Chapter 22
SERENA's POV
"Are you okay?" pinahid ko ang tumulong luha sa mga mata ko bago lumingon kay Devon na ngayon ay nagmamaneho, hindi ko inaasahang magiging ganoon ang pangyayari kanina.
"Yeah, I'm okay. Thanks," pilit akong ngumiti ako sa kanya, tumingin siya sa akin at binalik ang tingin sa daan.
Ang hirap palang magkunwari na okay ka, ang hirap-hirap pala lalo na kung nasasaktan ng ganito. Simula ng magising ako sa ospital ay mukha na ni Renzo ang bungad sa akin. Sa araw-araw na nakasama ko siya, bawat ngiti niya ay nagpapasaya sa akin ng mga oras na iyon ngunit hindi ko alam na sa likod pala ng ngiting iyon ay isang magsinungaling na tao.
Ang sakit na malaman na ginamit at nagsinungaling sa iyo ang pinaka pinagkakatiwalaan mong tao. Sana man lang ay siya na mismo ang nagsabi sa akin ng totoo, hindi iyong ibang tao pa magsasabi sa akin. Ang sakit lang talaga dahil gawa-gawa lang pala ang mundong binuo niya sa buhay ko.
Galit ako kay Renzo, galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Bakit ginawa niyang magsinungaling at lokohin ako? Para lang ba pagsinungalangan niya sa pamilya niya? O natutuwa lang siyang paglaruan ako na parang isang manika na hawak sa leeg?
Siguro nanghihiyanang siya ngayon dahil wala na siyang mapaglaruan? Lahat din ba ng pinakita niya sa akin ay kasinungalingan? Lahat ba talaga? Wala man lang bang totoo sa mga iyon?
"Here," napalingon ako ng nagsalita muli si Devon. "Use this," napatingin ako sa hawak-hawak niyang panyo na inaabot sa akin ng kanan niyang kamay.
"Wag na," sagot ko pa habang pinapahiran ang iilang luhang dumadaloy sa pisngi ko gamit ang palad ko.
"Kunin mo na ito. Hindi pa rin pala nagbabago ang pagiging iyakin mo," napatingin ako sa kanya at nagulat dahil sa nakangiti siy. He's smiling face made me awed.
"Kukunin mo ba ito o hindi?" napatingin ako sa hawak niya na panyo at muling tumingin sa mukha niya, ganoon din siya sa akin, tumitig sandali at binalik ang tingin sa daan ng nag-go na ang stop light. Para akong nagising ng ngumiti siya sa pagkakahuli sa akin sa pagtitig sa mukha niya.
"Salamat," mabilis kong kinuha sa kamay niya ang panyo ngunit bago ko mailayo ang kamay ko sa kamay niya ay mabilis niya iyong nahalikan. Ngumiti lang ulit siya ngunit sa daan na ang tingin habang ako naman ay mabilis na nag-iba ng tingin.
"ARE YOU really my husband?" Nakatingin ako sa kanya habang nababakas pa sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya ako pagkabukas ng pintuan ng condo niya.
"Answer me," ngunit hindi man lang siya nakapagsalita bagkus ay nakatitig lang siya sa mukha ko habang ako ay mataimtim na nag-aantay ng isasagot niya sa akin. Napatitig din ako sa mukha niya, sa kanyang mga mata. Unti-unti akong humakbang palapit sa kanya at hindi ko rin alam bakit ko iyon ginagawa. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lumapit sa kanya.
Mababakas ko sa mga mata niya ang iba't-ibang emosyon at pakiramdam ko ay parang nalulunod ako sa intensidad ng titig niya katulad sa mga panaginip ko na paulit-ulit naglalaro sa isipan ko.
Ang mukha niya, ang tindig niya , ang pananalita niya ay sakto lahat sa lalaking nasa panaginip ko. Hindi ko man siya matandaan dahil malabo pa rin ang lahat sa akin pero nararamadaman ko na siya nga ang lalaking hinahanap ko.
