Chapter 45
SERENA's POV
Nagising ako at naramdaman ko ang pagsakit ulo ko, hilong-hilo ako pero hindi ko alam bakit. Napapikit muli ang mga mata ko dahil ayaw pang makicooperate ang katawan ko at gusto pang dumikit sa kama. Napasubsob ang mukha ko sa unan na nasa tabi ko at napaungol dahil nahihilo talaga ako.
Unti-unti kong binuka ang mga mata ko at napatingin sa puwesto ni Renzo sa higaan namin. Wala si Renzo ngayon sa tabi ko dahil nasa ibang bansa siya ngayon at makakabalik siya after two days pa. Sobra ko na siyang namimiss kahit na kahapon lang siya umalis at kahit na buong araw kaming magkasama noong nakaraang araw. Linggo kasi kahapon kaya nasa bahay lang kami at naglalandian bago siya umalis ng gabi para sa flight niya.
Napaungol ako dahil namimiss ko na talaga siya at naiiyak na ako ng maisip na wala siya sa tabi ko. Wala siya para alalayan ako ngayong araw na sumasakit ang ulo ko. Sobra na kasi akong nasasanay na bini-baby niya ako kaya ngayong matagal siyang mawawala sa tabi ko ay hindi ko alam kung paano gumalaw ng ako lang.
Nakarating na kaya siya sa Singapore? Malamang ilang oras lang naman ang biyahe sa singapore. Kumain na kaya siya kagabi ng dinner? Nakatulog kaya siya ng maayos roon? Paano pag hindi? Magiging stress siya pag ganoon.
Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyayari sa kanya ngayon dahil siya pa naman ang tipo ng taong inuuna ang trabaho bago ang lahat. He is really workaholic, nakakalimutan niya ang lahat kapag kaharap na ang mga documents na kailangan nitong tignan at pag-aralan.
Since the day we reconciled, pakiramdam ko ay nasa alapaap ako hanggang ngayon na hindi na na ako bumaba sa lupa. Mag two-two months na akong masaya, sobrang saya na kasama si Renzo.
Sa kasuluk-sulukan ng puso ko ay may takot pa rin, takot na baka panaginip lang ang lahat ng ito at nakalimutan ko lang magising. Takot na baka sa huli ay masaktan pa rin ako. Ngunit sinasabi ng isip ko na hindi iyon mangyayari ngayon, she just need to believe and trust him. Kaya naman tuwing pumapasok iyon sa isip ko ay agad kong iyong tinanggal sa isipan ko.
Napatitig ako sa alarm clock na nasa tabi ko. Magsisix na pala ng umaga, medyo maaga pa naman ngunit kailangan ko na ding maligo para siguradong di ako malalate. Napahawak ako sa ulo ko dahil nahihilo talaga ako, para bang umiikot ag mundo sa paningin ko. Ilang araw ko ng iniinda ang pagkahilo at hindi ko lang ito pinapansin masyado para hindi mahalata ni Renzo.
Madalas na din siyakong inaantok kaya naman ay parati akong natutulog ng maaga. Ayaw kong maapektuhan ang ginagawa kong trabaho dahil sa simple lang na nararamdaman na sakit ng ulo at pagiging antukin.
Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko. Binuksan ko at agad na nakita niya ang mukha nito Renzo dahil ginawa ko itong wallpaper sa cellphone ko. Naalala ko pang gustong-gusto niya iyon para daw di ko siya mamiss at siya lang daw ang lalaking iisipin ko.
Sino pa ba ang iisipin niyang lalaki? Malamang si Renzo lang dahil siya lang naman ang nag-iisang lalaking may hawak ng puso, isip at katawan ko. Her very soul belonged to him and only him. Pero kahit kailan ay ayaw kong sabihin iyon sa kanya dahil malaman lalaki ulo no'n.
Nakatingin na ako ngayon sa contact number niya at nag-iisip ako kung tatawagan ko ba siya sa roaming number niya. Nagdadalawang isip ako dahil baka maistorbo ko siya at baka natutulog pa siya ngayon dahil maaga pa. Naisipan kong magtext na lang kesa tawagan siya.
To: Renzo Mahal
I miss you so much. :(
Napatitig ako sa kisame at maya maya lang ay narinig ko nagriring ang cellphone ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magregister ang pangalan ni Renzo sa phone ko. Pakiramdam ko isa akong teenager ngayon na kilig na kilig na tinatawagan ng first love.
Huminga siya ng malalim at agad na sinagot ang tawag. Biglang gumaan ang pakiramdam ko at ngayon hindi na alam kung paano ko iniinda ang sakit ng ulo ko dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan kong marinig ang boses ni Renzo ng maayos. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag.
"Hi," mahina kong sambit. Kumakabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Grabe ang lakas talaga ng tama ko kay Renzo.
"I miss you too, mahal." Husky ang boses niya na mapapansin na kagigising lang niya.
"Nagising ba kita? Sorry, hindi ko talagang maiwasang hindi magtext. Namimiss na talaga kita ng sobra." Sambit ko tt nararamdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko, medyo napasinghot pa ako.
