Chapter 1
NATE's POV
I need a drink.
Pumasok ako sa isang grocery store na nadaan ko pauwi sa apartment ko. Dumiretso akong pumasok at lumingon lingon kung nasaan ang beverage section. I am not really lucky though dahil nagsi-tinginan ang lahat ng babae sa akin. At kinakabahan ako dahil baka nakilala nila ang mukha ko. Nagsisisi na ako kung bakit ito lang ang sinuot ko ngayon. Dapat nagsuot at nagdiguise pa ako ng mas malala dito para wala talagang makahalata.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso akong kumuha ng isang can beer ng maramdaman ko ang pagsanggi sa akin ng isang malambot na katawan.
"I'm sorry I didn't mean to bump you. Oh! I know you, that face. Your Nate, right?" Napakunot ako ng ulo dahil sa mga style ng pagsasalita na ginagamit ng babaeng nasa harap ko para makausap ako. I really hate this kind of girl.
"No, I'm not that guy. I'm sorry." Ngumiti na lang ako sa babae na ngayon ay titig na titig sa mukha ko katulad ng mga babaeng nakapaligid sa akin. Tumalikod ako at hinanap ang nahulog na can beer. Siguro nagpagulong-gulong iyon.
"Is this the one your looking for?" Inabot sa akin ng babaeng naka-eyeglass ang hawak-hawak niyang can beer. Habang tinitignan ko ang mukha niya, she actually has a beautiful face kahit na magulo ang buhok niya. "This is yours right?"
Habang tinititigan ko ang mukha niya ay wala akong mabasa na kahit na anong reaksyon sa mukha niya. I mean there is no admiration or anything at all, hindi katulad sa mga babaeng nagpapapansin pa din sa likuran ko. Kinuha ko sa kamay niya ang can beer pagkatapos ay tumalikod agad siya sa akin.
Maybe she don't know me? Sinundan ko ng tingin kung saan papunta ang babaeng nag-abot sa akin ng can beer. Nagpunta ang babae sa magazine section, may kinuha itong isang magazine at tinitigan ang harapan ng magazine then her expression changed. Kung kanina habang tinititigan niya ako ni isang ekspresyon wala akong mabasa ngayon ay nakikita ko lang ay kalungkutan.
Binitawan niya ang magazine, binalik sa kung saan nito kinuha at naglakad papunta sa fruit section. She's strange, nagkibit balikat na lang ako at nagbayad habang nagmamadali dahil may sumusunod sa aking mga babae. Lumabas na ako ng grocery store ng magring ang phone ko.
"What the?. No, tell them that Vanessa.. I'm not really interested in doing anything right now, you know that right?... Yes, just reject every work, I don't care what you do but please don't accept anything... Okay bye.."
Iyong tumawag ngayon lang sa akin ay ang manager ko. She really wanted me to take the job, kahit isang oras lang daw ang kukunin sa akin for the photoshoot pero sinabi ko sa kanyang pagod ako kaya nga nilinis ko ang schedule ng isang buwan para makapag-pahinga sa lahat ng ito but then she is still bugging me.
Sumasakit na naman ang ulo ko ng mag-ring ang phone ko. I turned it off immediately ng makita ko kung sino ang lumabas sa screen, the name of the photographer. How many times do I have to tell them na ayokong magkaroon ng trabaho ngayong buwan na ito. I just wanted to relax and get away from all the things that stresses me out.
Tinago ko na sa bulsa ko ang cellphone, inayos ang fake eyeglass ko at ang sumbrero. Ito kasi ang nagsisilbing disguise ko pag lumalabas ako at maglakad-lakad para hindi ako makilala ng mga tao. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng mapansin ko ang isang babaeng naglalakad na may dala-dalang paper bag. Siya iyong babae kanina sa sa grocery store.