"Yes, I am your husband," mabilis kong naibaba ang dalawa kong kamay at napaatras palayo sa kanya ngunit hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"Kung totoo iyang sinasabi mo bakit hindi mo ako hinanap? Bakit pinabayaan mo ako?" binalikwas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at lalong lumayo ngunit hindi na ako makalayo pa dahil hinila niya ako at sinandal ako sa pintuan.
"Hinanap kita, kung saan-saan kita hinanap ngunit hindi kita mahagilap. You were so good at hiding that even the best teams I sent just to find you gave up. Hinanap kita at ngayon nahanap na kita." Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto tumigil ang paghinga ko. Sobra akong nagulat sa sinabi niya.
Sinipat niya ako ng tingin sa mukha, hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagdaodos ng pisngi ko sa dibdib niya.
"Now I finally found you."
"WE'RE HERE," bigla anunsyo ni Devon kaya agad akong napatingin sa kanya ng binuksan niya ang pintuan ng kotse.
"Kaya ko namang buksan ang pintuan ng mag-isa," sabi ko pa habang inaalalayan niya ako gamit ang isa niyang kamay.
"You were kind of busy thinking thats why I made the move," nagkibit-balikat na lamang siya, napadapo na naman ang tingin ko sa mukha niya pero mabilis kong nilayo ang tingin ko at naunang maglakad papunta sa elevator.
"Thanks again, Devon." Sabi ko sa kanya ng makasakay na kami ng elevator.
"No, thank you for coming back Serena," inipit niya ang iilang buhok kong bumubuway sa mukha ko. Hindi ko alam kung saan ako naiiling sa pagtawag niy sa akin ng Serena o sa tingin niya sa akin o kaya naman sa ilang pagkakadikit ng mga balat naming dalawa na nagsasanhi ng ibang pakiramdam.
All of the above?
"I can take it from here," tumunog na ang elevator that means nasa floor na kami ng condo ni Renzo. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Gusto mo samahan kita? Something might happen," umiling na lang ako para hindi niya na dugtungan pa ang sasabihin.
"Hintayin mo na lang ako," ngumiti na lang ako at mabilis na lumabas sa elevator. Huminga ako ng malalim, inilabas ko ang spare key ng condo na binigay sa akin ni Renzo.
Kahit ayaw kong bumalik rito ay wala akong magagawa dahil kailangan kong kunin ang iilang gamit ko na ako talaga ang nagmamay-ari at hindi siya ang nagbigay o bumili. Nakita ko iyon sa drawer minsan at akala ko hindi akin ngunit ng mahalungkat ko na ay napag-alaman kong sa akin pala iyon. Ngayon ay nakalimutan ko lang dalhin kaya ito ako na nahihirapan akong bumalik sa condo niya.
Nabigla ako ng mapansin kong bukas pala ang pintuan. Naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko dahil alam kong nandito siya. Ang bilis naman niya.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at sinara iyon, agad kong nakita si. Renzo na ngayon ay nakatalikod sa akin.
Bakit ang bilis naman ata nitong makarating dito? Ngunit mas mabuti nga ito para makuha ko kaagad ang gusto kong kunin sa kanya. Nasa kanya ang susi ng drawer na iyon, pagkakuha na pagkakuha ko sa gamit ko ay aalis agad ako sa lugar na ito.
Huminga ako ng malalim at tumikhim na sakto lang na maririnig niya. Ngunit hindi man lang ata niya napansin ang presensya ko kaya inulit ko ang pagtikhim, maya-maya lang ay lumingon siya sa direksyon ko. Tumingin ako ng diretso sa kanya na ni walang ka ekspresyon-ekspresyon sa mukha.
"Solemn? Ikaw ba talaga iyan?" tumayo siya at naglakad ng papalapit ng papalapit sa akin.
"Its not Solemn, its Serena now. Call me by my real first name, Serena." Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko. Parang bulang nawala ang kagustuhang makita siya dahil nabuhay na naman ang galit sa puso ko dahil sa ginawa niya.
"Solemn, please just hear me out. Pakinggan mo naman ako," tinulak ko siya ng nagtangka pa siyang lumapit sa akin.
