Chapter 20
SERENA's POV
I'm in a state of obliviousness.
"Hey, are you really going to be okay here?" napatingin ako kay Renzo ng hindi oras.
Hindi ko alam na nawawala na pala ako sa sarili ko sa sobrang pag-iisip sa kung anong nangyari kahapon. Hindi pa rin nawala sa isip ko na ako nga ang babaeng nasa magazine. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ng dalagitang babaeng nag-ngangalang Mazey.
"ANG GANDA mo po talaga sa personal. I'm really a big fan at sobrang nalungkot ako ng malaman kong wala ng sumunod sa mga magazines mo ng kinasal ka."
"Ohh, I'm married?" medyong patanong ko pang pagkakasabi sa kaynya. Medyo napansin niyang nabigla ako sa sinabi niya ngunit pinagpapatuloy niya ang pagsalita at pagkwe-kwento sa akin.
"Yeah ate, kaya nga po ang pangalan niyo ay Serena Xhen-Yan kasi asawa niyo na po ang napaka gwapong si Devon Lorenzo Yan. Crush ko po siya pasensya na ate," tumingin siya sa sahig na parang nahihiya sa huli niyang sinabi. Hindi ko na pinahalata ang pagkabigla ko dahil paniguradong mahahalata na ako
Kasal?
"Ah may magazines ka ba ng kasal ko?" Ngumiti ako sa kanya at sumakay na lang sa sinasabi niya. Gusto ko pang malaman ang tungkol sa babaeng tinutukoy niya na ako. Hindi pa din ako naniniwalang iisa kami.
Paanong kinasal ako at hindi si Renzo ang lalaking tinutukoy niya?
"Meron po kaya lang nasa bahay namin wala dito. Dalhin ko bukas ate at tignan mo po?" Napangiti ako habang nakatingin kay Mazey habang ngumiti pa sa akin habang kumikislap ang mga mata kaya naman agad akong tumango na kinatuwa niya lalo.
"Sige okay lang ba na pumunta uli ako dito bukas ng ganitong oras?" I'm curious in a lot of things about myself, if its really me she is talking about.
"Sige ate ah! Hintayin kita dito bukas," tumango na lang ako kay Mazey at tumayo na para magpaalam at makabalik na sa condo unit namin ni Renzo.
PARANG BUMALIK ang pag-iisip ko ng tapikin ako ni Renzo sa balikat.
"Syempre naman, manonood lang ako ng mga movies dito." Inilayo ko ang tingin ko sa kanya at naglakad palayo papunta sa tv rack. Nasa baba kasi ang mga dvd's ng iba't-ibang movies kaya naisipan ko na maghanap ng magandang papanoorin.
"Are you sure you don't want to go shopping? Mamili ka ng kahit na anong gusto mo," si Renzo.
Kung susundin ko ang gusto mo papaano pa ako makakapunta kay Mazey.
Iyan sana ang gusto kong isagot sa kanya pero ngumiti na lang ako at humarap sa kanya.
"Alam mo naman hindi ako mahilig sa ganyan-ganyan diba? Nagsasayang ka lang ng pera. So go and don't worry too much." Nagpout pa siya habang ako ay natawa lang. Alam ko namang nag-aalala siya sa akin at natutuwa ako sa pag-aalala niya. Ang cute niya lang.
"Ah ayaw talaga kitang iwan ng mag-isa dito pero wala akong magawa." Niyapos niya ako at niyakap, napatitig ako sa mga mata niya.
"Renzo--" hindi mo namang magagawang magsinungaling sa akin diba? Gusto ko sanang idutong iyab sa sasabihin ko ngunit natatakot ako kung ano ang pwede niyang isagot sa akin. At mas natatakot akong isipin na totoo nga ang sinasabi ni Mazey, natatakot akong malamang kasinungalingan lang ang lahat, na niloloko ako ni Renzo.
"Hmm," hinintay ko pa ang sasabihin niya at umiling lang ako. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin habang nagkatitigan pa din kami. Konti na lang at magkakadampian na ang mga labi natin ng bigla akong lumingon ako sa ibang direksyon.
Hindi ko maintindihan ang ginawa kong aksyon ngunit isa lang ang malinaw sa utak ko. Naaalala ko ang mainit na titig at halik sa akin ng lalaking nasa panaginip ko.
I was making love to a guy who I dont know literally dahil hindi ko makita aang mukha niya. At ang malala pa ay sa mga panaginip ko ilang beses namin uyon ginagawa. It felt so real, sa bawat paggising ko sa panaginip ko ay ramdam ko pa rin ang bawat haplos ng lalaking iyon sa katawan ko.