Her clothes is not revealing or anything, hindi ko din naman makita ng mabuti ang mukha niya. But then kahit normal na normal ang suot niya ay napapansin pa din ang hubog ng katawan niya at isa din siyang matangkad na babae. Hindi naman ako manyak o ano pa man, I just appreciate women who wear simple clothes but still look stunning like a model.
Medyo malayo ang kinatatayuan ko, nasa kabilang kalye ako ng mapansin ko ang pagpaligid sa kanya ng tatlong lalaki. Sa simula akala ko nakikipag-usap lang siya sa mga ito di kalaunan ay hinawakan na ang magkbila niyang braso at pinilit na maglakad. Na alarma na ako ng mapansin ko ang ginagawa ng mga lalaking iyon. Hindi ako mahilig makipag-away o sumali sa mga ganito at baka makatawag pa ako ng atensyon ngunit nakikita kong walang kalaban-laban ang babae sa mga lalaking ito.
Medyo may kadiliman na nga sa bahaging ito ng kalye and this is New York so what would I expect? Hindi na bago ang ganitong nangyayari ngayon. Siguro mga nakadroga ang mga taong ito na ngayon namimilipit na sa sakit dahil sa ginawang pag-sipa ng babae sa pagkalalaki noong isa sa mga lalaki na nasa harapan nito. Natawa ako sa ginawa ng babae but then hindi pa din nagpapigil ang mga lalaki at narinig ko pang sabi ng mga ito.
"Don't let her getaway! Dammit!"
Nagsitakbuhan ang mga lalaki at hinabol ang babaeng binitiwan na ang dala-dalang paper bags. Sinundan ko din ang mga ito at tumakbo din ako papunta sa kung saan ang babae.
Napatigil ako ng tumigil tumakbo ang babae at lumingon sa direksyon ko kung saan nasa unahan ko ang mga lalaking humahabol sa kanya. And there was light all over her, ang dating nakaipit niyang buhok ay nakalaylay na ngayon. And I saw a her beautiful face but then it was too late.
Isang rumaragasang van ang tumama sa kanya, nakita ko ang lahat, kung paano siya tinamaan at dumaosdos sa gitna ng kalye. Tumama ang van sa isang tindahan, nagsitakbuhan ang tatlong lalaki na parang asong gala. Habang ako ay mabilis na lumapit sa babaeng nakahandusay.
"Hang on Miss, don't close your eyes," nagsilapitan na ang mga tao na dumadaan ngayon lang. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko na naka-off ngayon.
"Can someone call an ambulance?!"
Bakit ngayon pa nagluko ang phone ko? Tinignan ko ang mukha niya, she's covered with blood at hindi ko muna siya ginalaw dahil baka may bale sa katawan niya. Unti-unting sumara ang mga mata niya.
"Renzo." Alam niya ang pangalan ko? How come?
Hindi ko muna inisip ang narinig ko sa kanya. Kailangang maagapan na agad siya dahil baka maubusan siya ng dugo. Maya-maya lang ay may dumating na ambulance, mabilis na nailagay ng mga tauhan ng ospital ang babae sa stretcher.
"Move fast!" Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa nadurog na cellphone na katabi ko. What the! Paano na iyan, sira na din pala ang cell phone niya. Napatingin ako sa bag na nasa tabi ko, kinuha ko iyon at dinala habang sumakay na din ako sa ambulance. Baka dito sa bag niya, may isa siyang identification card
Napatingin ako ngayon sa natutulog niyang mukha, how do you know my name? Gusto kong itanong iyan sa kanya pero imposible atang mangyari ngayon. Binuksan ko na lang at hinalukay ang laman ng bag niya. Bakit ni isang identification card ay wala akong makita sa bag niya? Anong gamit lang ba ang nandito. Tinignan ko isa-isa, puro walang kwenta ang mga ito. Napatingin ako sa isang maliit na notebook at nakasulat sa baba doon ang isang pangalan. Solemn.
