Chapter 32
SERENA's POV
"Serena, Nate is my fiancee." Napatingin ako pareho sa kanila. Seriously, This is not real. "Alam kong nabigla ka at mas malala pa ang reaksyon ko ng malaman ko na ang lalaking ito pala ang ipapakasal sa akin."
Nakatingin lang sa akin ng diretso si Nate habang nakangiti naman sa akin si Rezzy. Ngumiti na rin ako ng pilit dahil ayaw ko namang agad agad sabihin kay Rezzy na hindi ang lalaking ito ang nababagay sa kanya.
"Ah, I am happy for both of you. Grabe hindi ko akalaing ikakasal ka na pala rito sa lalaking ito. I am happy for you Rez, you know your too good for him." Hindi ko mapigilang sambit sabay tingin kay Nate. Pasimpleng inapahatid ko kay Nate na hindi sila bagay ng bestfriend ko. Dahil si Rezzy, nasa kanya na ata ang lahat at ang lalaking ito ay isang manloloko. Napa mismatch nilang dalawa, ngunit hindi ko kayang sabihin kay Rezzy ang nangyari sa amin dalawa ni Nate.
Ngayon pang nakikita ko ang saya sa mga mata niya, hindi ko magawang sirain ang plano niya sa buhay. Ako na lamang ang magdusa basta't wag na isama si Rezzy. Magiging ok ang lahat hanggat hindi malalaman ni Rezzy ang nangyari at hindi dapat sabihin ni Nate ang ang nangyari sa akin at sa amin.
"I know that S, this is an arranged marriage. Ipinagduldulan lang ito ng parents ko. And I can't say no to them, alam mo naman si Dad diba?" tumango ako rito sabay ngiti.
"Alam mong naiintindihan kita Rez, I really want to catch up with your life but I really need to go now alam mo na si Renzo baka hanapin na ako niya eh magkikita pa kami ngayon." Bigla siyang ngumiti ng pagkalaki-laki habang nakatingin sa akin dahil sa nabanggit ko ang pangalan ni Renzo. Sa gilid naman ng mata ko ay napansin ko si Nate na umasim ang mukha.
"Renzo?" Napalingon ako kay Nate ng magsalita siya. Mababakas sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi kong pangalan.
"Iyan ang tawag ni Serena kay Devon. Siya lang ang tumatawag kay Devon niyan since bata pa sila." Maikling explanation ni Rezzy rito. Nakita kong nag-iba ang mukha ni Nate sa sinabi ni Rezzy. Inalis ko na lang ang tingin ko rito at niyakap ng maghigpit si Rezzy.
"I'll call you later Rez, ok? I really missed you, my best friend." I hugged her once again. Naiiyak na naman ako ngayon dahil nandito sa harapan ko ang best friend ko. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Kung katulad lang sana ng dati ang lahat, kung pwede lang sanang sabihin sa kanya ang lahat.
"O bakit naiiyak ka na?" sambit naman niya ng napatingin sa mukha ko.
"I just really missed my best friend," pinahiran ko na ang luha ko at napangiti. "I really need to go now Rez. Renzo's probably waiting for me now," napatingin pa ako sa relo ko na para bang nagmamadali talaga ako.
"Do you have your driver with you or you drove your car?" Tanong ni Rezzy.
"Nah, I'll just grab a taxi, and please do not worry. Alam kong kumuha ng taxi." Alam ko na kasi ang tingin nitong binibigay sa akin ngayon. Knowing Rezzy nag-aalala na agad siya sa akin.
"What? You definitely can't ride a taxi. Paano kung may mangyaring masama sayo? Okay, ganito na lang ihahatid na lang kita papunta kung saan si Renzo. Or maybe you can contact Renzo to come fetch you here," tumango-tango pa siya.
"No! wag na, kaya ko naman Rez. Ano ka ba, malaki na ako." Natatawa kong sabi rito. She is treating me like a disabled person. Itong babaeng ito talaga.
" Okay, ihahatid na lang kita." Pagkasabi na pagkasabi nito ay nagring agad ang cellphone nito. Binasa nito ang message sa phone nito at napatingin sa akin.
"What?" Tanong ko rito, napatingin ito kay Nate at balik tingin sa akin.
"Nate can I ask a favor, ikaw na lang ang maghatid kay Serena. I really need to go to this urgent meeting. Serena, si Nate na maghahatid sayo. You still got my number right? Call me later, okay?" Agad-agad ako nitong hinalikan sa pisngi at lumapit rin ito kay Nate upang humalik sa pisngi nito. "Thanks Nate."
"Wait Rez." Hindi an ako nakapagsalita dahil agad itong lumabas ng pintuan at umalis. Naiwan na lamang akong nakatunganga habang nakatitig sa pintuan.
"You heard her." Napatingin ako kay Nate ng magsalita ito.
"Hindi mo kailangang sundin ang sinabi ni Rezzy. Hindi naman niya malalaman kung hinatid mo talaga ako. I'll go by my own." Lumabas na din ako ngunit sinundan na lang ako nito. Mabilis akong nanglakad ngunit mabilis din niyang nahawakan ang kamay ko.
