Chapter 30
SERENA's POV
Good morning my beautiful wife! I'm sorry that I can't bid my goodbye this morning. Hindi ko kasi makayanang gisingin ka. You just look so lovely while sleeping. Here's a red rose for my beautiful lady, this is my way to say I am sorry again about last night. Kung may nagawa man akong mali sana ay mapatawad mo ako.
P. S There's a phone above this note, long press the number 1 then it will connect to me. I wanna hear your voice.
P. S I saw the necklace, the one that I gave you above your table. I hope you wear that all the time.
Mabilis kong nabasa ang note na iniwan niya sa mesa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinulat niya, napansin pala nito ang pagka-irita ko kagabi. Nakapag-isip ako na nagmukha pala akong isip bata kagabi dahil sa bigla ko lang pagka-irita ng walang dahilan.
Napangiti ako habang hawak-hawak ang red rose at inamoy ito.
Mabilis kong kinuha ang phone at sinundan ang sinabi nito. Narinig ko na nagriring sa kabilang linya at ilang ring pa ng sumagot na talaga ito. Ilang sandali pa ng walang nagsalita hanggang sa may narinig na akong boses at mas lalo kong kinabigla na boses babae pa ang sumagot.
"Hello, who is this?" Mataray pa ang pagkakasabi nito na parang pagmamay-ari nito ang cellphone ni Renzo. Napataas ang kilay ko bigla. Bakit nasa babaeng ito ang phone no Renzo?
"Ikaw sino ka? Bakit nasa sayo ang phone ni Devon?" Diretsa ko itong tinanong. Biglang nag-init ang ulo ko ng naalala ko na ito rin ang babaeng kausap ko kagabi. Tinanong ko pa talaga ang pangalan eh boses pa lang alam na alam ko na.
"I asked you first, anyway Devon is in the bathroom right now. I can take your message to him if you want?" sagot nito na parang hindi ko nakukuha ang sinasabi nito.
"I am Serena. Hindi na kailangan, ako na mismo ang magsasabi sa kanya. By the way I'm his wife." Hindi ko na narinig ang sagot sa kabilang linya dahil binabaan ko ng tawag. Anong gustong palabasin ng babaeng iyon? Bigla akong napahawak sa noo ko, umagang umaga ay merong nangsisira ng araw ko.
Binaba ko ang rose na hawak hawak ko at inilagay sa kung saan ang nakalagay ang note. Hindi ko maintindihan ngunit nawalan din ako ng ganang hawakan ang rosas na binigay sa akin ni Renzo. Pinilig ko ang aking ulo upang limutin ang nangyari lang ngayon.
"Ayokong masira ang araw ko ng dahil lang sa babaeng iyon. Let's be productive today, I can't waste my time here." Ngumiti ako at napahikab. Tumayo na ako sa higaan at hinanda ang damit ko na susuotin.
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Napatingin ako sa rose na necklace na sinasabi ni Renzo. Sinuot ko na rin ito dahil alam kong ito ang regalo niya sa akin noong birthday ko. Napangiti ako habang nakatingin sa salamin.
Buong araw akong nag- iikot sa hacienda sa mga lugar na kung saan ay hindi namin napuntahan ni Renzo tulad ng kung saan nagpapaanak ng mga kabayo at baka. Nakakatuwa lamang dahil sa lahat ng ito ay marami akong natutunan hindi lang sa buhay ng mga tao sa hacienda at nasasanay na rin ako sa mga pasikot-sikot sa hacienda. Minsan bumabalik na sa akin ang ilan naming mga alaala ni Renzo sa pagkabata at ng lumaki na kami.
Pinayagan ako ni Grandma sa lahat ng gusto kong subukan sa hacienda. Minsan nagkwewento naman si Grandma tungkol kay Renzo at minsan tungkol sa akin o mismong tungkol sa aming dalawa. Natutuwa ako dahil naging mas malapit ako kay Grandma ngayon kung ikokompara dati.