"Serena ang pangalan ko! totoong pangalan ko. And please just shut up dahil walang magbabago kung pakikinggan ko iyang explanation mo. The damage has been done ----" naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin na kahit anong tulak ko ay hindi ko man lang maialis ang mga braso niyang nasa bewang ko.
"No, please don't do this to me. Pakinggan mo lang ako kahit sandali lang, wag mong gawin sa akin ito please," pagmamakaawa niya sa akin. Hinalikan niya ang buhok ko habang nakayakap pa din siya sa akin. Tumulo ang mga luha ko ng marinig ko ang pagsusumamo niya, naramdaman ko na lang ang pagganti ng yakap ko sa kanya.
"Shh, please don't cry. Mas gugustuhin ko pang nakikita kong sinisigawan mo ako kesa tahimik kang umiiyak sa harapan ko." Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay. Hinalikan niya ang noo ko sumunod ang kanang mata ko at ganon din sa isa sumunod niyang hinalikan ang tungki ng ilong ko at huli ang labi ko.
Hindi ko na napansin na tumugon pala ako sa halik niya at nasa batok na niya pala ang mga kamay ko. Nararamdaman ko sa halik niya Ang iba't-ibang emosyon at nakikita ko rin iyon sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok sa utak ko ang pinanggagawa ko ngayon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mas lalong naging klaro sa utak ko ang pangyayari ngayon. Mabilis kong tinulak palayo sa akin si Renzo at pinahiran ang labi ko.
"Hindi ako nagpunta dito para makipaghalikan sa iyo, nandito ako para kunin ang iilang gamit ko na tinago mo." Bakas sa mukha niya ang pabigla dahil sa nga sinabi ko. Nakatitig lang siya sa akin, ni hindi man lang gumalaw.
"Give me the key of your drawer. Ako na lang ang kukuha," napatingin siya sa nakalahad kong kamay sa harapan niya at tumingin uli sa mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ibibigay mo ba o hindi?"
"Solemn..."
"Its Serena!" putol kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga siya at tumango.
"Serena, please just give me a chance to hear my explanation. Hindi ko naman intesyon na lokohin at saktan ka, hindi ko naman akalaing hahatantong ang lahat sa ganito.----" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil ayokong makarinig pa ako sa sasabihin niya dahil natatakot ako. Natatakot akong magbago ang desisyon ko at piliin ang mali.
"Again! I don't want hear you excuses. Tama na, please lang---"
"I love you Solemn! No Serena! Or whatever your name is. Mahal kita naiintindihan mo ba? Please wag mo namang sabihin iyan. Pakinggan mo lang ako kahit ngayon lang," bakas sa boses niya ang hirap. May isang parte sa akin na gustong pakinggan ang sasabihin niya ngunit mas malaki ang parte sa akin kung saan gustong matapos na ang kalokohan na ito. Kahit na anong pagsusumamo niya ay iling lang ang sagot ko.
"Mahal mo ako?" tumawa ako ng pagak. "Kung mahal mo nga ako sana hindi mo ito ginawa, o sana man lang sinabi mo agad sa akin ngunit hindi! Pinaglaruan mo pa ako pati ang nararamdaman ko. Tigilan na natin ito, tumigil ka na dahil kahit anong sabihin mo hindi na ako mapapaniwala ng mga kasinungalingan mo." Walang nagsalita sa aming dalawa ngunit maya-maya ay nilabas nito ang susi sa bulsa nito at pumasok sa isang kwarto.
Naghintay ako sandali at narinig ko na ang yabag niya. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nasa harapan ko na at inabot sa akin ang bag na hinihingi ko.
"What about your clothes?" tanong pa niya kaya ngumiti ako sa kanya.
"I don't need those clothes, I can afford to buy new clothes. Siguro naman sa pag-iibistiga mo sa akin nalaman mo na kaya ko bumili ng sarili kong damit?"
"Serena..."
"This is goodbye, Renzo." Tumalikod na ako at inilagay sa isang table ang spare key na hawak-hawak ko at naglakad palayo. At habang lumalayo ako sa kanya ay sabay naman ang pagtulo ng mga luha ko. Pinagalitan ko sa sarili ko dahil ayaw tumigil sa pag-agos ng mga luhang ito sa mga mata ko.