Chapter 23
SERENA's POV
"Were here," napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin at napatingin ako sa mukha niya pagkatapos. Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niyang naghihintay sa akin.
"Thanks," ngumiti ako at unti-unting lumabas sa kotse. Ngumiti lang din siya sa akin bilang ganti. Tumingin ako sa paligid at nag-obserba, base sa nalaman ko sa pagtatanong ko kay Devon. Ito ang bahay naming dalawa simula ng magpakasal kami, napatingin ako sa kabuuan ng bahay.
Isang malaking bahay para sa dalawang taong nakatira, wala daw katulong na kinuha dahil ayaw nito na may ibang tao bukod sa amin katulad ngayon nakasunod lang ako kay Devon at napatingin ako sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang malaking portrait na nakasabit sa living room.
Nabaling ang tingin ko sa babaeng nasa larawang iyon, mukhang napakasaya ko sa larawang ito dahil kitang-kita sa pagkakangiti ko ngunit sa pagkakalito ko ay may iba pa akong nakikitang emosyon sa aking mga mata sa litratong iyon at hindi ko alam kung ano iyon.
Napatitig ako sa mukha ni Devon na nakangiti sa portrait na ito. Hindi ko mapigilang mamangha pa din sa gandang lalaki niya. Gwapo talaga siya sa larawan na ito ngunit mas gwapo siya sa personal lalo na pag tinititigan mismo ang mukha niya, mas lalong gumagwapo habang lumilipas ang bawat segundo.
Napalingon ako kay Devon ng marinig ko itong tumikhim ng malakas. Bigla akong nagising sa malalim na pag-iisip at pagtitig sa litrato naming dalawa.
"Why not stare at the real thing?" sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Huh?" ngumiti siya habang unti-unting pumapasok sa utak ko ang sinasabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat sa mukha ko ang dugo sa katawan ko.
"Sabi ko andito naman ako, sa akin ka na lang tumitig kesa pagtiyagaan mo pa iyong portrait natin sa pagtitig mo. Sige ka sasakit ang leeg mo kakatitig sa akin dyan," lumaki ang ngisi niya habang mas lalo atang namula ang pisngi ko.
"Sinong nagsabing tinititigan kita dyan?" Sabay turo doon sa larawan at tumingin ako sa kanya na nakataas ang kilay. Oo kahit buking na buking na ako at pahiyang pahiya sa napaka gwapong lalaking ito ay sadyang makapal pa din ang mukha kong magkaila. Malakas talaga ang self confidence ko.
"Talaga lang ha?" unti-unti siyang lumalapit sa akin habang ako naman ay hindi makagalaw sa kinakatayuan ko at hindi ko rin alam kung bakit. "O bakit parang natulala ka? Sa kagwapuhan ko ba?" ngumisi siya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Makakuha nga malamig na tubig," bigla kong sabi.
"Ayan sobra ka kasing naglalaway sa gandang lalaki ko," bigla akong napasimangot sa sinabi niya. Sobra din ang confidence ng lalaking ito, pinanglandakan ba naman ang gandang lalaki. Tinitigan ko ang kabuuan niya, may ipagmamalaki naman kahit papaano.
"O mauubusan ka na ng tubig sa katawan niyan, tulo laway," natatawa niyang sambit.
Naningkit ang mga mata ko at the same time lalong namumula ako. Napatitig ako sa mukha niyang nakangiti, so this is how he looks when he is playful. Mukha kasing mahilig lang mag-straight face si Devon.
"Hindi lang pala ako ang nagangailangan ng malamig tubig rito pati ikaw din. Maghunos dili ka," pagkasabi napagkasabi ko ay tumawa na lang siya ng malakas at ako ay nakatitig lamang sa kanya.
Sino ba naman ang nag-aakalang sa iilang araw ko nakakasama at nakikita ang mukha ni Devon ay makikita ko ang nakangiti at ang nakatawa niyang mukha. Ngayon mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.
"Tawa ka ng tawa dyan. Tss," lumayo na lang ako at naglakad sa kusina para makalayo sa kanya dahil pakiramdam ko nahuhumaling ako sa pagmumukha niya. Mahirap na baka makasuhan ako bukas ng rape. Napahagikhik ako sa naiisip.
Hindi ko alam ngunit nawawala iyong pagkailang ko kay Devon hindi katulad noong dati na hindi ako sa kanya makapagsalita ng mabuti, ngayon medyo makapal na ang mukha ko.