Nakahiga na ako sa kama habang nakatitig sa aking cellphone nag-iisp ako kung dapat ko bang tawagan si Renzo ngayon. Nasabihin ko na rin si Grandma na gusto ko ng bumalik sa Maynila nagbiro pa talaga si Grandma na gusto ko na daw bumalik dahil sa wala si Renzo dito. Tawa na lang ang nasagot ko kay Grandma.
Si Grandma na rin daw ang bahala sa helicopter ko bukas para maihatid ako kung nasaan mismo si Renzo. Hindi rin daw nito sasabihin na bukas na ako uuwi para daw masurprisa nga si Renzo. Talagang tamang-tama sa plano ko.
Pipinindot ko ang number 1, nagtatalo ang isip ko kung dapat ko ba siyang tawagan. O baka nakakaistorbo ako sa kanya o kaya baka kasama niya iyong antepatikang baabeng iyon. Binaba ko ang phone sa kama ng maalala ko ang babaeng iyon na baka kasama ngayon ni Renzo. Hindi ko naman maipagkakaila na hinintay ko man lang tumawag sa akin kanina si Renzo, ngunit lumipas na ang maghapon ni ha ni ho ay wala akong narinig rito.
Bigla akong napaupo ng magring ang phone. Napatingin ako sa tumatawag at pangalan nga nito ang nakalagay doon. Nabigla pa ako na ang nakarehistro pala doon ay pangalan nito na 'Renzo'. Nagtalo pa ulit ang isip ko kung sasagutin ko iyon o hindi. Hindi na napigilan ang kamay ko ng pindot nito ang accept button.
"Hello Serena, gising ka pa ba?" Hindi ako sumagot rito at pinakinggan lang ang boses nito maganda sa pandinig kahit na nasa telepono. Its so manly, its sound so masculine.
"Are you there? End ko na ba ang call?" tanong ulit nito ng sinabi nitong end na ang tawag ay hindi ko na mapigilang magsalita.
"Nandito ako." iyon lamang ang nasabi ko. Hinintay ko itong magsalita.
"Nadisturbo ba kita sa pagtulog mo? I'm sorry hindi ko napigilan ang sarili kong tumawag sa oras na ito, hindi ka kasi tumawag kaninang umaga sa akin tapos nadrain ang phone kong ito habang hindi ko dala ang private phone ko kanina para matawagan ka man lang." Mahaba nitong paliwanag.
"Ah ganon ba? Ok lang. Wala ka bang natanggap na tawag kanina?" Tanong ko rito.
"Tinawagan mo ba ako kanina? Wala kasi akong natanggap." Sagot naman nito. At ramdam ko sa boses nito hindi talaga nito alam na tumawag ako.
"Hindi siguro namali lang ako ng pindot." Sagot ko naman rito. Napangiti ako dahil hindi pala sinabi ng babaeng iyon na tumawag ako kanina. Ah ayokong isipin ang babaeng iyon, so not worth it.
"Oh okay, I just to check on you, that's all. Ibaba ko na ang tawag para makatulog ka ng maaga. Truthfully, I just wanted to hear your voice well hindi rin naman ako nagsisinungaling no'ng nag-aalala ako sa iyo. Good night Serena." Natahimik ako bigla, hindi ko alam ngunit wala akong masagot rito ayoko ko ring mag good night dahil ayoko pang matapos ang usapan namin.
"Devon.." Iyan lang ang nasabi ko rito. Isusunod ko sana sasabihin rito na babalik na ako ngunit biglang naisip ko puntahan na lang mismo ito sa opisina nito bukas ng hindi nito alam.
"Hmm?" Kaunting sagot rin nito sa kabilang kinya.
"Matulog ka na, good night." Sabi ko sa kanya habang napahikab na rin. Kailangan maaga pa akong magising bukas para timing ang pagpunta ko bukas roon.
