Chapter 4
SERENA's POV
Kasintahan pala ha!
May naiisip akong gawin para tignan kung totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito na kasintahan niya daw ako, kasi parang hindi naman. Nakatingin ako sa kanya na ngayon ay may kung anong ginagawa ngayon sa isang bagay na hawak-hawak nito.
"Oy," tawag ko sa kanya sabay sundot sa braso niya ng ilang beses. Dahil sa hindi pa din niya ako pinansin ay hindi ko tinigilan ang pagsundot sa kanya gamit ang dalawa kong kamay. Natatawa ako sa pagmumukha niya ng tumingin na siya sa akin.
"Bakit ang kulit mo?" Nakatingin lang uli siya sa akin na para bang may hinihintay siya na sabihin ko.
"Ano may sasabhin ka ba? Kanina ka pa sundot ng sundot sa akin. Mabuti sana kung braso lang eh nakakaabot iyang daliri mo sa kili-kili ko. Pinagnanasaan mo ba ang kili-kili ko?"
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya, aba ang kapal naman ng mukha ng mokong na ito.
"Bakit ang kapal talaga ng mukha mo? Hindi ko talaga mapaniwalaang magkasintahan tayo. Parang may mali e." Sabi ko sa kanya.
"Anong mali iyang sinasabi mo?" Isinantabi niya ang bagay na hawak-hawak niya sa kanyang kamay, iyong bagay na kanina niya pa pinipindot-pindot gamit ang kanyang mga daliri.
"Paano ako nagkagusto sa isang katulad mo? Makapal ang mukha, namboboso, bastos at lalo na manyak pa," napangiwi siya sa boses ko. Tumingin ako sa ibang direksyon, ito ba talaga ang taong mahal ko at gustong-gusto ko?
"Patay na patay ka sa akin dati. Ni hindi mo nga ako maiwang mag-isa dahil natatakot kang maagaw ako ng iba. Gusto kong ibalik iyang memorya mo para maalala mo na ang lahat." Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Patay na patay talaga? Well gwapo naman talaga siya kahit ayokong aminin pero parang may mali talaga, hindi ko lang masabi-sabi.
Patay na patay nga ba ako sa kanya? Bakit hindi ko maalala? Bakit hindi agad bumalik ang lahat ng alaala ko?
Gusto kong makilala ang sarili ko. Bakit ngayon ko nga lang ba naisip na kung kasintahan ko nga siya ay dapat kilalang-kilala niya ako baka pag nasabi niya kung sino ako ay baka magbalik na ang aking mga nawalang alaala.
"Pwede bang tanungin kita tungkol sa sarili ko? Bakit wala akong maalala? Bakit nandito ako? Gusto kong malaman ang buong pangalan ko. Kung anong klae akong babae, kung saan ako nagmula. Gusto kong malaman kung paano tayo unang nagkita, gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa sarili ko. Pwede mo ba sabihin sa akin ang lahat ng ito?" Mahinahon kong sabi sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa akin na parang hindi makapagsalita ngunit maya-maya ay tumango siya.
Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin sa may higaan habang ako ay nakadantay lang sa higaan ko. Pinigil ko siya ng magsimula siyang magsalita.
"Teka lang, diba magkasintahan tayo? Gusto kong ipagbalat mo ako ng mansanas, manggang hilaw at dalandan habang nagkwekwento ka sa sarili ko." Tinuro ko ang prutas na parehong katabi namin, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Gusto kong matawa sa busangot niyang pagmumukha ng mapatingin ako sa kanya.
"Nandito ka dahil naaksidente ka isang buwan at dalawang linggo na ang nakakalipas. Isa itong ospital, napunta ka dito upang magpagaling. Dahil na aksidenteng nangyari sayo, sa sobrang pagkabagok ng ulo mo ay nawala lahat ng memorya mo tungkol sa sarili mo. Hindi mo magagawang maalala ang lahat ngunit babalik din ang lahat ng ito sa tamang oras. Wag kang magpagod sa sarili sa pag-iisip dahil mas lalong hindi makakatulong sa estado mo ngayon. Magpahinga ka hangga't maaari hanggang sa pwede ka ng makaalis dito." Hindi ako makaimik sa narinig ko. Kaya pala wala akong maalala kahit isang impormasyon sa sarili ko.
"Ang pangalan mo ay Solemn Grey, ikaw ay may lahing american at filipino. Ibig sabihin isa kang kalahating filipina at kalahating amerikano. Ikaw ay 22 years old ay oo nga pala hindi mo maintindihan ang ingles.. Ikaw---" pinigil ko siya sa pagsasalita ngunit pinagpatuloy ko sa kanya ang pagpapabalat ng prutas.
"Naintindihan ko ang 22 years old kaya ipagpatuloy mo ang sinasabi mo." Napatingin siya sa akin at nakikita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata ngunit nawala din agad iyon at pinagpatuloy niya ang pagkwekwento sa buhay ko.
Solemn pala ang pangalan ko, maganda ang pangalan ko na kinangiti ko. Ang bata ko din pala kasi 22 years old lang ako.