Hindi ko alam kung totoo iyon o gawa-gawa lang ng utak ko. Ni hindi ko nga maalala ang mukha niya ngunit naaalala ko ang lahat ng ginawa namin sa panaginip ko.
"Sige na, malalate ka na sa pupuntahan mo," tumalikod na ako sa kanya at naupo sa sofa. Ayaw ko ng humarap pa sa kanya dahil alam kong namumula na ang buong mukha ko dahil sa alaalang iyon.
"Sige," naramdaman ko na lang ang pag-alis niya at pagsara ng pintuan. Naghintay lang ako ng mga sampung minuto at umalis na na rin ako ng condo para pumunta kina Mazey.
Pinindot ko na ang elevator ng ilang beses ngunit hindi pa din iyon nagbubukas. Hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Excitement? Anxious? Aaminin ko naman sa sarili kong gusto kong malaman kung sino ang lalaking sinasabi ni Mazey sa akin.
Hindi ko alam ngayon bakit parang hindi ko mahintay na makita ang mga litrato ng babaebg sinasabi ni Mazey ba ako at ang lalaking asawa nito. Ano bang meron sa lalaking iyon?
Narinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng elevator.
Parang slow motion ang lahat ng bumukas ang pintuan ng elevator. Napatigil ako sa paghinga habang nakatitig sa pamilyar na mukha ng isang lalaki, his stare was so intense ngunit hindi ko magawang mailayo ang tingin ko sa kanya, there is something about the way he looks at me. I seem not to get enough of it.
Bumaba ang tingin ko mula sa mata niya papunta sa ilong at nga mapupulang labi niya. Sa tingin ko ay nagpapaluhod ng maraming mga kabaro ko ang lalaking ito, sa buhok niyang itim na itim, sa perpektong tangos ng ilong niya, sa pisngi niyang pisngi ata ng isang bata sa ni isang pimples o black and white heads wala at sa labi niyang mapula na tinalo pa ata ang akin. He's face is not just his features but he is also tall and he has this intimidating look since he's wearing a three piece suit that perfectly fits his perfect body.
Shit, bakit parang ang manyak ko?
"Sasakay ka ba o hindi?" Hindi ko alam kung napatalon ba ako dahil sa narinig ko siyang nagsalita habang nakatitig pa din sa akin.
"They say its rude to stare but for you its an exception." Napalunok ako ng biglang pumasok sa utak ko ang sinabi niya sa akin. Sana lamunin na ako ng semento ngayon dahil sa sobrang kahihiyan na ginawa kong pag eksaminsa sa lalaking ito ngayon lang.
Alam kong pulang-pula na ang mukha ko, nagkukumahog akong sumakay sa elevator at medyo pumunta ako sa gilid para malayo ng kaunti sa lalaking nasa tabi ko ngayon dahil sa hiyang-hiya ako.
Lalapit na sana ako para pindutin ang floor kung saan ang condo ni Mazey ng mas naunang makalapit ang lalaking ito sa mga pindutan at lumingon sa akin.
"What floor?" and once again hindi lang ang nakalulunod ang titig niya kundi pati ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko habang nakatitig at naririnig ang boses ng lalaking ito. His voice is so masculine and sounds so familiar but I can't seem to remember him.
Hindi ko alam bakit hindi ko mailayo ang tingin ko sa mga mata niya na parang na hipotismo ako sa titig niya. Staring at him won't bore me at all, staring at him is like a natural thing for me. Biglang nanlaki ang mga mata ko na parang nasampal ako sa mukha dahil sa naisip ko.
Hindi ko man lang kilala ang lalaking ito pero kung ano-anong na ang pinag-iisip ko.
Stop it Solemn!
Tumikhim ako at tumingin na ibang direksyon.
"25 floor," sagot ko naman sa kanya habang nakatingin lang sa pintuan ng elevator. Patuloy lang ako sa pagtitig sa pintuan ng elevator kahit ilang na ilang na ako sa pagtitig niya sa akin, alam kong nakatitig siya sa akin dahil nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Iyong tingin ba naman kasi niya parang hinahagod niya ako mula ulo ang hanggang paa.
Hindi ko mapigilang mainis dahil sa ginagawa niya ngayon, alam ko namang tinititigan ko siya ng mabuti kanina at siguro naman sa tama ng pagtitig niya ngayon dahil sobrang tagal na naman ata.
Naiinis ba talaga ako o nagugustuhan ko din ang pagtitig niya? Gusto ko na talaga tampalin ang sarili ko.
