Chapter 21

SERENA's POV

Tikom bibig akong kumain ng hapunan namin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong tanungin sa kanya na purong kasinulangan lang ba ang pagkatao ko na ginawa niya.

Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko na nakatingin din pala siya sa akin.

"Anong iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

Napatigil ako sa pagsubo at binaba ang kubyertos sa pinggan ko. Ngumiti ako na parang normal lang ang lahat, ngumingiti ako dahil ayokong maghinala siya sa mga kinikilos ko.

"Wala naman," tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko ang pitsel ng tubig na wala ng laman kaya minabuti kong tumayo at kumuha sa ref.

"Ilang araw na kitang napapansing malalim ang iniisip, Solemn may naaalala ka na ba?" nakatalikod ako habang sinasabi niya iyon, gusto kong tumawa ng pagak.

Kung may naaalala na ako ngayon hindi na sana ako nahihirapan ng ganito. Gusto kong sabihin sa kanya pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit mo naitanong?" Humarap na ako sa kanya at inilapag ang pitsel sa mesa.

"Wala lang naman. Isang mabuting bagay kung may naaalala ka na." Ngumiti lang ulit ako ngunit gusto kong tanungin sa kanya kung maganda nga bang bagay ang mga maalala ko.

Tumayo na siya at inilagay sa bulsa niya ang ilang susi at cellphone. Tinulungan niya na ako na magligpit ng pinagkainan namin at maglinis ng mesa.

"Kaya ko na ito, sige na maligo ka na muna at maghuhugas muna ako ng pinagkainan natin." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba?" si Renzo.

"Oo naman, iilan lang ito. Sige na," pinagtulakan ko na siya para lang masunod ang plano ko. Kailangan kong makuha ang susing nasa kanya. Alam kong may tinatago siya sa drawer niya, doon kasi nakalagay ang mga dokuyumento ni Renzo pero nakalock iyon parati.

Pumasok na si Renzo sa kwarto at mabilis kong niligpit ang pinagkainan at pumasok sa kwarto. Naririnig ko ang pagaspas ng tubig sa banyo kaya minabuti kong kinuha ang ilang susi at naghalughog sa drawer na paratng nakalock.

Ayaw kong magmukhang may ninanawkaw kaya lang wala akong magagawa dahil kung gusto kong malaman ang totoo ay kailangan kong gumawa ng paraan. Ilang araw na din akong pasekretong naghahalughog sa buong condo at ang drawer na lang na ito ang hindi ko pa nagagalaw.

Ilang araw na din ang nakalipas ng makita ko ang lalaking iyon at nalaman ang tungkol kay Serena Xhen Yan.

Parang naestatwa ako ng mapansin ko ang isang folder na may nakalagay na Serena Xhen Yan. Mabilis ko itong kinuha at pinasadahan ng basa. Hindi ko alam kung gaano kabilis kong binasa ang lahat-lahat ng dokyumento, ang alam ko lang ay nagsinungaling siya sa akin.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa mga nabasa ko. Isang tanong lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon, isang salita lang. Bakit?

Itinaas ko ang isang necklace na rosas ang pendant at pansin na pansin ang pagiging diamond nito at katabi ito ng isang singsing. Hindi ko alam ngunit bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan ko ang singsing na iyon. Napatingin ako sa loob ng sising at binasa ang nakasulat roon.

Serena and Devon.

Napasinghap ako habang pumasok na ng malinaw sa akin ang lahat. Totoo nga, totoo ngang simula ng imulat ko ang mga mata ko sa ospital ay nabubuhay na ako sa kasinungalingan na plinano ni Renzo.

Kinuha ko ang necklace at inilagay sa bulsa ko. Madalian kong sinara ang drawer dahil alam kong papalabas na siya ng banyo. Inayos ko ang lahat at nahiga sa kama. Mabilis kong sinara ang mga mata ko ng marinig ko ang mga yapag niya at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama.

"Good night, Solemn," naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko.

Minulat ko ang mga mata ko at humarap sa akin ang kadiliman ng paligid, ang kadiliman na ito ay kapareho sa nararamdaman ko ngayon. Biglang nawala lahat ng pinaniniwalaan ko, biglang naglaho iyon lahat na parang bula. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang totoo sa hindi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang walang lumalabas na ingay sa bibig ko.

Kung isang masama man itong panaginip, sana magising na ako.

NATE's POV

Napatingin ako kay Solemn habang sinusuklayan niya ang mahaba niyang buhok na nakalugay lang ngayon. Seryoso siyang nakatingin sa salamin habang inaayusan ang sarili niya.

