Chapter 9
Napalunok ako ng mapatingin na naman ako sa gawi ni Renzo na ngayon ay kinuhanan ng litrato na nakapantalon lang at walang pang-itaas.
Kanina pa ako lunok ng lunok dahil sa nakikita ko siya ngayon sa aking harapan. Noong aksidenteng una kong nakita ang katawan ni Renzo, wala na akong ginawa kundi ang lumunok tuwing nasusulyapan ko ang katawan niyang matipuno. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, mukha talagang hinubog ng mga diyos ang katawan niya.
Nagiging manyak na ako dahil sa katawan ng lalaking ito. Umiling-iling ako para alisin sa utak ang mga naiisip.
Solemn wag ka ng mag-isip ng kung ano-anong kamanyakan! Kailangang maialis ang hubo't-hubad na imahe ni Renzo sa utak ko. Ngunit kahit na anong alis ay nakikita ko naman ngayon ang katawan niya. Napaka walang kwenta ng pagsisikap ko kung andito naman ang totoong katawan sa harapan ko.
"Just like that Nate. Look somewhere imagine the one you love is there." Turo ng photographer sa Renzo..
Ano daw? Hay naku wala akong naintindihan sa mga sinasabi ng mga taong ito. Nalaman ko kelan lang na Nate pala ang tawag sa kanya sa trabaho niya at ng ibang tao, talagang ako lang ang tumatawag sa kanya ng Renzo.
Napatingin ako sa paligid, bakit ba kanina pa sila tingin ng tingin sa akin? Anong meron sa akin? Hindi ko na lang pinapansin ang mga taong lalaiba nakatingin at muli na lang ako nanoood kay Renzo.
Nakatingin na ako ngayon kay Renzo at napansin kong nakatingin siya sa direksyon ko, sa akin. Kakaiba ang tingin niya, namumungay ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Pumanhik ata lahat ng dugo ko sa mukha sa hiya dahil nakatingin din sa akin ang mga tao sa paligid ko.
"Very good, Nate!" sabi ng kumuha ng litrato. Lumingon ito sa mga taong malapit sa akin at nagsalita. "I need a female model now to be paired with Nate. Dress her right away."
"Damien no need, I have someone with me. She'll be my pair for this photoshoot." Ano kayang pinagsasabi ni Renzo? Konting salita pa lang ang naiintindihan ko, siguro ilang araw o buwan pa bago bumalik ang lahat sa alaala ko. Ang hirap ng ganito kasi nangangapa ako sa mga bagay-bagay.
"Really? Where is this woman?" Luminga sila sa gawi ko.
Napabuntong hininga ako dahil nakakaramdam na ako ng bagot ngayon, bugot sa puro pagkuha ng picture ang ginagawa ay wala na akong magawang iba tas hindi ko naman sila masyado maintindihan. Napahikab ako ng maramdaman ko ang paghawak ng dalawang babaeng staff sa dalawa kong braso ko.
"Renzo!" Pasigaw kong tawag sa kanya."Saan ako nila dadalhin?" Lumapit si Renzo sa amin at ngumiti siya
"Sumunod ka lang sa kanila. Walang masamang mangyayari sayo." Kumindat pa siya sa akin tapos natawa siya ng mapalunok ako at sinamaan siya ng tingin.
Hindi ako tumingin sa ibabang parte ng katawan niya dahil hindi siya nagsusuot ng damt pang itaas, nakapantalon lang si mokong kaya ubod ng titig sa kanya ang dalawang babaeng nakahawak pa rin sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa mga babae. Hinubaran nila ako ako at pinalitan ng maiksing damit. Inayusan ako at pinaglalagyan ng mga kolorete sa mukha at kung saan-saan pang parte ng katawan. Hindi naman ako maka-hindi dahil hindi naman nila ako maintindihan.
"Its done." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng babae. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Ako ba ito? hindi ako makapaniwalang ako nga iton. Napahawak ako sa kulot kong buhok na inipitan ng kaunti. Bakit nila ako inayusan? para saan ito?
Lumapit ako kay Renzo na ngayon ay titig na titig sa akin, parang hindi siya makapaniwala sa ayos ko ngayon. Narinig ko ang ilang click na tunog na sunod-sunod. Napatingin ako sa sofa na inuupuan niya at iniisip kung tatabi ba ako sa kanya.
"Lumapit ka sa akin, Solemn,"Pinaupo niya ako sa dulo ng magandang sofa at humiga siya sa kandungan ko. Magsasalita sana ako at tatanungin siya kung anong ginagawa ko rito at maunahan niya ako.
"Tumagilid ka, tumingin ka sa ibang direksyon habang nakasampay ang isa mong kamay sa sofa at ang isa kamay ay nakahawak sa buhok ko," nalilito akong tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nakalingon na ako sa ibang direksyon ng naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko.
"Great! these pictures will turn out too good Nate. As expected of you and your girlfriend, I presume?" Napatingin lang ako sa kanila na ngayon ay nag-uusap na.
