Chapter 3
SERENA's POV
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng 'yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habang-buhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa
Prinsesa, prinsesa, prinsesa
Bumuka ang aking mga mata habang tumutulo ang mga luha. Sino ang taong nasa panaginip ko? Bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Pinahid ko ang mga luha sa aking mga kamay at napatingin ako sa sa basa kong mga daliri. Bigla akong napaupo at tinignan ang kamay ko na may mga kung anong nakadikit sa akin.
Napatingin ako sa suot ko, ano to? Bakit suot-suot ko ito? Bakit ganito ang istura ko?
Napatingin ako sa paligid ko, lumingon-lingon ako at mapatitig ako sa isang babae na nakasuot ng puti na damit at lumapit sa akin, maputi ang kulay ng kanyang balat at brown ang kulay ng kanyang buhok, kinakausap niya ako ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bigla akong naalarma ng inilabas niya ang isang matulis na bagay. Ano iyang maliit na matulis na bagay ?
Napaupo ako sa higaan at napalayo dahil sa takot. Bigla akong napatingin sa pintuan ng pumasok ang dalawa pang tao na nakasuot din ng parehong damit. Napatingin ako sa kanila. Anong gagawin nila sa akin.
"Sino kayo? Ano iyan?" Patuloy pa din nila akong kinakausap ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi nila sa akin. Napahawak ako sa ulo ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit ako nandito?
"Relax Miss, please take a breathe." Napatingin ako sa nagsasalita na babae, napunta muli ang aking tingin sa hawak-hawak niyang matulis na bagay.
Papalapit ng papalapit sa akin ang bagay na iyon ng tabigin ko ang kamay ng babae kaya nahulog ang matulis na bagay sa sahig. Hinawakan ako ng mga kahinahinalang mga tao sa aking mga braso kaya nagmatigas ako at winasiwas ko ang aking mga braso.
"Wag niyo akong hawakan, alisin niyo iyang matalim na bagay na iyan sa akin." Pinagsisipa ko sila ngunit wala na akong nagawa dahil dalawang lalaki na ang nagpigil sa akin. Napansin ko ang dalawa pang taong pumasok na lalaki. Ang isang lalaki ay nakasuot ng puting roba habang ang isang lalaki ay kakaiba ang pananamit.
Sino ang mga taong ito? Bakit ginagawa nila sa akin ito? Bakit wala akong maalala? Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko na para bang sinuntok ako ng kung ano. Napahawak ako sa ulo ko na para bang matutulungan ng dalawa kong kamay na mawala ang sakit na nararamdaman ko.
"Ugh. Sino kayo?!" Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ng mga taong purong nakaputi ang damit. Ginahawa na ang naramdaman ko ng nawawala na din unti-unti ang sakit. Nararamdaman ko ang panghihina ng aking katawan at ang unti-unti pagsara ng aking mga mga mata.
Ano kayang ginawa nila sa akin?
BAKIT WALA akong maalala?
Nakatitig ako sa labas ng bintana at napatingin sa mga taong dumadaan sa labas. Napatingin ako sa pintuan ngayon na kakasara lang dahil may pumasok na isang babaeng nakadamit ng puti, may sinabi pa ito pero hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila sa akin.
Marami akong gustong itanong sa kanila. Marami akong gustong malaman tungkol sa sarili ko. Bakit wala akong maalala? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Napabuntong hininga ako, sana may makausap na ako kahit isang tao na lenggwahe ko.
Ang kinakaroonan ko ngayon ay isang simpleng kwarto lang, puro puti ang nasa paligid ko, may mahabang upuan sa di kalayuan sa higaan ko at may nakita akong isang pintuan bukod doon sa pintuan na pinasukan noong mga lalaking nakaputi.
Nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya lumapit ako sa isang pintong napansin ko, kanina kasi naisipan kong lumabas kaso pinigilan agad ako ng isang lalaki kahit hindi ko naintindihan ang sinasabi niya ay agad ko naman nakuha ang gusto niyang iparating sa akin. Binuksan ko ang isang pintuan na nasa pinakagilid ng kwarto, nang makita kong ito nga ang hinahanap ko ay pumasok agad ako at umihi.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nakaihi ka na dahil nailabas mo na ang iniipon mong maduming tubig sa katawan. Tumayo na ako para itaas ang aking panloob ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo kaya napalingon ako ng hindi oras.
Napatitig ako sa isang lalaki na nanatiling nakatitig sa akin. Ang lalaki ay naestatwa sa kinatatayuan nito, unti-unting nanlaki ang mga mata ko at naisip ko ang sitwasyon ko ngayon, napasigaw na ako ng hindi oras. Narinig ko ang pagsara ng pintuan sa likuran ko.
"Ahh! Mamboboso!" Sumigaw ako ng sumigaw mabilis kong itinaas ang panloob ko at lumabas ng banyo. Napatingin ako sa paligid at napatigil ang mga mata ko sa lalaking komportableng nakaupo na ngayon sa tabi ng higaan ko habang kinakain nito ang mansanas na kinuha ata nito sa mga prutas na nasa maliit na mesa katabi ng higaan ko.
"Hoy mamboboso! Ang kapal ng mukha mong mamboso sa akin! Bakit mo ako binosohan kanina? Sino ka ba? Kilala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang siya sumagot sa akin, siguro hindi din niya naiintindihan ang sinasabi ko. Bakit ba iba ang salita ko sa kanila?
"Manong mamboboso hindi ka man lang ba hihingi ng dispensa sa ginawa mo sa akin kanina? Bakit hindi mo ako pinapansin? Nakakainis." Lumapit ako sa kanya ang at winagayway ko ang dalawa kong kamay sa pagmumukha niya ngunit ni hindi man lang ako pinansin at pinapatuloy lang ang pagkagat sa mansanas.
Gusto ko tuloy sumigaw sa inis ngunit tinampal ko na lang sa pagmumukha ko ang mga kamay ko at dumiretso ako sa higaan ko. Binalot ko ang sarili ko ng kumot para hindi ako magawan ng masama ng mamboboso na ito. Namula ako ng maalala ko ang nangyari kanina, may nakita kaya siya sa akin?
"Bwisit kang mamboboso, tss."
"Hindi ako mamboboso. At tsaka hindi ikaw ang tipo kong babae." Tama ba ang narinig ko? Nagsasalita siya kapareho ng salita ko. Dahil nakabaluktot ang pagkakahiga ko ngayon ay napa-diretso ako ng upo at humarap sa lalaking nagsalita. Niliitan ko siya ng tingin, ngayon ko lang natutukan ng tingin ang mukha niya.
Isa pala siyang magandang lalaki, matangkad din siya, maganda ang mukha at maganda ang balat niya. Ngumiti siya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako sa ibang direksyon. Narinig kong tumawa siya ng malakas kaya napatingin ako ulit sa direksyon niya.
"Hoy bakit tumatawa ka mamboboso? Naiintindihan mo naman pala ako bakit nagbingi-bingihan ka sa harapan ko kanina." Tumigil siya sa pagtawa at tumayo sa pagkakaupo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at kakaiba pa ang tingin niya sa akin. Mabilis kong tinakpan ng kumot na kinuha ko ang katawan ko.
Napansin ko ang maganda pangangatawan ng lalaking ito dahil hapit na hapit ang damit nito. Ngayong nakatayo siya ay mas napansin kong magandang lalaki talaga siya.
"Hmm.." Ngumiti siya at unti-unti siyang lumapit sa akin. Ni hindi ko na maigalaw at maialis ang katawan ko dahil naiharang na niya ang dalawang braso niya sa akin.
"A-Anong ginagawa mo?" Kinagat-kagat ko na ang kumot ngayon nahawak-hawak ko. "May masamang gagawin ka sa akin ano?"
