Chapter 7

SERENA's POV

"Grabe hindi ito ang naiisip ko sa bahay mo Renzo!" ginala ko ang pangin sa paligid na sobrang dumi. Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan ang mga nagkakat ng mga lata, damit, papel at kung ano-ano pa.

"Ang rami namang anik-anik dito sa bahay mo. Hindi ka ata naglinis ng isang taon dito." Pinagsisipa ko ang kung anong nakakalat dahil hindi ako makalakad ng maayos.

Tumingin siya sa akin ng masama habang ako ay ngumiti lang at nakataas ang dalawa kong kamay.

"At dahil nandito ka na," napatingin ako sa kanya pinagliitan siya ng tingin.

"Wag mong sabihin," tumingin ako sa buong paligid at binalik ang tingin sa kanya na tumango-tango sa akin. "Kyaah- ayoko ko, gusto ko ng bumalik sa ospital. Ayoko na dito." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng marinig ko ang sinabi niya.

"Baka alam mo ang daan papunta sa ospital." Demonyong tawa ang naririnig ko sa bibig nito. Kainis.

"Gagawin mo pala akong katulong dito kaya dinala mo ako dito eh. Tss," inirapan ko siya.

"Buti naman alam mo," tinawanan niya lang ako habang nakabusangot ang pagmumukha ko.

"Bakit ba kasi hindi ka naglinis dito bago tayo nagpunta dito?" tanong ko uli.

"Nasaan ba ako parati?" balik tanong niya sa akin. Bumaba ang tingin ko, oo nga naman.

"Sa ospital." Mahinang sabi ko.

"Anong ginagawa ko sa ospital?" Naglakad siya papalapit sa akin at napahakbang ako palayo rito. "Hmmm.." Nakalapit na siya ng sobra sa akin, iyong sobrang lapit at ako nakasandal sa nakasarang pintuan

"Tumatambay?" Nanlaki ang mga mata ko ng mas lumapit pa siya sa akin. "Oo na inaalagaan mo ako sa ospital," napatagilid ang mukha ko, baka may gawin na naman siya sa akin.

"Kaya?" konti na lang at mahahalikan na niya ang pisngi ko ng iharang ko ang kamay ko sa pagmumukha niya at tinulak siya palayo sa akin.

"Oo na maglilinis na po. Kainis ang manyak talaga, bwisit." Tumalikod na siya ng lumingon ulit siya sa akin.

"May sinabi ka ba?" Ngumiti ako sa kanya kahit inis na inis na ako.

"Wala po, sabi ko maglilinis na po ako pinaka-gwapo kong prinsepe." Naglakad na siya palayo habang tumatawa ng malakas, sobrang mapang-asar talaga itong lalaking 'to.

"Psh. Pinaka-gwapong Prinsepe? Baka pinaka-gwapo sa pinaka-pangit na prinsepe. Kainis talaga, makapaglinis nga." Pinulot ko isa-isa ang mga damit na mga nagkalat sa kung saan-saang gilid. Kinuha ko na din ang walis at nagsimulang maglinis sa buong bahay.

Sobrang pawisan na ako ng matapos kong malinis ang buong bahay pwera lang sa kwarto. Napatingin ako sa paligid at ngumiti dahil sa maaliwalas na ang buong paligid. Napatingin ako sa dalawang pintuan, ang isa ay ang kakalinis ko lang na banyo na kanina mukhang dinaanan ng bagyo.

Itong isang pintuan, ito na ba ang kwarto? Oo tama ito na nga iyon, dito pumasok kanina si Renzo dala-dala ang isang maleta na gamit ko ata. Kailangan kong maligo na at ang dumi at pawisan ko pa.

"Renzo? Nasaan ka ba? Yohooo.." Pumasok na ako ng kwarto at lumingon sa paligid. Nabigla ako sa nakita, akala ko dinaanan din ng bagyo ang kwartong ito ngunit hindi naman pala, medyo madumi lang ngunit hindi ganon katulad sa labas. Lumapit ako sa may kama kung saan nandoon ang maleta ko. Binaba ko iyon sa lapag, naupo ako at binuksan iyon para kumuha na ng madadamit ko.

Nasaan ba ang lalaking iyon? Hindi ko namang napansin na lumabas siya. Baka nga lumabas kanina at hindi ko lang narinig. Nagkibit balikat na lang ako.

"Huh, ano ito?" Itinaas ko ang kapirasong tela na ito na kulay itim pa. Ano ba itong kapirasong telang ito? Tinitigan ko habang iniisip ko kung ano ang gamit nito. "Damit ba ito? Imposible naman ata. Hmm" napalingon ako ng marinig ko ang pagtawa ni Renzo na nasa may pintuan.

"Hahaha." Naningkit ang aking mga mata ng marinig ko ang tawa niya. Anong nakakatawa? Abnoy ba ang lalaking ito?

"Bakit tumatawa ka dyan?" Nanlaki bigla ang mga mata ko na makita ko ang hubad niyang katawan. Bumaba ang tingin ko mula sa mukha niya pababa sa dibdib niya pababa sa walang kabilbil niyang tiyan sayang naka-tuwalya. Napalunok ako at bumalik ang tingin ko sa mukha niya.

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?" Pakiramdam ko pulang-pula na ako mula ulo hanggang paa.

Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya! Nakakahiya ka Solemn!

Gustong kong lamunin na ako ngayong lupa sa sobra hiya, grabe din naman kasi ako makatitig. Di ako sanay na anghuhubad siya sa harap ko.