Baka ito ang pangalan niya? Solemn. Napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay inaasikaso pa din ng mga attendant. Ilang minuto din ay nakarating na kami na hospital. Mabilis na dineretso siya sa Emergency room.
NAKATINGIN AKO sa natutulog niyang mukha. Ngayon ay nasa ICU na at tinitignan pa din ng mga doktor ang estado no'ng babae. Napabuntong hininga ako. Nagsisitinginan ang mga taong dumadaan sa akin ngayon, tinanggal ko kasi ang sumbrero ko kanina at ngayon hindi ko maalala kung nasaan ang naiwan lang ngayon ay ang fake eyeglass ko.
Lumabas sa pintuan ang doktor na nagcheck sa babae at lumapit sa akin . Tinapik niya ang braso ko at binigyan ako ng kakaibang tingin.
"How is she?" Hindi na lang niya ito pinansin at tinutok niya ulit ang tingin sa natutulog na mukha ni Solemn. I assumed na ito ang pangalan ng babae dahil ayoko naman na babae lang ang tawag ko sa kanya.
"Mabuti na lang at naidala mo agad siya dito kundi naging delikado ang estando niya. May ilang bali siya sa katawan, ilang sugat, gasgas at pasa. Pero ang lahat ng ito ay naagapan na, ang malala lamang ang brain damage niya. And right now she is in a coma, tinitignan at pinag-aaralan pa din kung ano ang after effect ng nangyaring ito, hindi din natin malalaman kung kailan siya magigising. Naiintindihan mo ang sinasabi ko diba?" Napatingin ako sa kanya at tumango.
"Alam ko hindi mo na kailangang sabihin sa akin." Tumabi siya sa akin at tinitignan din nito ang nangyayari sa loob.
"Alam kong matinik ka sa babae ngunit hindi ko akalaing makakadisgrasya ka ng hindi oras." Natawa lang ako sa sinabi niya. Inakbayan ko lang siya at kinutusan.
"Gago! Tinulungan ko lang iyan." Tumawa na din ito at bumitaw ako sa kanya.
"Bitawan mo nga ako nasisira ang imahe ko bilang doktor dito." Inayos nito ang white gown at ang buhok nito. "Anong sinasabi mo? On call doctor ka na ngayon?"
"Wala pa iyan sa bokabularyo ko ngayon Zayne." Oo iniiwasan ko pa ang tungkol dyan. Kung pwede nga ayokong pumasok sa ospital na ito kaya lang ngayon wala akong magagawa. Nandito na ako at kalaunan malalaman nilang nagpunta ako dito.
Magdadalawang buwan na ang lumipas ng makatangganggap ako ng tawag tungkol sa pag-gising ni Solemn.
"What? She's now awake?... Okay, I'll be there as fast as I can." Mabilis akong nagdamit at naglakad palabas ng studio.
"Where are you going Nate? The photoshoot is not yet finished."
"We just started Nate! come back!"
Hindi ko na pinansin ang mga pagtawag ng mga staff at mabilis akong umalis papunta sa parking lot. Wala na akong pakialam sa photoshoot dahil pwede ko naman i-reschedule ang lahat.
Napangiti ako sa nalamang impormasyon, after almost two months she's finally awake. Mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa hospital at mabilis akong nagpunta sa kwarto ni Solemn. Nilipat na kasi siya sa isang private room.
Binuksan ko ang kwarto at unti-unti akong pumasok. Ngayon ay pinapakalma nila ang babae na nag-sisigaw. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mga foreigner nurse na ngayon ay nahihirapan gawin ang trabaho nila. Lumabas ako ng kwarto ng tinawag ako ni Zayne.
"You're here, Nathaniel. I have some information about here, She's Filipina and she's suffering from amnesia."
"What?" bumuntong hininga ako. "Naisip kong mangyayari ito."
Pumasok ulit ako sa kwarto ng babae at narinig ko ang huling sigaw nito.
"Sino kayo?"