"Masamang gagawin? Ano sa tingin mo ang masamang gagawin ko sayo?" Tinitigan niya ako, nararamdaman ko na ang malamig na pawis na dumadaloy sa noo ko. Bakit ang lamig-lamig dito ngunit pinapawisan pa din ako? Dahil ba sa bwisit na lalaking ito?
"Bastos ka!" Sigaw ko sa mukha niya. Napahawak ako sa mukha nito ang lalaki at pinahid nito ang kamay nito sa mukha. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng kumot. Nalawayan ko ang mukha niya, naku baka magalit siya at may gawin talaga siyang masama sa akin.
"Nilawayan mo pa talaga ang mukha ko. Dati bibig ko lang ang nilalawayan mo ngayon pati mukha ko na. Gustong-gusto mo talaga ako ano?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang kapal ng lalaking ito.
"Hindi ka lang bastos! Ang kapal pa ng mukha mo!" Sigaw ko ulit sa kanya habang nanlalaki ang mga mata, sinubukan kong makawala sa pamamagitan ng pagtulak sa dibdib niya ngunit mas malakas siya sa akin kaya hindi ko nagawang mapalayo sa kanya kaya ang nangyari ay mas lumapit na pa siya sa akin. Konting-konti na lang at mahahalikan na niya ako.
"Bastos? Totoo naman ang sinasabi ko, gusto-gusto mo ang ginagawa mo dati sa akin, ang ginagawa natin sa isa't-isa." Kumindat pa siya sa akin habang ako ay naestatwa sa narinig ko. Ano daw?
Napaupo na ako sa kama kakalaayo sa kanya hanggang sa na natumba na ako sa higaan at ganoon din siya. Napasinghap ako sa nangyayari.
"Ano.. anong ginagawa natin sa isa't-isa? Anong pinagsasabi mo diyan?" Nakahiga na ako ngayon sa kama habang siya ay nakadantay na sa akin at ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. Kunting-konti na lang ang distansya namin.
"Parati nating ginagawa iyon dati." Pakiramdam ko sobrang pulang-pula na ang mukha ko ng maintindihan ng utak ko ang sinasabi ng lalaking ito. Kanina ko pa naaamoy ang mabango niyang hininga. Ugh ayokong maging manyak katulad ng lalaking ito.
"Hindi ka lang bastos at mamboboso, manyak ka pa!" sigaw ko habang siya ay ngumiti lang sa akin.
"Manyak? Bastos? Mamboboso? Alam mo hindi kita binobosohan kanina, alam mo kung bakit?" Lumapit siya sa may tenga ko at bumulong sa akin. "Nakita ko na ang lahat."
"Manyak ka talaga!" buong lakas ko siyang tinulak. Nabigla ata siya sa pagkakatulak ko dahil nawalan siya ng balanse at nahulog sa kama.
"Hindi mo nga ako naaalala," sambit niya habang nakaupo na sa lapag.
"Kilala? Kilala ba kita?" siya kilala ko?
"Kilalalang-kilala mo ako," tumango siya sa akin.
"Eh ako kilala mo ba ako?" tanong ko ulit dito.
"Syempre girlfriend kita eh," ano daw? Girlfriend ano iyon?
"Girlfriend mo ako? Ano iyon?"
"Oo nga pala, ang ibig sabihin ng girlfriend ay kasintahan," napatayo ako ng hindi oras kaya naapakan ko ang paa niya. Dahil sa nawalan ako ng balanse ay natumba ako. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at mukha niya ang una kong nakita.
"Oo, mag-kasintahan tayo." Tinitigan niya ang buong mukha ko habang nalukot ang mukha ko.
"Teka sinabi mong hindi mo ako ang tipo mong babae, bakit naging magkasintahan tayo?" Tanong ko rito. Pinagloloko lang ako ng lalaking ito.
"Bakit? Hindi naman talaga kita tipong babae pero anong magagawa ko kung ikaw ang nagustuhan ko." Napatitig ako sa kanyang magandang mukha. Nabigla ako ng hinalikan niya ako sa bibig at nakangiti siya ng nilayo niya ang mukha niya sa akin.
Nanlaki lang ang mga mata ko.