"Ikaw iyong tipo ng babaeng hindi naaakit sa panlabas na anyo, ang iyong unang tinitignan ay ang ugali ng isang tao. Naalala ko pa iyong una tayong magkita sa isang grocery store ibig sabihin sa isang tindahan. Noong araw na iyon ay pinagkaguluhan ako ng mga babae, napadaan lang kasi ako noon para bumili ng maiinom sa kasamaang palad ay nakilala nila ang mukha ko pero ikaw grabe sobrang suplada mo." Natatawang sabi niya sa akin.
Habang tinititigan ko ang mukha niya mas lalo kong napapansin ang pagiging gwapo niya. At habang ngumingiti siya mas lalong nadadagdagan ang kagwapuhan niya.
Gusto kong sapukin ang noo ko sa naiisip, bakit ba ako napopogian sa lalaki na ito?
"Talaga suplada ako?" tanong ko sa kanya na kinatango niya lang.
"Oo, nang nahulog ko ang bibilhin kong iinumin ay pinulot mo iyon at inabot sa akin, pagkatapo mong inabot ay hindi mo na ako pinansin. Nang nakiha ko na iyong inumin mabilis mo akong tinalikuran at sobra talaga akong nagtataka ng oras na iyon kung arte mo lang iyon para pansinin kita o ganon talaga ang ugali, suplada. Iyong huli nga ang tama, suplada ka nga." Habang nilalagay niya sa pinggan ang mga natatapos niyang balatan ay nilalantakan ko kaagad ang mga prutas habang nakikinig sa kwento niya. Isa pala siyang model kaya maganda ang hugis ng kanyang katawan at kapansin-pansin na alagang-alaga ito. Naikwento niya din kung paano naging kami. Pinagpatuloy niya pa ang pagkwento tungkol sa akin, lahat ng nalalaman niya sa akin. Nakikita ko naman sa mukha niyang totoo nga ang sinasabi niya.
Lahat ng tungkol sa sarili ko, gusto kong maalala ang lahat. Gusto kong maibalik ang dati, ayoko ng ganito na parang isa akong maliit na bata na walang kamuwang-muwang sa mundo. Naramdaman ko ang pagkirot sa aking ulo, nabitawan ko ang prutas na hawak hawak ko at napahawak ako sa ulo ko.
"Ugh," daing ko.
Sobrang sakit ng ulo ko na parang pinupokpok ng martelyo ng walang tigil, hindi ko mapigilang mapapikit. Kailangan kong indahin ang sakit, alam kong mawawala din ito. Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin sa paghiga at ang pagtusok sa aking ng isang matulis na bagay.
"Hindi, wag," tinakpan niya nag mga mata ko upang hindi ko makita ang ginagawa sa akin. Unti-unti ding nawala ang sakit ng ulo ko pero unti-unti ding bumibigat ang pakiramdam ko na parang hinihila na ako ng antok.
"Shh. Isara mo na ang iyong mga mata. Kailangan mo ng magpahinga Solemn." At tuluyan na nga akong napunta sa kadiliman.
NATE's POV
"Tama ba ang narinig ko Nate? Girlfriend mo siya?" Ngumiti sa akin si Zayne, na doktor ni Solemn at sa kasamaang palad ay pinsan ko.
Nakatingin ako sa natutulog na si Solemn. Isang buwan at dalawang linggo na din ang nakalipas mula sa aksidente niya ngayon ay wala na ang ilang pasa sa katawan niya, napansin ko ding wala ng bakas ng sugat sa kamay at paa niya pati na din ang ulo niya ay isang benda na lang ang naroon.
I dunno but when I look at her face, I had this strange feeling. I was right ng sinabi ko noong una pa lang na napakaganda niya lalo na ngayon nakabana ang buhok niya kahit may benda pa siya. Those expressive eyes thats what I like about her the most and i must not forget about that butt of hers. Napangiti ako ng maalala ko ang expression niya kanina sa loob ng comfort room kulang na lang bugahan ako ng apoy.
Napakakaibang babae talaga niya. She's really different from others.
"And now I'm seeing the smiling face of my cousin. This is definitely weird." Napatingin ako sa tsismoso kong pinsan.
"So girlfriend mo nga siya?" Tnaong niya uli sa akin.
"You know why I said that." Napabuntong hininga ako. Kahit tsismoso ang pinsan kong ito alam ko namang mapapagkatiwalaan ko siya.
"Your going to use her? Not a bad choice Nathaniel with that face and body, she's quite a catch." Yeah, I agree she is really a beauty.
"I know, alam mo din kung bakit ko ito ginagawa. Pinagmamadali na nila ako, you know I don't want trouble."
"Nakawala ka ng sa kamay ni Tita at Tito pero baka mapaso ka ng hindi mo namamalayan. What will you do if your plan backfired?" Nakikita ko pag-aalala sa mukha niya.
"That won't happen." I assured him.
"Whatever you say, dude. Wag kang iiyak sa huli, binalaan kita." Tinapik niya ang balikat ko at naglakad palayo.
Backfired? that won't ever happen. Namulsa ako ng may nakapa ako, inilabas ko ang mga iyon at tinignan. Plano ko sanang ibigay ang mga ito sa kanya pero sa susunod na lang.
Her diamond rose necklace and a wedding ring.