Nakatitig pa rin ako sa kanya ng humarap sa akin. She is wearing a simple floral cocktail dress and high heels, she's not wearing any makeup, and her long curly hair is loose in her back. She really defines the word 'natural beauty'. She's really a knockout.

"You look really beautiful right now," tumahimik ako at dinagdagan ang sinabi. "Well parati ka namang maganda kahit pajama lang ang isuot mo." Hindi ko nga alam kung saan ako humugot ng self control sa loob ng isa at kalahating taon at wala pang nagyayari sa amin. Hindi ko alam ngunit nasanay na akong hanggang simpleng halik lang ako sa kanya.

Maybe I don't want to entirely destroy our relationship right now, ayaokong sirain lang ang lahat ngayon wala pa din siyang naaalala.

"Thanks," ngumiti lang siya sa akin ng matipid at naglakad papunta sa kitchen.

Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang pananahimik niya at ang malalim na pag-iisip. Hindi ko alam ngunit parang unti-unti siyang nagbabago o baka guni-guni ko lang iyon?

"Let's go," tumango lang ako at sumunod sa akin. Papunta kasi kami ngayon sa isang hotel for a family dinner, gusto kong isama si Solemn para makilala na siya ng pamilya at para malaman nilang ayokong maakasal kay Rezzy.

I want to end this damn marriage thing that my family wants for me. At kung ano man ang mangyayari mamaya, kung hindi man kami tanggapin ay wala na akong magagawa. I will hold on to Solemn's hand no matter what.

Napatingin ako sa gawi ni Solemn na ngayon ay nakatingin lang sa bintana. Ano naman kaya ang iniisip nito?

"Are you enjoying the view?" nagsalita ako kaya napalingon siya sa akin. Kanina pa kasi siya tahimik habang nagmamaneho ako, parang ayaw niya tumingin sa akin.

"It was quite enjoyable to just look on the outside than looking at you." Kinabigla ko ang sinabi niya. Her voice sounded serious but then when I looked at her face she was smiling. Kung hindi ko lang alam na nagbibiro ay ay seseryosohin ko ang sinabi niya.

"Am I not handsome enough?"I jokingly asked. Tumingin ako sa kanya habang sinasabi iyon ngunit nakatingin na naman siya sa labas.

"Sawa na ako sa iyo." And again she sounded so serious.

"Sa kagwapuhan ko?" hinintay ko siyang magsalita muli ngunit hindi na niya ako pinansin pa. Hindi ko alam pero bakit parang may problema kaming dalawa. May sinabi ba akong mali ngayon lang? O may nagawa ako kanina?

Mabuti na lang at hindi kalayuan ang hotel na pupuntahan namin kaya hindi masyadong mahabang katahimikan muli ang naganap sa loob ng kotse. Napatingin ako sa kanya ng tinatanggal na niya ang seat belt.

"Ayaw mo bang pumunta tayo rito?" Maybe this is the reason why she's acting like this.

"Of course not, actually this is a good way for you to introduce me." ngumiti siya at naunang lumabas ng kotse. There is something in the way she smiles, its not genuine. Kakausapin ko na lang siya mamaya pag-uwi namin ng condo.

Papalapit na kami ng palapit sa table ng pamilya ko ng lumingon ako kay Solemn na diretso lang ang tingin. She really is like a walking goddess right now at gusto kong hugutin ang mga mata ng mga lalaking nakatitig sa kanya sa tuwing napapadaan kami. Can't they see na kasama niya ako?

"Dad and Mom, I want you to meet my girlfriend, Solemn." Tumingin lang sa akin si Daddy at si Mommy naman ay hindi man lang binigyan ng pansin ang sinabi ko. Napatingin lang ako kay Solemn parang wala lang din dito ang ginawa ng parents ko.

"Let's seat." Pinaupo ko siya sa katabi ko at ang kapatid ko habang kaharap sila Dad and Mom.

"So she's the one your bragging about," matalim na salita ni Mom habang nakatitig kay Solemn.

"Mom she has a name and its Solemn." Hinawakan ko ang kamay ni Solemn at tumingin rito. Ngumiti lang ako ng tipid at pinisil ang kamay niya.

"Why is she here anyway Nathaniel? This is a family dinner," Hindi pa rin tumitgil magsalita si Mom habang si Dad ay nakatingin lang din kay Solemn.

"Mom don't be like this. I want you to know her more at alam kong magugustuhan niyo si Solemn." I smiled confidently habang matalim lang ang tingin na binibigay sa amin ni Mommy.

