Chapter 8

SERENA's POV

"Ano ito? Nasaan na ang itlog na niluto mo?" Nakatingin si Renzo sa inihain kong pagkain sa harapan niya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya at sa sinabi niya ngayon.

Sobrang mapang-asar talaga ng mokong na ito. Tinaasan ko siya ng kilay habang siya ay nakatingin lang sakin na para bang pinipigilan ang pagtawa.

Nasaan daw iyong pinapaluto niyang itlog sa akin, e iyan na nga iyon sa harap niya.

"Gusto mo bang hambalusin kita ng kawale?" ngumiti ako ng malapad habang hinahanda ang kawale sa kamay ko. "Ano alam mo na ba kung nasaan ang itlog na niluto ko?" At talagang binigyang-diin ko ang salitang 'itlog'.

"Sabi ko nga, ito iyong itlog diba?" ngumiti din siya ng malapad at napalunok ng tumingin sa kawale.

"Ayan, ganyan dapat ang sagot mo sa akin." binaba ko na ang kawale, ngayon ay napangiti na din ako. Lakas kasi mag-asar ng lalaking ito, alam niyang di ko alam magluto, ako pa pinaluto ni hindi ako tinulungan.

"Under de saya pala ako pag naging asawa kita." Pabulong pa niyang sabi. Akala naman niya na hindi ko narinig. Under de saya daw? buti alam niya.

Napatingin ako sa kanya ng hindi pa din niya ginagalaw ang niluto kong pritong itlog. Ano bang masama sa niluto ko? Ni hindi pa nga niya nilalahasan tapos kipangit-pangit na ng mukha niya habang nakatingin sa itlog. Nakakaawa naman ang itlog ko.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Iyong tinging nagsasabing 'hindi mo pa ba iyan kakaiinin'. Nakita kong napalunok siya at may pawis na tumulo sa ulo niya.

Katakot-takot ba ang itlog na niluto ko? Kaasar talaga ang lalaking ito.

"Ayaw mo ba? Sige wag na lang." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya at aabutin ko na dapat ang plato kung nasaan ang itlog ngunit bigla niyang nilayo ang itlog sa akin.

"Sinabi ko bang hindi ko kakainin?" biglang lumiwanag ang mukha ko. Sabi ko na nga ba konting arte ko lang at kakagat din siya sa akin.

"Bilis kainin mo na, [inaghirapan ko pa naman iyan para sayo," sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Pwedeng hindi na lang para sa akin?" Pinanliliitan ko muli siya ng tingin. "Sabi ko nga maraming salamat sa pagbuhos mo enerhiya para sa pagprito ng itlog ko." Napangiti ako ng malapad dahil sa sinabi nito maya-maya ay natawa na ako. Kaya naman tumawa na din siya.

Kaninang umaga kasi tinuruan niya ako paano magluto ng itlog at bigas. Iyong bigas ay natama kong iluto, medyo basa lang ng konti pero nakakain na din naman sabi ni Renzo. At ngayon ay pinapalasahan ko na ang itlog na niluto ko, sabi niya kanina sa akin iyong luto ko na daw ang tanghalian niya para hindi na daw siya kumain sa labas.

Isang buwan na din ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng nasigawan ako ng Renzo. Hindi ko naman magawang magalit sa pagsigaw niya sa akin dahil sa ako naman talaga ang may kasalanan sa paggalaw sa gamit niya. Siguro sobrang importante ng mga iyon sa kanya kaya hindi niya magawang ipakita at ipahawak sa kung kani-kanino lang.

Sino nga ba naman ako diba? Isang babaeng ni katiting na alala ay wala. Pinagalitan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-ano. Babalik din naman ala-ala ko sa tamang oras.

Bumalik na din sa normal ang lahat isang araw lang ang lumipas na hindi ko siya masyadong pinapansin, humingi na din siya ng paumanhin sa akin. Hindi ko na rin magawang magtanong tungkol sa mga litratong iyon. Nararamdaman kong ayaw niyang pag-usapan pa iyon kaya tumikom na lang ang aking malaking bibig.

Bumalik ako sa katinuan ng mapansin ko ang pagsubo niya ng itlog sabay ng kaning medyo mabasa-basa. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya habang ngumunguya. Napansin ko na nakatitig na ako sa mukha niya habang kumakain siya.

Ang gwapong kumain kahit hindi nasasarapan sa niluto ko, Siguro kung si Renzo lang ang magbebenta ng pagkain na ito. Sold out agad.

"Hindi mo naman kailangang kainin iyan eh. Wag mo ng ubusin baka sumakit pa ang tiyan mo." Kukunin at ilalayo ko sana rito ang itlog ng inilayo nito sa akin at pinaupo ako sa tabi nito.