"Serena.." Tawag niya
"Hmm." Ginaya ko lang din ang sagot nito kanina. Isang mahabang katahimikan muna ang lumipas at narinig ko uli ang boses nito sa kabilang linya.
"I miss you so much. Kahit isang araw pa lamang ang lumipas namiss na agad kita. Siguro nakulam mo ako ng hindi ko nalalaman no? O kaya karma ito well ang ganda naman ng karma ko, ikaw." Narinig ko pa siyang tumawa na tuwang-tuwa sa sinabi niya habang ako ay tahimik lang dahil hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko sa kanya.
Nagsalita pa siya hgunit hindi na ako tuluyang sumagot at inakala na niyang tulog ako kaya binaba na niya ang tawag. Napahiga ako sa kama at napangiti. Well if I'm his karma then I'm glad. Hindi rin naman kasi ako lugi sa kanya. Sinara ko ang mga mata ko ng may ngiti sa labi.
"YOU'RE JUST a toy, part of the game he plays. Wag kang ilusyonada."
Bigla ako napamulat ng mata, kisame ang sumalubong sa aking mga mata. Isang panaginip lang pala, hindi ko maalala ang lahat ng napaginipan ko ngunit isa lang ang malinaw sa lahat kundi ang mga katagang iyon. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong nararamdaman dahil sa napaginipan ko ngayon lamang.
Napahawak ako sa noo ko napupuno ng pawis na malamig. Napatingin ako sa paligid, umaga na pala. That was just a dream Serena. Get over it. Sabi ko na lamang sa sarili ko.
Kailangan ko ng maghanda para sa pag-alis ko, mabuti na lamang at nahanda na ang mga gamit ko at ang pag-aayos na lamang sa sarili ang iispin ko. Tumayo na ako at nagmamadaling nagpunta sa banyo.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay tapos na akong maligo. Naihanda ko na rin ang susuotin kong isang dress paired with flat shoes na bagay na bagay sa diamond rose necklace ko. Napangiti ako habang tinitignan ang sarili sa salamin, naglagay din kasi ako ng kaunting powder at lip gloss. Kinuha ko na ang pouch bag ko.
Ready na ako kaya bumaba na ako at sakto na hinihintay na pala ako ng piloto. Ngumiti ako rito at sa ilang mga kasambahay na bumati sa akin. Hindi na ako nagpunta sa kwarto ni Grandma dahil alam kong natutulog pa ito at nagpaalam na din naman ako kahapon rito. Nangako ako sa mga naging malapit ko dito sa hacienda na babalik ulit ako at si Renzo dito. May inabot pa itong pagkaing dadalhin ko daw para kay Renzo, ito daw kasi iyong mga pagkain na gustong - gusto ni Renzo.
Sumakay na ako sa helicopter at nagsimula na itong umitaas. Binigay ko ang buong atensyon ko sa pagtingin sa lahat ng mga nadadaan namin. Hindi naman umabot ng isang oras ang naging byahe kaya mabilis din kaming dumating sa companya na kung saan nandito si Renzo.
Bumaba na ako sa helipad at may sumalubong naman sa akin na staff. Ito siguro ang pinahanda ni Grandma para tumulong sa akin ngayon. Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot sa companya na ito.
"Hi Maam! Ako na po ang bahala sa mga kagamitan mo. Ipapadala ko na lang po agad sa bahay ninyo." Sabi nito habang inaalalayan ako nito papasok sa opisina. Sumakay na kami sa isang elevator na diretso na sa opisina mismo ni Renzo. Isa itong elevator na exclusive lamang kay Renzo at papunta sa opisina mismo nito.
"Sige, ako na lang ang bahala rito. Makakabalik ka na sa trabaho mo." Sabay ngiti ko rito. Naglakad ako papunta sa isang desk, nakaupo roon ang isang babae na sekretarya ni Renzo kasi ito rin ang parehong babaeng nakita ko dati.
