Chapter 19

DEVON's POV

"Do you honestly think na wala akong alam?" Nakatingin ako kay Rezzy ng diretso at ganoon din siya sa akin. She looked at me blankly.

"What are you talking about Devon?" Nakataas na ngayon ang kilay niya sa akin habang kinuha ang kakaorder lang na kape. "And why the hell am I here with you? Akala ko kasi ayaw mo akong kaharapin," mataas niyang sbai sa akin na may paka-sarcastic pa ang boses pero hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"I just have this one question that you need to answer. This will benefit both of us, kung gusto mong makita uli si Serena." Alam kong mapapasalita ko siya. At kitang-kita naman sa mukha niyang may alam nga siya.

"What? Gusto kong makita si Serena. Sige sabihin mo na agad sa akin." Bulaslas niya. I knew she would want to know where Serena is.

"Tinulungan mo ba si Serena sa pag-alis niya ng bansa?" Oo alam kong may kinalaman si Rezzy sa pag-alis ni Serena dahil best friends sila ang dalawang iyon.

"Oo, tinulungan ko siya," bumuntong hininga siya. "I don't want to tell you this since I promised Serena that I'll keep my mouth shut but I think this is the right thing to do." Napaisip ako sa sinabi niya. Serena asked for some favor? this is new. Dahil kahit kailan ay hindi humingi ng pabor si Serena pero 'di na ako nabigla lalo na't si Rezzy lang naman ang una nitong malalapitan.

"What is it?" Tanong ko sa kanya kasi alam kong mag idudutong pa siya sa sasabihin niya sa akin.

"I gave her a new identity, a new name, new everything. Sa panahong nasa puntong nahihirapan siya dahil sa hinihingi mong annulment ay tumakbo siya sa akin. She loved you too much and she was hurt at the same time, kahit hindi siya nagpakita ng isang luha sa harapan ko ay kitang-kita kong sobrang sakit ng nararamdaman niya and so I gave in and told her that I would help her."

Hindi ako makapagsalita, Alam ko namang sa simula palang ay puro pasakit na ang binigay ko sa kanya. At first, this was just all a game to me but then when I spend more time with her I realized that she's an important person in my life.

I let her go because that was the right thing, iyon ang naiisip kong paraan para maging maayos siya, para hindi ko na siya masaktan pa. Ngunit paulit-ulit kong tintanong ang sarili ko kung tama ba ang ginawa ko?

Sa buong buhay ko hindi pa ako nagkamali ng desisyon, pakiramdam ko ngayon pa lang at iyon ay no'ng pinalayo ko si Serena. Never did I have second thoughts about my decisions in life and even in business but when it comes to Serena, everything changes. Parang lahat ng gagawin kong desisyon patungkol sa kanya ay kailangan kong pag-isipan dahil isang maling desisyon ko lang ay mawawala siya sa akin.

Noong mawala siya sa akin pakiramdam ko nalumpo ako, the first 3 months na tumira ako sa bahay namin mukha niya parati ang nakikita ko sa bawat sulok ng bawat kwarto ng bahay. Kahit saan ako tumingin at tumingin siya ang nakikita ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

All along I was thinking that it was just memories of her and nothing more. I believed that I can forget her face and every inch of her body. Every night was like torture, ni hindi nga ako makatulog ng maayos. Kaya nilulunod ko na lang ang sarili ko sa alak para kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman ko.

I tried to date different women, beautiful and sophisticated ones but no one can compare to her. Ni wala akong maramdaman na pagkagusto ni isa sa kanila kaya tinuon ko na lang ang sarili sa pagtra-trabaho. And it dawned me, she was my life, my world and without her in it, I am completely lost.

"Devon? Are you even listening?" Napatingin muli ako kay Rezzy na parang nagising ako sa pag-iisip.

"What is her new name?" Now I know what I have to do.

"Huh? Oh its Solemn De Vega." Sagot naman niya.

"Ihahatid ka na driver na papunta na dito." Tumayo na ako ako at tinalikuran siya. "By the way, thanks." Nagsimula na akong maglakad palayo ng napatigil ako ng marinig kong magreklamo si Rezzy.

"Akala ko ba makikita ko siya pag sinabi ko ang impormasyon na kailangan mo?"

"You will," muli akong naglakad ng marinig ko ang huli niyang sinabi.

"I knew the two of you would still end up together basta wag mo lang siyang saktan ulit kasi ipapa-assassinate na kita at hindi ako nagbibiro." Pahabol pa niya na kinangiti ko..

"Yes?" Sinagot ko ang phone ko ng mag-ring. Nagmaaneho na ako ngayon pabalik sa opisina.

