Chapter 24

SERENA's POV

"Hmm," kinuskos ko ng kaunti ang aking mga mata. "Hmm, ang bango naman ng unang ito katulad ng amoy ni Devon." Devon? Katulad sa amoy ni Devon?

Napalunok ako at napasara ang aking mga mata. Nandito ba ako sa kwarto ni Devon? Muli kong inamoy ang kumot at ang unan na yakap-yakap ko sa isang kamay. 100% na ito nga ang natural na amoy ni Devon. Hindi ko maintindihan kung bakit alam ko na ganito ang amoy niya. Siguro ang malanding side ko ang may alam?

Deny effect ba, Serena?

Mabilis akong napatayo at napatingin sa paligid. Tama nga ako, nandito nga ako sa kwarto niya na kwarto dapat namin. Oo hiwalay kami ng kwarto dahil na rin sa pareho naming kagustuhan ni Devon. Alam niyang hindi pa ako handa na kasama ko siya sa isang kwarto kaya pinayagan niya kaming magkahiwalay ng kwarto hanggang sa maaalala ko na ang lahat ng nawawala kong alaala.

Ngunit ngayon bakit humantong ang ganitong pangyayari? Nasarapan pa ako sa mahabang tulog ko at may pailing-iling pa akong nalalaman ng malaman kong mag-asawa nga pala kami at iisang kwarto ang gagamitin namin. Naisip ko pa dati na hindi ko kayang may ibang katabing hindi ko kilala ngunit ngayon ganito ang sitwasyon ko.

Nasaan ang kahihiyan mo sa katawan Serena? Bakit ka nakitulog sa kwarto ng iba?

Napahiga uli ako sa kama at nilubog ang ulo ko sa malambot na unan. Bakit ang bango ng mga unan na ito? Pakiramdam ko tuloy inaamoy ko si Devon.

Shit! Namamanyak na ata ako.

"Ganito din ba ako noon? Manyak?" napaisip ako bigla. Pinagnanasaan ko din ba ng ganito si Devon? Biglang kumunot ang noo ko, sinong pinagnanasaan ko? Si Devon? Ngayon?

"Urgh. Adik ata ako?!" napasabunot ang sa buhok kong kulot na ngayon ay sabog-sabog na sa mukha ko.

"Sinong adik?" Bigla akong napalingon at nakita ko ang nakangiting mukha ni Devon sa may pintuan. Nakapamulsa siya at pansin na pansin kong ayos na ayos din ang damit niya ngayon na ragged style. Nakasuot siya ng light wash blue jeans kapares plain shirt na nakarolyo ang sleeves.

"Huh? Adik? Sinong adik? Hehe.," lumunok ako habang nakatingin pa din ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Ganito ba parati ang makikita ko sa umaga? Hindi pwede! Hindi dapat dahil baka tuluyan na nga akong maging manyak dahil kay Devon.

Unti-unti itong lumapit papunta sa akin at napalunok uli ako dahil sa temtasyon na nasa harapan ko. Habang papalapit siya sa akin ay nasipat ko na ang kabuan niya, jusko bakat ang muscles niya.

"Devon bakit nga pala ako dito natulog sa kama mo?" Napaatras ako ng upo sa kama dahil unti-unting nagkakalapit ang mukha naming dalawa. Napatitig ako sa mukha niyang makasalanan, napunta ang tingin ko sa mga mata niiyang nagmimistulang hinihipnotismo ako sa bawat tingin.

Napaatras pa ako ng kaunti ngunit nasa sukduan na pala kami dahil nakasandal na ako sa head rest ng kama.

"Hindi mo ba naaalala ang nangyari kagabi?" naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. Nakatawa naman ang mga mata niya at halatang pinipigilan niyang ngumiti.

"Nangyari kagabi?" nanlaki ang mga mata ko. Anong ginawa ko kagabi?

"Hindi mo ba naalalang uminom ka ng alak kagabi?" Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang nakatitig sa labi ko. Napalunok ako at naramdaman ko ang namumuong pawis sa noo ko.

"Uminom ako kagabi? Eh diba pinagbawalan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Nagpumilit ka kagabi kaya pinayagan na lang kita," mahina niyang turan habang tinititigan ako.

Uminom ako kagabi? Bakit hindi ko man lang maalala? Bigla akong napatingin sa kamay nito na gumagapang sa ilalim ng kumot.

"Anong ginagawa mo?" napatingin ako sa mukha niyang nakangiti habang nakatitig pa din sa akin.

"Ano sa tingin mo?" naamoy ko ang mabango nitong hininga habang sinasabi ang katagang iyon. Mabilis ko binaling ang mukha ko ng may kung anong pumasok sa utak ko dahil sa sinabi niya.

"Ahh please Devon wag." Mabilis kong tinakpan ng kumot ang sarili ko ngunit ilang sandali lamang ay wala akong naramdaman na paggalaw.

"I will not even dare to touch you if your that scared." Inalis ko ang kumot ngunit ang nakita ko na lamang ang cellphone na hawak-hawak niya ngayon. Iyon ba ang kinakapkap niya? Napahawak ako sa noo ko.

Ano bang iniisip mo Serena?!

