit sa table nila at nilibang lang muna ang saliri sa pag lalaro. Bakit ba kasi ang tagal ni Cold? Akala ko ba nandito na siya? Bakit parang walang suspicious person akong nakikita.
"Nakita mo na ba?" agad na bungad sa'kin ni Angel na may hawak na tray at puno iyon ng pagkain.
Umiling ako. "Hindi pa eh, baka joke-joke niya lang yun."
"I-chat mo kaya, tignan mo muna kung online tapos i-chat mo."
Tumango ako at ginawa nga ang suggestion ni Pauline. Laking pasasalamat ko ng makitang online ito at typings narin.
"Where are you, master?"
-Cold
Ito ang first time na siya mismo ang nag-first move sa convo namin. Tuluyan na 'kong napangiti sa kawalan at sinagot ang chat nito.
"Nandito na 'ko sa canteen, ikaw saan kana?"
-Shexien
Typings...
"Canteen, fourth row, portrait and second to the last, landscape."
-Cold
Kung hindi 148 ang IQ ko siguro nag loading na ko ng sabihin niya ang information na iyon, agad akong tumayo at tinignan kung nasaan ang fourth row portrait at second to the last na landscape. Nang makita ko kung kaninong grupo ang nandoon at nakaupod, agad kong cheneck ulit kung tama ba ang pag kakabasa ko, at tama naman ko.
"Isa sa mga kaibigan ni Code si Cold," bulong ko sa dalawa.
"Paano mo naman nasabi?" bulong ni Pauline.
Pinakita ko ang phone sa kanila. "I'll ask him to stand kung siya ba si Cold at kung sino ang tumayo sa grupo nila siya si Cold ko," bulong ko pa.
Nag thumbs up naman sila sa'kin.
"Nakita ko na spot niyo, pero pwede ka bang tumayo para malaman kong ikaw ang isa sa kanila?"
-Shexien
Lumingon ako sa grupo nila at laking gulat ko ng tumayo ang lalaking may suot na eyeglass at tumingin sa paligid niya na parang may hinahanap. Nanlaki ang mata naming tatlo dahil isa iyon sa mga matatalinong tao dito sa campus, kahit may salamin siya ang pogi niya paring tignan.
"Si Luke at si Cold? Iisa?!" halos pasigaw nilang ani.
I pouted, i'm not expecting na subrang pogi pala nitong si Cold. Kakabahan na sana ako dahil inaakala kong si Cold at Code ang iisa mabuti nalang talaga at hindi.
"Lalapitan ko ba?" i asked them.
"Go, lapitan mo na girl."
Tumango ako sa kanila at agad na tumayo, dala ang cellphone lumapit ako sa grupo ni Code at sa tabi agad ni Luke tumayo. Nagulat pa siya sa biglaang pagdating ko.
"Hi i'm Shenxien," i smiled at him. "Ikaw ba si Cold?" i asked.
Nakita kong nabulonan ang isa sa mga kaibigan nila habang si Code naman seryusong nakatingin lang sa akin, inirapan ko siya dahil hindi ko naman siya bet.
"Why are you here?" Code asked.
"Pakialam mo?" pag tataray ko.
He tsked. "I chatted you na ako nalang ang pupunta sa table niyo," he stood up. "Open your phone and read my message, Master."
Nag lakad palayo si Code habang dala ang bag niyang hindi ko alam kung may laman ba o wala dahil mukha naman itong magaan.
"Sorry miss pero hindi ako si Cold. Kung yung Cold sa HTTAM ang tinutukoy mo hindi ako yun, si Code yun kaya dapat siya ang puntahan mo," ngiting wika ni Luke.
Damn it! Curse you to death Lucas!
Sunod-sunod na silang tumayo at naiwan akong tulala sa table nila, hindi pa 'ko tinatamaan ng hiya dahil hindi pa nag-pro-process sa utak ko ang mga sinasabi nila at mga narinig ko.
"What happend?!" agad na lapit ni Angel sa'kin.
"I-i thought siya si Cold. Akala ko si Luke ay si Cold."
Kumunot ang noo ni Pauline. "Si Luke ang tumayo kaya alam nating tatlo na siya si Cold."
Umiling ako. "Si C-code, si Code na bookworm at si Cold na alaga ko ay iisa."
Nanlaki ang mga mata nila. Ano ba ang meron sa araw na ito at puno ng panggugulat? Puro nalang surprises ang dumadating sa buhay ko, baka malaman ko nalang ang magiging Cause Of Death ko pala ay Surprise, hindi lang nakakahiya ang ganoon kundi nakakatakot din.