"I got a series of videos and information about the guy you told me, Sir." As expected of my security team.

"Send them straight to my office, Fred." Lumiko ako sa may kanto, after a minute, I can see the building of my office. I can't wait to see this information.

"Yes, Sir."

"Once again I need your service, check the name Solemn De Vega in the list of people who traveled abroad and send me the information of her whereabouts that time. I need it ASAP." I ended the call and headed for my office.

Sumakay na agad ako sa private elevator ko na diretso lang sa office ko miminsan ko lang ito gamitin pag nagmamadali ako, I usually use the public one but right now. I need to see those files.

Dumiretso ako sa office ko, Jane greet me at tumango na lamang ako. As I was reading about the guy's information na kasama ni Serena, nakuha ng pangalan niya ang atensyon ko.

Huh. So that was why he called her Renzo. The guy's name is Lorenzo Nathaniel Villaforte.

Ngunit hindi lang iyon ang pumukaw sa atensyon ko. Napangiti ako ng mabasa ko ang nasa ibabang nakasulat doon.

Lorenzo Nathaniel Villaforte is engaged with Rezzy Yeung.

This is gonna be interesting. So interesting.

SERENA's POV

"Renzo.." Habol ko sa kanya habang dala-dala ang cellphone niyang naiwan. I decided na habulin siya dahil kakasakay lang naman niya sa elevator. Paniguradong pag napansin niyang naiwan ang cellphone niya ay babalik pa soya sa condo.

Mabilis akong sumakay sa elevator at mabilis din akong nakarating sa lobby. Nagmadali akong naglakad at tinawag ang pangalan niya.

"Renzo." Medyo napalakas ang pagsigaw ko sa pangalan nito. Lumingon naman agad siya sa akin dahil sa narinig niya agad ang boses ko.

"O bakit ka tumatakbo?" humarap siya sa akin na may pag-aalala sa mukha. Ang gwapo talaga ng lalaking ito.

Fresh na fresh kasi ang aura nito, may pupuntahan daw kasi siyang importate at sandali lang daw siya.

"Nakalimutan mo ito oh!" inabot ko sa kanya ang cellphone, kinuha niya naman agad at hinila ang kamay ko. Niyakap niya ako sandali at hinalikan sa noo.

"Sige na, akyat ka na." ngumiti siya sa akin. Nitong nakaraang araw ay mukha problemado si Renzo ngunit sinasabi niya sa aking wala naman daw kaya pinagkibit balikat ko na lang.

"Opo, ingat ka." Sabi ko naman sa kanya. Sumakay na ako ng elevator ng may sumabay sa aking isang dalagitang babae. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa sumara na ang elevator kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ahh.. Ehh diba ikaw po si Serena Xhen Yan? Tama ikaw nga po iyong idol ko." Napakunot ang noo ko at the same time napangiti ako. Ang cute kasi ng batang ito habang nakatingin sa akin.

"Huh?" Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Sino daw?

"Pwede po bang pa-autograph man lang?" Ngumiti pa siya sa akin habang ako ay nalilito sa sinasabi niya.

"Sino?" naiilang kong ngiti.

"Halika ka po dito." Mabilis akong hinila ng dalagitang babae papasok sa loob ng condo nito. "Okay lang po na papasukin ko kayo kasi wala pa naman sila Mama tsaka kilala ka ng mga iyon."

Pinaupo niya ako sa sala nila at napatingin lang ako sa paligid habang pumasok ang ang dalagitang babae sa isang pinto, may kukunin lang daw siya. Kaya naman ay tumingin-tingin na lang ako sa paligid. Ano bang ginagawa ko rito?

Napatingin ako ng inilapag niya ang dalawang magazine na puros ako ang nasa harap ng pahina at nabigla ako ng makita ko ang sarili ko. Ako ba talaga iyan? Oo nga mukhang ako iyang nasa picture.

Ang naalala ko lang ay iyong kasama ko si Renzo at hindi mga ito ang kuhang iyon. Ibang-iba ang mga ito.

"Ahm, pwede po bang ate Serena ang tawag ko sa iyo? Kung ok lang naman?" Timango ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil nakatingin lang ako sa mga magazines..

"Ano kamo ang pangalan ko?" Serena? Eh si Solmen ako.

"Serena po, Serena Xhen-Yan"

Binasa ko ang nakasulat sa cover ng magazine, ako ba talaga ito? Pero hindi ito ang pangalan ko. Mabilis kong tinitignan ang loob ng bawat magazine at merong mga ilan-ilang nakasulat roon tungkol sa nagngangalang Serena Xhen-Yan.

Serena Xhen-Yan? nut I'm Solemn Grey.

May kambal kaya ako?