Chapter 31

SERENA's POV

"Ren-- Nate..." Mabilis kong pinahid ang mga luhang bumabaybay sa pisngi ko. Umupo siya sa tabi ko at tahimik lang kaming pareho. Napansin kong casual clothes ang suot niya and as usual naka shades at naka bonnet siya para hindi makilala ng mga tao. He looked thinner compared to the last time I saw him. Nakikiradam ako sa susunod niyang sasabihin. Tumikhim siya at nagsalita.

"Did something happen between the two of you? Did he do something bad to you?" tanong niya sa akin habang hinahawakan niya ang braso ko. Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at napatingin ng masama sa kanya. Napahawak ang makabilang kamay ko sa ulo ko na patuloy pa ring sumasakit.

"Please! J-just leave me alone. Gusto kong mapag-isa," sabi ko ko sa kanya ngunit mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko.

"Sumasakit ang ulo mo? Ano pang nararamdaman mo?" nakatingin siya sa akin na puno ng pag-aalala. Like he really cares for me and that he did nothing wrong to me. Muli ko na namang naalala ang mga kasinungalingan niya, lahat parang nag flash back at bumalik sa akin.

I just realized how fool I have been all this time. Simula noong lumayo ako kay Renzo na puro sakit lang ang binigay sa akin ay napunta naman ako sa isa pang taong binigyan ko ng kaparehong pangalan at kalahi ata nito dahil sakit lang din naman ang binigay sa akin sa huli. Lahat puro panloloko at kasinungalingan, lahat hindi totoo.

I really hate myself for believing in Renzo again, I hate myself for falling again in his trap so easily that even the me who can't remember believed that his acts were all true. Pakiramdam ko nakakulong na naman ako sa isang bilangguan na kahit kailan ay hindi na ako lalaya pa. Paulit-ulit pa rin ang nangyayari sa buhay ko, wala akong ligtas kahit na lumayo ako o siguro kahit magtago pa ako sa ako saan mang sulok ng mundo.

At ito kaharap ko pa ang isa pang Renzo ngayon. Hindi ko na alam kung puno lang ba ako ng kamalasan at sa lahat ng taong pwedeng makita ay ito pa talaga. Huminga ako ng malalim at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Why does it matter to you? Pwede bang layuan mo na lang ako, " kinuha ko ang pouch bag ng marinig ko ang phone kong nagriring. Hindi ko na iyon pinansin dahil sa malamang ay si Renzo lamang ang tumatawag sa akin. Pinatay ko ang cellphone para tuluyang hindi na niya ako matawagan.

"Sobra bang masakit ang ulo mo? Iyong parang mabubuway ka na?" Ngunit hindi ito tumigil at patuloy pa rin itong nangtatanong tungkol sa pakiramdam ko. Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo rito.

"Ayokong makausap ka, lumayo ka sa akin at wag mo na akong sundan." Ngunit dahil sa pinanganak na makulit at sadyang bingi ang lalaking ito ay sinusundan pa din nito ako. Mahirap bang intindihan na gusto kong magpag-isa para makapag-isip ng maayos?

"Pwede bang sundin mo na lang ang sinasabi ko? At diba dati pa sinabi ko ng wag kang magpapakita sa akin?! Ano bang mahirap gawin doon?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw rito dahil naghahalo na ang nararamdaman ko hindi lang sakit sa ulo ang iniinda ko pati ang galit ko kay Renzo at sa lalaking ito.

Hindi ito nagsalita at patuloy lang ako nitong tinitignan, naglakad ulit ako at hindi na siya pinansin. Napasara ako ng mata at naramdaman ko ang pagbuway ko. Binuksan ko ang mga mata ko ng nakasandal na ako sa kanya.

"Pwede mo na akong bitawan." Ngunit dahil nga sa sinabi kong may lahi itong pagkamakulit at pagkabingi ay hindi pa rin nito ako binibitawan imbes ay binuhat pa ako niya ako, princess style.

"What the hell are you doing right now? I told you to put me down! Nagtitinginan na ang mga tao sa atin, nakakahiya!" Hindi siya nakikinig sa akin, pinagsusuntok ko ang dibdib nito ngunit hindi pa rin ako nito binitawan.

"Just shut up and stay still. We will go to the hospital right now." maikli niyang sagot kaya napasingkit ako ng mata.

"I am not ill to be treated in a hospital. Wala akong sakit kaya ibaba mo na ako ngayon din kundi mag-iiskandalo talaga ako rito." Hindi ko na napansin na nakarating na pala kami sa isang nakaparadang kotse. At kotse nito iyon dahil nasakyan ko na ito.

"I am still a doctor. Alam ko ang taong may sakit o wala. Kahit na anong gawin mo dito ay wala akong pakialam basta't makarating tayo sa ospital para ma-check up ka at makainom ka ng gamot." Mabilis niyang litanya at pinaharurot ang kotse palayo.

"At ako ang sinsabi mong pasyente na wala namang sakit na nararamdaman. Kaya pwede mo naman akong ibaba, ayaw mo no'n wala kang iisipin. Just stop this damn car, forget you saw me and this never happened. Lalayuan kita at lalayuan mo ako, such an easy thing to do." Mataray kong sabi rito. Nakakapagod rin ako makipag-usap sa lalaking ito dahil ni hindi man lang pinapansin ang pinagsasabi ko rito.

"You heard me right? Hindi ka naman siguro ganoon ka bingi dahil kanina narinig ko naman na sumagot ka." Iritang-irita na talaga ako ngayon. Imbes na galit lang ang dalala ko, ngayon lahat na ata ng kabwisitan sa mundo nandito na sa akin.