"You woman, don't you know that Nathaniel has already a fiancée. Hindi ka man lang nahiya at nagpunta ka pa rito," diretsahang salita nito kay Solemn. Mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak kay Solemn na hindi man lang gumalaw at wala man lang ka ekspresyon-ekspresyon ang mukha.

"Mom!"

"Emilia enough," si Dad.

"What? I was just stating a fact. Totoo naman diba? Nathaniel already has a fiancée. Solemn is your name, right? Well, break up with my son because your relationship with him is just a farce. Or maybe I can offer money for you to break up with him?" Nanigas ako sa kinauupuan ko. How can Mom say all these things?

"I will not marry Rezzy at wala kayong magagawa sa desisyon ko. I want to marry Solemn and my decision is final." Wala na akong pakialam sa gagawin nila sa akin. Disowning me? Tsk, wala na akong pakialam.

"You're doing this for her? Nathaniel?" sigaw ni Mom sa akin.

"Nathaniel," sita naman ni Dad pero normal lang ang timbre ng boses nito

Naramdaman ko ang pag-kawala ng kamay ni Solemn sa pagkakahawak ko. Napatingin ako sa aknya ng magsalita siya.

"First of all, I know this is a family dinner. I don't belong in this family and I don't plan to be one. Kung ganitong pamilya lang naman ay wag na. Ayokong mapunta sa isang pamilyang hindi marunong rumespeto ng kapwa. Second, I will gladly hand Nathaniel to you, Mrs. Villaforte. Sa inyo na ang anak ninyong manloloko at manggagamit, kung gusto ninyo ipakasal niyo siya bukas, I don't care anyway. Last and foremost, hindi ko kailangan ng pera ninyo dahil sa totoo lang mas mayaman ako sa inyo."

"Solemn." Iyan lang ang tangging nasambit ko habang nanlaki ang mga mata ko What the hell is happening?

"Don't call me that! I'm not Solemn. I'm Serena Xhen-Yan." Siguro kung kutsilyo lang ang mga tingin niya ay kanina pa ako nakabulagta sa sobrang talim ng titig nito sa akin. Inabot ko ang kamay niya ngunit iniwas niya ang sarili sa akin.

"How did you know? Naaalala mo na ba ang lahat?" this is not what I expected. Hinuli ko uli ang kamay niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak pero tumayo siya at humarap sa akin.

"I remember everything Renzo, isang kang malaking manloloko at manggagamit. Don't even try to explain because now, I honestly don't care about it. Thank you for saving my life if you really did save my life that day and for all the expenses na nasayang mo sa akin, wag kang mag-alala babayaran ko iyan lahat at may interes pa. I will just deposit it in your bank account " Hindi ko maibukas ang bibig ko, tinanggal niya muli ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Serena Xhen Yan?" Narinig ko pang sinabi ni Mommy na parang nabigla din sa sinabi ni Solemn or maybe now, Serena.

"Shocked?" ngumiti lang siya na parang nang-uuyam. "It was nice meeting you all, enjoy your dinner, and enjoy the amenities of this hotel, this is my treat. If you don't know this is one of the hotels of my family. And I forgot to inform you Mrs. Villaforte that I can't marry Nathaniel because I'm already married, not to him but to someone else. His name is Devon Lorenzo Yan and there he is."

I can clearly see the hatred and anger in her eyes while looking at me and my mother.

"Solemn." Sabit ko na parang nagmamakaawang wag niya akong iwan.

"Serena, sorry if you waited long." Napalingon ako sa nagsalita. Lumapit ang lalaking nagngangalan na Devon kay Serena, hinawakan at hinalikan niya ang kamay ni Serena. Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa kamay nito.

"Nah, I was entertained so its okay." Parang tinusok ako sa puso dahil sa sinabi niya at sa pinapakita nitong ngiti sa lalaking hawak-hawak ngayon ang kamay niya. Napatayo ako ng hindi oras at tumingin lang sa akin si Serena na inakbayan na ngayon ng lalaking.

"Let's go," tumango si Serena at umalis na sila. Nawala na sila sa paningin ko ngunit heto nakatayo pa din ako habang nakatingin lang sa akin ang pamilya ko.

"Nathaniel.."

"Son.." Napatingin ako sa kanila. Ayokong magsalita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ngayon habang may natitira pa din akong respeto sa mga magulang ko.

Naglakad ako palayo, paalis sa lugar na ito habang bumabalik sa akin lahat ng sinabi ni Serena. I want to hit myself right now. Gusto kong may malabasan ng galit na ito dahil baka pumutok na ako sa sobrang galit. Galit sa sarili ko at galit sa magulang ko.

Is this my karma?