"Good morning Maam. Hindi ko po alam na pupunta pala kayo rito, hindi ko naman nasabihan si Sir." Medyo napansin ko ang pamumutla ng mukha nito habang sinasabi ang mga ito sa akin.
"Sandali lang naman ako rito. Gusto ko lang ibigay ang pagkain na naihanda para kay Devon." Sabay ngiti rito. Naglakad na ako papunta sa pintuan ng opisina ni Renzo ng pigilan ako ng sekretarya nito.
"Nako Maam, may importante pa kasing kausap si Sir. Hindi naman po pwedeng madistorbo ang transaction nila." Lalong namumutla ang mukha nito kaya hindi ko mapigilang buksan ang pintuan ng opisina.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko biglang humigpit ang hawak ko sa dala-dala kong pagkain. Isang babae lang naman ang nakakandong kay Renzo habang hawak-hawak nito ang mukha nito. Biglang napatingin sa akin ang dalawa at biglang napatayo si Renzo, tumba ang babaeng nakakandong lang kanina rito.
"Oh, so I'm so sorry if I was interrupting a very important transaction here. You can continue on what you were doing just now." Ngumiti ako kahit pakiramdam ko may lalabas ng apoy sa bibig ko. Bigla akong tumalikod at hinagis sa basurahan ang dala-dala kong pagkain.
"Wait Serena! You got this all wrong. Damn!" hindi ko pinakinggan ang ilan pa nitong sinabi.
Mabilis akong sumakay sa elevator at mabilis kong pinipindot ang close button para hindi na ako mahabol ni Renzo dahil rinig na rinig ko ang pagtawag nito sa akin. Hindi na nito naabutan ang elevator pero rinig na rinig ko ang malakas nitong mura.
Unti-unti bumuhos ang mga luha ko. Unti - unti ko rin silang pinahiram gamit ang aking mga kamay. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari kanina lang, napasara ako ng mga mata. Napahawak ako sa aking ulo ng mabilis na pumapasok sa ulo ko ang mga imahe o ang mga alaala ko.
Nakikita ko ang mga scenes na kung saan may mga kahalikan si Renzo, ang ilan naman ay may kalandian siya o kaya ay si Heidi naman ang kasama nito. Bumabalik na sa akin ang mga alala ko kaya mas lalo akong napahawak sa ulo dahil kasabay din nito ang pagsakit ng ulo ko na parang binibiyak.
Narinig ko ang pagtunog ng elevator means nasa ground floor na ako. Mabilis ako tumakbo palabas ng companya, rinig na rinig ko ang paghabol sa akin ni Renzo ngunit huli na ito dahil nakasakay na ako sa taxi.
"Serena! Pakinggan mo muna ako! Please wag kang umalis ng ganito lang! Serena!"
Pinupukpok nito ang pintuan ng taxi at may sinasabi pa ito ngunit hindi ko na ito marinig dahil sarado na ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.
"Manong paandarin mo na po at please pakibilisan lang. Salamat." Mabilis na humarorot ang taxi at hindi ko rin napansin kung nasundan ako ni Renzo. Wala akong pakialam kung masundan man niya ako basta gusto ko lamang mapag-isa at makapag-isip.
"Maam saan po ba kayo pupunta? Kanina pa po kasi tayo bumabyahe pero wala kayo sinasabi eh." Napalingon ako kay Manong ng bigla itong nagsalita.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang isang park. Pinatigil ko ang taxi at nagbayad ako. Bumaba ako at dumiretso akong naupos sa may benches. Napatingin ako sa mga batang naglalaro roon. Huminga ako ng malalim ngunit hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang nangyari. Tumulo na naman ang mga luha sa aking mga mata.
"Serena, Why are you here? Why are you crying? " bigla akong napatingin sa taong nagsalita. Nabigla ako ng makita ang isang tao na di ko din inaasahan na makita.
"Renzo-- Nate..."