"Bitawan ko nga ang kamay ko, alam kong umuwi ng mag-isa. Hindi na ako bata at may memorya na ako Nate." Diniinan ko ang pagkakasabi sa mga huling salita na sinabi ko. Talaga bang hindi niya nakukuha ang sinasabi ko?
"Ihahatid kita and thats final," Matigas niyang sagot sa akin habang hila-hila ako. Hindi ko na napansing nakasakay na pala ako sa kotse nito. Hindi na ako nagsalita pa dahil lalo lang akong mabubuset sa kanya.
"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" si Nate.
Hindi ko siya sinagot, nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse. Magkipag-usap ka sa hangin.
"Kung sumakit man ang ulo mo ay uminom ka kaagad ng gamot na binigay ko sayo. Wag na wag mong kalimutang uminom niyan, pwede ka ring pumunta uli sa hospital at tanungin mo lang ako doon." Hindi ko pa rin ito nilingon at di pa rin ako nagsalita.
Mga ilang minuto rin ang lumipas at napansin kong malapit na kami sa bahay. Alam pala niya kung nasaan ang bahay ko, hindi na nakakapagtaka.
Tumigil na ang kotse sa harap ng bahay. Nakatingin lang ako sa harapan.
"Don't ever try to mention anything to Rezzy. Ayokong isipin niya na may kung anong nangyari sa atin. Just tell her you saved my life in New York and we became friends. Hindi na ako magpapasalamat sa paghatid mo sa akin dahil ikaw naman ang nagpupumilit. " Bumaba na ako ng kotse nito ngunit ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso sa may bewang ko. Napatingin ako sa kamay nitong agad kong tinanggal.
"Please don't do this Solemn." Hinarap ko siya.
"I am not Solemn, its Serena. At tigil-tigilan mo na nga ako sa mga arte mo. Don't act so close to me now." Agad akong naglakad at pumasok sa loob ng bahay.
Napansin kong walang ilaw sa loob ng bahay pero alam kong nasa loob si Renzo dahil nakapark ang kotse nito sa labas. Binuksan ko ang pintuan at di ko na nagamit ang susi ko dahil bukas pala ang pintuan.
"Saan ka galing?" Napatingin ako sa kanya, nakaupo siya sa isang tabi. Hindi ko siya naaninag masyado ngunit alam kong nandoon siya dahil sa konting liwanag na galing sa labas.
Naglakad lang ako diretso papunta sa kusina at hindi ko siya pinansin. Napabuntong hininga ako, tapos na ako sa isang Renzo, ngayon naman ay itong Renzo naman ang kailangan kong harapin.
"Serena." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak na sa braso ko. Binalikwas ko iyon at dumitso ako sa refrigerator para kumuha ng bottled water. Ayokong kausapin siya at ayokong makita siya dahil bumabalik lang sa akin ang lahat ng ginawa niya.
Bumabalik ang lahat na parang gusto kong umiyak ng umiyak na naman dahil sa sakit at galit na paulit-ulit kong nararamdaman. Kung pwede lang na hindi ako umuwi sa bahay na ito ngunit wala naman akong ibang pupuntahan.
"Nakita kitang kasama ang lalaking iyon, kasama mo ba siya buong araw?" Uminom lang ako ng tubig at naglakad palayo rito.
"Sagutin mo ako Serena." Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Oo, masaya ka na? Bitawan mo na ako." Ngunit hindi siya natinag at nakatingin lang din siya sa akin.
"Bakit nakipagkita ka sa kanya? Bakit Serena?" may halong galit ang boses niya, lalo ding humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Wala kang karapatang tanungin ako niyan, Renzo." Maikli kong sagot rito. Nakatitig ako rito ngayon gumuguhit ang galit sa mga mata nito.
"Ako ang asawa mo kaya may karapatan akong tanungin ka." Sagot naman niya. Natawa ako sa sinabi nito.
"Asawa? Ikaw? Asawa ba kita? Kailan iyan Renzo? Kasi hindi pumasok sa utak ko kung asawa nga kita. Sa papel lang tayo mag-asawa kaya wag kang umarte dyan na parang ginagampanan mo ng amaayos ang pagiging asawa mo sa akin." Mairin kong sabi rito. Isang mapait na katotohan nga naman, isang katotohanan na kailangan kong harapin.
"Serena, if this is about what happened earlier please just let me explain. Pakinggan mo ako." Napansin ko ang pagsusumamo nito ngunit bato na nga siguro ng puso ko. "The scene you saw was nothing---" Ngumiti ako at umiling-iling.
"You don't have to explain anything. Hindi naman iyan kailangan, hindi ko iyan kailangan. You can have all the girls you want, have fun. I don't care at all. Wala na akong pakialam sayo Renzo. Magpakasaya ka dahil wala na ang babaeng tanga at patay na patay sayo. Alam mo kung anong nangyari sa kanya? Pinatay mo." Unti-unting kumakawala ang kamay niya sa braso ko.
Mabilis ko siyang tinalikuran. Kung akala niya na ako pa rin ang parehong babaeng umiiyak sa isang tabi na kulang na lang ay maglupasay sa harapan niya para mahalin at pansinin niya ay nagkakamali siya.
I am just damn tired to care again, too tired from all his shit.