Napatingin ako kung nasaang floor na kami at hindi ko napigilang mapapadyak ng nasa 19 floor pa pala kami. Bakit ba ang bagal ng elevator na ito at bakit ba hindi pa bumababa ang lalaking ito?
Atat naman Solemn. Ang landi ng isang parte ng utak ko. Wag daw muna, gaga lang. Nakakainis na nakakahiya ang pagtitig niya sa akin at hindi ko alam kung makakayanan ko ang klaseng tingin na iyon.
"Can't wait to get rid of me?" Napatingin ako sa kanya at unti-unting kumunot ang noo ko ng mag-sink in sa utak ko ang nasabi nito.
"Sinabi ko ba iyan?" balik sagot ko naman. Pansin na pansin ba talaga sa akin na paalisin ang lalaking ito? Atska bakit parang mukhang nahihiya pa ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"I can feel it," I don't know why but I like listening to his voice. Its kinda odd, what I'm feeling right now is so odd. Pakiramdam ko inaakit niya ako ngayon.
Hindi na ako nagsalita pa para sagutin siya dahil baka kung ano pa ang sabihin ko na hindi ko magustuhan kaya pilit kong tinikom na lang muna ang bibig ko. Hindi ko napansin na nasa 24 floor na pala kami papunta sa 25 floor.
Nakahinga ako ng malalim dahil sa isang floor na lang at makakalabas na ako rito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sirko-sirko ang pakiramdam ko ngayon.
Mabilis ako lumabas ng bumukas ang pintuan ng elevator at ng madaan ko siya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa ilang hibla ng buhok ko. Napatigil ako sa paglalakad at napalingon ako sa gawi niya.
Nabigla ako ng inamoy niya ang ilang hibla ng buhok ko at dumaan iyon sa labi noya na parang hinahalikan niya iyon. Mabilis kong binawi ang tingin ko at naglakad na palayo.
Bago pa man sumara ang pinto ay napalingon akong muli dahil sa hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nabigla ako dahil nakatitig pa rin siya sa akin, iyong klase ng tingin na kahit sinong babae ay bibigay at kasama ako roon.
At bago pa man pumasok ulit sa utak ko ang naisip ko ay nagsalita siya na mas lalong kinabigla ko.
"I'll come and get you Serena."
Patuloy lang ang pagtitig ko sa nakasarang elevator dahil sa sobrang pagkabigla sa sinabi niu. Anong sinasabi niya? Serena? Pero hindi ako si Serena.
Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko ng biglang nagkonekta ang mga ideya sa isipan ko. Those eyes and voice!
The way he looked at at me was so familiar since it was the same as the guy in my dreams.
Serena...
Paulit-ulit naglalaro sa utak ko nag pag banggit niya sa pangalang ito. Alam kong hindi ako nagkakamali kasing parehong-pareho ang boses niya sa lalaking nasa panaginip ko. Naglalaro sa utak ko ang boses nilang pareho. Para akong nababaliw sa mga naiisip ko ngayon.
"Ate.." Napatalon ata ako sa sobrang pagkabigla dahil sa may tao sa likuran ko.
"Oh, Mazey.."
"I'm sorry to startle you. Halika na sa loob para makita mo na ang ilang pictures na nasa magazine." Ngumiti siya sa akin at hinahawakan ang kamay ko at hinatak ako papunta sa condo nila.
Binuksan na niya ang pintuan at pumasok na kami, mabilis akong naupo sa sofa at ganoon din ang ginawa ni Mazey.
"Look Ate, collection ko talaga iyang pictures mo," inabot ni Mazey sa akin ang isang magazine na tungkol sa weddings at binuklat niya ang ilang pages at hinarap sa akin.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa isang litrato na naroon ako at nakasuot ng wedding dress na naglalakad sa isang altar. Binasa ko ang ilang captions doon at nakalagay nga ang isang pangalang Serena Xhen Yan.
Nilipat ko pa sa sumunod na page at lalo kong kinagulat ang nakita ko. Ngayon alam kong tumigil nga ang paghinga ko.
"Bagay na bagay talaga kayo Ate! Ang gwapo talaga ni Devon Lorenzo Yan, ang asawa mo."
Hindi ko na napansin ang sinabi niya dahil napatitig na lang ako sa nakangiting litrato ko habang nakahawak sa bewang at katabi ang isang lalaking nagngangalang Devon Lorenzo Yan. Kung hindi ako nagkakamali ay sobrang laki nga ng kasalang nangyari dahil sa engrande din ang dating nito. The groom just looks so handsome and ravishing, in one word he is hot as hell.
At ang lalaking tinutukoy ko ay walang iba kundi ang lalaking nakasabay ko sa elevator.
This is just a dream, right?