"By the way, get ready because we are going somewhere." Pagkasabi niya ay lumabas na agad siya. At agad akong napasabunot sa buhok kong ngayon ay alam kong mas lalo akong naging bruhildang tignan.

Ang kapal naman ng mukha mo Serena. Wag kasing mag-isip ng kung ano-ano. Ugh. Nakakahiya lang talaga.

"I FORGOT something, sumakay ka na." Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi ko man lang natanong kung saan kami pupunta basta't nakita ko na lamang na nakahanda na ang lahat ng gamit namin at sinakay na sa kotse.

Saan kaya kami pupunta ni Devon? Ano kayang plano niya?

Napatingin ako sa driver namin na napansin kong kanina pa tumitingin sa banda ko. Nakaupo na ito sa drivers seat, medyo may edad na ito siguro matagal na itong nagsisilbi kay Devon.

"Nako Maam pasensya na po kayo at hindi ko man lang kayo nabati. Medyo matagal ko na din po kayong hindi nakita," ngumiti ang matanda sa akin at ganoon din ako rito.

"Kilala niyo po ako?" tanong ko.

"Naku Maam, oo naman po. Kayo ang asawa ni Sir Devon, siguro hindi niyo na po ako naaalala ngunit naaalala ko po kayo." magalang naman na sagot nito sabay ngiti.

Siguro dati pinagmamaneho ako ni Manong at medyo close kami kasi may nararamdaman ako ditong paggiliw.

"Naku Manong pasensya na po kayo at hindi ko kayo nakilala." Ngumiti ako ng matipod sa matanda.

"Naku Maam, ok lang po iyon. Nagpapasalamat nga po ako at nagbalik na kayo dahil nakikita ko na naman po ang ngiti ni Sir ngayon."

"Ano po iyon?" Ngiti ni Devon? Dahil sa akin?

"Kasi po Maam---" hindi na ito nakapagsalita ng tumikhim sa Devon sa tabi ko. Mabilis na humarap ang matanda na may kakaibang ngiti sa mukha, pinaandar na nito ang kotse. Napatingin ako kay Devon na ngayon nakatingin din sa akin.

"What?" tanong niya. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha niya. Lumapit ako at hinawakan ito sa noo.

"May sakit ka ba? Medyo kakaiba kasi ang kulay ng mukha mo, namumula." Tumikhim uli siya habang niraramdam kung mainit siya.

"Hindi, mainit lang kasi kaya ganito," hindi na lang ako umimik at ganoon din siya. Nakatalikod na siya sa akin ngunit napansin ko pa din ang lalo pamumula ng tenga niya. Napatingin ako sa rear-view mirror, kumindat sa akin si Manong at doon agad pumasok sa akin kung bakit namumula si Devon.

Natawa ako ng malakas at napatingin sa akin si Devon na may katanungan sa mukha. Umiling lang ako sa kanya at ayokong mas mamula ang mukah niya.

Ngayon ko lang narealize na sobrang cute ni Devon magblush.

Medyo tahimik ang buong byahe namin sa kotse dahil wala namang nagsalita sa amin, nakatingin lamang ako sa labas habang si Devon naman ay busy sa cell phone nito. Hindi ko na lang siya kinulit at sinundan ko na lang siya hanggang sa nakababa na kami ng kotse.

Hinawakan niya ang kamay ko habang kinakausap si Manong at napapansin ko ang pagtingin ng iilang tao sa amin kasama na doon ang mga babaeng iba ang tingin kay Devon. Kulang na lamang ay kainin nila si Devon sa tulis ng tingin nila sa katawan nito. Agaw pansin talaga ito. Nasa harap kami ng isang napakalaking building kaya madmai talagang tao.

"Manong alam na ninyo ang gagawin sa iilang maleta, mauuna na kami ni Serena sa loob," tumango ang matanda at ngumiti sa amin. Ngumiti rin ako rito habang nagsimula na rin akong maglakad dahil sa akay-akay nga ako ni Devon.

"Good Morning Sir," iilan din ang bumati kay Devon at sinagot naman nito ang bawat isa. Napakunot ang noo ko dahil lalong maraming tumititig rito lalo na pagngumi-ngiti ito. Malamyos ang titig ng bawat babae rito at nakakabwisit iyon. Oo nabwiwist ako at hindi ko alam bakit.

"Tigilan mo nga iyong pagngiti." Mabilis kong sambit ng makasakay kami sa elevator. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, huli na din dahil napatingin na siya sa akin.

"Stop what? Smiling?" tanong niya. Nakatingin siya ng ilang sandali sa akin at napangiti. Napatingin ako sa mga mata niya na may kung anong naglalaro sa mga ito.

"Ano?" tanong ko naman sa kanya na parang naasar imbes na maasar din siya sa akin ay natawa lang siya lalo.

"By the way, we're going on a vacation," bigla niyang sambit.

At doon napatingin ako sa kanya. Bakasyon?

"Talaga? Saan?" hindi ko alam ngunit medyo na-excite ako sa sinabi ni Devon sa akin.

"Sa hacienda ni Grandma," pagkasabi na pagkasabi niya ay biglang bumukas ang pintuan ng elevator. Sumunod na ako sa kanya pero napapaisip ako sa sinabi niya na pupuntahan namin.

Bakit may iba akong naramdaman sa sinabi niya? Bakit parang kinabahan ako bigla?