"Tsss, ang bastos mo! Magdamit ka nga dyan parang may maganda namang makikita dyan sa katawan mo." Tumingin ako ulit sa hawak-hawak kong kapirasong tela. Sana hindi na siya magsalita pa at ipahiya ako. Pahiyang-pahiya na nga ako e.

"Wag ka ngang lumapit sa akin." Sigaw ko rito na palapit pa rin ng palapit sa akin. "Tatadyakan ko Iyang ano mo." nahihiya kong sambit.

Nakakabwisit naman tong lalaking ito, nakahubad na nga lapit pa ng lapit.

"Tatadyakan mo ang ano ko?" Ngumiti siya ng malapad at tumingin sa baba niya. Mas lalo siyang tumawa ng malakas. Gusto kong sapakin ang mokong na nasa harapan ko sa asar.

"Iyang ano mo. Hoy Renzo, magdamit ka na kundi-" Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binato ko na lang rito ang hawak-hawak kong gahiblang tela na hindi ko pa din alam kung ano ba ang gamit na nasa kamay na ngayon ni Renzo at hinawakan ng dalawa nitong kamay.

"Bakit meron ka neto? Alam mo ba kung ano ito?" Tanong niya sa akin habang tumatawa pa din ng malakas.

"Ano ba iyan?" Habang nakatingin lang sa mukha niya dahil hindi ko kayang tumingin sa baba at baka mas lalo lang akong mamula at mapahiya

"Thong." Ano daw? Thong?

"Ano naman ang gamit niyan?" Tanong ko dito.

"Damit panloob ng mga babae." Ngumiti uli siya ng malapad at itinaas pa sa mukha niya para matitigan ng mabuti. Teka ano daw ulit?

"Damit panloob? Damit panloob!" nanlaki ang mga mata ko.

"Ugh ang bastos mo talaga kahit kelan!" tinakbo ko siya at mabilis kong hinablot sa mga kamay niya ang sinasabi niyang thong. Mabilis kong nilagay sa maleta at sinara iyon muli.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa din siya tumitigil sa pagtawa. Bakit hindi ko naisip na damit panloob pala iyon? Tsaka paano naman naging damit panloob iyon? Sobrang kapirasong tela lang.

"Magdamit ka na dyan! Lalabas na muna ako. Lilinisin ko pa iyong kwarto mamaya." Bago pa ako lumabas ay may sinabi pa siya sa akin.

"Gusto mo bang ipagpatuloy ang pagtitig sa katawan ko?"

"Tsupe!" Habang hindi pa humuhupa ang pagkapahiya ko ay umarangkada na naman ang bibig ng lalaking ito.

Mag-iisang oras ako naglinis habang nag-ngingitngit kay Nate dahil hindi talaga ako tinulungan. Pagod na pagod kaya minabuti kong istretch ang katawan ko.

"Walang awa, walang balunbalunan ang bwisit na lalaking iyon. Kasintahan daw ako? Baka katulong?! pwede pa, tss." Napatingin ako sa paligid, hinawi ang aking buhok na tumatabing sa mukha ko na pawisan na.

Saan ba dito ang lalagyan niya ng mga damit? Lumapit ako sa isang pintuan, ano ito? Binuksan ko at nakita ko ang iilang damit sa loob. Isang malaking aparador para sa mga damit niya. Pinasok ko ang maleta sa loob ng marinig ko ang paghulog ng kung ano.

Lumingon ako sa ibaba at lumuhod para tignan kung ano ang mga nahulog na maliit na kahon na ngayon ay nagkalat. Pinulot ko ang isa at tinitigan ang isang litrato.

Isang litrato ng babae at lalaki. Si Renzo may kayakap na babae sa litarato at hindi ako ang babaeng iyon, isang magandang babae. Napatingin ako sa ibang litarato nilang dalawa, sobrang saya ni Renzo doon. Iyong ngiti niya sa bawat litarato dito ay iba sa nakikita ko ngayon. Kahit ngumingiti siya sa akin ay nakikita ko parin ang kalungkutan sa mga mata niya.

Napatingin ako sa likuran ng isang litrato, may nakasulat doon.

I love your eyes, your nose, your lips, the shape of your face, and everything about you. I love you baby.

-Sheila

Napatitig lang ako sa bawat salita. Ano ba ang ibig sabihin ng mga salitang I love you? Pinulot ko ang ilang mga liham na nakasulat ang pangalan ni Renzo at ang babaeng nagngangalang Sheila.

Sino ba siya sa buhay ni Renzo?

"Bakit mo hawak-hawak ang mga iyan?" Napatigil ako ng marinig ko ang pag-sigaw ni Renzo sa akin. Napatigil ako sa pagpulot ng mga litrato at tumingin sa mukha ni Renzo. Mababakas ang galit sa mukha niya, mabilis kong pinulot ang mga ito at tumayo.

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang makita ang mga ito." Nakatingin lang siya sa akin, ngayon ay wala na akong makitang ekspresyon sa kanyang mukha. Mabilis akong lumabas ng kwarto dala-dala ang damit na inihanda ko kanina pa.

Tumakbo ako papasok ng banyo at sinara iyon ng mabilisan. Napasandal ako sa likod ng pintuan at huminga ng malalim. Nailagay ko ang kamay ko sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano ba itong nararamdaman ko?

Kinagabihan ay nakatulog agad ako ng maaga siguro dahil sa sobrang pagod. Nang gabing iyon ay nanaginip ako na humingi daw ng paumanhin sa akin si Renzo at hinalikan na naman niya ako.

Anong klase panaginip iyon? Laswa.