"Yeah but it's fine. You're more important than my sleep and I really want to hear your voice too. I miss you so much. Damn much." Napasinghot uli ako at medyo naiiyak na talaga ako. Hindi ko alam pero sobrang nagiging emosyonal ako ngayon. Siguro dahil sobrang natotouch ako sa sinabi ni Renzo.
"Are you crying?" Tanong niya sa akin. Pinahiran ko ang iilang luha na dumadaloy sa pisngi ko ngayon. "Ssshhh mahal bakit? May nangyayari ba sayong masama dyan? Nasaktan ka ba?" Rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses niya na mas kinaiyak ko lang.
"No, kasi naman namimiss lang talaga kita tapos natouch pa ako sa sinasabi mo ngayon. Ikaw kasi masyado kang nagpapamiss ayan tuloy." Sabi niya sabay singhot.
"Shh. Mahal wag ka ng umiyak sayang wala ako dyan sa tabi mo para patahanin ka. Kung mapapadali lang ang trabaho ko rito ay agad na ako dyan babalik." I can hear the frustration in his voice. He really is sweet, caring, loving and everything about him right now is very overwhelming for her. He is the opposite of what he was in the past.
"It's okay, I just really miss you. Two days lang at nandito ka na uli." Bumuntong hininga ako. "As much as I want to hear your voice ay kailangan ko ng ibaba ang tawag para makabalik ka na uli sa pagtulog mo." Sabi ko sa kanya, alam kong hindi pa siya nakakatulog dahil sigurado akong binasa niya agad ang mga dokyumento na aasikasuhin niya roon.
"Okay, I will call you again later. Have your breakfast first before going to work alright?" Sabi niya sa kabilang linya, narinig ko na humikab niya which means wala pa talaga siyang tulog.
"Yes po, bibili ako ng milk shake na may oreo at reese ngayon. I am craving for it." Bigla akong naglaway sa naisip. Ilang araw na siyang nagmimilk shake na parating may halong chocolate. Hindi talaga ako nagsasawa dahil masarap talaga iyon sa panglasa niya.
"Thats for breakfast again Mahal? Heavy meal ang kailangan mo before that kasi breakfast is the most importnat meal of the day." Napangiti ako dahil sa paalala niya. Medyo makulit siya sa mga kinakain ko dahil dapat daw ay healthy at nakakabusog, natutuwa ako dahil sa concern niya na mas nagpapataba ng puso niya.
"Opo kamahalan. Bye na po."
"Good, ingat ka and I love you." And that ended their conversation. Binaba na niya ang tawag at napatitig akong muki sa kisame habang ngingiti-ngiti dahil sa phone conversation namin ni Renzo. Tumayo na ako sa kama at kahit medyo masama ang pakiramdam ko ay hindi ko na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang paghahanda sa pagpasok sa trabaho.
Buo na ang araw ko dahil kay Renzo. At sa buong araw na iyon ay nakaplaster ang ngiti sa mukha lp.
HINDI AKO mapakali dahil sa darating na mamayang hapon si Renzo. Sobrang saya ko dahil atlast makakauwi na siya galing Singapore. Dalawang araw na ang lumipas, kaya ngayon ay maghald day lang ako. Sobrang gaan ng nararamdaman ko ngayon kaya naisip kong maglalakad lakad muna at iniwan ang kotse ko sa bulding ng kompanya.
"Good afternoon manong." Bati ko sa guard na bumati rin sa akin. Nakangiti ako abot tenga, alam kong hindi na mapapawi ang ngiti ko hanggang mamaya sa pagdating ni Renzo.
Naglakad na ako at pansin niya ang ganda ng araw ngayon. Hindi ganoon ka init ang panahon na sadyang maaliwalas lang ang kalangitan kaya naman maganda talaga maglakad-lakad. Masaya rin akp dahil hindi sumama ang pakiramdam ko ngayon kaya saktong sakto talaga sa araw na pagdating ni Renzo.
Lumiko ako ng kanto at napagpasyahang bumili ng kape sa isang kilalang coffee shop. Papasok na sana siya sa coffee shop ng mahagip ng tingin niya sa kabilang kalye si Renzo. Tumutok ang tingin ko roon at napakunot ang noo ko lalo na sa katapat nito na isang babae, isang magandang babae.
Napakunot ang noo ko, baka naman guni-guni lang ang nakikita dahil alam kong wala pa sa Pilipinas si Renzo. Minabuti kong lumapit sa mga ito ngunit nasa safe distance ako at sinigurado kong di ako makikita ng dalawa. Gusto kong isiping ibang lalaki ang nakikita ko na nagkakamali lang ang mga mata ko ngunit kahit anong titig ko ay si Renzo talaga ang lalaking nasa restaurant ngayon.
Si Renzo ang lalaking nakikipagngitian sa isang magandang babae na kaharap nito ngayon. Napahigpit siya sa hawak niyang shoulder bag.
Clearly, Renzo is lying to her. Lalong napakunot ang noo ko habang nakatingin ng masama sa nakangiting mukha ni Renzo. And that kind of smile is not what he flashes to her girls in the past o kahit sa kaninong tao na nakakausap niya. Its the kind of smile he gives her everytime. At akala ko ay sa akin lang ang ngiti na iyan, clearly hindi lang pala ako.