"Yeah, this is my girl." Hinatak ako ni Renzo sa tabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti sa lalaking kumuha ng litrato namin. Ilang kuha din ang nangyari kanina, ni hindi ko man lang alam na sinali pala ang ako ni Renzo dito.
"Nate I really like the shot we got earlier from the two of you so I choose that as the cover of XXXX."
"Do whatever you like about those photos. Anyway here is my manager just talk to her about this stuff."
"Teka ano ito?" Napatingin ako sa pinatong niyang dmait sa akin at hinatak agad ako. "Saan tayo pupunta?" Hindi na ako nito sinagot bagkus ay ngumiti lang siya at tuloy-tuloy na kaming umalis..
"KAIN PA." Sabi niya sa akin habang sinasabayan niya ako. Natatawa ako sa ayos niya kasi naka sombrero siya at eye-glasses. Akala mo makakapagtago ng sarili e halata pa din naman ang mukha niya.
"Ang sarap naman dito Renzo. Ito iyong totoo pagkain." Ngumiti ako sa kanya ng malapad habang sinusubo ko ang paa ng manok sabay kain ng kanin.
"Sinasabi mo bang hindi totoong pagkain ang kinakain natin sa bahay?" Tumawa lang ako at ganoon naman siya. "Alam mo bang paborito mo iyang kinakain mo ngayon?" Maya-mayang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Ano bang tawag sa lutong ito?" talaga paborito ko ito?
"Adobong manok," sagot naman niya habang pinupunasan niya ng panyo ang gilid ng bibig ko. "Kumain ka pa, nangangayayat ka na kailangan mong magpataba." Tumawa siya at nakasimangot lang ako at kaya mas lalong siyang tumawa.
Ilang sandali ang nakalipas ay himas-himas ko na ang tiyan ko at nakatingin lang sa akin si Renzo. Grabe busog na busog ako samga pagkain na inorder ni Renzo. Dahil nga sa nakatitig siya sa pagmumukha ko ay tinitigan ko din siya.
"Anong meron sa mukha ko? Bakit ganyan ka makatingin?" umiling-iling siya at ngumiti. Adik ata ito ngayon? O dahil busog lang?
Ilang minuto din kaming nag-usap ng tungkol sa kung ano-ano minsan tinatanong ko siya tungkol sa akin, sa mga pagkain na gusto ko at sa mga gusto kong gawin. Minsan napapansin ko ang mga taong lumilingon sa gawi namin dahil sa ingay ng tawa naming dalawa.
"Halika na!" hinila na naman ako nito at sumakay kami sa kotse.
"Teka saan pa tayo pupunta? Hindi pa tayo uuwi sa bahay?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin sandali at binalik ang tingin sa harapan.
"Basta, makikita mo." tumingin na lang ako sa paligid. Buong paligid ay nag-sisiilawan at napaka raming tao sa paligid. Napatingala ako at napatilala sa mga naglalakihang gusali.
Napatigil ako sa isang malaking litrato ni Renzo, naka pormal itong kasuotan at seryoso ang mukha nito na mas lalong nagpaganda sa litrato.
"Bakit ka ba naglalaway dyan eh nandito ang totoo tao sa tabi mo." Inirapan ko siya at tumawa lang siya sa akin.
"Kapal!"
"RENZO MALAYO pa ba tayo? Hindi mo pa tatanggalin itong nakapiring sa akin?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan akong maglaakd. Mataas pa namang sapatos ang gamit ko ngayon pero wala namang problema dahil nasanay na din ang paa ko.
"Sandali na lang malapit na tayo," ilang hakbang din ng tumigil na din talaga kami sa paglalakad. Naramdaman ko ang lamig ng hangin mabuti na lang ay sinuot niya sa akin ang makapal niyang coat.
"Open your eyes, Princess," napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko habang tumingin kay Renzo at ngumiti ng malapad.
"Malapit tayo sa Brooklyn bridge. Ito mismong lugar na ito ang nakita ko sa telebesyon na pinakita ko din sayo." Namangha ako sa Brooklyn bridge ngayon na pinapalibutan ng mga naggagandahang ilaw sa paligid.
"Sobrang ganda ng tanawin," niyakap ko siya bigla at hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin ginawa ko ito. Mabilis akong lumayo sa kanya. "Maraming salamat."
"Walang ano man." Ngumiti siya sa akin at ganon din ako. Binalik ko ang tingin sa karagatan.
Naisip kong sobrang saya ng araw na ito, marami akong napuntahan at naranasang bago kasama si Renzo at lahat ng iyon ay nagustuhan ko.
Alam ko sa sarili ko na kahit wala akong naaalala ay ayos lang dahil pwede namang gumawa ng bago. Isa ito sa mga alaalang hindi ko makakalimutan.
"Renzo." Tawag ko sa kanya
"Hmm."
"May tanong ako sa iyo." Nakatingin lang ako sa karagatan at ganoon diya siya.
"Ano?" si Renzo.
"Ano ang ibig sabihin ng I love you?"