"Pinaghirapan mo nga itong niluto eh. Tignan mo na ang nangyari sa mga dalari mo, nasunog pa. Dapat hindi mo na lang pinilit ang sarli mong magluto." Kinuha niya ang kanan kong kamay at hinipan-hipan ang nasugatan at napaso kong daliri. Paano niya nakita ang kamay ko? Tinatago ko nga sa likuran ko ang kanan kong kamay.

"Wag na kasi paano iyan eh diba may trabaho ka pa ngayon? Bakit kinain mo pa ito?" Hindi na langniya ako pinansin at mabilis na tinapos ang pagkain, uminom agad siya ng tubig at tumayo.

"O saan ka pupunta?" Lumabas siya ng kusina habang ako ay nakasunod lang ang tingin. Bumalik siya agad habang dala-dala ang isang maliit na box. "Ano iyan?" Tanong ko sa kanya.

"First aid kit, gamot sa sugat at paso ng Prinsesang masarap magluto." Tinampal ko ang braso niya gamit ang isang kamay ko, medyoa nakangiti ako kasi pinipigilan kong matawa sa mga banat niya.

"Nakakaasar ka po. Nag-aalala pa naman ako baka sumakit iyang tiyan mo dapat pala ipaubos ko pa itong niluto kong kanin o kaya dagdagan ko pa." Napa tango-tango ako at napatingin sa mukha niyang nag-iba ang kulay. Naisip siguro niya ang mga niluto ko.

"Tss hindi talaga ako magaling magluto, kung bumalik na kaya ang alaala ko siguro hindi ko na kailangang magpaturo sayo? Magiging masaya ka na niyan?" Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi man lang siya gumalaw at tumingin lang sa akin na para bang may mali akong nasabi.

Kalungkutan ba ang nakikita ko sa mga mata niya? Ilang sandali din siyang nakatitig sa akin at bumaba ang tingin sa sugat ko. Pinagpatuloy niya ang ginagawang paggamot sa kamay ko habang hindi pa din siya nagsasalita.

"May problema ba Renzo?" Tanong ko rito ng matapos mabendahan ang kamay ko. Huminga ito ng malalim at niyakap ako ng mahigpit. Napadantay ako sa dibdib niya.

"Tatawagin mo pa kaya akong Renzo kapag bumalik na ang alaala mo?"

Ano daw? Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sobrang hina ng boses niya. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Ilang minuto din siyang nakayakap sa akin at ngayon naman nakatitig na siya sa mukha ko.

"Anong sinabi mo kanina?" Umiling-iling lang siya at ngumiti. Iyong ngiting pilit lang. "Ano nga iyong sabi mo kanina? Hindi ko narinig e," ngumuso ako.

"Wala sabi ko maganda ka kaya lang mabaho na." Nanlaki ang mga mata ko at inamoy ang sarili ko. Mabilis kong tinampal ang braso niya at tumawa lang siya ng malakas.

"Nakakaasar ka, hindi naman!" nakangumuso pa din ako at tumayo.

"Oo kaya! Kaya halika magsepelyo na tayo at maligo na tayong sabay." Lumingon ako sa kanya habang dala-dala ang pinggang pinagkainan kanina.

"Tse. Pinggan gusto mo? Ginagawa mo nga akong unan gabi-gabi kulang na lang hindi ako makahinga, ginagawa mo akong maid ng condo tapos utusan. Ano lahat na lang?" Inirapan ko siya at naghugas na ako ng pinggan.

Nakakainis kaya ang lalaking ito, sa gabi kasi kahit naglalagay ako sa gitna namin ng unan para hindi siya makalapit sa akin ay wala pa ding kwenta dahil pagdating sa umaga ay nagigising na lang akong nakayakap na siya sa akin. Kainis kasi isa lang ang kwarto sa condo na ito.

Ngayon ko nga lang nalaman na condo pala ang tawag dito, hindi bahay. Marami ding tinurong salita sa akin si Renzo na ngayon ay natatandaan ko pa naman kahit papaano. Nagkwento din siya kung ano ang trabaho niya ngayon, isa daw siyang model sa magazine. Basta iyon, marami siyang nakwento sa akin.

Nagising ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses niya.

"Gusto mo naman ang yakap ko." Tatawa-tawa pa siya habang prenteng nakaupo at nakaharap sa akin.

"Hindi talaga nababawasan iyang kapal ng mukha mo ano? Magkape ka nga muna para magising ka naman kahit papaano." Lalo lang siyang tumawa.

"Bilisan mo na dyan, isasama kita may pupuntahan pa tayo." Tumayo na siya at naglakad palayo.

"Saan?" Nagtataka ko namang tanong sa kanya.

"Basta, bilisan mo na mahal na Prinsesa" Psh. Prinsesa mukha niya, katulong kamo.