Oo makapal na makapal dahil ngayon titig na titig na naman ako sa katawan niya at wala na talaga ata akong hiya dahil kahit makatingin na sa akin si Devon hindi ko pa din nilalayo ang tingin ko sa kanya. Gandang lalaki talaga neto eh, hindi mapigilan ng malandi kong mga mata. Hay.
Ang bilis ng oras dahil gabi na, buong araw kaming nagtatawanan at nagbabangayang dalawa, hindi ko talaga akalaing masaya pala kasama si Devon. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side na para siyang napaka cute at makulit na batang lalaki. Sa sobra niyang cute ay pinagnanasaan ko siya.
Naadik na ata ako o kaya nalasing na ako sa kakainom ng malamig na tubig. Malamig naman dito sa bahay kay centralized aircon ang buong bahay kaso pakiramdam ko naiitan pa din ako. Wala pa din akong naalala tungkol kay Devon pero hindi ko na pinipilit ang sarili ko, lalo na't sabi din ni Devon na hayaan ko na daw ang panahon na ibalik ang mga memoryang nawala sa akin.
Kinusot ko ang amg mata ko habang inaaninag ang paligid. Hindi ako makatulog na kahit anong pikit ko sa aking mga mata ay wala pa ding nangyayari. Tumayo ako sa pagkakahiga at nagpunta sa may veranda ng kwarto ko, andito kasi ako ngayon sa guest room.
Napakunot ang mga mata ko at napatingin ng mabuti sa labas dahil sa maliwanag ang gabi ngayon ay kitang-kita ko si Devon na nag-iisa na nakaupo sa may bench at nakatitig lang sa kawalan.
Bumaba ako at dinala ako ng mga paa ko kung saan siya naroon. Tumikhim ako at lumingon syiya sa akin. Minuwestra niya ang upuan sa tabi niya kaya naka-upo na ako sa tabi niya. Napansin kong umiinom pala siya ng alak.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ako makatulog, kaya ito," pinakita niya sa akin ang nakaboteng alak. Kukuha din sana ako ng alak ngunit pinigilan niya ako. "Hindi ka sanay uminom kaya hindi pwede," nilayo niya sa akin ang alak at kumunot ang noo ko. Gusto ko pa naman uminom dahil hindi ko maalala kung anong lasa ng alak.
"Paano mo naman nalaman na hindi ako sanay uminom?" ngumiti siya sa akin na parang may naiisip siyang kakaiba at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
"I experienced your wild side one time when you were drunk ages ago." Ano daw? Wild side? Ako?
"Di nga? Ako? Sus nagsisinungaling ka lang ata eh," siniko ko pa siya ngunit sinimsim lang niya ang alak sa kamay.
"I have a piece of evidence, wanna see it?" parang biglang nagkaroon ng malaking question mark sa mukha ko kaya nagsalita uli siya. "When your drunk you're turning into a wild cat, a wild sexy seductress cat."
"Wild sexy seductress cat? Seductress?" napahawak ako sa noo ko.
"Oo kaya wag kang iinom lalo na pag iba ang kasama mo baka mapagsamantalahan ka pa ng iba," sabay lagok ng alak. Napalingon ako sa gilid niya at nakita ang iilang bote na nasa lupa na tumba na.
"Oo na po boss," tumingin ako sa kalangitan at tinititigan ang malaking buwan. "Ang ganda."
"Ang ganda nga.," tumingin ako sa kanya at bigla akong namula dahil nakatitig pala siya sa akin. Ako ba iyong maganda na sinasabi niya? Tumikhim ako.
"Sige papasok na ako." Tumayo na ako ngunit naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Napatigil ako at hindi ko alam bakit hindi ako makagalaw kahit pwede naman. Tumayo siya at pinaharap ako sa kanya. Ngayon ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamay niya. Napatitig ako sa kanya, medyo namumula na ang mukha niya. Ang cute niya tignan.
"I am glad, so glad that your back. I will never ever allow you to leave my side again. Kahit idikit na kita sa akin para lang makita kita palagi ay gagawin ko. Hindi ko na mapapayagang mangyari uli ang nangyari sa atin dati. I just missed you so damn much." Hindi ako nakapag-salita dahil agad niya akong niyakap ng mahigpit.
Ito na ba ang epekto ng alak?