"It's not easy." Simpleng sagot nito habang nakatutok parin ang tingin nito sa harapan. Umayos na lang ako ng upo at tumingin sa labas.

"Just stop this car. Sasakit talaga ng tuluyan ang ulo ko dahil sayo." Simpleng sagot ko rin dito dahil ayoko ng marinig pa ang sasabihin nito. Bigla nitong tinigil ang kotse sa gilid ng daan at humarap sa akin.

"No, you have to hear me out. Akala mo ba naging madali ang buhay ko ng iwan mo ako? Akala mo ba kasinungalingan ang pinakita ko sayo? Oo sa simula ganoon pero nagbago ang lahat ng iyon dahil sa may nararamdaman na ako sayo. But then you left me and didn't even listen to my reasons. And now here you are acting like you never knew me to the point that you neglected that headache just to avoid me. Do you know how that pains me? Just let me see that injury in your head then I'll let you go, for now."

Hindi na ako nakapag-react sa sinabi niya dahil agad nitong pinaandar ang kotse. Wala akong nagawa kundi ang maupo ng maayos habang nakatingin sa bintana at hinihintay na matapos na itong kaganapan na ito.

Hindi ito ang unang pakakataon na gustong iparinig sa akin ang mga rason niya. Pero ano ba ang magbabago kung pakikinggan ko ang gusto niyang sabihin? Wala. Dahil tapos na ang nangyari, tapos na ang pangloloko niya sa akin. It will never change the fact that he lied.

Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, manloloko at para makawala sa ginawang mali ay agad namang meron silang mga rason. Dapat alam ko na ito pero hindi dahil patuloy pa rin ako naloloko ng parehong lalaki.

I am just plain stupid. Too stupid to understand that some people will never change because they never planned to.

"We're here.," pagkasabi niya ay agad siyang bumaba at pinagbinuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Bumaba na ako at tinangka pa niya akong buhatin uli ngunit nauna na akong naglakad papasok ng ospital. Iilan ang bumati kay Nate at binati rin naman niya.

Malayo-layo rin ang nilakad namin hanggang sa nakapasok na kami sa isang room. Hindi na ako nagsalita habang ito ay may kinakausap na ibang doctor, naupo na lamang ako sa upuang kanina pa minumuwestra ni Nate.

Napatingin ako sa paligid. Nice clinic, Kompleto ng mga gamit ang clinic at puting-puti ang paligid mula sa pintura at sa mga gamit. Hindi ko na kailangan tanungin na pagmamay-ari ba ng pamilya ni Nate ang ospital dahil pansin na pansin naman pagpasok na pagpasok pa namin.

"Zell, thanks dude." Hinawakan pa ni Shin ang braso ni Nate. At ngumiti pa ito rito.

"Who is she by the way? Is she the original fiancé?" Tanong naman ng nagngangalang Zell. Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon dahil napapansin kong tinigman nila ako pareho.

"Wag kang usisero," pinaalis na ni Nate ang naturang doctor. Agad nitong dinala ang mga kinakailangan nito at inilagay sa mesa. Lumapit na ito sa akin at umupo sa kaharap kong upuan.

"Anong nararamdaman mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong nito. Inilawan nitong mga mata ko gamit ang maliit nitong flash light.

"Medyo." Tumango-tango ito. Inabot nito ang isang gamot at isang basong tubig.

"Drink this, kapag sumasakit ang ulo mo ay ito ang gamot na iinumin mo for the mean time." Tumango lang ako rito para matapos agad ang usapan.

"Tapos na ba? Saan mag babayad ng fee ko sayo at sa gamot na ito." Itinaas ko ang gamot na binigay nito sa akin. Tumayo na ako at tumingin rito.

"Ihahatid na kita. And this service is for free." Sagot naman nito na mas lalo kong kinairita.

"I can afford to pay the bill." I smiled sarcastically. Naglakad na ako papunta sa pintuan ng bigla iyong bumukas.

Nabigla ako sa kung sino ang nakita kong pumasok. Mabilis akong lumapit rito at niyakap ng mahigpit.

"Rezzy!" Masaya kong tawag sa kaibigan.

"Serena!" si Rezzy.

Sabay pa kami sa pagbigkas ng mga pangalan namin. Ngiting-ngiti siya sa akin habang hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Kumusta ka na? Mabuti naman at naaalala mo pa ako! Kung hindi pa ako lumapit kay Devon, hindi ko pa malalamang bumalik ka na pala." Nakikita ko ang sobrang saya sa mga mukha ni Rezzy. Lumipat ang tingin nito kay Nate at sa akin uli.

"I assume you two know each other since nakita ko na ang pinalabas na pictures niyo sa magazine at billboards. Why are you here by the way? Oh yeah! A check up." Nakita nitong dala kong gamot at ngumiti ako. Alam niya ba ang lahat? At bakit parang kilang-kilala niya si Nate?

"Ah Rezzy," tumingin ako kay Nate balik rito. Si Nate naman ay nakatingin lang sa aming pareho habang nakatayo sa aking tabi.

"Oh wait hindi ko pa nasasabi sayo. Nate here is my fiancee." Sabay ngiti niya.

Nagkamali lang ata ako ng narinig. Hindi naman siguro iyon ang sinabi ng kaibigan ko, kilala ko si Rezzy hindi siya pipili ng kung sino-sinong lalaki lang.

"Your what?" Kailangan kong makasiguro. Kailangang mali iyong narinig ko.

"Serena, Nate is my fiancee." Napatingin ako pareho sa kanila. Seriously, This is not real.